JEWEL
"Good morning Ma'am Jewel!" The guard greets me.
"Good morning!" sagot ko nang may malapad na ngiti habang pumapasok sa main entrance ng CGC.
Unti-unting nabura ang ngiti ko nang matanaw si Sir Luigi na lumalabas sa Sweet Aroma. Ang aga pa ah! I thought he's always late after a night of being drunk.
He's walking towards elevator. Nauna siya nang ilang segundo sa akin. Tumayo ako sa tabi niya at tahimik na nag-abang sa pagbaba ng elevator. Nakatingin lang siya sa harap at mukhang nag-iisip nang malalim.
"Good morning Sir Luigi!" kunway masiglang bati ko.
Saka niya lang ako napansin. "Ikaw pala yan Lily. Good morning," simpleng sagot niya. Namulsa siya at tuminging muli sa harap.
I secretly looked at him from head to toe. He's looking very neat in his black suit. Hindi ko lubos maisip na siya ang taong natulog kung saan-saan kagabi sa sobrang kalasingan. Naghihintay akong may sabihin siya sa akin pero nanatili siyang tahimik. Mukhang wala siyang naaalala sa mga nangyari.
The elevator door opens. Tahimik kaming sumakay. Bago magsarado ay may pumasok na grupo ng kalalakihan at may sumunod pang isang grupo. Biglang napuno ang elevator. Nasiksik kami ni Sir Luigi sa isang sulok. Naglapat ang aming mga braso. Kinabahan ako't napakuyom ng mga kamay sa kaba. Knowing his naughtiness, malamang ay magtitake-advantage siya sa sitwasyon.
Nagulat ako nang bigla siyang lumipat ng pwesto at humarap sa akin. He leaned his hand at the wall. Kitang-kita ko ang malapit niyang mukha. Pumikit ako sa nerbiyos. Sabi ko na nga ba may gagawin siyang kapilyuhan!
I'm anxious for seconds until I realize that no one touches me. I open my eyes slowly. He's still in front of me and I'm surprise to see that he's using his arms and body to shield me from other men. Kahit siksikan, pinipilit niyang huwag madikit sa akin. Lumunok ako't agad na napahiya sa sarili sa maling paghihinala. Lumikot ang aking mga mata nang di malaman kung saan titingin. Magkalapit na magkalapit pa rin ang mga mukha namin sa puntong nararamdaman ko na ang kanyang hininga. Batid ko ang pamumula ng aking mga pisngi. Tumungo ako upang huwag niya itong mapansin.
Huminto ang elevator at nabawasan ang sakay. Nakahinga ako nang maluwag. Kalmadong bumalik sa dating pwesto si Sir Luigi at dumistansiya sa akin. Sa muling pagbukas ng pintuan, lumabas siya ng elevator nang walang anumang salita. Ba't parang kakaiba ang timpla niya? Baka naman matindi ang hang-over?
Umiling ako. Bahala na nga siya sa buhay niya. Ba't ko ba siya iniintindi? Ang mahalaga ay masaya at maganda ang umaga ko. Wala nang anumang pangamba sa dibdib ko. Sa buong pagtatrabaho ko sa CGC, I feel most secured and assured today.... dahil yun sa sinabi ni Sir Yul na hindi niya ako pababayaan.
"Good morning!!!" masiglang bungad ko sa opisina.
"Good morning Jewel! Himala nauna kami sayo ngayon," ani Joanna.
"Medyo napahimbing nang konti ang tulog ko," ngiti ko.
Nilapag ko ang aking bag sa desk. Dagli akong nag-ayos ng mga gamit sa ibabaw ng aking mesa. Binuhay ko rin ang computer.
"Dumalaw daw kayo nina Sir kay Ma'am Nora kagabi?" Lorraine asked.
"Oo sumunod din si Ma'am Stella," masayang kuwento ko.
"Kumusta na si Ma'am Nora?" Joanna asked.
"Medyo okay na siya. Madaldal na nga," tawa ko. "Pero nilalagnat pa daw siya sa gabi kaya di pa sigurado kung kelan siya lalabas."
"Hala paano yan? Opening ng CGC Building sa Cebu at may product launching din tayo dun Sino ang sasama kay sir?" Lorraine worried.
"Ay oo nga pala nabanggit kagabi ni Sir Yul na tayong dalawa daw ang isasama niya kapag hindi pa rin pwede si Ma'am Nora," balita ko.
