Forum Download app Gifts
42.85% FUBU ( Tagalog ) RATED SPG / Chapter 9: Fiesta

Fiesta - FUBU ( Tagalog ) RATED SPG - Chapter 9 by Ayieshien full book limited free

Chapter 9: Fiesta

Yane's Point Of View

****

"Yanneeeeee ! Kingina naman ooohhh ! Bilisan mo at nagsasayawan na sa Club house !!!"

"Hay na ko si Mama, Hindi na kompleto ang araw sa kakasigaw!"

Lumabas ako ng kwarto.Masamang masama ang timpla ng katawan ko dahil sa dinadaing ko pa rin tama ng bala.Ilang araw na pero bahagya pa ring masakit.

"Ano ba!?"

"Mauna kana nga Ma," Nakasimangot kong wika.

"At ikaw?"

"May gagawin pa ko."

"Akala ko ba tapos na yang thesis mo?"

"Iba ang gagawin ko."

"Eh ano nga?"

"Basta Ma, wag mo na ko iniinis.Pwede naman kasing umalis kana lang mag-isa!"

"Ah ganoon? Oh, Sige bahala ka. Hindi mo makikilala si Boyfie ko."

Inirapan ko."Lalabas ako mamaya.Hindi ba makapag hintay?"

"Gusto kong magkausap kayo ng matagal itong magiging soon to be Father mo."

"Duh! Sige na Ma! Mauna kana lang."

"Bahala ka nga.Tigas ng ulo mo." Kinuha ang bag.

"Mana lang sayo." Bulong ko.Pinagprapray ko pa nga sana narinig niya para mainis ko kaya lang hindi nag react.

Ang bungol ni Mama. Hahaha ...

Dahil lang sa isang kano naging inlababo ang lola nyo. Yay! Tapos di ko maisip na magkakaroon ako ng Tatay slash Daddy na foreigner. Edi araw-araw nag dudugo ang ilong ko nito sa kaka-English.

Tumatawag si BFF. Cancel ko nga.Magpapawis kasi ako rito ngayon sa taas. Gusto ko na muna mabawasan ng taba ang katawan dahil alam ko dagdag na naman mamaya dahil sa handaan.

Maaga pa pwede pa ko makapag papawis.Ayoko sa labas dahil maraming tao ,baka pagtawanan pa ko.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apaaaaat

Liiiiiiimmmmaaaaaa .....

Waaaaaaah ang hirap! Nakakapagod ! Ang sakit sa tiyan! Pisti ! Haha.

Naglakad-lakad pa ko para kahit paano mawala itong gutom sa tiyan ko.

Ano ba gagawin ko rito sa tiyan ko lagi na lang gutom.

Nakakailang kaldero na nga ko ng sinaing tapos di pa makontento.Gutom na naman after 2 hours?

Muli akong nalingon sa Cellphone. Ano ba problema ni Bff ? Sinabi ko na nga hindi pa ko lalabas dahil may gagawin ako.

"Oh?"

"Nasaan ka?"

"Bakit?"

"Basta nasaan ka nga?"

"Sa bahay....Oops! Wag mo ko pupuntahan dito ah?! May ginagawa ako!"

Pinatay kaagad ang Cellphone. Madali rin pala kausap si Tyron.

Teka nga maka-inom muna.Nanunuyo lalamunan ko dahil sa mga pawis na lumabas sa katawan ko.

Bugs !

"Aaaaaraaaay !" Himas ko ang aking noo.

Masamang masama itong tingin ko sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo diyan sa kwarto nyo?" Nakahalukipkip ito at naka taas ang kilay.

Nawala kaagad ang inis ko ng makita ang kanyang suot na pulo shirt na pink ,black na jeans. Maaliwalas ang mukha na parang bagong ligo dahil sa mamasa masa pa ang buhok.

"Sinabi ko nga ba, akala ko talaga masunurin ka na sa'kin."

Bumuntong hininga ako.

"Sino nagsabi? At saka ano bang ginagawa mo diyan?"

"Wala---" Kinuha ko ang tuwalya sa lamesa tapos tsaka ko siya pinatabi para isara ang pinto.Ayokong makita niya ang nasa loob ng kwarto.

Hindi kaagad ako naka alis dahil naipit pala ang tuwalya sa pinto.

"Ako na---" Nanlaki mata ko sa ginawa niyang pagdikit sa aking katawan.

