Forum Download app Gifts
58.62% Scene of the Crime Detectives / Chapter 17: CHAPTER 16 • PART I: TRIP TO SOKOR!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 17 online

Chapter 17: CHAPTER 16 • PART I: TRIP TO SOKOR!

Chapter 16 • Part I: Trip to SoKor! (Day 1 in SoKor)

Irene Adler's POV

"Bakit ho PJ?" Tanong ni Russ kay PJ. "Bakit ninyo ho kami pinatawag?"

"Simple lang. I just want to tell you na from this day up to the last day of the competition in SoKor ay wala munang case kayo na hahawakan. If ever na may nangyaring krimen ay ang CAT ang bahalang magha-handle roon."

"What's the reason of sudden decision, PJ?" Tanong ni JD.

"It's for you to focus and concentrate on your studies first dahil malapit na ang first periodical exam. And especially for Mr. Del Fuego to focus for the upcoming competition."

"Ibig sabihin PJ, hindi kami tatanggap ng kaso for a week?" Nag-aalalang tanong ni Sof.

"Yes, why? Aren't you happy?"

"Cases are my happiness, PJ? Kung tayanggalin mo sa akin ang mga kaso, hindi rin ako magiging masaya." Ani Sof sabay pahid ng imaginary tears sa kaniyang mga mukha. Ang OA.

"Huwag ka ngang OA, Sof." Maikling sambit ko.

"Sorry na oh." Aniya bago humarap kay PJ. "Hindi na po ba talaga magbabago ang desisyon mo, PJ?"

"Sorry, Mr. Velasquez but my decision is final. Pero don't worry, it's not as if I will take the club off to you. Babalik din naman kayo sa pag-resolba ng kaso once na tapos na ang competition."

Agad na natapos ang usapan namin nina PJ at ng buong SHC. Sinabihan rin kami ni PJ na ikandado muna ang clubroom at ibigay sa kaniya ang susi, na siya rin namang sinunod ko.

Akala ko ay ang SHC lang ang titigil muna sa kung anong ginagawa nito ngunit ang lahat pala ng club maliban sa dalawang highest organization sa buong school, and SC at CAT.

Minabuti muna naming bumalik ni Ceah sa aming classroom at inubos ang natitirang oras sa pakikinig ng boring na discussion. Minsan nga ay nakatulala na lamang ako sa labas, hinihintay na matapos na ang araw.

---

Mabilis na lumipas ang tatlong araw kahit na wala akong masyadong inatupag kung hindi ang makinig sa boring na discussion or matulog sa gitna ng klase.

Pero guess what? It's the night kung kailan kami aalis papuntang South Korea! Ang pinaka-aantay kong araw.

I immediately secured all my things in my luggage. Clothes, check! Hygiene kit, check! Camera, check! Wallet, check! Pera, check! Passport, check! Waiver, check!

Siguro nagwo-wonder kayo kung paano ko napapirmahan kila mama 'yung waiver no? Actually, 'yung pirma, pineke ko lang 'yun pero alam nilang aalis ako dahil sinabi ko sa kanilang pupunta ako ng ibang bansa at natural, wala silang pake. Sinabi rin nila sa aking kumuha nalang daw ako ng pera sa bangko, at kinuha ko naman kung ilan ang gusto ko. Hindi naman nila 'yun malalaman at hindi sila mag-aalala dahil mapera 'yung magulang ko.

Pumara agad ako ng taxi at agad na pumunta sa NAIA. Agad akong sinalubong ni Russ nang bumaba ako sa NAIA. "Hey, Irene!" Agad siyang nag-beso sa akin na siyang way para salubungin ako.

"Nandito na ba ang lahat ng SHC members?" Tanong ko.

"Yep, nandoon 'yung tatlong boys natin oh!" Aniya at tinuro ang tatlo.

"Naks! Sigurado akong excited ka na Russ!"

"Ikaw rin naman e. I'm super-duper sure na excited ka na rin!"

"Sinabi mo pa." Sabi ko pa sa kaniya. "Si Ms. Fuentebella, nandito na ba siya?"

"Yep. Andoon siya oh." Aniya at tinuro ang isang babaeng nasa wheelchair. "Mukhang hindi pa rin maialis sa kaniya ang trauma."

"Well, as you say. Napag-alaman kong araw-araw daw siyang binabangungot dahil sa nangyari. Kawawa naman siya."

Inilibot ko ang aking tingin sa mga taong nasa airport. Napansin kong mayroong jacket ang lahat ng delegates ng school namin, colored black and pink, our school's color. Ang lahat naman ng hindi delegates ay binigyan ng black and pink checkered scarf, maybe for recognition. Inabutan rin pala ako ni Russ ng nasabing scarf.