Kita agad sa mga mata ni Lorraine ang saya sa nalaman. "Talaga? Naku dapat pala maghanda na ako ng mga dadalhin. Nakakaexcite naman ang ganda pa naman ng tutuluyan nating villa kung saka-sakali."
Sa kanya nakatoka ang monitoring ng naturang event habang nakaleave pa si Ma'am Nora kaya naman may idea na agad siya sa mga mangyayari.
"Bakit ano bang mga dapat dalhin?" taka ko. Hindi ba ito simpleng business trip lang na kailangan magbaon ng panglakad at pantulog na mga damit?
"Girl una sa lahat ang bongga ng pool ng villa ng mga Dela Vega sa Cebu. Sobrang sarap maligo at magpictorial kaya dapat magbaon ka ng bathing suit!" She's stomping her feet and clenching her hands in excitement.
I twitched my lips. "Knowing our work. Sa tingin mo may oras tayo para maligo."
"Oo naman! Actually hindi naman talaga ganun ka-busy ang schedule. Siyempre ang gagawin lang naman natin dun ay bumuntot kay Sir Yul. Hindi na tayo makikialam sa pagpapatakbo ng event dahil bahala na dun ang nga CGC personnel from Cebu." Binuksan niya ang kanyang drawer at nagkalkal ng folders. Pinalapit niya ako nang makita ang hinahanap. "Halika basahin mo tong e-mail ng schedule galing Cebu."
Lumapit ako't tiningnan ang papel na hawak niya. It states na may meeting si Sir Yul ng Lunes at 2pm for the briefing and presentatiom of the whole event. Tuesday he'll have a ribbon cutting at the new building at 10am. Ang sunod ay sa gabi na which is the launch party. "P-Party?" Napatingin ako sa aking kausap. "M-May party? Kasali din ba tayo diyan?"
"Malamang. Alangan namang magsolo si Sir Yul," ngiwi niya.
"Anong klaseng party yan?"
"Siyempre formal. It's a launching of a beauty product kaya asahan mong may mga celebrities na imbitado diyan."
"S-So ibig sabihin magdadala pa tayo ng pamparty?"
"Siyempre alangan namang magdala tayo ng pang-gym."
Bumuntong-hininga ako nang malalim. Sana gumaling na si Ma'am Nora. Gagastos pa pala ako sa out of town na yan. Di bale na yang swimsuit dahil wala naman akong balak magswimming dun pero yung pamparty mukhang compulsary kaya kailangan ko pang magrenta o bumili. Ang mamahal pa naman ng mga matitinong gown ngayon.
"Uy magsimula na tayong magtrabaho. Tama na yang pang-iinggit niyo sa akin. Basta ako pag natuloy kayo ay masaya na sa pasalubong na isang malaking paper bag ng dried mango ," singit ni Joanna.
"Aba basta may pabaon kang pera ihahanap kita nang ganyan kadaming dried mango," pabirong sagot ni Lorraine.
Bumalik ako sa akong mesa para mag-umpisa nang magtrabaho. Kinuha ko ang planner notebook sa aking bag. Natigilan ako nang may makapang bagay. Oh my! Ang susi ng kotse ni Sir Luigi nasa akin pa pala. Kaya siguro parang wala sa sarili kanina baka nag-iisip kung saan niya nailagay.
"Ako na maglilinis sa office ni Sir Yul," bulontaryong wika ko.
Mabilis akong pumunta sa kabilang silid. Una kong nilinis ang mesa. Inayos ko ang mga pipirmahang papeles. Pinaibabaw ko ang para sa office ni Sir Luigi. Isasabay ko na sa paghahatid ng dokumento ang susi.
Dumating si Sir Yul na di pa ako tapos maglinis. "Good morning sir!" bati ko. Binilisan ko ang pagpupunas. Alam kong ayaw na ayaw niyang may istorbo habang nagtatrabaho. "Sorry sir malapit na po ito," sambit ko.
He grinned. "It's okay take your time," mukhang maganda rin ang mood niya.
He hanged his coat and sat on his table. Una niyang tiningnan ang mga pipirmahan. Palihim na pinanood ko siya sa ginagawa. Humahaba ang aking leeg at tumutulis ang nguso. Nang makitang napirmahan niya na ang para kina Sir Luigi ay agad-agad kong tinapos ang paglilinis.
"Sir kunin ko na po itong napirmahan niyo para maihatid ko na!" kunway masiglang wika ko.
"Go ahead."
