Forum Download app Gifts
51.72% Scene of the Crime Detectives / Chapter 15: CHAPTER 14: CAMIL HAVIEL

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 15 online

Chapter 15: CHAPTER 14: CAMIL HAVIEL

Chapter 14: Camil Haviel

Ceasar's POV

Immediately after I gotta talk with PJ, I went out of his office. Nang nakalabas ako ay sinalubong ako ng main gate. There greeted me a man, waiting outside.

Lumapit ako sa gate at hinarap ang taong iyon. "Good morning, ano or sino po ba ang hinahanap mo?" Pinagbuksan ko ang gate and made a way for him to get inside the school premise.

"Ah e, good morning din. Ito ho ba ang Sherrinford High?" Tanong niya. Itinuro ko naman ang aking kamay sa gate kung saan may nakadikit na logo ng school. "Ito nga. Hehe. Sorry."

"What's your purpose nga ho. And sino ho ba kayo?"

"I'm Jervy Haviel. Anak ako ng isang teacher dito. Si Camil Haviel. Kilala mo ba siya?" Aniya. Napaisip ako. Sa pagkakatanda ko, wala ni isang teacher na may apelyidong Haviel dito.

"Sorry. Wala e. Alam mo ba kung saang department siya nagtuturo?"

"Nagtuturo siya, sa pagkakaalam ko, e... Hindi ko alam ang tawag sa department e. Kakaiba kasi. Basta ang tinuturo niya, parang sa detective."

"Ah. CSI Dept.?"

"Ano 'yun?"

"Crime Scene Investigation Department. Diyan siguro siya."

"Ah, siguro." Aniya.

"Maiba ako. Bakit mo pala siya hinahanap?" Ani ko bago napatingin sa dala-dala niyang maleta.

"Galing kasi akong abroad, particularly sa Hawaii. Kakauwi ko lang. Tapos ang sabi niya, umuwi daw ako sa bahay namin. Ang kaso, walang tao doon at wala pa akong kopya ng susi." Ah, kaya pala.

"Can you wait, just a minute? Hanapin ko siya. If you want."

"Huwag na, don't bother. Siguro I'll just stay in a hotel. I don't want to bother you, baka may klase ka pa. Sige, salamat na lang." He said.

"Are you sure?"

"Oo, ayos lang ako. Sorry pala sa abalang nadulot ko sa 'yo." I nodded, he then go with his baggage.

~•~

Irene Adler's POV

Ceah went back after half an hour, I think. Siguro kakatapos niya lang kausapin ni PJ, or should I say, the other way around. Agad namin siyang sinalubong at tinanong kung anong sinabi ni PJ.

"Bakit daw, Ceah? Bakit ka daw ipinatawag? Bad news ba? Ang tagal mo dun ah." Tanong ni Sof sa kaniya.

"Hindi siya bad news, actually. It's good news." Ani Ceah. My gaze turned to the pieces of paper na hawak niya. Ano kaya 'yun?

"Kaso? Siguradong good news 'yan para sa 'tin." Gatong ko pa.

"If that's a case, hail hitler! My mind rebels at stagnation now." English na ani JD. Ano daw? Wala akong naintindihan e.

"It's not actually a case. It's about the upcoming competition where I will compete." Ceah replied.

"What about the competition? At saka, ano 'yang hawak mo?" Tanong ni Russ. Hindi lang pala ako ang nakapansin noon. Ceah looked at the paper he's holding.

"I'll explain. The competition will be held on the first week of July and at South Korea. Nagulat nga ako when I heard the news that the sched was moved to July. Sinabi din ni PJ na sobra 'yung plane tickets na hawak niya para sa mga delegates, kaya he decided to have you all come with me and other delegates. Kasama rin si Ms. Fuentebella as my coach." Ceah said.

SOUTH KOREA?

SOUTH KOREA?!

SOUTH KOREA as in SOUTH KOREA?!

OMG! IS IT REAL?!

"Sa-sasama kami?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah. In fact, this is the waiver. You only have to make it sign by your parent. As they sign, that means they are allowing you to come. Kasama rin pala sa gagastusin ng school 'yung daily expenses natin, like food and others."

"So, sasama talaga kami?" Tanong naman ni Russ.

"Yeah, just tell me kung ayaw niyo. But I'll tell you guys, this is a very good offer. Huwag niyo nang sayangin, in demand pa naman ang SoKor pagdating sa tourist destination, tapos libre pa. So habang maaga pa, sabihin niyo na, sinong ayaw?" Wala namang nag-raise ng hand nila.

