Forum Download app Gifts
62.06% Scene of the Crime Detectives / Chapter 18: CHAPTER 17 • PART II: TRIP TO SOKOR!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 18 online

Chapter 18: CHAPTER 17 • PART II: TRIP TO SOKOR!

Chapter 17 • Part II: Trip to SoKor!

Mary Russell's POV

Grabe, pati ba naman dito sa South Korea ay susundan pa rin kami ng mga krimen? Are we that crime magnet type of a club?

Pero, sino ang pumatay sa walang kaawa-awang si JJ Dy? Don't worry, there's SHC to unravel all of this.

Agad na pumunta ang SHC sa harapan ng entablado. Pinagsabihan ni Sof na huwag magpapalabas ng kahit na sinong tao man diyan dahil sa kasong ito, ang lahat ay suspek... maging kami.

Inutusan niya rin na bumalik ang mga tao sa kani-kanilang kinauupuan nung kahit bago mawalan ng kuryente at madatnan ang duguang bangkay ni JJ Dy sa sahig ng entablado.

Lahat kami nina Irene, JD, Ceah at ako ay napaluhod upang suriin ang malamig na bangkay, si Sof ay busy sa pag-gather ng datas galing sa mga manunuod. Wala kaming nakitang struggle sa katawan ng biktima kaya hindi kami maka-jump into conclusion sa kung anong nangyari. Ang tanging alam lang namin ay pinatay ang biktima at hindi siya nagpakamatay.

"Guys." Panimula ni Ceah. "Remember that case na kinonsulta ni Mr. Corpuz sa atin?"

"Yes, Ceah. Bakit mo pala naitanong?" Tanong ni Irene.

"I think it's a metaphor of this case. Walang nakitang stab wound or ano man na pwedeng pumatay sa biktima, like the first one. Wala ring lacerations sa katawan ng biktima. It seems like this case has an invisible murder weapon."

"Yeah. Just like an extremely thin incision blade." Ani JD. "Be aware and find small blood stains on the victim's corpse. Maybe there is the murder weapon which killed the victim."

Agad kaming naghanap sa katawan ng biktima. Dahil naka-jacket ang biktima, I unzipped the zipper para madaling makita ang blood stain, lalong-lalo na at puti ang tee-shirt ni JJ Dy.

There I saw bits of blood stains sa breast part ng biktima. Pinisil-pisil ko ang kanang dibdib ni Dy at nakitang may napakanipis na blade na lumalabas doon. Totoo nga ang hinala ni Ceah, pareho ito noong kasong ikinonsulta ni Dad.

JD got the incision blade to analyze it. He found out that there is traces of potassium cyanide, a poisonous chemical which human body reacts with. A poisonous chemical which if intook, the person who took it might die or suffer.

Now that we have found the murder weapon, the only unclear is that who killed the victim? The culprit might have had a strong anger with the culprit. Could it be his opponents? Probably no, dahil ngayon pa lang naman sila nagkita no? At hindi rin sila pwede dahil sa breast nakita ang murder weapon at nasa gilid ng biktima ang kaniyang mga kalaban.

And I think the culprit isn't from other countries. Knowing na the culprit might have great anger with the victim, the culprit is indeed from the Philippines.

"How did the culprit manage to kill the victim in such a time?" Curious na tanong ni Ceah. Maski ako rin e, tinatanong ko rin sa sarili ko. Medyo kasi malayo ang upuan ng audience sa stage kaya kung tatakbuhin niya 'yun, malamang matagal pa siyang makakapunta sa unahan para patayin ang biktima. And kung tinakbo niya 'yun, malamang nakarinig kami ng footsteps.

"Maybe he or she killed the victim nang hindi umaalis sa upuan niya." Ani Irene.

"Huh, paano niya magagawa 'yun? Irene, expound your idea. Hindi ko ma-gets." I responded her.

"Maybe he or she used a strategy para hindi siya mabisto. E sino ba namang kriminal ang nais mabisto?" Ani Irene. "Maybe he or she used a gun or any machine na pwedeng magtapon ng incision blade sa katawan ng biktima."

"He or she might have had an eagle's eye to see sharply from afar and a bat's eye to see sharply within darkness." Komento ni JD, he's right. At sino ba namang tao ang merong ganiyang kapangyarihan?

"I think I got a suspect in my mind." Ani Irene before turning her gaze to me. "Russ, remember that girl who I bumped with. What's her details again?"

"Yeah. That girl is Twinkle Sta. Rosa, she's a flirty girl and she also is a very good archer in her school."

"Yown!" Irene expressed. "She is a very good archer, right? Then she has this sharp-eye like an eagle and night-vision eye like a bat."

