Forum Download app Gifts

Read FALLING FOR A TYRANT (To be Archived) - Chapter 6 online

Chapter 6: Tansy

"ANONG ginagawa mo d'yan, Beatrice?"

Kamuntikan nang mailaglag ni Beatrice sa sahig ang isang piraso ng fried chicken. Bigla kasing dumating ang kanyang Tita Mabel at inabutan siya nitong naglaglagay ng pagkain sa dalawang lunch box.

"Ah, eh, Tita, nagugutom po kasi ako eh. Kulang po sa 'kin 'yung kinain nating lunch kanina," pagdadahilan niya.

"Palagi ka naman talagang konti kung kumain ng tanghalian nitong mga nakaraang araw." Ngumiti ito saka dumeretso sa ref. Inilabas nito ang chocolate cake at ang malaking slice na ibinawas nito roon ay isinilid nito sa isang tupperware.

"Mabuti pang bigyan mo na rin siya ng dessert," wika nito.

"Po? S-sino pong sinasabi niyo?" pagmamaang-maangan niya.

"Sino pa, eh 'di 'yung batang lalaking pinatakas mo noon."

Naalala niya ang gabing una niyang nakilala si Gabriel. Buong magdamag silang nagkuwentuhan noon hanggang sa makatulog siya sa labas ng bahay. Kinaumagahan, tinupad niya ang pangakong patatakasin ito. Palihim siyang pumasok sa kuwarto ng kanyang natutulog na lolo at kinuha ang susi ng bodega. Galit na galit ang lolo niya nang sa paggising ay hindi na nito dinatnan si Gabriel.

Ang Tita Mabel niya ang siyang umako sa kanyang ginawa.

"A-Alam niyo po, Tita?"

Ngumiti ang kanyang tiya. "Sa tingin mo ba hindi ko alam na ilang araw ka nang pumupuslit palabas ng bahay para lang makipagkita sa kanya? Alam ko rin na kaya dalawa ang lunch box na binabaon mo ay dahil lagi mo siyang sinasabayang kumain."

"N'ung tumagal po kasi, tinatanggihan na niya ang mga pagkain na ibinibigay ko. Nahihiya na raw po siya. Kaya ang sabi ko, hindi ako kakain kung hindi niya ako sasabayan." Isinara niya ang dalawang lunch box. "Teka, Tita, hindi po ba kayo galit?"

Umiling ito. "Minsan na rin akong nagkaroon ng kaibigan na katulad ni Gabriel kaya naiintindihan kita."

"Talaga po? Nasaan na po siya?"

Sandaling bumakas ang lungkot sa mga mata ng kanyang tiya. Maya-maya ay humarap ito sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. "Papayagan kitang makipagkita sa kanya. Pero sa susunod, magpapaalam ka na sa 'kin ha. Kapag nalaman ng lolo mo ang tungkol dito, siguradong magagalit 'yon at baka... kung ano pa ang gawin niya kay Gabriel. Mabuti nga at nakumbinsi ko siya na 'wag nang ipahanap ang batang 'yon eh."

"Bakit po ba siya galit na galit kay Gabriel, Tita? Hindi naman po natuloy ang pagkuha niya sa mga alahas eh."

Napabuntung-hininga ang Tita Mabel niya. "Dahil ayaw niya sa mga taong... hindi natin kagaya ang estado sa buhay."

"Ano naman po kung mayaman tayo at mahirap siya? Mabait at masipag po si Gabriel. Mas gusto ko pa nga po siyang kasama kaysa sa mga kaklase ko na ubod ng yabang."

Natawa ang kanyang tiya. "Wala namang problema kung makipagkaibigan ka kay Gabriel. 'Wag mo na lang sanang ilapit masyado ang loob mo sa kanya. Bata ka pa kaya hindi mo pa masyadong naiintindihan. Pero magkaiba ang mundo ninyong dalawa."

***

KABILAAN ang salpukan ng champagne glasses at paghahagis ng confetti sa buong opisina. People ordered pizza, some bought a huge cake with the words, "SUCK IT, LR" piped on it. Luxxa Ray would have been spelled out if the PR Team hadn't given them the stink eye. Masaya ang lahat ng empleyado dahil hindi na matutuloy ang kinatatakutan nila. Luxxa Ray had backed down, and Leonell—due to some divine intervention—was saved from their vile, greedy claws.

Opisyal na kikilalanin ng consumers ang inilabas nilang collection. They heard that Luxxa Ray already dealt with the guests and media they had invited for the private exhibit.