Amoy na amoy ko ang kanyang pabango.Umiwas nalang ako ng tingin dahil bigla siyang lumingon sakin habang pinipihit ang doorknob.

Ultimo lalamunan ko ayaw talaga makisama dahil wala akong malunok na laway.

"Okay na." Nang naamoy ko ang kanyang hininga ay biglang napapikit ako.

Hulaan ko Listerine ang gamit niyang mouthwash.

"Anong ginagawa mo?"

"Ha?" Dumilat ako.

Ngumisi sa'kin."Namiss mo ba amoy ko?"

"B-akit ko naman mamimiss??"

"Kasi may papikit pikit kapa habang inaamoy ang katawan ko."

"Hindi ah, in your dreams naman..."

"Sus...." Siniksik niya ko sa pader, "Sige na ubusin mo na amoy ko." Hindi ako makatingin ng diretso.

"Tyron ano ba?" Naka ngisi tapos biglang nagtaka habang naka tingin sa ibaba ko.

"Dumudugo ang sugat mo." Tinakpan kaagad niya ang tagiliran ko ng tuwalya ng tumigil ang pagdurugo.

Dinala niya ko sa sala namin at nilagyan ng gamot ang sugat ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo?" Ulit na naman niya.

"Wala," Hindi ko kayang tumingin ng diretso dahil nag sisinungaling lang ako.

"I know you Yane." Seryoso lamang itong naka tingin sa'kin.

"Okay...Okay...Nag excercise ako." Todo na ko ng tingin.

"Gaga ka talaga." Nagulat ako."Alam mo may sugat ka nag exercise kapa.Alam mo naman na fiesta ngayon at maraming handa saka kapa nag-isip na mag-exercise."

"Hindi ah."

"Sus, deny pa." Tumayo na."...Pwede ba mag pahinga ka muna? Hindi yong iniisip mo kaagad ang bagay na hindi naman effective. "

"Nang iinis ka ba?" Hamon ko.

"Hindi, Baka iba lang ang meaning na dumating sayo."

"Umalis kana nga."

"Galit ka?"

"Hindi."

Tumayo ako habang hawak ang tagiliran.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha ng inumin." Mahina kong sagot.

Inunahan niya kong maglakad tapos kumuha ng tubig sa ref at sinalin sa baso.Ininuman niya ito tapos nag salin muli ng panibagong malamig na tubig saka iniabot sa'kin.

"Ipagagamit mo talaga sa'kin yan?" Turo ko sa baso.

"Maarte? Sige kukuha ako ng ibang baso pero ikaw ang maghuhugas."

Hinayaan ko na lang siya kumuha ng panibagong baso saka nagsalin ng tubig.

Kusa na kong uminom pero kinuha kaagad nito ang baso.

Sinalin niya ang laman ng baso kanina sa basong ginamit ko tapos saka niya ininuman ang basong ginamit ko.

Yung tingin niya parang nanunukso habang iniikot ang baso para lasahan ang ininuman ko.

"Bully ka,"

Iniwan ko na lang at bumalik sa sala.

"Sama ka sa'min ni Cecil."

"Saan?"

"Manunuod ng sayaw mamayang gabi."

"Ahhh..." Binuksan ko ang TV.

"Sumama ka ha?"

"Sama ko rin si Whence."

"Hindi ka ba lalabas? Sumasayaw si Tita ngayon sa club house.Hindi mo panunuorin? Hindi mo susuportahan? Kasama niya yung ka chat niyang foreigner."

"Maaga pa.Ano naman gagawin ko doon? Hindi ko rin naman makikita si Whence."

"Si Whence na naman. " reklamo niya.

"Ikaw nga laging Cecil bukambibig."

"Syempre----Mahal ko eh,"

"Kung ano dahilan mo ,ganyan din reason ko.Kaya pwede ba? Iwasan mo naman uminit ang ulo sa kanya."

Tumahimik siya kaya nilingon ko."Ano na tauhan kana ba?" Dugtong ko pa.

"Lalabas na ko.Magkita na lang tayo sa Court mayang gabi."

"Hoy sandali!"

Hindi na ko nilingon.Talagang iwanan na ko mag isa.

Nag punas na lang ako dahil hindi naman din maaaring mabasa ang sugat.Nag hintay pa ko ng ilang oras.Yung malapit na talaga dumilim.