"But what's the machine she used to perform the crime? Wala naman doong bow na pwede niyang gamitin, lalong-lalo na ang baril dahil hindi maaaring magpasok ang firearm sa loob ng venue." Curious na tanong ni Ceah. Napatingin naman ako kay Irene na busy sa pagkalikot ng phone niya. What is she up to kaya?

"Maybe ibang machine ang ginamit niya. Something that won't bring any suspicion to us, or to anybody else." I said.

"What do you mean?" Gulong tanong niya pa rin. This time, tapos na si Irene sa pagkulikot sa phone niya.

"Let's take this as an example. Hindi ba may mga pen na pwedeng gawing self-protection kit? That pen has a current flowing in it, kaya kapag idinikit mo ang pen sa katawan ng culprit ay makukuryente ang salarin. That case, hindi magbibigay ng suspicion sa side ng culprit, dahil nga aakalain mo lang itong pen, well pen naman talaga ito, pero self-protection kit ito."

"And I now know what machine did she used to kill the victim." Ani Sof.

"Let's now unravel this case? Should we start on introducing the culprit to everyone?" JD responded.

"Shall we?" I asked and they all agreed to what I said.

Sof immediately went to the host's podium at saka niya kinuha ang mic. Nang nakuha niya ang mic ay agad siyang bumalik sa aming pwesto.

"Gamitin natin 'tong mic. Para naman marinig ng lahat ang precious kong boses." Ani Sof bago niya nilinis ang kaniyang lalamunan.

"Ay, bet ko 'yang idea mo Sof!" Pagsasang-ayon ni Irene sa ideya ni Sof, tsk, parehas talaga takaw sa atensyon. Tumingin naman agad siya sa akin, tila ba humihingi ng pagsang-ayon sa kanilang ideya. "Russ?"

"Okay, sige, sige na." Wika ko sa kanila. "So, sinong magsisimula ng introduction?"

Tumaas ng kamay si Sof at nag-prisinta. "Ako na!" Aniya bago kinuha ang mic mula sa aking kamay.

Nilinis niya muna ang kaniyang lalamunan bago nagsimulang magsalita. "Hello! So, I am Sofronio Velasquez from the Philippines. And these guys and gals are my groupmates. And our club is called Sherlock Holmes Club, and is designed to be a detective club. We unraveled many cases together in and out of our school—"

Naputol ang sasabihin niya nang hinugot siya ni Irene mula sa pagsasalita sa unahan. "Ano ka ba naman, Sof!"

"Bakit? Anong problema sa ginagawa ko? Intro naman 'yun, hindi ba?" Inosente niyang tanong. I also saw JD smirked to what Sof said.

"That's not intro, Sof, that's boasting." JD simply said.

"Hindi 'yun boasting, ang tawag doon, promoting. Hindi mo ba alam 'yun JD?" JD raised his eyebrow na tila ba walang paki sa sinabi ng kaibigan.

"Hindi kasi ganiyan na introduction ang kailangan natin, Sof. What I mean to say na intro is that you're gonna introduce this crime and to how we solve this case."

"Ah, 'yun ba, hehe." Ani Sof na mukhang nahiya dahil sa inasal.

"Gusto mo ako nalang ang mag-intro?" Pag-prisinta ni Irene.

"Okay, ikaw nalang mag-intro, Irene." Ani ko sa kaniya.

"G!" Aniya bago kinuha ang mic sa kamay ni Sof at pumunta sa unahan ng stage. She made sure that the corpse is still visible to everybody whose watching. "Good afternoon, I am Irene Adler De Morgan and as what the first speaker said, I am a member of the said club. And I'm here to intro the crime that just happened. The victim is JJ Dy, a delegate from the Philippines. He was murdered and definitely, he did not commit suicide. The way of murder is through an extremely fine incision blade coated by a poison called potassium cyanide. And just like what I've said, the murder weapon used is incision blade."

Bigla namang sumabat si mamang JD at nagsalita. "And the suspect is none other than Twinkle Sta. Rosa. She is an archer from Wayne High School and she also is a former girlfriend of the victim."

Aba, mukhang may lakad si manong. Agad-agad, ura-urada, lantaran at harap-harapan ang pag-reveal ng salarin ah. Hanep ka, JD! Salute!

Agad naman na tumayo si Twinkle sa audience area nang hindi maipinta ang mukha. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi ako ang pumatay sa biktima! Hindi sapat na motibo na dahil ex ko ang biktima ay pinatay ko siya!"