Mayroon ding ibang estudyante na nakasuot ng kani-kanilang kulay ng jacket, maybe delegates from other school. Naroon rin ang isa sa pinakasikat na school sa siyudad, ang Wayne High, wearing their yellow and green colored jackets.

Walang ano-ano pa ay may narinig ang lahat na isang boses gamit ang mic. "To all Filipino delegates, please group yourself according to your school. Thank you!"

Agad kaming pumunta ni Russ sa kumpol ng mga taong galing sa aming paaralan. "Isang plane lang daw kasi ang sasakyan ng lahat ng delegates ng Pilipinas." Bulong ni Russ sa akin samantalang ako ay tumango lamang.

Sinabi ng lalaki sa mikropono na naroon na ang plane na sasakyan ng lahat. Mukha mang mga tanga ang mga tao, pero nagsigawan sila nang marinig nila ang mga iyon. At aaminin kong isa ako sa nagdagdag pa sa ingay sa loob ng airport.

Excitement rushed through my veins as I was going into the plane. Sinigurado daw ni Russ na magkatabi kami sa loob ng plane dahil ire-reserve niya daw ako ng upuan.

Naks! Mayaman at stable ang pamilya namin pero hindi ko alam ang kalakalan sa loob ng eroplano. Kahit kailan ay hindi ko pa nararanasan makapa-ibang bansa. Kailangan ko pa bang magabot ng bayad sa piloto at magsabing 'sa South Korea lang manong, estudyante!'?

Sabagay, para saan 'yong ticket? 'Yun na ata 'yung bayad.

Para akong tangek dito, hayst. Nakuha na ng attendant ang ticket ko at hinayaan akong pumasok na sa loob. Agad naman na may kumaway na kamay sa loob ng plane at alam kong si Russ iyon.

"Russ!" Bati ko sa kaniya. "Heto na ang time natin!"

"Oo nga!"

Umupo na agad ako sa upuan na katabi ng upuan ni Russ. Sinabi ni Russ na ako daw doon sa malapit sa bintana kasi takot siya sa matataas na lugar, and I gladly accepted it. Sabi kasi nila maganda daw sa malapit sa bintana.

Minutes after the plane starts flying, nakaramdam na agad ako ng antok. Mabuti na lamang at may napadaan na isang flight attendant at nag-offer ng kumot. Akin na ba 'tong kumot? Pwede bang kunin after ng biyahe? Hehe.

---

Good morning, SoKor! Saktong-sakto 'yung tulog ko! Naks, sino ba naman ang hindi gaganda ang gising kung alam mong paggising mo ay gigising ka sa napakagandang lugar na South Korea?! South Korea, what a beautiful country it is!

"Morning, Irene." Bati ni Russ bago maghikab.

"Morning!"

"Ang ganda ng umaga natin ah." Puna ni Russ.

"Of course." Sabi ko at ngumiti.

Kinuha ko ang aking suklay at in-open ang camera app sa aking phone. Agad akong nag-suklay sa harap ng aking phone nang may magsalita sa likod ko.

"Huwag ka nang magsuklay, maganda ka na naman kahit bagong gising ka e." Sambit ng isang pamilyar na boses ng lalaki sa aking likod. Agad ko itong nilingon.

"Ah, talaga ba Sof?" Ani ko at tumingin sa aking likod. I saw there our three boys. They all look good on theor messy hairs. Mukha silang kpop artist o anime characters.

"Oo, pero pwede ba, mag-sipilyo ka naman sana bago ka magsalita?" Aniya habang ngumisi pa. Nakita ko si Ceah at JD na nagulat. Agad kong tinakpan ang aking bibig at ni-test kung talaga bang mabaho. Fuck, mabaho nga!

"Gago ka talaga Sof!" I said habang dali-daling kinukuha ko ang aking hygien kit. Nang makuha ko na iyon ay agad akong pumunta sa CR at nag-sipilyo.

"Ugh, that's fucking embarassing. Damn!" Ani ko sa aking repleksyon sa salamin dito sa loob ng banyo.

"Nah! Natural lang na mapanis ang laway ng lahat habang natutulog." Ani ng isang babae. Nang tinignan ko ang nagsalita, si Russ pala iyon.

"Pero nakakahiya pa rin!" Ani ko habang may tumatalsik pang foams from my mouth.

"Just don't mind them. Nanunukso lang ang mga iyon." Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-16-%E2%80%A2-part-i-trip-to-sokor!_40810674120616908">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-16-%E2%80%A2-part-i-trip-to-sokor!_40810674120616908</a> for visiting.