"Yes, kumpleto ang SHC!" Wika ni Sof.

"OMG! Makakapunta na ako sa South Korea!" Sigaw ni Russ. Bigla naman siyang tumili. This is the first time I saw Russ acting like this.

"What was that for, Russ?" Gulong tanong ni Ceah.

"Didn't you know that South Korea is my dream destination?! Wahhh! Makikita ko na ang mga idols ko! Wahhh!" Sigaw niya pa. I didn't know she's a KPop fan too.

JD spoke. "Even if you go to Korea, that doesn't mean you're gonna meet them."

"Ah, basta. Ang alam ko makikita ko sila. Wahhh! At saka, paano mo naman nalaman 'yun? Nakapunta ka na ba dun?" Tanong niya. JD remained silent but he just tsk-ed. "At saka, bakit ba ang cold cold mo? JD, why so cold?"

"Even the coldest person once cared too much." Then he just rolled his eyes at umiling before looking at me. I looked at him as well.

"Hugot 'yun ah! Hep hep hep hep! What's with that staring contest? May bumabalik ba?" Malokong tanong ni Sof.

Tumaas ang kilay ni Russ. "Anong babalik?"

"Naku, Russ. Wala ka pa kasi nung grade seven—" Agad kong pinutol ang dapat na sasabihin ni Sof.

"Shut. The. Fuck. Up. Sof." Mariing mura ko at nag-glare sa kaniya.

"Okay. Wala na palang babalikan. Hyy." Aniya pa then he sighed.

Nanahimik ang lahat dahil sa sinabi ko. Well, alam kong alam nilang lahat maliban kay Russ ang nakaraan namin ni JD but that past, and it should be burried underground. To lessen the heavy atmosphere that I made inside our room, I shouted. Alam kong para akong tangek pero ano bang pake nila? "Wahhh! Kang Daniel, makikita na ba kita?" Russ looked at me, she then suddenly shouted again.

"Wahhh! Kpop fan ka din pala, Irene! Wahhh, Tapos si Bobby pa ng iKon, omaygad!" Dagdag pa ni Russ.

"Gosh, iKonic ka rin pala. OMG! Pareho tayo! Wahhh!" Sigaw ko pa. JD cleared his throat.

"It's not the right time for your fangirling moment. Save your voice whenever you see your idols, if ever." JD said. Should I be mad at him for saying those terms? It's insulting for us, fangirls. Will it be the best reason to be mad at him or not? Pero kung sabagay, may point din naman siya.

Ceah then started to talk again. "By the way, guys. May kilala ba kayong Camil Haviel ata 'yun? Teacher daw, sa CSI Dept. May naghahanap kasi kanina sa gate e. Wala kasi akong maalalang teacher na ganoon ang pangalan."

"As far as I know, there's no such name of a teacher here." JD said.

"Baka naman baguhan." Ani Russ.

"Tama si Russ, baka baguhan nga." Ani ko naman.

"If ever na baguhan siya, e 'di dapat nabalitaan natin, since our club is under the CSI dept." Ceah explained.

"I smell something strange." Ani Sof. Bakit ba hindi bagay sa kaniya mag-english? No offense kay Sof pero ang ganda kasi pakinggan ng english sentences kina JD at Ceah pero sa kaniya, ang sagwa. Peace, Sof. "Is this bagong kaso? Dapat ba natin itong bigyan ng title, like: 'Operation: Find the Missing Teacher'?"

"Ang baduy, Sof." Ani ko pa. "Pero seryoso, I think it's another case, as said by Sof." I turned my gaze to Ceah. "Ceah."

"Yes, Irene?"

"Ano bang mukha ng naghahanap doon sa missing teacher?" I asked.

"Bata pa siya. I mean, I think he's just three years ahead of our age. Siya daw si Jervy Haviel, ina niya daw 'yung missing teacher. He just came from the airport and went directly to their house but his mom isn't there. He then decided to go here at his mom's rumored workplace."

"Kapani-paniwala ba ang sinabi niya?" Sof asked.

"As of my observation, mukhang true and reliable naman ang sinabi niya. Nakakatingin din siya sa akin ng diretso. Not unless he's a professional liar and a storymaker."

"Did you assure him na dito talaga nagtatrabaho ang mom niya? Baka naman kasi sa ibang school." Russ added.

