Forum Download app Gifts
6.89% Scene of the Crime Detectives / Chapter 2: CHAPTER 1: DEDUCTION SHOWDOWN

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 2 online

Chapter 2: CHAPTER 1: DEDUCTION SHOWDOWN

Chapter 1: Deduction Showdown

Mary Russell's POV

It is the very first day that I will be studying as a Senior High School student and this is also the first day that I will study at the prestigous Sherrinford High. Excited na talaga ako! Lahat ng aspiring detective ay gustong makapasok dito because it is the one of those speacial school that discusses 'detective thingys' thoroughly and also, of course, because 'tis the home of the greatest detective in the country.

Uhm, by the way, I am Mary Russel Corpuz, 17 years old, an incoming Grade Eleven Student and an aspiring detective, hehe. Yes, I know that for some reasons, medyo boring ang name ko but for me it's extraordinary. Actually, I was named after the main character of the bestselling novel 'Mary Russell Series' which is actually the spouse of my idol, Sherlock Holmes, and that made it extraordinary for me. Ang sabi nga ng iba, boring daw but, ano bang pake nila. Pangalan ko 'to kaya wala silang pake.

Boring nga rin daw ang pagiging detective but for me, it's not. Maganda kasi 'yung mga trabahong may thrill kapag ginagawa, and ang pagiging detective ang thrillest job among all. Unlike those other professions na ina-anticipate mo na lang ang gagawin mo bawat araw kasi common at paulit-ulit na lang ang ginagawa.

Like I said, I was named after one of the greatest detective and theologist but my mom don't want me to become one or to follow her footstep. How ironic, right? She said she just wanna see me safe dahil ako daw ang unica hija nila. Hindi ko rin nga alam kung bakit napaka-overprotective nila sa akin.

Dumiretso ako sa classroom ng XI-Andromeda, my section. My classmates are surprisingly complete, sabagay, it's a shame nga naman kung ma-late ka sa unang araw ng pasukan. Pero take note! Hindi ako late, it's just that they are so early.

Naglakad ako papasok ng room. Ramdam ko ang mga mata nilang mainit na nakatingin sa 'kin. It just made me uncomfortable, ugh! I hate this feeling. Dahil awkward nga, I just put my head down na kaninang taas-noo at hindi na sila sinubukang tignan.

Isang slot nalang naman ang vacant na upuan eh, kaya doon ako dumiretso. I went directly to the front of the classroom and when I reached the middle of the front, naglakad ako sa gitna ng dalawang grupo ng mga upuan at nang makapunta ako doon ay tinanong ko ang isang babaeng naka-braid ang hair.

"Hi miss. Pwede ba akong umupo dito? May nakaupo na ba dito?" Tanong ko. Unti-unting lumingon ang ulo niya. It's creepy dahil ang pag-ikot ng ulo niya ay parang sa mga horror at zombie movies na umiikot ang ulo 360 degrees.

Ang dating nakabusangot na mukha niya ay nag-iba at umaliwalas. "Sure! I would be glad if ikaw ang makakatabi ko ngayong school year." Aniya nang nakangiti.

Swoosh! Akala ko pa naman e ang gagawin niya 'yung gaya nung sa mga typical movies na ibu-bully ako on the first day of class dahil nga transferee ako. Buti nalang at walang ganoon dito.

Agad akong umupo sa upuan at tinignan ang katabi kong nakikipagdaldalan sa kabilang upuan. Tinapik ko ang likuran niya para ilipat ang atensyon niya sa akin."Hey, Mary Russell Corpuz nga pala." I lent my right hand to her. Tinanggap niya naman iyon.

"Oh, Mary Russell huh? Sounds boring. Would you mind if I call you Russ? Para iwas sayang ng laway at para madali lang na ipantawag."

"Sure. I won't mind. Ayos lang." Sabi ko, "And you? What's your name?"

"Angelica Mendoza. And, since you allow me to call you in other name I'm comfortable to, you're also free to call me in other name."

"Huwag na, ayos lang. Comfortable naman para sa akin na tawagin kang Angelica."

"Your decision." She said, I smiled.

"But Angelica, can I ask some question." I asked.

"Of course. Anything. As long as I know the answer."

"Ilan ang section sa Grade 11?" Tanong ko, "And anong unang subject natin ngayong araw?"

