Forum Download app Gifts
53.84% ONE STEP CLOSER ALEXA AND BENJAMIN BOOK 1 / Chapter 7: KABANATA 07

KABANATA 07 - ONE STEP CLOSER ALEXA AND BENJAMIN BOOK 1 - Chapter 7 by Gremme_Lyn_Sy full book limited free

Chapter 7: KABANATA 07

KABANATA 07

Isang linggo na ang matuling lumipas magmula ng mangyari ang mga bagay na hindi dapat mangyari.

Magmula nga ng magkausap si Alexa at ang mommy niya, ay sinimulan na niyang ayusin ang sarili. Dumidistansiya na siya sa kababatang si Benjie. Hindi niya na ito kinakausap kung hindi lang din ito tungkol sa trabaho at hindi kailangan. Nahahalata naman ito ng binata, ito rin naman ang gusto niyang mangyari ngunit parang kaybigat? Makailang ulit niya ring tinatangka na kausapin ito ng personal ngunit sa tuwing gagawin niya ito ay gumagawa ng dahilan si Alexa o kaya naman ay pinuputol agad ang usapan. Magmula nga rin na mangyari ang naging pagtatalo nila ng kasintahang si Ali ay hindi pa rin sila nagkakaayos. Ilang ulit na rin niya itong sinubukang kausapin ngunit palaging hindi mahagilap. Hindi na rin niya tuloy alam kung paano itong kakausapin at susuyuin.

"Bro!" si Philip na inabutan siya ng shot glass. Agad naman niya itong kinuha at inubos ang laman, bottoms up.

Nasa isang bar sila ,na pag-aari ni Philip kasama ang kababatang sina Miggy, Martin at Marcus. Nagpapalipas oras, para na rin makapag-isip isip.

"Mukang matindi ang problema ng chick boy natin ah!" biro ni Martin sa kaniya, natawa siya sa tinuran nito.

"Sino ba namang hindi dude? Torn between two lovers ang drama ng kababata nating ito. Litong lito na kasi siya sa buhay pag-ibig niya. Hindi malaman kung sino ang pipiliin. Ang kababatang hopelessly devoted to you o ang kasintahang nowhere to be found? " natawa ang mga ito, maliban lang kay Benjamin na nangunot ang noo sa sinabi ni Philip.

"Hopelessly devoted? " takang tanong niya rito na namumungay na ang mga mata. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/one-step-closer-alexa-and-benjamin-book-1_20637259505236305/kabanata-07_55462334948240915">www.webnovel.com/book/one-step-closer-alexa-and-benjamin-book-1_20637259505236305/kabanata-07_55462334948240915</a> for visiting.

Pagak na tawa ang natanggap niya mula sa mga kababata.

"Dude, hanggang ngayon ba wala ka pa ring alam?" si Marcus na tulad niya , pungay na rin ang mata, marahil sa tama ng alak.

Hindi siya sumagot,bagkus ay tinapunan lang niya ito ng nagtatanong na tingin at naghihintay sa susunod pa nitong sasabihin.

"Pare, bata pa lang tayo may gusto na si Alexa sa'yo! At magpahanggang ngayon ay hindi nagbabago yun! Hindi mo ba alam kung paano mo siyang sinasaktan sa mga kalokohan mo noon? Lalo na ngayong nagpaplano ka ng magpakasal !" isang shot ulit ang inubos niya. Wala siyang alam sa nararamdaman nito para sa kaniya. Ganoon ba siya kamanhid?!

"Hindi mo alam no? Lalo na noong panahong naging kayo ni Ali, sobra-sobrang sakit ang naramdaman niya doon. Kasi nakita niya na mukang seryoso ka na. Lalo pa kapag nag-aaway kayo ni Ali, tapos siya ang tatawagan mo para sunduin ka rito kapag naglalasing ka, sa kaniya mo binubuhos ang lahat ng sama ng loob mo sa kasintahan mo. Isipin mo nalang kung ikaw ang nasa posiyon niya? Nakikita niyang nasasaktan ang minamahal niya ng dahil sa ibang babae. Sobrang sakit non Pare!" segunda naman ni Martin. Nakikinig lamang siya. Mukhang ganoon nga siya kabulag para hindi makitang nasasaktan na niya ang babaeng dapat ay iniingatan niya.