"But do you think being defensive isn't an evidence?" Tanong ni JD. "And... you stated it all, by the way. Your motive is that it's because you're his ex and you want to take vengeance against him. We encountered much of cases like this before and you know what... all of that case was solved and unraveled by us."

Isa din 'tong mayabang si JD e. Galit kay Sof na mayabang, e mayabang din naman siya. Totoo ngang galit ang magnanakaw sa kapwa niya magnanakaw.

Pero totoo 'yung sinasabi niya. Lahat 'yun, na-solve namin, hehe.

"Hindi ako ang pumatay sa biktima! Hindi ako at hindi magiging ako!" Sigaw ng biktima na nagmamaang-maangan pa. "Bakit ba sa pagkadami-daming tao dito sa loob ng venue, ako ang pinaghihinalaan ninyo?! There is approximately four thousand people watching here plus those personnels and employees!"

"And in that four thousand plus population here, you have the most motive." Ceah said. "Base sa pagkakapatay sa biktima, mukhang lubha ang galit ng salarin sa biktima. Alangan namang galing ang salarin sa mga delegates ng ibang bansang naririto, e may galit nga ang salarin sa biktima so most probably, taga-Pilipinas talaga ang salarin."

"Bakit ba pilit ninyong sinasabing ako ang may kagagawan ng pagpatay kay JJ? E kung sa sinasabi nga ninyo, ako lang ba ang may motibo sa pagpatay sa kaniya?"

"Just like what you've said, may iba naman kaming kinonsidera para maging suspek." Sabi ko sa kaniya. "'Yang katabi mo, ni-consider namin siyang maging suspek. She is Shine Sta. Isabel, am I right? Siya lang naman 'yung pumalit sa 'yo bilang jowa nitong si JJ Dy, hindi ba? Pero imbes na mas gawin namin siyang suspek, we consider her as another victim... este victim-to-be."

Nakita ko naman ang gulat sa mukha ni Shine. Ano nga ba itong pinagsasasabi ko? Easy. That's because Shine is the girl who substituted her as Dy's jowa. So, malamang may galit siya doon and if Twinkle-is-a-serial-killer ang case, malamang sunod na siya kay Dy. Walang pag-aalinlangan doon.

"Ano bang pinagsasasabi ng grupo ninyo? Wala naman kayong grounds sa pamimintang! At saka, friends kami ni Shine... bestfriends to be exact. There's no motive that I will kill her next to his boyfriend."

"Your mouth stated it all. Sinabi lang naman naming gagawin mo siyang biktima at hindi naman namin ni-klarong papatayin mo siya. So, there's this plan to kill her, right?" Ceah said.

"A-ano ba talagang na-nais ninyong pa-palabasin?" Utal-utal nang ani Twinkle. Dahil sa inaakto niya, masasabi nating mayroon nga siyang planong patayin si Shine din.

"Nais lang naming ilabas mo na ang rebelasyon sa pagpatay mo kay JJ Dy. Fuck?! Bilisan mo na, tangina naman oh, naiinip na mga tao dito." Ani Sof na walang preno ang mura at walang paki kahit na may batang makarinig pa sa kaniya. Inip na ang mga tao, o inip na ang loko? HAHA.

Tuluyan nang tumulo na ang luha ni Twinkle na tila ba humihingi ng awa at simpatiya mula sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Nanalo naman siya sa plano niya nang agad naman siyang nakakuha ng simpatiya galing sa mga tao sa paligid niya.

"Ano ba?! Bakit ninyo ba sinisisi si Twinkle na pumatay kay JJ Dy? Bakit niya naman papatayin ang ex niya?!" Ani ng isang lalaking galing sa WH dahil sa suot niyang scarf.

"Hindi naman dahil ex niya ang biktima, e siya agad ang pumatay roon. Malay mo nagpakamatay ang biktima. Bakit hindi ninyo tignan ang other factors? Detective ba talaga kayo?" Galing iyon sa lalaking mayroong black and pink checkered scarf. Seriously? Anong pangalan nung lalaking iyon, ilalagay ko iyon sa blacklisted clients namin. Huwag lang siyang makahingi ng tulong galing sa SHC, hmp!

Pinatigil ni Twinkle ang mga lalaking tila ba kinakampihan siya. "Hi-hindi ako ang pumatay sa kaniya." Humihikbi pa niyang ani. Tangina, talande 'to, ginamit pa ang charm para lang makakuha ng simpatiya galing sa iba. "Kung ibinibintang ninyo sa akin 'yan, wala akong maski anong pwedeng maging murder weapon."

"Weh, 'di nga?" Malokong tanong ni Sof. "Anong mga dala mo?"