"Ah. 'Yun lang ba? I know the answer, don't worry." Aniya ng nakangiti. "Tatlo ang section sa Grade 11; Andromeda, Betelgeuse and Centaurus, familiar right? Every section's name do came from stars. Ang unang subject naman ng lahat ng section sa Grade 11 in monday is Deductions, you know, detective thingy. Don't worry, I will lend you the schedule later and make sure to take a picture of it, okay?"

"Ah, okay, thanks. Nice meeting you nga pala and I'm hoping na maging friends tayo."

"Me too."

Pagkatapos niyang magsalita ay agad na may pumasok na isang matabang babae. Agad na nagsitayuan ang lahat ng classmates ko at nag-bow. Hala! Hindi ako na-orient na ganito ang sistema dito. "Good morning, Ms. Fuentebella!" Sabay-sabay nilang ani.

"Good morning! So, ngayon ang unang araw ng inyong Senior High School life. How was it?" Tanong nung teacher na pumasok. Nagtanong siya as if may nangyari nang importante, duh? First subject kaya namin siya. "Yes, wala pa ngang nangyayaring importante but how was your first impression sa mga classmates mo... Ms. Corpuz?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni... ni... Ano nga bang pangalan niya? At saka paano niya nalaman ang tanong na nasa isip ko?! At saka, paano niya nalaman ang pangalan ko?

"Call me Ms. Razon Fuentebella, Ms. Corpuz." Aniya, "And the reason is; it's just that I can read and play with minds."

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. It's getting any creepier every second, nagtutugma kasi ang mga sinasabi niya sa mga tinatanong ko sa sarili ko.

Tumayo nalang ako at nilunok ang laway ko, creepy, eh! "Uhm, mu-mukhang mabubuti naman po sila Ms. Fuentebella."

"Wala naman bang nambubully sa'yo dito ngayon, hija?"

"Wala pa naman po, fortunately."

"Okay, so remain standing and introduce yourself." Utos nito sa akin.

"Hello. I am Mary Russell Corpuz, I am 17 years old and I came from Hillington High, kung saan ako pumasok at gru-maduate as Junior High school student."

"Oh, you're from Hillington High. Meron namang senior high sa Hillington ah, what made you think na lumipat dito sa Sherrinford High?" Tanong nito.

"Uhm, gusto ko lang po, Ms. Fuentebella. I mean, I just want to explore something new po. Bali-balita po kasing maganda ang sistema ng pagtuturo rito eh." Ani ko and yeah, it's somehow true. But ang tunay na reason is that I want to be part of a prestigous school where the most popular detective once studied.

Lahat ng succesful detectives sa buong bansa ay galing dito - halos lahat pala. Kasi kung lalahatin ko, that's hasty generalization and it's fallacy. Pero I would admit na galing dito ang pinakamagaling na detective na si Ronwaldo Sigmunde. Alma Mater daw ito ng mga sikat na detective - including Mr. Sigmunde - sa buong bansa and dahil gusto kong sundan ang mga yapak nila, pumasok ako dito.

"You may now take your sit, Ms. Corpuz." Sabi niya at binuksan ang libro niya, "Well, dahil first day ngayon, let's chill muna."

Naghiyawan ang lahat sa sinabi niya. Well, ano pa bang aasahan ko sa first day of class? Ganiyan naman talaga ang sitwasyon kapag first day, anong bago?

"It's not what you think guys. What I mean to say is... huwag muna tayong sumabak sa bagyong discussion. Huwag muna sa bagyo, sa ulan muna dapat 'di ba?" Aniya at ngumiti ng nakakaloko.

What?! Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi ni Ms. Fuentebella ah. Bagyo?! Ulan?! Can she just tell it directly?

"Everyone, go to the gym. We'll have our first-day activity." Ang kaninang masayang mga classmates ko ay biglang nawalan ng saya. Lahat naman ng mga estudyante ay walang nagawa kundi ang pumunta sa gym. Nakisabay na lamang ako kay Angelica since I'm not yet familiar to this school.

Minutes later, nakarating na nga kami sa gym. It's a wide place kung saan may dalawang basketball ring sa magkabilang dulo nito. Meron ring audience place sa paligid ng court.

Mayroon akong nakitang tatlong taong pareho ang uniform. I don't know kung bakit iba ang uniform nila. It seems like they are part of the campus police of the school.