"Pati kapag monthsary or anniversary niyo ni Ali, na siya pa ang pinag-iisip mo at katulong mo sa paghahanda ng mga surpresa mo, Dude! Napakasakit non! Puro si Ali, puro si Ali lang ang nakikita mo. Pero siya? Si Alexa? Wala! Hindi mo nakikita yung mga pagpapahalaga niya para sa'yo. Hindi mo maramdaman yung pagmamahal niya na matagal na niyang pinaparamdam sa'yo. Alam mo yung pakiramdam ng paulit-ulit mong sinusubukang ipadama sa taong gusto mo na mahal mo siya? Pero hindi niya kayang ibalik? Tapos hanggang kaibigan at kababata lang ang turing sa'yo? Parang balewala lahat ng pagsasakripisyo mo kasi hindi naman niya makita at mapansin, tsk, pare, wasak na wasak ang puso non!" gatong naman ni Miggy na halos maubos na naman ang pangatlong order nila ng pulutan .

"Lalo na yung gabi ng anniversary party ng company mo, na naging engagement party, akala niya siguro ay hindi namin nakita yung mga palihim niyang pagpupunas ng luha. Hindi mo alam kung paano mong dinurog ang puso niya ng gabing iyon. Kung paanong tahimik niyang iniiyak ang sakit na nararamdaman niya ng dahil sa'yo. Hindi mo nakita yung mga ngiti niyang pinipilit maging masaya para sa iyo. Awang-awa kami nila Nikka sa kaniya ng gabing iyon ,Pare. " dugtong pa ni Philip.

Naalala niya bigla ang mga nangyari sa Isla. Ang mga pasaring ng kapatid at tanong ni Nikka sa kaniya.

"Pero hanga talaga ako sa kababata natin na 'yon eh. Isipin mo, napakahabang panahong nagpaka tanga sa lalakeng ito na hindi kayang suklian yung pagmamahal na ibinibigay niya. Taga pagmana siya pare, mayaman, pero mas pinili na sa'yo magtrabaho para lang makasama ka at masilayan ang gwapo mong mukha araw-araw. Yung kahit araw-araw siyang masaktan sa tuwing makikitang masaya kayong magkasama ni Ali. Sobrang tatag Dude. Na kahit paulit-ulit mong masaktan ay nananahimik lang. Pinipilit na maging masaya para sa'yo. Sinusuportahan ka pag dating kay Ali , kahit na alam niyang masasaktan lang siya. Pero Pre, hindi ka namin kinokonsensiya ah , baka kasi talagang hindi mo pa lang 'yon nakikita ngayon eh, paniguradong hindi ka rin naman sinisisi ni Alexa, tignan mo nga sa tagal ng panahon, nag-stay pa rin sayo at hindi siya naghihintay ng kapalit. Ang amin lang Pre, buksan mo ang mga mata mo. Sa mga narinig mo rin sa Isla na patungkol sa girlfriend mo. Mag-isip isip ka Pare, napakarami mo pang hindi nalalaman , bulag na bulag ka ng naging pagmamahal mo kay Ali." mahabang turan ni Philip na sinundan ng paglagok ng alak.

"Bakit Pre, ano pa bang dapat kong malaman kay Ali? Bakit parang ako lang ang walang alam sa mga nangyayari? Parang ang dami-dami niyong alam na hindi ko pa nalalaman tungkol sa kaniya." may halong inis sa tono ni Benji.

"Wala kami sa posisyon para sabihin sa'yo, mas maganda na sa kaniya mismo manggagaling, o kaya , alamin mo sa sarili mo. Marami ka namang paraan para gawin 'yon. " sinundan pa ng mahinang tawa na sagot ni Philip.

Masyado na siyang nahihiwagaan sa mga sinasabi ng mga ito. Mukhang marami pa nga siyang dapat na malaman sa kasintahan niya.

GABI NA ng makauwi ang pamilya Alfonso , anniversary kasi ng mga magulang niya at napagdesisyunang i-celebrate ito sa isang simpleng family dinner.

Ang isang masaya sanang selebrasyon ay napalitan ng hindi kapani-paniwalang rebelasyon ng makauwi sila.