Nagpasundo ako Kay Whence dahil nabanggit kong dumugo ang sugat ko.

"Kaya mo bang sumakay sa motor ko?" Usisa niya

"Oo,"

"Tara na" Bakit kaya ganoon? Ang cold niya sa'kin nitong nakaraan araw.

Niyakap ko na lang siya tapos saka niya hinawakan ang kamay ko.Sanay na sanay siyang magmaneho ng motor kahit isa lang ang gamit na kamay.

Pagkarating namin sa Court ,siya na rin mismo nag alis sa ulo ko ng helmet. Panay siya pakawala ng hininga tapos lilingon lingon sa paligid.

"May problema ba?" Usisa ko rito.

"WALA." Isinabit niya yung helmet sa motor."Saan ba tayo pupuwesto?"

"Doon na lang siguro tayo." Turo ko malapit sa stage.

Bago pa man kami makalapit sa stage naunahan kami ng kanyang barkada.Aatras na sana ako pero siya mismo humila sakin para ituloy ang paglalakad.

"Uy! Pre! " nagkaingay na silang lahat ,Nag high five at kung ano-ano pang batian.

"Hi Yane." Bati sa'kin ni Derby

Kumindat ito Kay Whence tapos saka ako nilapitan.

"Mabuti sumama ka sa lalakeng 'to?" Tinutukoy niya si Whence

"Syempre, boyfriend ko eh."

"So, Enjoy ha? Maraming magtatagisan sa katahan at sayaw dito."

Ngumiti lamang ako tapos bahagyang pinalayo sa'kin ni Whence si Derby.

"Sasayaw si Derby mamaya,panuorin mo.Magaling samayaw 'yon." Paliwanag sakin ni Whence.

"Ah ganoon ba? Ikaw ? Hindi ka ba sasayaw o kakanta?"

Umiling."Hindi, late kasi ako magpalista, support lang ako ngayon sa barkada ko."

"Sayang naman,"

"Sayang nga eh.Gusto ko sana haranahin ka." Ow, ang sweet.

Ngumiti rin siya.

"Babe." Ngumiti na rin ako."Happy ako."

Saglit kumunot ang noo nito at ngumiti."Happy ka kasi kasama ako?" Aniya.

"Hindi." Nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Ang ibig kong sabihin ,happy ako at kasama kita pero mas happy dahil nakita na ulit kitang ngumiti." Pinilit kong huwag tumingin sa kanya dahil parang anytime babagsak ang mga luha ko.

"Sorry," Hinawakan niya ko sa kamay."Siguro feeling mo ,ang cold ko sayo lately. Siguro iniisip mo na wala akong pakealam sayo nong na hospital ka. Alam mo ba labis mo ko pinag-alala non? Akala ko mawawala kana sa akin. Natakot ako."

Alam naman pala niya yung nararamdaman ko.

"Yane. Sorry kung wala akong kwentang Boyfriend. Parang hindi ako supportive Boyfriend eh."

"Okay lang.Bago palang naman tayo eh. Naiintindihan ko naman kung bakit lately wala ka sa tabi ko.Ang mahirap yong wala kang maidahilan para iwanan akong mag-isa."

Siya naman itong di makatingin.

"Whence?" Tawag ko.

Muli naman itong lumingon sakin."I love you." Matagal pa rin siya bago sumagot

"I...."

"Bestfriend !" Ang asungot na Cecil !"Whence ....Nakita mo ba si Tyron?" Naka yakap sa braso nito.

"Ewan ko sayo.Kayo magkasama kanina pa." Naka simangot niyang sagot.

"Hey taba ..." Tawag sakin.

"Cecil ...Shut up please.."

"Totoo naman eh." Inirapan kami.

"Nakita mo ba si Bebe Tyron ko?"

Ginaya gaya ko pa ang pag-arte mg mukha niya bago pa ko sumagot.

"Hin----"

"Cecil!" Si BFF , Hinanap ko kaagad kung nasaan.

Inaasahan kong ngiti ang ipapakita ko sa kanya ngunit hindi pala.

Ewan ko ba? Bakit bigla akong nainis ng makita kong may dalang bouquet si BFF at chocolate habang papalapit sa'min. Never pa ko binigyan ng ganyan ni Bff kasi naman mag kaibigan lang kami,eh sila ni Cecil? MAG JOWA.