Dinampot ko ang folder at naglakad palabas.
"Teka lang," sambit niya nang binubuksan ko na ang pintuan.
Nilingon ko siya. Nagdududang tiningnan niya ako.
"Did you deliberately put that on the top of the files?"
Di ako nakaimik. Ngumiwi ako't asiwang tumango. Bakit ba ang talino niya? Pati ba naman ito ay nahuhulaan?
He chuckled. "What now? Are you prioritizing Luigi's papers? Kelan ka pa naging subjective pagdating sa trabaho?"
"Sorry pero ngayon lang naman ho. Kaya ko lang ginawa dahil hindi ko pa kasi nasasauli yung susi ng sasakyan ni Sir Luigi. Gusto ko nang pumunta sa office niya ngayon at mukhang lutang ho nang nakasabay ko kanina sa elevator. Baka sa kaiisip kung nasaan ang susi ng sports car niya," mahabang paliwanag ko.
Nagtagpo ang kanyang mga kilay. "He's at his office already."
"Yes sir!" I said with bigger eyes. "Nakakapagtaka nga di ba? Sabi niyo siguradong late siya ngayon."
He didn't say a word but his brows remained furrowed. Ilang saglit na nag-isip siya nang malalim saka tumingin sa akin. "Sige na ibalik mo na ang susi ng kotse niya dahil baka maya-maya lang ay may schedule na agad ng lakwatsa yun kaya maagang nagising."
"Okay. I'm going there now."
I'm anxious as I walk to Sir Luigi's office. I'm thinking of an excuse kung paano napunta sa akin ang susi ng kotse at kung bakit ngayon ko lang ibabalik. Dapat ko bang ikwento sa kanya? Parang mas mabuti na yung wala siyang naaalala sa nangyari kagabi. Ah alam ko na ang idadahilan ko!
Maingat akong kumatok sa kanyang pinto. Tila di niya naririnig because he's engrossed in reading. Kusa na lang akong pumasok. Ilang segundo muna ang lumipas bago niya naramdaman ang presensiya ko.
"Oh you're here." Ngumiti siya nang payak.
"Sir eto na po yung folder niyo."
"Thank you."
"Ah saka nga po pala heto rin yung susi nang kotse niyo."
Bahagyang nagtaka ang kanyang hitsura. Ilang saglit niya munang pinagmasdan ang inaabot ko bago ito tinanggap.
"Napulot ko ho yan sa parking kagabi," tipid na paliwanag ko. "Pasensiya na kung ngayon ko lang naisuli. Nawala ho sa isip ko kanina."
"Thank you," tipid pa ring sagot niya. Ni wala man lang interes alamin kung paano ko napulot.
Bumalik siya sa pagbabasa at di na ako pinansin. I remain standing in front of him but he doesn't bother looking at me again. Aba mukhang nagsawa na rin sa pagmumukha ko.
"Sir alis na po ako."
"Okay," he answered without looking.
Humakbang ako palabas pero pagdating sa pintuan ay huminto ako at muli ko siyang nilingon. Seryoso pa ring nagbabasa. What's wrong with him? Sure siyang pwede na akong umalis? Hindi niya ako pipigilan? Nakakapanibago. Hindi kaya nilalagnat dahil sa hang over.
Nag-angat siya ng mukha at nahuli niya akong nakatingin. Kunway ngumiti ako nang malapad. "Bye sir. Balik na po ako sa office namin."
"Okay," tango niya.
Iiling-iling ako habang nasa elevator. Anong nangyari dun? Bakit ang pormal masyado? Baka naman nakinig sa akin si Sir Yul at ipinatawas na siya.
"Oh ba't ang bilis mo?" taka nang mga kasama ko.
"Ewan ko pinaalis na agad ako ni Sir Luigi. Busy ata sa pagbabasa. Mukhang natauhan na rin at nagsawa na sa mukha ko," tatawang-tawang wika ko. "Mabuti naman para mas marami na akong magagawa."
"Baka sumuko na. Alam niyang hindi ka madadala ng mga boladas niya," ani Joanna.
"Sana nga," sagot ko.
Nag-umpisa kaming maging abala nang isa-isa bang tumunog ang mga telepono. Pinutakte na kami ng mga tawag at nang tumahimik ang mga telepono kami naman ang nagsimulang magtawag para sa mga follow ups at concern ni Sir Yul sa bawat department. Si Lorraine ay halos di na makausap dahil sa pagmomonitor sa nalalapit na event sa Cebu. Si Joanna naman ay siya nang naghatid sa mga napirmahang dokumento.