"Magandang gabi po Señora, Señor, Señorita, may....may naghahanap po sa inyo...nasa living room po. K-Kamag-anak niyo daw ho." kamag-anak?

Nagkatinginan ang mag-asawang Alfonso, hindi niya mawari ang nakikita niyang ekspresyon sa mga mukha nito, lalo na ang sa kaniyang Ina na bigla na lamang namutla at parang natatakot.

"Mom? Dad? May bisita daw po." ulit niya sa mga ito. Alanganin namang ngumiti si Felix sa kaniya at nagbalik ng tingin sa asawa.

"Dad..." isang pamilyar na tinig ang nagpalingon kay Alexa. Hindi siya makapaniwala sa nakikitang nakatayo sa kaniyang harapan at sa itinawag nito sa kaniyang Ama.

"A-Ali!" tila nahihintakutang bulalas ng kaniyang ama ng makita ito.

Nagbaling naman ng nagtatanong na mukha si Alexa sa ina, kinukumpirma kung tama ba ang kaniyang nakikita at narinig.

Malungkot naman tumango ang kaniyang ina, nangingilid ang luha nitong niyakap siya.

"Sa loob natin ito pag-usapan." ang Ama niya. Inalalayan naman niya ang Inang pinanlambutan ng mga tuhod dahil sa nangyayari.

Kahit siya ay hindi mapaniwalaan ang mga nagaganap ngayong gabi. Sana nga lang ay isa na lamang itong bangungot na may maaaring gumising sa kaniya para matapos na kaagad. Ngunit hindi.

Palihim namang ngumisi itong si Ali. Nagsisimula palang siya, hindi niya hahayaang maging masaya ang mga taong dahilan ng pagiging miserable niya.

"DAD...ano'ng ibig sabihin nito? " mahinahon ngunit may halong pagkainis ang tanong ni Alexa.

Halos magkapanabay na bumuntong hininga ang kaniyang mga magulang.

"I'm sorry Hija kung ngayon ko lang ito sasabihin sa'yo." malungkot na panimula ni Felix.

"Sa akin lang? I-ibig sabihin...alam mo ito mommy?" nangingilid ang luhang binalingan ang Ina.

Hinawakan siya nito sa kamay at marahang tumango.

Tila nauubusan naman ng pasensiyang natawa si Alexa.

Tignan mo nga naman ang pagkakataon. May mga bagay talagang hindi mo inaasahang mangyayari.

"Siya ang anak ng Daddy mo kay Veronica," si Veronica ay ang isa sa kaibigan ng mommy niya noong college palang ang mga ito. Ang alam lang niya ay may nakaraan ito at ang kaniyang ama , ngunit hindi niya akalaing may kapatid pa pala siya rito.

"Gusto ko mang ipaalam ito sa'yo ito ng mas maaga ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabhin sa'yo, lalo na noong nangyari ang aksidente sa Kuya mo. " segunda ng Daddy niya.

Bumaling siya kay Ali na tahimik lang na nakaupo sa tabi ng ama niya.

"All this time ay alam mong magkapatid tayo?" hindi siya sigurado kung tama ang nakita niyang ngumisi itong si Ali, ngunit nawala rin naman agad at napalitan ng malungkot at nagpapaawang mukha.

"Gusto ko lang namang maranasan ang magkaroon ng ama Alexa. Siguro naman deserve ko 'yon. All this years ay nasa saiyo siya, gusto ko ding maramdaman ang kalinga ng isang ama. Magmula ng dumating ka ay nakalimutan na niya ako! Kami ng mommy! At ngayong wala na ang mommy ay mag-isa na lang ako, siguro naman ay hindi kalabisan kung hihilingin ko rin siyang makasama!?"

Di makapaniwalang binalingan ng tingin ang ama.

"Matanda siya sayo ng isang taon. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Nagising na lamang ako na magkatabi na kami ni Veronica, makalipas ang ilang buwan ay sinabi niyang nagdadalang tao siya, at iyon ay si Ali. Sinoportahan ko sila sa paraang pinansiyal, hanggang ngayon ay ganoon pa din. Ngunit wala na si Veronica, at hindi kakayanin ng konsensiya ko kung pababayaan ko na lamang si Ali na mag-isa. " nakikiusap ang mga matang saad ni Felix sa anak. Pilit na pinaiintindi sa kaniya ang sitwasyon at desisyong makasama ito. Hindi siya makasagot. Masyado siyang nawiwindang sa mga nangyayari.