"I wish I'm giving a speech for much better circumstances. I hate to celebrate a victory over something that shouldn't have happened in the first place. Though we can all pretend that this is an extension of the party we had after the product launch," panimula ng CEO ng Leonell sa harap ng mga empleyado. Miss Amelia was a short, plump woman in her late sixties. Maiksi ang kulay-abong buhok, at hindi maikakaila sa mukha ang pagiging purong pinay. She wore the first set of jewelries her husband had gifted her. Simple, pero puno ng masasayang alaala.

"Now, I know that everyone here is displeased with what Ms. Vanessa Hoang did. But I strongly advise that you all refrain from badmouthing her inside the office. Do not harass her through social media—especially not in person." Tinapunan ni Miss Amelia ng pasimpleng sulyap si Beatrice.

Tinapik ni Beatrice ang tiyan ng katabi.

Jeremy winced. "Aw!"

"You told her?"

"We remotely asked for a suspicious two-hour lunch earlier. Nagtanong siya, sumagot ako," depensa nito. "You're my bestfriend, Bee. Pero siya ang big boss."

So much for always having her back. "I hate you, Jer."

Ngumiti ito. "Love you too, Bee."

Miss Amelia's speech ended with another toast.

"To Leonell!" sigaw ng lahat.

"Hindi ka ba nagtataka, Jeremy?" tanong niya sa lalaki.

"Nagtataka saan?"

"Kung bakit nagbago ang isip ng Luxxa Ray?"

Sandaling natigilan si Jeremy. Kapagkuwan ay nagkibit-balikat ito. "Baka late lang nilang na-realize na bad move pala 'yung ginawa nila. It doesn't matter. Sila rin naman ang namerwisyo sa sarili nila eh."

Miss Amelia moved away from the crowd and Jeremy took over the stage—literally stepping up on a swivel chair—to give whatever the hell of speech it was. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Ngingiting napailing na lamang si Beatrice. Hindi siya magsasawang sabihin na napakasuwerte niya na naging bahagi siya ng Leonell. They became her second family. They became her motivation to turn into a better version of herself. Lahat ay gagawin niya para maprotektahan ang kompanya.

Nakita niyang pumasok si Miss Amelia sa opisina nito. Sumunod siya roon bitbit ang kanyang champagne glass. Salamin ang pinto at dingding ng opisina ng ginang kaya't madali nitong nakita ang pagkatok niya sa labas. Ngumiti ito at sinenyasan siyang pumasok.

The noise became fainter when she closed the glass door. Iginiya siya ni Miss Amelia na umupo sa leather couch. Tinabihan siya nito. Both of them faced the merry crowd outside. May mga nagsasayawan na sa gitna.

"Hindi ko alam kung paano ako napapayag ng mga batang ito na gawing party zone ang opisina," napapailing na sabi ni Miss Amelia matapos ilapag ang stem glass nito sa mesa. Kahit ilang dekada na si Miss Amelia sa Sergonia ay matatas pa rin itong mag-Tagalog. "Inaabuso na nila masyado ang kabaitan ko ah. Mabuti na lang talaga at hindi kami nagkaanak ni Tobias. Baka maaga akong na-stress sa buhay."

Natawa si Beatrice saka sumimsim ng champagne. Maya-maya ay seryoso siyang napayuko sa baso. "Pasensya na po sa ginawa namin ni Jeremy kanina. Hindi ko lang po talaga napigilan ang inis ko nang malaman ang ginawa ni Vanessa."

"Sa totoo lang hindi ko gusto ang ginawa n'yong pagkompronta sa kanya. You should've left the poor girl alone." Miss Amelia heaved a sigh. "Hindi ko masabi na nasorpresa ako sa ginawa niya. The young lady was aggrieved. Noon pa lang na nagpahiwatig ako na ikaw ang ipapalit kong COO kay Mr. Bohr, nakita ko na ang disappointment sa mukha niya. Did you know that she came to my house that night? She had been honest and still polite when she told me that she deserves the position too. Sa totoo lang, kung wala ka siguro sa kompanya, baka siya nga ang in-appoint ko na COO."

"But then, I wouldn't have the chance to promote anyone anyway. Kung hindi kita nakilala... kung hindi mo tinanggap ang alok ko noon sa Pilipinas, hindi mabubuhay muli ang Leonell. You're the one who gave us hope, Beatrice."

Hinaplos ang kanyang puso sa narinig. "Thank you, Ma'am. Pero hangga't maaari po sana, ayokong akuin ang lahat ng credit. Hindi lang naman po ako ang nagtrabaho nang mabuti para maging posible ang lahat ng achievements natin ngayon. You've been a wise CEO. Jeremy, Miss Olive, Mr. Scott... and everyone. They all did their part. Everything here is not just because of me."

"Alam mo, hindi ka makakapagasawa sa pagiging sobrang humble mo niyan," biro ng ginang na ikinangiti rin niya.