Iyon ang huling nga sinambit niya bago ako sinamahang magsipilyo sa CR.

Mabilis na tumakbo ang oras hanggang sa makarating na ang plane sa Incheon International Airport, Seoul's biggest airport. Agad na may sumalubong sa amin sa labas ng paliparan.

"Annyeonghaseyo! (Hello!)" Aniya. "Philippine' delegates, please follow me." Aniya ulit at ngumiti.

Agad siyang naglakad patungong isang SUV. Pumasok kami roon kasama 'yung koreanang bumati sa amin.

Kasama ko si Russ at iba pang taga-Sherrinford High. Agad namang umandar ang SUV na aming sinasakyan.

Habang nasa biyahe ay nakaramdam ako ng antok. Hay naku, jet lag is real. Napagpasiyahan kong itulog muna ang antok na nararamdaman.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay agad namang nakarating ang aming sinasakyan sa hotel na aming sasakyan. Agad akong pumunta sa front desk at hiningi ang susi ng aming unit.

Sumakay ako, si Russ at ang iba pa naming kasamahan sa elevator. Binuksan agad naman ni Russ ang unit namin. Kasama nga pala namin 'yung ibang babaeng pareho namin na hindi naman kasali sa contest, they are just an assistant of chaperones daw.

There are five beds inside the unit. Sa bawat isang kama, may dalawang magshe-share at kaming dalawa ni Russ ang bedmate sa isang kama.

My phone's messenger app rang. Kinuha ko agad iyon at tinignan kung sino ang nag-chat. It was Sof, he chatted the group chat of SHC. Ang sabi niya ay mamayang ala-una agad ang initiation rites ng contest, it is six thirty in the morning. Ang field nga pala ni Ceah ay kabilang sa first day contests. Sabi niya rin na mas mabuting matulog muna para mawala kahit papaano ang jet lag na dulot ng mahabang biyahe.

Agad ko namang sinunod ang sinabi niya. However, tama naman siya, antok pa rin naman ako. Humiga ako sa ibabaw ng kama at mabilis na ipinikit ang aking mata.

---

Nagising ako dahil sa pangyuyugyog ng isang pigura sa katawan ko. It was Russ.

"Bakit Russ?" Tanong ko habang kinukusot ang aking nga mata.

"It is eleven thirty in the morning. We need to eat na, kasi saktong twelve aalis ang bus na sasakyan natin papuntang Suwon Indoor Gymnasium, na siyang venue ng competition."

Ah, I know Suwon Indoor Gymnasium. It is an indoor gymnasium located inside the Suwon Sports Complex, one of the most popular Sports Arena sa SoKor. Nice, naku, pang-mayaman ang venue.

Dali-dali kaming pumunta sa resto ng hotel. Naroon na rin sina Sof at JD kaya pumunta kami roon sa pwesto nila.

"Hey, guys." Ani Russ at umupo sa tabi ni Sof. Fudge? Bakit diyan ka umupo, Russ? Dahil roon ay kinakailangan kong tumabi kay JD.

"You two look good together." Ani Russ. Agad ko siyang inirapan. Duh, no way.

"Shut up, Russ."

May dumating naman agad na waiter at inihain ang aming mga pagkain. Hindi naman nagtagal ay natapos na rin kami ng pagkain. Tinignan ko ang relo ko, it was twelve o'five na pala. Napagpasiyahan naming bumalik muna sa kaniya-kaniya naming mga unit upang maghanda para sa initiation rites ng contest mamaya.

---

It was exactly twelve thirty noon at nandito na kami sa reception area ng hotel habang hinihintay ang bus na magdadala sa amin sa venue ng contest.

"Siya nga pala guys, nasaan daw si Ceah?" Tanong ni Russ.

"Nauna na sa venue. Lahat ng delegates ng Pilipinas ay nasa iisang bus na nauna nang umalis patungo sa Suwon Indoor Gymnasium." Sof answered.

"Ah, okay."

Dumating na ang bus na sasakyan namin. Fortunately, nagkasya naman ang lahat ng sasakay. Agad na pinaandar ni manong driver ang bus.

Hindi naman masyadong nagtagal ay narating na namin ang Suwon International Gym. It was a big gymnasium at familiar na sa akin ito since palagi itong laman ng news dito sa South Korea o kahit sa Pilipinas pa.

Unti-unti naman nang pumapasok ang lahat sa loob ng venue. Si Russ naman ay busy sa pagbili ng banners.

Aksidente naman akong nakatabig ng isang babae. Dahil sa nagawa kong pagtabig ay nahulog niya ang dala niyang green niyang pompoms.