"OMG/Babbeee ...para ba sakin 'yan?" Kinuha kaagad Kay Tyron ang hawak nitong bulaklak at chocolate.

"Thank you...ang sweet mo talaga...." Yumakap siya Kay Tyron at sabay halik pa.

Umiwas na lang din ako ng tingin kahit napansin yata ni Whence yon pero ngumiti lamang siya sa'kin.

Sobrang PDA itong dalawa na ito. Ang daming tao,kung maglampungan at halikan parang walang----

"Ah Cr lang ako." Paalam ko.

"Samahan na kita."

"Di na---Kaya ko na.,"

Tarantang hinanap ko ang Cr dito sa court.Gusto ko kasi huminga dahil parang ang hirap lang isipin na ganoon sila sa Public.

Ang daming pinagbago ng Bff ko.Dati naman hindi siya ganoon pero ngayon parang active na siya sa lahat ng bagay.

Pagkalabas ko sa Cr.Nakita ko si Bff nag hihintay sakin sa labas.Naka sandal ang likod sa pader habang ang isang paa ay naka tukod.

"Ginulat mo naman ako." Lumapit ako."Tapos na ba kayo maglandian ni Cecil?" Diretsahan kong tanong.

"Landian? Hindi landian tawag doon, Mahalan ...." Sabay kindat.

"K," Lalagpasan ko pa sana pero hinila ako palapit sa kanya.

"Bakit? May sasabihin ka ba?"

"Maha-----""

"Ha?" Ngumiti siya bago sumimangot. "Mahal na mahal ko si Cecil."

Akala ko naman kung ano. Si Cecil pa rin pala ang bukambibig.

Gusto kong ipakitang masaya ako para sakanila pero may kagagahan lang talaga akong taglay.

"Gusto mo siya. Mahal mo siya. So,nakuha mo na ba siya?" Hindi ako curious sa relasyon nila ha? Pero gusto ko talaga malaman.

"Oo, Yes, Yup," Namulsa. "Oo,kasi gusto ko siya. Yes, kasi mahal ko siya. Yup, at na kuha ko an siya."

Nanlaki ang mga mata ko.Ibang-iba na talaga si Bff.Hindi ko alam na ganito.Kaya lang ,nawala sa isip ko na matagal na siyang may pagnanasa Kay Cecil.Marahil, binigyan lang niya ng pagkakataon ang pangarap niya.

"M-may nangyari na s-sainyo.Kailan pa?"

"Uhm...Hindi ko na matandaan."

"Saan?"

"Sa bahay nila."

"Okay." Wag mo na ko pigilan Tyron.Hayaan mo na lang umalis ako.

****

"Sa tuwina'y naaalala ka

Sa pangarap laging kasama ka

Ikaw ang ala-ala sa 'king pag-iisa.Wala nang iibigin pang iba." Tumigil ako sa paglalakad ng kantahin niya ito.

Oo, magaling siyang kumanta pero iba na ngayon.Kung dati parang wala lang sakin na kumakanta siya dahil mataba ito pero ngayon? Dinaig ng isang Fictional character ang peg niya.

"Kakantahin ko ba yan mamaya?" Usisa niya.

"Bahala ka." Hindi pa rin ako humaharap.

"Tingin mo?" Paniniguro nito.

"Nandiyan si Cecil ,alam kong kaya mo yan.Siya naman yong inspirasyon mo 'di ba?"

"Uhm, Oo, tama ka nga,"

"Good luck Bff," Iniwan ko siya na wala nang lingon lingon pa.

Bakit kaya ang hirap para sakin na iwanan siya,habang ako papunta sa lalakeng mahal ko? Nasanay nga lang ba ko dahil nandyan siya palagi o talagang may ibang meaning ito? Ah baka siguro nasanay lang talaga ang sistema ko na may isang Tyron.

Balewala muna sakin sina Whence dahil Kailangan kong hanapin si Mama.Saan naman kaya nagsusuot yon?

"Anak ! Yane ! Tara rito. Dali dali ..dali ..dali.." Grabe si Mama maka-hila sa'kin.

Hinarap niya sakin ang isang amerikanong ubod ng puti,matangkad din ito ngunit halata rin may katandaan na rin.Siguro halos ka age lang din ni Mama.

Ngumiti siya sakin pagkatapos binati ako ng 'HI' tanging ngiti lang talaga ang ginawa ko dahil sa hindi ko feel makipag usap sakanya.