"If I'm being honest, Ma'am, ako ang mas dapat na magpasalamat sa inyo. You came at the time when I was already giving up on life." Lumamlam ang kanyang mga mata nang maalala ang mga nangyari sa kanya sa Pilipinas. She felt so cursed. "Leonell made me feel like living again. Kaya sobrang bigat po sa loob ko na nagkaroon tayo ng ganitong issue."

"Huwag mo nang masyadong isipin ang nangyari. Magpasalamat na lang tayo sa Panginoon na naresolba rin ito agad."

"Yeah... that puzzles me, Ma'am," aniya nang muling nabagabag ang isip niya. She shifted in her seat and faced the old woman. "Luxxa Ray seemed so serious about taking us down. They orchestrated that private exhibit to make sure that we will not cancel our own product launch. They baited us. Tapos bigla-bigla, umatras sila sa pag-file ng kaso laban sa 'tin? I mean, I'm not complaining. This is definitely a miracle. Pero nakakapagtaka lang po talaga." Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/falling-for-a-tyrant-(to-be-archived)_16460939106131405/tansy_44364696727382011">www.webnovel.com/book/falling-for-a-tyrant-(to-be-archived)_16460939106131405/tansy_44364696727382011</a> for visiting.

Hindi umimik ang matanda. Inubos nito ang laman ng champagne glass at parang sinadya nitong iwasan ang kanyang tingin. Beatrice studied the old woman's face. Did she know something they don't?

Naagaw ng ibang bagay ang kanyang atensyon. She looked back outside and noticed that the atmosphere there had changed.

"Bakit parang tumahimik sa labas?" takang sambit niya sabay baba sa kanyang baso. Napansin din niyang animo natulos sa kinatatayuan at kinauupuan ang mga kasama niya sa trabaho. Nakatitig ang mga ito sa gitnang mesa kung saan niya natatandaang nakapatong ang cake. Sabay silang napatayo ni Miss Amelia, pero nauna siyang lumabas ng opisina nito.

Namataan niya si Jeremy sa di kalayuan na pinipirmahan ang handheld device na iniabot ng isang lalaking tingin niya ay delivery guy base sa unipormeng suot nito. Umalis din ito agad.

She looked at the table. Hindi na cake ang nakapatong doon kung hindi isang bungkos ng dilaw na bulaklak na nakasilid sa basket. The flowers looked like a cluster of yellow buttons. Strange but cute. Kung hindi sa tigagal na reaksyon ng mga kasamahan ay iisipin niyang props din iyon para sa kanilang selebrasyon.

"What the hell happened to you, guys? You all look like you've seen a bomb." She chuckled but no one else laughed. All right, weird.

Lumapit siya sa mesa at inikut-ikot ang flower basket. Walang note o kahit anong marka na nagsasabi kung kanino galing iyon.

"Anyone knows where this bouquet came from?" Inikot niya ang mga mata sa paligid. Some of them, especially the newer employees seemed clueless too. But the rest were nervous. Nagbubulungan din ang iba sa mga ito.

"They're tansies, Beatrice," si Lulla na head ng PR department ang unang nagsalita. She's black, curvy, and attractive. "You haven't... heard about what this means?"

Maang siyang umiling.

"I don't think everyone here knows about it, guys," sabi ng isang lalaki mula sa sales department.

"Yeah, it's been a long time since we've talked about it out loud," segunda ng middle-aged na si Miss Olive. Panay ang pag-iling nito habang nakaupo sa desk. "They will know now. Unfortunately. Welcome to his world."

"Know what? Whose world?" aniya. Ganoon din ang itinanong ng ibang empleyado.

"Sending a bouquet of tansies is Nero's signature stunt. Tansy symbolizes declaration of war," si Jeremy ang sumagot, ang mga kamay ay nakasuksok sa magkabilang bulsa ng slacks. "Receiving this means the company is a target."

"It's like raising a black flag, signalling the ship that the pirates are coming," sabad ni Mr. Scott.

She produced a nervous laugh. "When you say Nero, you don't mean the Roman emperor, right?" Napabalik ang kanyang tingin kay Jeremy. She refused to think about the other Nero she had been hearing about in Vel Ruiz.

"Yes, Beatrice. Jeremy's referring to Hendrik Samaniego." Pumuno sa pandinig nila ang seryosong tinig ni Miss Amelia. Nakatayo ito sa tapat ng opisina. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala, pero tila hindi ito nagulat na natanggap nila ang infamous flower basket ni Mr. Samaniego.

Everyone spoke about Hendrik Samaniego like he's the freaking Voldemort. CEO ito ng Del Fuego Group—isang conglomerate na nagsimula bilang corporate group sa Pilipinas. Kaunti lang ang alam ni Beatrice tungkol sa lalaki, pero maraming beses na niyang narinig na kinatatakutan ito sa business industry. That he was a brilliant and a notorious businessman.