"You're right, Ms. Corpuz." A woman's voice said from the back. Tinignan ko siya sa likuran, it's Ms. Fuentebella. "They are the CAT Officers, they are actually the so-called campus police."

Tinignan ko agad ang tatlong lalaking tila hindi gumagalaw sa kanilang posisyon. "Andromeda, sit here. Sit like an indian." Ms. Fuentebella said. Lahat naman kami ay nagsiupuan sa sahig. May mga maaarte din akong mga kaklase na pinapagpagan muna ang sahig bago umupo.

Teka lang, ano ba talagang activity?

The faint sound of the gym's door started to screech inside my ear. My classmates began to shout as another class went inside the gym. May ibang mga classmates din akong tumayo to greet their friends in other class. Sinaway naman sila ni Ms. Fuentebella at pinaupo.

"Betelgeuse, sit here. Hindi talaga kayo pwedeng pagsamahing magkaka-batch. Naku, paano pa pag pumasok ang Centaurus?" Ms. Fuentebella said. So, they are the Betelgeuse section.

Bumukas na naman ang pinto ng gym. I can say that this is actually the last and third section, Centaurus. Unlike Betelgeuse, they are quiet. Ewan ko lang, baka nasa loob rin ang kulo.

"Centaurus, sit here." Ani Ms. Fuentebella at itinuro ang side na hindi pa nauupuan. "I believe you're wondering about what we're gonna do here, so I'm here to spill the milk. We're going to have a deduction showdown! Who's excited?"

To my surprise, no one screamed as well as no one raised their hand. I wanted to raise my hand, kaso baka mapahiya lang ako, kaya hinayaan ko nalang si Ms. Fuentebella magsalita. "No one? At least one?" Tanong niya pa, but I don't have the confidence to raise my hand. "Wala talaga? Sige." She said at sumimangot. After making face, she clapped her hands two times at saka bumukas na naman ang pinto at iniluwal nito ang dalawang nurse na may dalang stretcher. May nakapatong ditong - to my surprise - isang bangkay ng babae. Sa tingin ko, matagal na itong patay dahil masyado nang mabaho.

Naglibot naman ang tatlong CAT officers at namimigay ng face mask para panakip ng ilong. "Thank you." Sabi ko at ngumiti sa isang CAT officer. He didn't give a damn at nanatili sa pagiging poker face.

Nagpatuloy si Ms. Fuentebella sa pagsasalita. "This is the late Ms. Josefina Montemayor. She was seen dead inside her house just a month ago. Hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang suspek. Now, this is the activity, find who's the culprit behind this crime. There is actually four suspects depending on the happenings of our victim on the time she was killed, namely: Raul, her husband whose been sucked by his wife's nagging habbit. Mary, her daughter, whose been mad at her mother because the latter didn't permit her to have a boyfriend. Nilda, their maid, na hindi pa sinasahuran ng amo niya sa loob ng tatlong buwan. Janus, their driver, na kapareho ni Nilda ng rason. Who's the culprit?" Josefina Montemayor? The name seems to be familiar, huh?

A boy at the Betelgeuse section raised his hand. "Ms. Fuentebella, can I ask question?" The teacher nodded. "Are there any evidence or any suspicious object located at the crime scene?" Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-1-deduction-showdown_40764326591658862">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-1-deduction-showdown_40764326591658862</a> for visiting.

"Good question, Mr. Del Fuego." Ms. Fuentebella smiled. "There are suspicious things, as said by Mr. Del Fuego, found at the crime scene. CAT officers will now put the evidences inside. Evidences found are named: trashbin, picture of the crime scene, lubid at isang heater."

May isa na namang tao ang nagtaas ng kaniyang kamay. Galing naman siya sa Centaurus. "Yes, Mr. Sayson?"

"What's the position of the victim when she was killed?" Ani ng lalaki na naka-poker face.

"Nakasabit siya sa itaas gamit ang lubid na nakagapos sa kahoy na nasa taas ng kanilang bahay. Walang nakitang upuan o kahit na anong bagay na pwedeng apakan ng biktima kaya maituturing itong murder at hindi suicide." Paliwanag pa ni Ms. Fuentebella. "I believe everything is clear. Can we now start the deduction showdown?"

"Yes, maam." Sabay-sabay na ani ng mga estudyante.