"Itinuro ko sa kaniya ang logo sa gate. Nandoon 'yung pangalan ng school. He assured it. Alam niya rin ngang nasa CSI department 'yung mom niya, pero hindi niya sigurado 'yung pangalan ng department. At alam niya ring Sherrinford High lang ang school na mayroong department na ganoon."

"Looks like he did well on researching everything about this school, huh?" JD said.

"Alam mong peke lang 'yun? How did you know it?"

"I deduced it. I just lack evidence to prove it." JD added.

"Are you saying we have to find evidences?" Tanong ni Ceah.

"Exactly."

"Pero saan naman?" Tanong ni Russ.

"At the office of the school registrar." JD said.

"The office kung saan naroon ang mga papeles ng mga estudyante at academic records nila? Mayroon bang records ng school employees doon?" Sof asked.

"Kaya nga titignan natin, right?" I answered.

"But how?" Tanong ni Russ. "Hindi pwedeng magpapasok ng estudyante sa office ng bawat faculty room, kabilang na ang school registrar at kahit na ano pang office dito sa school kapag malapit na ang exams."

"Can't we use our advantage?" Tanong ni Ceah.

"No. Our advantage can't do anything. After all, we're still students who should take exams even if we don't want." JD answered.

"Paano 'yan?"

"We should make a plan. And actually, I just thought of a plan a while ago." He said.

"Ano naman 'yun?" Tanong ko. He just smirked as if there's a naughty plan running in his mind.

---

We're now here in front of the office of the school registrar. Plano ni JD na pumasok sa school registrar without someone noticing it. Alam kong crucial dahil kapag nahuli kami ay maaari kaming ma-suspend, or worst ma-expell.

Kabilang sa plano ni JD na gumawa ng alibi sa school registrar kapag gagawin niya na ang plano niya. Fortunately, wala ang registrar dito. By the way, it's 12:35 PM, lunch time. Siguro nagla-lunch pa nga ito.

Hindi naman ako mapakali dito sa gilid nang mapansin ako ni Sof. "Oh, anong nangyari sa 'yo Irene?"

"Kinakabahan ako. Bakit, hindi ka ba kinakabahan?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi. Bakit naman?"

"Tsk. Oo nga pala. You've been through many trouble at lahat 'yun nalagpasan mo." I gave him a sarcastic smile.

"Come on, Irene. Para namang hindi ka pa nakapag-trespass ng private place at mangialam ng gamit ng iba." I glared at him.

"Mangialam ng gamit ng iba, oo na! Pero makapag-trespass ng private place, no way!" He smirked. Ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi niya man lang ba naisip na mas mainam gawin 'yung hindi crucial?! "Guys, why don't I just try to hack the computer's program? Sigurado akong mayroong copy doon."

"Pwede. But I don't think that will work. I don't think the registrar's computer is on while she is outside. You can't hack the computer when it's off, right?" JD asked and I just nodded.

"Why, Irene? Bakit parang nine-nerbiyos ka?" Russ asked.

"Trespassing is a crime. Maaari tayong maipakulong sa gagawin natin lalo na't eighteen na ako." Ani ko.

"Yep. Trespassing is a crime. Pero kung wala namang magsusumbong o makakakita, hindi naman tayo doon hahantong." Maikling ani Sof at saka siya nag-smirk. Tinignan niya pa ako ng mata sa mata. Diyos ko, hindi pala sabi, banta 'yun e.

Wala na akong magawa kaya I gave up. "Okay, okay na! Pero naka-lock 'yung pinto! Wala tayong susi ng kandado."

"Wala nga. So we have to find a substitute." JD said and looked at my hair. "Give me two pieces of that thing on your head."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Could hair be a substitute to a key? Wala naman akong nagawa kundi kumuha ng dalawang strands ng hair at kunin ito mula sa aking buhok. "Aray!" I cried in pain. Feeling ko talaga gagamitin niya lang 'yun para gayumahin ako. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-14-camil-haviel_40764989627230387">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-14-camil-haviel_40764989627230387</a> for visiting.

"What are you doing?!" Gulat na tanong niya.

"You said just a while ago to pick two strands of my hair, so I picked such thing." Sagot ko.

"I'm not talking about your hair, faggot. I mean that hairpins." He said but instead of picking my hairpins like what he said, I glared at him.

"Who are you to call me faggot, moron?"