What did this man want from them?

Ibinalik niya ang mga mata sa bulaklak na para bang nakikita niya roon ang mukha ni Hendrik Samaniego. "I don't understand. Is he targetting us? For acquisition?"

"Well that's the safe side of the coin, Bee."

She looked back at Jeremy. "And the other side?"

"It's you-pissed-me-off-I'm-gonna-destroy-you side."

"What's gonna happen next?" tanong ng isang half-Pinay, half-Chinese nilang empleyado.

Si Lulla ng PR department ang sumagot. "Normally, the CEO receives a call from Mr. Samaniego's side. I've seen this happen to Shelldy Apparel when I was still working with them. Shelldy's idiotic president ignored the threat and his company was completely erased from the face of the Earth. Guess what? The president now works as a street sweeper."

"Really? Is that true? That's scary," groaned some employees. Umugong ang mas maingay na bulungan, ang kani-kanyang haka-haka. Miss Amelia remained quiet. Beatrice knew the old woman was thinking profoundly.

Muling tumahimik ang mga empleyado nang may mag-ring na cellphone. Lahat ay awtomatikong napatingin sa kanilang big boss, pero hindi ang telepono nito ang tumutunog.

All heads kept turning, searching for the ringing phone.

"Uhm, Beatrice?" pagtawag ni Jeremy mula sa kanyang desk. "It's your phone."

Madali niyang kinuha iyon. Unknown number. She looked at her stunned colleagues before answering the call.

"Hello?"

"Am I speaking with Ms. Beatrice Palomo?" asked the baritone voice of an old man from the other line.

"Yes, it's me. Who's this?"

"I'm Angus Morgen, executive assistant of Mr. Hendrik Samaniego. I presume that you've already heard about my boss, and that the package was delivered safely?"

Napatingin siyang muli sa flower basket. "Yes. Uhm, how did you get my number?"

"Excellent. Now that introduction is out of the way, kindly meet me at the lobby. You have five minutes, then we'll leave."

Napakunot-noo siya. "W-Wait! Where are we going?"

People mumbled again. Narinig niyang may mga nagtanong kung bakit siya ang nakatanggap ng tawag at hindi ang CEO nila. Others probably had their own theories already. Miss Amelia still looked so worried.

"Five minutes, Ms. Palomo." Then the line went dead.

"It's the EA, right?" maagap na tanong ni Lulla.

Tumango siya.

"And he's asking you to come with him, now?"

Another lifeless nod.

Napabuntung-hininga ang babae at lumapit sa kanya. Sa itsura ni Lulla ay para bang sa isang giyera siya sasabak. "If the car waiting for you outside is of any type, you're safe. Our company is safe. For now. It's probably just an initial offer for a possible acquisition. But if it's a limo, girl, don't go."

Her eyebrows shot up.

"You will meet Mr. Samaniego today, that's for sure. A limo ride means you need to do something for him. Trust me, it never ends well for whoever the person he picks."

Si Beatrice ang tipo ng taong hindi basta-basta natatakot humarap sa tao kahit ano pa ang estado nito sa buhay. For Christ's sake, Hendrik Samaniego was a human, not a freaking god! Pero sa reaksyong ito ng mga tao sa paligid niya, parang gustong bumaliktad ng sikmura niya.

Just how bad could this be?

"Beatrice," masuyong pagtawag sa kanya ni Miss Amelia. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang braso niya. "You don't need to go if you don't want to. I can—"

"I'll be fine, Ma'am. I know everyone's scared of this Hendrik Samaniego. But I can handle him, I promise. I'll go ahead. I surely don't want to end up as a street sweeper." She feigned a confident smile.

Dinatnan niyang naghihintay sa lobby ang isang may katandaan nang lalaki. His face was that of a classic straitlaced Sergonian. His blue eyes flickered behind his spectacles upon seeing her. Na parang alam nito agad na siya si Beatrice Palomo.

Sumulyap ito sa mamahaling relo nang tuluyan siyang makalapit. "You're two minutes late, Ms. Palomo."

She cleared her throat. "Uhm, it's the elevator—"

Bigla itong tumalikod at lumabas ng gusali. Wala siyang nagawa kung hindi ang tahimik na sumunod. Hanggang sa napahinto siya pagkakita sa sasakyang nakaparada sa tapat.

She was tempted to run.

What did they say about your life flashing before your eyes?

"Is that..." She swallowed hard. "Our ride?"

Binuksan ni Mr. Morgen ang pinto ng passenger's seat. He smiled like that creepy lawyer in 13 Ghosts. "Of course, Ms. Palomo."

Of course...

What could go wrong, right?

Beatrice took a deep breath and walked towards the sleek black limousine.


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.