"Bag inspection? Lipstick, suklay, salamin, cellphone, earphones, 'yan lang ang laman ng bag ko. Wala nang iba pang laman 'yan. Wala diyang firearms at matatalim na bagay."

"Other things na dala mo?" Sof interrogated her.

"Banners, lightsticks, pompoms. Wala na akong ibang dala! Oh, baka naman pwedeng lubayan na ninyo ako dito! Wala akong ibang dala!"

"At magmamaang-maangan ka pa talaga? Irene, take charge of this." Utos niya kay Irene.

"G!" Ani Irene at kinuha ang mic mula sa palad ni Sof. "What if nagtatago sa isa sa mga bagay na 'yan ang murder weapon na ginamit mo?"

"Ano ba talagang pakay ninyo?! Bakit ninyo ba pinagpipilitan na ako ang pumatay kay JJ?"

"E kasi nga ikaw naman talaga ang pumatay sa kaniya!" Ani Irene na feeling ko ay inip na rin. Kapag ako hindi nakatimpi, hindi na ako sasama sa trip nitong talanding babaeng 'to. Ako naiinis na ako, hindi ko lang pinapahalata. "Ang murder weapon sa maniwala kayo o sa hindi ay ang pompoms." Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-17-%E2%80%A2-part-ii-trip-to-sokor!_40810695327017987">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-17-%E2%80%A2-part-ii-trip-to-sokor!_40810695327017987</a> for visiting.

Nakuha naman ni Sof ang aking atensiyon nang akmang may sasabihin siya.

"Pupuslit kami ni JD at pupuntahan ang salarin nang hindi niya napapansin. Huwag kayong magpapahalata at baka mabuko kami. Libangin ninyo siya at baka makahalata." Sabi ni Sof sa amin ni Ceah. Habang si Irene ay walang kamalay-malay na nakiki-talamitam sa salarin.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na pumupuslit na patungo roon sa pwesto ng salarin sina Sof at JD. I need to help Irene to persuade her to reveal that her weapon is her pompoms. Kaya nga napaka-possessive niya roon sa pompoms na tila ba ay may sentimental value sa kaniya.

"Why don't you show us all how it works?" Hamon ko kay Twinkle.

"Bakit ninyo ba ginagawa ito?" Aniya at tila ba nangingilid na naman ang luha sa kaniyang mga mata. "Bakit?"

"Stop acting like you're innocent while you're not!" Ani Ceah. Alam kong nagtitimpi na rin ito kanina pa dahil sa arte ng salarin. "Why don't you hit us with that machine? Just this time?! Naiinis na ako e, pwede namang padaliin ang lahat e, just admit your wrongdoings ang we're done. Ang dami pang adlibs e! Fuck!"

Itinuloy niyang pinunasan ang huling patak ng mga mata niya. "If that's what you want, then okay!"

Lahat ng tao ay nagulat sa natunghayan. Para kami ditong nasa taping ng isang teleserye at nasa climax point na. Unfortunately, wala pa sa kalagitnaan ang story ng aming club but still, this isn't the end yet, this is just the start of the beginning.

"Stop this drama, I hate it! And yep, I killed the victim, what's wrong with that?" Ani Twinkle na ikinagulat ng lahat ng tao sa loob ng venue. Para siyang isang tutang napakaamo na walang ano-ano lang ay inilabas na ang kaniyang flaws.

Nangibabaw ang gulat sa mukha ni Shine. Hindi siya makapaniwalang ang pinakamatalik niya pang kaibigan ang kikitil sa buhay ng jowa niya.

Mariing itinutok ni Twinkle ang pompoms kay Irene. "Ikaw ang uunahin ko! You stupid pakialamera bitch! Kung hindi mo ako binangga kanina, hindi sana masisira ang improvised incision blade gun ko! Buti nalang talaga at naayos ko pa iyon kundi—! Ugh, kaya ikaw ang uunahin ko!"

May agad siyang pinindot sa kaniyang pompoms at agad naman iyong naglabas ng incision blade. Dahil sa gulat, hindi na nagawa pang gumalaw ni Irene sa kaniyang kinatatayuan.

Agad sana akong tatakbo papunta kay Irene ngunit agad naman akong sinipa dahilan para matumba ako at hindi na makatakbo papunta roon kay Irene.

Imbes na ako ang tumakbo papunta kay Irene bagkus ay si Ceah ang tumakbo papunta kay Irene. Agad niyang niyakap si Irene at tinakpan si Irene mula sa daluyan ng incision blade na papunta sa kanilang pwesto.

"CEAH!" Tanging sigaw ko nang makarinig ako ng tunog na tumama na ang incision blade sa kung saanman.