"Siya nga pala, bibigyan ko kayo ng fifteen minutes to observe the evidences, maging ang bangkay ng biktima. And the timer starts now."

Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan. I can smell something's fishy e. Inuusig ako ng sarili ko na hindi ito murder, isa itong suicide. Yet, it wasn't still clear kasi hindi ko pa na-a-assure.

Pumunta ako sa lubid. Sinuri ko nang maayos ang lubid. There was still traces of blood na sa tingin ko galing sa leeg ng biktima. Nagawi ang tingin ko sa leeg ng biktima, it is now violet. Siguro dahil sa sobrang higpit ng pakakagapos.

"Is she the transferee? Naku, mahihina naman daw ang mga utak ng mga taong galing Hillington e. Tsk, wala naman 'yan." I heard girls chattering behind me. Ano 'to? Backstab-an sa first day? Diyos ko Lord, ilayo mo po ako sa tukso at baka masuntok ko pagmumukha nito.

Hindi ko nalang sila inintindi, bagkus ay pumunta na lamang ako sa trashbin. There was a receipt from a known supermarket. Ang mga binili ng bumili ay isang kilo ng ice cubes, alcoholic beverage at isang pack ng katinko.

I directly went to the heater. In-open ko ang heater at gumagana pa ito. It's a bit suspicious since summer last month so anong ginagawa niya sa heater? Mysterious.

Pinuntahan ko ang picture ng crime scene. It was printed on a tarpaulin kaya medyo malaki ang litrato na parang nandoon ka na rin sa crime scene. Typical crime scene na rin naman ito, madugo, madumi. Pero one thing got my attention, below where the victim was found, may nakita akong traces of liquid.

"Fifteen minutes is done!" Sigaw ni Ms. Fuentebella at pinabalik kami sa aming dating inuupuan. "Who wants to formally start the deduction show?" A man raised his hand.

"Hi, I am Sofronio Velasquez, from XI- Centaurus." He said. "When I first saw the victim, I was convinced that it is murder. At nang sinuri ko ang mga ebidensiya, mas lalo akong na-kumbinsi sa aking deduction."

"What made you think so?" Tanong ni Ms. Fuentebella.

"Base sa crime scene, walang nakitang ano mang bagay na maaaring apakan ng biktima kung siya ay gustong magpakamatay." Meh! Ms. Fuentebella has already said that.

"Is that an enough evidence?" Tanong ni Ms. Fuentebella. A man from the Betelgeuse section stood up.

"It's not. But I agree to what Sof has just said." The man said. "By the way, I'm Ceasar Del Fuego."

I heard many murmurs from other students. I heard gossips such as 'he's the legendary nerd' or 'the mythic nerdy'. But, what the hell is wrong with being nerd?

"Same question, Mr. Del Fuego. What made you think so?"

"I saw receipt from the trashbin saying a person bought alcoholic beverage from a supermarket. I deduced that it was her husband who bought the beverage and he is also the one who drank it. At nang lasing na ang kaniyang asawa, that's the time when she was executed to death."

"Hmm, nice observation. Pero ano sa tingin ninyo ang koneksiyon ng krimen sa heater?" Tanong ni Ms. Fuentebella. A girl with a genuine smile raised her hand.

"I'm Irene Adler De Morgan." Said the girl and flashed a smile. Tila ba nahalina ang mga lalaking nasa loob ng gym. "Siguro po miss, gumamit ng heater ang culprit para mas ma-suffocate pa ang victim para mas madali siyang mamatay at hindi na makagawa pa ng ingay. And since, summer that time, ang init sa labas at ang init sa loob ng bahay, isabay mo pa ang mahigpit na pagkakagapos sa kaniyang leeg, 'yun talaga ang dahilan ng pagkamatay niya."

She then flashed a smile. Nagpalakpakan naman ang mga tao na kanina'y bored na bored na. Her style of speaking is damn sexy. Tch! Where did you get such term, Russell? Na-to-tomboy na ata ako.

"Does that mean you're agreeing to the statements given by your batchmates?" Ms. Fuentebella asked.

"Somehow." She answered. Mukhang naguluhan naman ang mga tao sa kaniyang inani. "I agree to what they've said but I think it's between their maid or driver who killed her, and not her husband. Hindi naman mabigat na dahilan ang pagdadada ng kaniyang asawa para patayin niya ito. Para lang sa akin, mas mabigat na dahilan ang hindi pagpapasweldo ng kanilang amo para patayin sila ng kanilang employee."