"Felix, matagal na panahon na kitang pinatawad sa nangyaring iyon, maging si Veronica na iyong ina , Ali. Pero ang mga kasalanan ng iyong ina ay pilit ko pa ring iniintindi at sinusubukang kalimutan , hanggang ngayon kasi ay masakit pa rin, parang kailan lang . Alam kong malaki ang pagkukulang sa iyo ng asawa ko, hahayaan ko siyang bumawi sa lahat ng naging kakulangan niya, hahayaan ko rin na makasama mo siya sa anomang oras na gustuhin mo. Pero ito lang ang pakiusap ko sa'yo. Patawarin niyo ako Felix, pero ito na ang huling beses na tatapak siya sa pamamahay ko. Hindi ko kakayaning makasama ang bastarda mo sa iisang bubong. Hindi ko kayang makita siya araw-araw at maalala ang lahat ng kasamaang ginawa ng kaniyang ina sa pamilya natin Felix. Bumabalik lahat at nananariwa. Ayokong dumating ako sa puntong paulit-ulit ko siyang sisisihin at susumbatan. Pasensiya na Ali, pero sana maintindihan mo ako. Alam kong alam mo ang pinupunto ko, hindi ko rin kakayaning makita ang anak kong paulit-ulit na nasasaktan." lumuluhang litanya ni Anastasia. Punong-puno ng hinanakit. Gusto niyang manumbat. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob na ibinaon niya na noon at muling nananariwa ngayon.

"Pero Ana...wala siyang kasalanan sa mga nangyari noon." nakikiusap ang tinig ni Felix.

Mariing pinunasan ni Anastasia ang kaniyang mga luha at matapang na tinignan ang asawa.

"Marunong akong magpatawad Felix, pero hindi ako nakakalimot. Kung hindi mo ako kayang irespeto sa desisyon ko bilang asawa mo, hindi ako malulungkot kung pati ikaw ay mawawala sa buhay ko. Sobra-sobra ang idinulot na sakit at gulo ni Veronica sa pamilya natin. Baka nakakalimutan mo ang huli niyang ginawa Felix. Kung ayaw mong maramdaman ng anak mong 'yan ang nararamdaman kong pagkasuklam sa kaniyang ina, ihanap mo siya ng lugar na nararapat sa kaniya, at hindi sa pamamahay na 'to. Tara na Alexa. " sabay bira nito ng tayo at layas hila ang anak.

Ilang ulit namang humingi ng paumanhin si Felix sa anak na si Ali na ngayon ay labis labis ang pagngi-ngitngit na nararamdaman niya para sa mga ito. Mas tumindi lamang ang galit na nararamdaman niya para sa pamilya Alfonso. Lalong lalo na kay Alexa. Gagawin din niyang miserable ang buhay nito. Ipaparanas din niya ang lahat ng sakit at hirap na dinanas niya ng dahil sa mga magulang nito. Sisiguraduhin niyang hindi ito magiging masaya katulad niya.

Pakiramdam niya'y kinuha ng lahat ni Alexa. Masaya at kompletong pamilya, karangyaan, at mga kaibigang nagmamahal. Walang itinira sa kaniya.At mukhang maging ang kaniyang nobyo ay binabalak pa nitong agawin. Si Benjamin na lang ang meron siya, at hinding hindi niya hahayaan na pati ito ay maagaw pa. Magkamatayan na pero sa kaniya lang si Benji. Kukuhanin at babawiin niya ang nararapat na sa kaniya na dapat ay noon pang nasa kaniya. Uubusin niya. Wala siyang ititira.

----------------------

Sabaw na update na naman!! '😂

Guys, marami akong kina-cut na eksena dito, na mababasa niyo sa mga susunod na story/book nilang magkakababata..

Sa totoo lang, habang ginagawa at iniisip ko ang mga kwento nilang lahat, parang sa tingin ko. Pinakamagiging maganda ay kapag nasa kwento na tayo ni Ali.

Pero save the best for last, ika nga. Hehe.

Thank you for reading!!


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login