Nakita kong agad namang pinigilan nina Sof at JD ang salarin sa pagputok pa ng panibagong shot, pinigilan nila si Twinkle na paputukan si Shine. Ini-lock ni JD si Twinkle sa kaniyang arm, without remembering na babae ang ginagawan niya noon... demonyo lang naman 'yun kaya ayos lang. Tama lang 'yun sa hayop na tulad niya. Nang mai-lock ni JD ang mga braso niya sa babae ay agad namang sinunggaban ni Sof ang kaniyang weapon at agad niyang kinuha iyon.

Agad akong tumakbo kay Ceah na nakahandusay sa sahig. Naroon rin si Irene na umiiyak na at hindi mapakali, kanina pa niyuyugyog ang katawan ni Ceah. "Ceah, Ceah! Gumising ka!" Sambit ni Irene.

Napaluhod ako at tumulong sa pagyugyog sa katawan ni Ceah. "CEAH! Gumising ka, Ceah!" Hindi ko namalayan ang pangingilid luha ko. Bumagsak rin ito ng hindi ko namamalayan.

Naiturn-over na rin pala ang salarin sa awtoridad. Pinalabas na rin ang lahat ng tao sa loob ng gymnasium. Tanging kami nalang ang taong naririto sa loob ng venue.

Tinanggal ko ang basag na salamin ni Ceah at baka mahulugan pa ang mga mata niya ng debris, baka magkaroon pa iyon ng impeksyon sa internal na mata niya.

"Ceah! Gumising ka diyan! Pupunta ka pa sa awarding, hindi ba?" Umiiyak pa ring ani Irene.

"Si-siyempre naman. Kukunin ko pa ang gold medal ko noh." Ani ng isang boses. Boses iyon ni Ceah.

"Ceah?!" Gulat at sabay na tanong namin ni Irene. Nginitian niya kami. Sabay naman namin siyang niyakap habang hinahawi ang mga luha namin.

"Uy, inggit 'yung dalawa. Oh, 'yan ah. Lesson in life, kung gustong mayakap ng dalawang gorgeous ladies, magpatama ng incision blade—aray!" Naputol ang sinasabi niya nang batukan namin siya ni Irene.

"Nasa bingit ka na ng kamatayan, tapos magbibiro ka pa ng ganiyan?!" Ani Irene.

"Correction, wala ako sa bingit ng kamatayan."

"E, saan nga ba tumama 'yung incision blade?" Tanong ni Sof at sa wakas, nagsalita na siya.

"Actually, hindi siya pumasok sa katawan ko. Tumama siya sa glasses ko, kaya nga grabe 'yung basag. Malakas lang 'yung impact kaya natumba ako, tapos naisipan kong i-joke time kayo—aray na naman!" Naputol ang sinasabi niya nang batukan namin siya ulit ni Irene.

"At naisipan mo pa talagang gawin iyon, huh?!"

"Bakit? Anong masama doon?"

"Hayst! Bahala ka nga!"

"Nag-aalala lang kayo. Yiee~! I aporeciate your concern. Salamat." Kumikinang ang matang sabi ni Ceah. Agad siyang tinulungan ng dalawa pang boys namin na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan.

"Stop this drama, I hate this. Let's go back to our hotel, shall we?" Sabat naman ni manong JD. Hindi na kami nakaangal at lumabas na kami ng venue.

We parked taxi at naghati-hati kami sa pagbayad nito nang nakarating na kami sa aming hotel. It was three in the afternoon, so I better get a sleep kasi nakakapagod din iyong ginawa naming pag-iimbistiga kanina.

---

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang may gumising sa aking isang pigura. It was Irene.

"Russ, Russ!" Excited niyang wika. I looked at my phone. It is now 4:05PM, isang oras din pala akong nakatulog.

"Bakit?" Naalimpungatan kong tanong.

"Lakwatsa tayo!"

"Ano?"

"Lakwatsa! Alam mo 'yun, lakad-lakad sa kung saang lugar. Pasyal pasyal, hindi mo ba alam ang lakwatsa?"

"Alam, pero—"

"Wala nang pero pero, magbihis ka na at aalis na tayo."

"Tayo lang dalawa?"

"Hindi. Kasama 'yung tatlo nating boys. Alam mo 'yun, bonding within the whole SHC, sayang nga lang at wala si Ms. Fuentebella. Pero pinayagan naman tayo, mag-ingat nalang daw tayo lalo na at hindi pa naman tayo masyadong pamilyar sa lugar."

"Sige na, sige na. Magbibihis na, maghintay ka rito."

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C18
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.