"Nice observation, Ms. De Morgan." Our teacher then gazed her eyes on our section. "What about Andromeda? Masyado ata kayong tahimik."

Maybe it's time to boost my self-confidence. I raised my hand. "Oh, sure Ms. Corpuz. The transferee girl." Wow, she even have to give me that title, huh?

"I disagree to what they said." I said. "By the way, I'm Mary Russell Corpuz." There's a sudden commotion from my batchmates. Seems like they agree to what other students said.

"Bakit nagdi-disagree ka, Ms. Corpuz?" Tanong ni Ms. Fuentebella.

"I think it's suicide. Pinamukha lang ng biktima na murder." My batchmates made a noise because of shock.

"Bakit naman iyon gagawin ng biktima?"

A man from Centaurus stood up to speak. "I'm JD Sayson and I agree to Ms. Corpuz." Aniya. "It's because she is depressed and she want someone to be blamed for her death. And because of the said reasons of the suspects, she thought that all of them may be suspected to be one responsible for her death Unlucky for her, I already knew her tactics." Yabang ah.

"If it's true, then what's your evidence na magpapatunay sa suspetiya ninyo? How did she executed her suicide?" Tanong na naman ng teacher namin. I raised my hand for the second time around.

"As I can see sa crime scene, sa ibaba kung saan niya isinabit ang sarili niya was traces of water. What suspicious is how can she step on water para mabitin ang sarili niya sa itaas? The answer is make water into it's solid state which is ice. Kaya siya bumili ng ice cube na makikita natin sa resibo. Bago siya tumapak sa ice cube ay binuksan niya muna ang heater para mapadali ang pagtunaw at pagtuyo ng tubig sa lupa. Meron din siyang alcoholic beverage dahil, same as what Mr. Sayson said, she is depressed. She also bought katinko to lessen the pain she is experiencing pero naisip niya nga 'yung plano kaya napagpasiyahan niyang magpakamatay na lamang. Hindi rin nasabi ni Mr. Sayson na may galit din ang ating biktima sa apat na suspek na kinasusuklaman din siya, inisip niyang pabigat lang siya so she decided to just kill herself. The reason why she was depressed and kaya hindi niya nasusuwelduhan ang mga employee niya ay dahil nabankrupt ang kaniyang business, nabasa ko ito sa isang article sa isang newspaper last month."

Everyone was still silent nang matapos akong magsalita. Am I wrong about my deductions? Tch. Sabi na nga ba't dapat hindi nalang sana ako nagsalita e.

"Excellent, Ms. Corpuz." Ani Ms. Fuentebella then she clapped. Sumunod rin ang mga estudyante na nakapaligid din sa amin. Maging ang mga estudyanteng nagsalita't nakatayo kanina ay nagsipalakpakan din. I felt uncomfortable. I hate this feeling. Ayokong sa akin lang ang tingin nila.

The bell then rang. Thanks, bell! Thanks for saving me! Everyone is now preparing to go back to the classroom. Kampante naman na ako na pagbalik sa classroom, mawawala na ang fame na dulot ng deduction showdown kaya ayos na 'yun.

Dala-dala ko na ang binder at ballpen ko at ready nang lumabas nang muling magsalita si Ms. Fuentebella. "Mr. Sayson, Mr. Del Fuego, Mr. Velasquez, Ms. De Morgan at Ms. Corpuz, go to the principal's office immediately. Everyone except those students I said, you can now go back to your respected classroom. Goodbye."

What?! May nagawa ba akong kasalanan? Bakit ako pinapapunta sa principal's office?

The girl with a genuine smile approached me. "Hi, I'm Irene Adler De Morgan. I'm so impressed of your deduction skills! I want to be your friend." Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanggap ang kaniyang kamay.

"I'm Mary Russell Corpuz. Hi."

"Sabay na tayong pumunta sa office. Alam mo I'm wondering din kung bakit tayo pinatawag dun. Nag-deduce lang naman tayo, hindi 'yun krimen! Pero don't worry, 'di naman terror principal natin..." At ang dami niya pang sinabi habang naglalakad kami papuntang principal's office.

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.