The buzzer on my table connected to Sir Yul's vibrated. Tumayo ako't pumasok sa opisina ng aming CEO.
"Yes sir?"
"Finish your work until 2pm. We have a meeting outside," seryosong utos niya.
Kumunot ang akong noo. Biglaang meeting ba? Wala naman siyang nakaschedule sa oras na yun ah? "Kanino po sir?"
"With a lawyer."
"Tungkol saan po para magkaidea po ako sa magiging agenda?"
"I can't tell you here."
"Saan po ang meeting natin?"
"Somewhere far from CGC."
"Okay ho."
Lumabas ako nang di na nagtanong pa. Mukhang wala siyang interes magbigay ng detalye. Nakasabay ko ang isang delivery man sa pinto ng aming opisina. He's holding a lavander sweet roses impressively arranged in a beautiful rustic vase. Sumunod siya sa aking pagpasok. I'm thinking na para kay Ma'am Nora yun from a well wisher perhaps.
"Si Ms. Jewel Gaviola po?"
"Yes? Ako yun."
"Delivery po para sa inyo?"
Napanganga ako. "Sa akin? Sure ka?"
"Yes Ma'am sainyo po talaga," siguradong sagot niya. Inabot niya sa akin ang clip board at litong pumirma ako.
Sino naman ang magbibigay sa akin ng bulaklak?
"Ayan may bago ka na namang admirer! Iba talaga pag maganda!" Lorraine teases.
"Kanino naman kaya galing ito?" May napansin akong nakadikit na maliit na card sa vase. Pasimpleng tinuklap ko ito sa pagkakadikit at kabadong binasa.
'Thank you for last night.'-Luigi
Napanganga ako. Binasa ko ulit hanggang sa naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Sabik na tumayo si Lorraine upang makiusyoso.
"Kanino galing?"
Dali-dali kong ibinulsa ang card. Hindi malayong iba ang maisip niya kapag nabasa ang message.
"Ah wala. S-Sa kaibigan ko. Binabati lang ako sa bago kong trabaho. Ngayon lang ata nabalitaan," asiwang ngiti ko.
"Ah ganun ba. Ang sweet naman ng friend mo." Hindi na siya tumuloy sa paglapit.
Pinagmasdan ko ang bulaklak. Napapangiti ako sa isipan. So he actually remembers what happened? Kakaiba talaga ang galawan ng taong yun. May pabulaklak pa eh samantalang simpleng thank you lang naman ay sapat na. Buti na lang magaganda tong mga bulaklak, nasulit yung pagbuhat ko sa napakabigat niyang katawan.
Hinanapan ko ang vase ng magandang pwesto sa aking mesa. Nangalumbaba ako at nakangiting tinitigan ito. Hindi ko na maalala kung kelan ang huling beses na may nagbigay sa akin ng bulaklak.
"Jewel."
Nalaglag ang baba ko nang bumungad sa pinto si Sir Yul.
"S-Sir?"
Tumingin siya sa mga bulaklak. "What are those flowers for? Nagpapaligaw ka ba sa oras ng trabaho?"
Mabilis akong umayos ng upo. "Ah hindi po! Bigay to ng kaibigan ko. Kinocongratulate ako sa bago kong work. Ngayon lang nalaman!" I explained with bigger eyes.
"I told you to finish your work soon. Hindi yung tumutunganga ka lang diyan."
"Yes sir. Inaappreciate ko lang naman sandali yung kagandahan ng mga bulaklak," katwiran ko nang kunway may malambing na ngiti.
He sighed and looked at Lorraine. "Why are you not giving me an update about the upcoming event in Cebu?"
"Sir may hinihintay lang po akong tawag mula sa head organizer," kabadong paliwanag ni Lorraine.
"I need the report before 2pm."
"Sige sir. Kukulitin ko na po!"
He turned his back with grim face. Nang masiguradong nakabalik na siya sa kanyang mesa, nagkatinginan kami ni Lorraine.
"Ang higpit naman," ani ko. "Ganyan ba talaga yan kapag oras nang trabaho?" bulong ko.
"Hindi ko rin alam. Ngayon ko lang rin siyang nakitang ganyan. Wala naman kasing ganitong insidente dati. Palibhasa siguro ngayon lang nagkaroon ng magandang sekretarya kaya tamang hinala," she whispered back and then we giggled secretly.