"And who do you think you are to call me moron?" He replied. I rolled my eyes. "So, what? You'll give me those hairpins or you'll give me those hairpins?"

"I won't." Bahala siya sa buhay niya. Sinenyasan naman siya ni Sof na ginatungan pa ni Russ at Ceah. Ano kayang ibig sabihin nun?

"Okay, fine! You know I'm not used to saying these terms but I'm sorry. So, give me those hairpins now." Aniya pa. Mukhang hindi naman sincere 'yun e. Pero, sige na nga! Baka matagalan pa kami dito.

Padabog na binigay ko sa kaniya ang dalawang hairpin mula sa ulo ko. "That hurts. But thank you." Monotone pa rin niyang ani.

He then started lockpicking the lock using the hairpins. Everyone got shocked when he managed to unlock the lock within thirty seconds. How could that be?!

"Paano mo nagawa 'yun, JD?" Manghang tanong ni Sof.

"I got 'A' in lockpicking lessons back then." He said and smiled. Quota na si JD sa pagiging madaldal niya ngayon. It's not his usual him. It's not the usual him whose been cold at us. Could it be because he's a bipolar?

Inay, Irene! Ano bang pumapasok sa isip mo? If ever na he's a bipolar, why didn't I notice any smptoms about that? O baka ako lang naman 'tong mali-mali mag-isip.

Agad na pumasok si JD at Ceah sa loob ng room. Sila daw ang papasok kasi it's the time to use Ceah's photographic memory and JD's sharp mind. They did not open the light for safety purposes. Instead, they used the flashlight in their phone.

Agad kong pininto ang pinto pagka-pasok pa lamang nila sa loob. Nakita ko naman sa siwang ng pinto na nagsisimula na silang maghalungkat ng mga documents sa loob. Tinitignan ni Ceah ang lahat ng folders at walang pinapalagpas. Habang si JD naman, nangingialam ng computer.

Pero sa pagkakaalam ko, mayroong password ang computer ng bawat faculty dito ah, sa computer lab lang wala. Is it possible that he knew the password of this computer ever since?

Ah, basta! Why am I this curious about him?

Nakatayo lang kaming tatlo nina Sof at Russ dito sa harap ng pinto, para kaming lookout dito. Kapag may dumadaan namang mga estudyante ay nagpapasimple kami. Kunware si Sof, may kausap sa phone. Si Russ at ako, nag-uusap - which is true naman. Ngumingiti din ako sa kanila to lessen or to prevent them from suspicion.

Time comes so fast that it was 12:58 AM. Two minutes after, the bell will ring. Naku, sigurado akong babalik na dito 'yung registrar sa office niya. Paano na 'to?

Russ glanced at her wristwatch. "Ano na guys? Magta-time na. Baka mahuli tayo dito."

JD replied. "Give us more minutes. If ever registrar made her way here, make an alibi and make sure you leisured her until we're done here."

Speaking of the fucking person! Ms. Meortagonesa is approaching! Naku, wild pa naman 'yun - este strikto 'yun si Ms. Meortagonesa. Minsan nga ang tawag doon 'Meortagonesa lionessa'. Ewan ko nga kung scientific name niya 'yun e. Joke!

"What are you three doing here?" Mataray na tanong niya.

"Ah, e - napadpad lang po dito ma'am." Litong sagot ko.

"Ano kayo, mga pusang-galang basta-basta nalang napadpad dito. I know you're three of the members of the school detectives kaya habang maaga pa, tell me your purpose." Mataray niya pa ring ani. Naku, hindi 'to lionessa e, pterodactyl 'to!

"Ah..." Ani Russ na tila nag-iisip rin.

"Ah, kasi po ma'am, tawag po kayo ni PJ - este ni principal. He needs you now po. Right now. Isama na daw ho namin kayo." Ceah alibied, and he looked at us ni Russ.

"Okay." Ani Ms. Meortagonesa at tumalikod sa amin. Naglakad siya ng diretso at sinunod naman ito ng dalawa. Ako naman 'tong pumunta sa pinto ng registrar's office at inabisuhan ang dalawang nasa loob.

"Hey, JD and Ceah. Lilibangin lang namin si Ms. Meortagonesa ah! Dalian niyo na! Hindi ko alam kung kailan kami makakapagtiyaga sa lionessang iyon." Ani ko.

"Okay. Get in touch with your phone. I'll notify you when we're done." Ani pa ni JD bago ako umalis.