"Sorry, miss." Ani ng babae.

"Ayos lang. Pilipino ka?" Tanong niya. Agad naman ako ay tumango. Sa oras ding iyon ay dali-dali niyang kinuha ang dalang pompoms at pilit na ngumiti. Weird. "Nice! A-ang ganda ng South Korea no?"

"Ah, e oo nga. Hehe." Ani ko bago siya pumasok sa loob ng stadium.

Dumating naman agad si Russ galing sa pagbili ng banners. "Irene, ayos ka lang? Nakita kitang may natabig na babae kanina, nagalit ba?"

"Ah, e hindi pero oo, ayos lang ako." Aya ko kay Russ.

"You know that girl na nabangga mo?"

"Hindi, e. Ikaw ba?"

"Actually, I know her. She's an athlete. Archer 'yan and known for being low-tempered. Magaling sana 'yon kaso may attitude nga, kaya nga tinanong kita kung nagalit, e. Baka kasi binulyawan ka na noon kung sakaling hindi niya napigil ang temper niya. Get rid of her, Irene."

"Roger, prexy. Paano mo nga pala 'yun nalaman?"

"Halos magkalapit lang ang Wayne at Hillington High, kaya nakakakalap rin ako ng tsismis tungkol sa mga tao dun." Ani Russ. "Pumasok na tayo't baka mawalan tayo ng seats?"

"Tara."

Pumasok na kami sa loob ng gymnasium. Wow! Ang laki at ang ganda nito! Agad kaming pumunta sa lugar ng mga sumusuporta sa Pilipinas. Nakita namin sina JD at Sof sa may unahang parte ng audience area na nakaupo at pachill-chill na lamang.

"Hoy, mga ungas!" Tawag ko sa dalawa.

"Oy, andiyan ka na pala ugok!" Bati ni Sof pabalik sa akin. Agad ko naman siyang binatukan nang makalapit ako sa kaniya. "Para saan 'yon? Masakit 'yon ah!"

"That's for calling me ugok!"

Dali-dali niya namang inabot ang aking batok at saka binatukan. "That's for calling us ungas!" Aniya bago tumingin kay JD. "JD, time mo na para bawian si ugok!"

"Sorry, but I don't hurt women." Wika naman ni JD.

"Woay! Bakla ka kasi Sof!" Tukso naman ni Russ.

"Oy, JD! Lalaki ka, kaya dapat ako 'yung kinampihan mo! Ungas ka nga talaga!" Wala namang ibang natanggap si Sof kay JD kundi batok. "Hoy, para saan 'yon ungas!"

"That's for calling me ungas! And this..." Saka niya ulit binatukan si Sof. "Is for calling me ungas for the second time around."

"Gago ka, puta! 'Yung babae hindi pinatulan, tapos 'yung kaibigang lalaki pinatulan! Nasaan ang equality?"

"Nue ginagawa mue Sof?" Panunudyo pa ni Russ.

"Ay, baka naman... hindi mo pinatulan si Irene dahil may gusto ka sa kaniya. Ikaw ah, yieee~! Pwede namang sabihin na, umpisa palang ah." Aniya habang sinusundot-sundot ang baywang ni JD na walang kaemo-emosyon.

Walang ano-ano ay hindi ko namalayang dumapo na ang kamay ko sa batok ni Sof. Hindi ko alam na gayundin pala ang ginawa ni JD, kaya hindi ko sinasadyang mahawakan ang kamay niya.

Fuck! Ba't ang lambot?! May lahi ba 'tong koreano?!

Nah, Irene, kailan ka pa naging ganiyan? Hindi mo pinalaki ng pera ng magulang mo na manyak ah!

"Araaaaaaay! Para saan naman 'yun? Kayo ah, namumuro na kayo sa akin!" Ani Sof.

"Pasensya na. Dinapuan kasi ng masamang espiritu 'yung kamay ko kaya ayun, gumalaw." Panunukso ko pa kay Sof. Natawa naman si Russ at si JD habang si Sof ay hinihimas-himas pa rin ang kaniyang batok.

Agad naman na may nagsalitang tao sa unahan. "Good morning everyone. May you please sit on your designated area because in a few minutes, the initiation rites will start." Mayroong accent ang nagsalita kaya marahil ay isa itong koreano.

Pinagdesisyunan naming maupo ni Russ sa tabi nina Sof. Bale ang seating arrangement namin, si JD sa pinakadulo, si Sof ang katabi niya, si Russ ang katabi ni Sof habang ako ay katabi ni Russ na nasa kabilang dulo.