"Anak ,Alam mo na..." Siniko niya ko.

"Your daughter right?" Usisa ng kano.

"Yes yes....she's a beautiful like me huh?" Ang korny ni Mama mag English.

Hindi ako sanay na ganyan siya magsalita,mas gusto kong sumisigaw siya kaysa malambing hahahah.

"Ma ..." Bulong ko."Dito na muna ako ha?"

"Bahala ka, kausapin mo 'to.Sasamahan ko lang si Mareng Karing sa bahay may kukunin lang ako." Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/fiesta_39493937794176594">www.webnovel.com/book/fubu-(-tagalog-)-rated-spg_14427272706397405/fiesta_39493937794176594</a> for visiting.

"Ma naman....Grabe ka," Tumayo ito at nagpaalam sa jowabels habang ako naman ay nakasimangot.

"The Philippines is really beautiful."

"Yeah." Tama ka pero hindi lahat ng tao magaganda.Limitado na lang kasi ang ganda namin hahahah.

Ang isang kagawad naman ay umakyat sa entablado para sabihin na mag uumpisa ang kasiyahan.Lahat ng tao ay nag kumpulan sa tabi nang stage at nagsisigaw na rin.Halos mga ka batch namin ito at tila may hinihintay na inunsyon ng kagawad.

"Tyron??" Usisa ko sa sarili ng lumabas ito mula sa back stage.

Hindi magkamayaw ang mga tao para lang tilian at tawagin ang pangalan ni BFF.Ganito na ba siya kasikat sa subdivision namin  para pagkaguluhan ng mga tao? O dahil nag transformed na siya kaya gusto na siya ng mga tao.

Ilang sandali lang at ibinigay na rin Kay Bff ang mic.

"Para ito sa babaeng napaka importante sa aking buhay." Sa kinatatayuan nila Cecil may mga kababaihan na pinaghahampas siya sa kilig.

Paano naman nakakasigurado na si Cecil nga iyon? Malay nyo ba kung AKO? Charing lang.

Muli ko sinulyapan si Tyron dahil narinig ko ang intro ng kanyang kakantahin.

Bakit kaya yung tingin niya sakin parang iba? Hindi ba dapat Kay Cecil siya nakatingin dahil para naman talaga yun sa GF nya? O talagang assuming lang ako kaya ako nagiging ganito?

Yane ,maraming nasasaktan sa maling akala.Malay mo ba kung kanina pa pala nakatingin siya Kay Cecil tapos halos nagsabay lang na nagkatingin din kayo.Umiiral na naman ang pagiging ambisyosa mong baboy!

Sa bawat kanta at lyrics hindi ko maintindi dahil sa ingay ng mga kababaihan.Nakita ko pa rin na sakin tumitingin si Bff pero sakto naman tumatawag si Mama.

Lumayo ako para marinig ang sasabihin ng Mama kong baliw.

"Hello Ma!"

"Anak ,Pwede bang papuntahin mo rito si Darling ko sa bahay?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Basta samahan mo na."

"Okay," Nakasimangot akong tumingin sa cellphone ng mawala sa kabilang linya si Mama.

Nilapitan ko ang amerikanong hilaw haha.

"Sumama ka sakin, pinapatawag ka ni Mama sa bahay." Kunot noo siyang tumingin sakin.

"Let's go," Aniko

Sumama siya.Siguro Let's go lang naintindihan niya. What the---

Nang mahatid ko siya sa bahay. Kaagad din akong pinalayas ni Mama.Alam ko naman. Wari pa si Mama....Wala naman si Aling karing doon malamang ano ba gagawin nila.

Ang pagkakakilala ko kasi sa mga taga America mga liberated ito.Masyado ngang PDA ang mga iyon eh.Walang pakialam kung masyado nang malaswa ang ginagawa nila in Public.

Naku, Patay siya Kay Mama.

Tagal pa naman na bakante nun ahahaha...Baka lupaypay siya kapag nakalabas na siya ng kwarto.

"Yane....." Nawala ang ngiti sa aking labi ng tawagin ako ng lalaking makakasalubong ko.


CREATORS' THOUGHTS
Ayieshien Ayieshien

This is my first time gumawa ng SPG as in pure haha, kaso not satisfied parang hindi ako magaling hehe

next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login