---

Ceasar's POV

Nasaan na ba kasi 'yung records ng mga employee ng school dito? Hay naku, baka naman kasi wala dito.

"Hey JD. Sigurado ka bang mayroong school employee records dito? Baka naman naghahanap tayo sa wala."

"I know there is. Just find it. I once trespassed this office when I was in eight grade kaya alam kong meron dito."

Naku, JD! Ang dami mo na palang nagawang krimen, ano?

Bumalik ako sa ginagawa ko, which is maghalungkat ng mga folders dito. A folder caught my attention. It was a blue plastic folder. Kinuha ko iyon sa lalagyan at binasa ang title page.

"School employee's records. Gotcha! Heto na ang hinahanap natin, JD!" Ani ko. Parang kuminang naman ang mga mata ni JD sa narinig.

Agad niyang inilipat ang mga pages nito. Medyo makapal ang laman ng folder kaya medyo nahirapan kami sa dami ng mga titignan. Base sa title page, ang mga records na ito ay records ng employee mula nang ma-establish 'tong school hanggang ngayon. And that was back when 1950. Imagine how thick this record is.

Masusi ko ring tinignan ang bawat page. Bawat subject or department, ilang pages ng pangalan ng mga teachers ang nakalista doon. Malapit na kaming makapunta sa last page nang mahagip ng mga mata ko ang title ng isang bond paper.

"CSI Department. That's it, JD!" Ani ko. Nag-akto naman siyang pupunitin ang page pero pinigilan ko siya.

"What are you doing?"

"Getting this record, I think?"

"Huwag! Makakahalata si Ms. Meortagonesa."

"So, how can we remember all these fucking names? Okay, I've got an idea. I'll take a picture of it." Aniya pa. "Fuck! My phone's full storage!"

"Mine too!"

"What the hell are you putting inside your phone? Stop downloading porn!" Aniya pa.

"Fuck you! Baka ikaw."

"I once did it but - wait! You have photographic memory, right?! Just memorize these names! It's fucking easy for you."

"Oo nga noh? Hindi ko 'yun naisip. Ilawan mo 'tong paper and I'll memorize." He nodded at sumunod sa sinabi ko.

It was just one bond paper so it's just easy-peasy for me to memorize those names. Agad akong pumunta sa labas nang matapos namin ni JD ang aming misyon. JD immediately locked the door and chatted them to meet us in the clubroom.

"Akala ko mahuhuli na tayo dun." Ani ko.

"If you're with me, you won't." Aba'y ang yabang din JD ah.

Dumiretso kami sa clubroom. There greeted me my clubmates, nakatutok sa electric fan. What's with the sweat?

"Anong nangyari sa inyo? Bakit parang may humabol sa inyong limampung leon?" Tanong ko.

"Isang tao lang. Pero may bangis ng limampung leon." Biro pa ni Sof. And, yeah. I know who is he talking about. The legendary 'Meortagonesa lionessa', creature from kingdom Animalia, species Meortagonesa and genus lionessa.

"Kayo kamusta?" Tanong ni Russ.

"Here, we have no sweat." Aba'y umaandar talaga ang kayabangan ni JD. Eh?

"Yabang." Rinig kong ani Irene.

"What's that again...?" English na tanong ni JD.

"Wala." Ani Irene at tumayo mula sa upuan. "Siguraduhin ninyong may nakuha kayong impormasyon dahil kung hindi, lagot talaga kayo sa akin!"

"Meron. I assure you." I said.

"Oh, e nasa'n?"

"Ceah can't give you his mind." Ani JD. Irene rolled his eyes.

"Oh, e 'di sabihin mo na Ceah—" Naputol ang sasabihin ni Irene nang may kumatok sa pinto. It's Bjorn Medenilla, the SC PIO.

"Bjorn, right? The PIO? Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko.

"It's about you, Mr. Del Fuego. Principal Jones commanded me to let you know that the official practice for the international competition will start now. Follow me, we'll be heading to the library." Ani Bjorn. Napatingin naman ako sa clubmates ko.

"Pagbalik ko nalang guys ah. Sige, I'll go na." Then I headed to the library.

Still, I have no choice at kahit na anong gawin ko sa mukha ko, hindi 'yun mababago. Bakit naman kasi ngayon pa nasakto 'yung practice? Hayst! I'm not into practicing now! Huhu.

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C15
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.