Ilang minuto lang ay opisyal na ngang nagsimula ang initiation rites ng annual international competition for academic excellent students.

Unang ginawa muna ay ang pagkanta ng national anthem ng bawat bansa. Nauna na nga ang Pilipinas at kinanta ang Lupang Hinirang, sumunod ang mga bansa tulad ng China, Vietnam, Thailand at Japan. Last naman na nagkanta ng kanilang national anthem ang host country na South Korea.

Nang nagsisimula na ang pagkanta ng national anthem ng SoKor, napatingin ako kay JD. He was humming... humming the national anthem of SoKor. Weird, paano niya 'yun na-memorize? Ako nga na kpop fan, hindi ko mamemorize 'yang Aegukga (the patriotic song) na 'yan.

Pagkatapos ng singing of the national anthem ay ang first event, ang memorization contest. Yep, the contest where Ceah will compete.

Pinakilala na ang lahat ng contestant ng bawat bansa. Siyempre, grabe ang suporta na nakuha ni Ceah galing sa Pilipinas.

Opisyal nang nagsimula ang patimpalak. Unang round ay easy, ang kailangan nilang i-memorize ang isang set with fifty words. Natapos ang round at natalo ang Vietnam at China. Second round ay magme-memorize sila ng isang set with a hundred of pictures at kailangan nilang sabihin iyon sa unahan. Luckily, Ceah is still safe.

Thailand is out of the game on the second round. Pinakilala na ang tatlong maglalaban-laban para sa kampiyonato. Si Ryuki Takazaki ng Japan, Si Kim Minseok ng SoKor at si Ceasar Del Fuego ng Philippines.

First set of the last round, kailangan nilang mag-memorize ng fifty difficult words and tell its' meanings. Ceah and Minseok of SoKor won that set, Takazaki is out. For gold medal, the two of them needs to memorize fifty long words and fifty pictures... Luckily, Ceah won!

Nagsipalakpakan naman ang lahat ng tagasuporta ni Ceah. Buena manong gold medal at nakuha pa iyon ni Ceah! He deserves to have a standing ovation.

Ceah got the gold medal, Minseok got the silver while Takazaki got the bronze. They are all good yet the best still stood out!

Wala nang pag-aalinlangang dumiretso sa second contest. The next contest is the spelling bee. Pinakilala na ang contestant and the Philippine's contestant is John Joseph Dy from Wayne High with his nerdy glass na bagay naman sa kaniya. Pakapakilala agad kay Dy ay humiyaw ang lahat ng tagasuporta ng Pilipinas. Kahit nga ang taga-ibang bansa, lalo na ang China, ay nag-ingay rin. Well, knowing na he's a Dy, he is with a chinese blood.

At saka, hindi naman maipagkakaila ang angking kagwapuhan ni Dy, hehe. Dagdag pa 'yung he is an academic excellent student, dagdag pogi points 'yun hehe.

Natapos ang pagpapakilala sa mga contenders kaya agad na nagsimula ang patimpalak. For the easy round, kailangan nilang mag-spell ng limang words, kung sinong may pinaka-maraming mali ang siyang mae-eliminate sa second round. Fortunately, Dy won on the first round while Vietnam and Thailand were both eliminated.

Second round. I will admit na medyo mahirap na ang mga words na pinapa-spell. Ako nga, tamang search lang sa merriam e. Luckily, JJ Dy still won. This time, Japan was eliminated.

Pasimula pa lamang ang third round ngunit biglang nawalan ng ilaw. Nagkaroon ng komosyon sa lahat ng tao sa loob ng venue. Hindi magkamayaw ang mga tao sa kasisigaw habang mayroon namang mga speaker na sumisigaw na lamang na huwag malikot at mag-stay put lang sa kanilang upuan.

Mas lumakas pa ang hiyawan ng tao nang makarinig ng pagkalabog. Ang pagkalabog ay tila ba isang mabigat na bagay na nahulog sa sahig.

Bahagya naman akong ni-nerbyos at nakaramdam ng isang pakiramdam na bumabagabag sa akin. Nangyayari lamang ito kapag may paparating na krimen o trahedya. Hindi kaya may nangyari, nangyayari, o mangyayaring krimen ngayon.

Bumalik na ang ilaw ngunit ang lahat ng tao ay nagulat nang mawala si Dy sa likod ng podium na kaniyang kinatatayuan, bagkus ay duguan itong nakahandusay sa sahig ng entablado. Nagsimulang mag-iyakan ang mga taong nandito, karamihan ay babae.

Ang napakalaking katanungan rito ay, sino ang pumatay sa kaawa-awa at walang kalaban-labang si JJ Dy?

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C17
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.