Forum Download app Gifts
65.51% Scene of the Crime Detectives / Chapter 19: CHAPTER 18 • PART III: TRIP TO SOKOR!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 19 online

Chapter 19: CHAPTER 18 • PART III: TRIP TO SOKOR!

Chapter 18 • Part III: Trip to SoKor!

Mary Russell's POV

"Sige na, sige na. Magbibihis na, maghintay ka rito."

Agad akong pumunta sa banyo nang mabitawan ko ang mga katagang iyon. Kinukusot ko pa ang mga mata ko dahil medyo mahapdi, ano kayang nangyari dito? Siguro dala lang 'to ng pagka-bagong gising noh?

Lumabas naman agad kaming dalawa ni Irene ng unit nang kaagad akong makapagbihis. Dala namin ang aming sweatshirts dahil sobrang lamig dito. South Korea's temperature is approximately 11°C, kaya ang lamig, but actually, I'm enjoying the coldness of the weather.

Nakasalubong rin namin ang aming tatlong boys sa lobby ng hotel. Nandoon rin sila, naka-sweater din. I looked at the sky when I went outside. Wala nang init pero hindi pa rin naman madilim. Just sakto for afternoon context.

Pumara kami ng taxi. Fortunately, kasya kaming lima roon. Nanatili kaming tahimik sa loob ng taxi habang binabagtas ang daan. Tila walang umiimik sa amin, buti nalang at pinutol ni Sof ang nakabibinging katahimikan sa amin.

"Guys." Tawag ni Sof. Agad kaming lumingon sa kaniya. "I found out something spectacular with regards to our culprit yesterday."

"Ano naman 'yun?" Tanong ni Irene.

"Kilala niyo pa ba si Mr. Sta. Rosa?"

"'Yung kliyente ni dad na pumatay sa kapitbahay niya? Bakit, anong tungkol sa kaniya?" Sagot ko naman sa kaniya.

"He's the grandfather of Twinkle."

"Ah, kaya pala parehong Sta. Rosa ang apelyido nilang dalawa!" Gulat na ani Ceah.

"Oo. At first, I doubt it. Ang dami kayang may apelyidong Sta. Rosa hindi lang sa buong Pilipinas, sa buong mundo pa. Pero when I searched Twinkle's identity on facebook, I saw a post wherein he greeted her lolo a happy birthday, tapos may picture, at nagulat ako nang makilala ko ang lolo niya."

I heard someone smirked. Siguradong si JD 'yon. Agad naman siyang nagsalita ukol sa aming pinag-uusapan. "Tsk! Being a criminal runs through their blood flowing in their veins."

Nanatili ulit ang nakabibinging katahimikan sa loob ng taxi. Hindi naman nagtagal nang tumigil ang taxi. Sabi ng driver na nandito na raw kami sa una naming pupuntahan. I glimpsed at my wristwatch and saw the time. It is now 3:30PM, grabe naman, bakit parang bumalik ang oras? Ngayon lang nagpop-out sa utak ko na ang time pala na nakalagay sa relo ko ay Philippine time zone. So if nandito na kami sa SoKor, it means, it's just 4:30PM, twenty minutes kaming nag-biyahe.

Bigla namang tumili si Irene. "Welcome to Lotte World! If you're looking a fun place to be with your friends and family, this is the perfect place to be! So, ano pang hinihintay natin? Tara naaaa~!"

I looked around the area. It's an amusement park filled with dynamic events and performances. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ang mga rides tulad ng carousel, Spanish pirate ship at flume ride. Ito na siguro ang tinatawag nilang Adventure, located kasi siya indoor the park.

Tinignan ko naman ang buong labas ng Lotte World. There is the Magic Island, consisted by a big thrill rides like Gyro drop and Gyro spin. Ugh, nakakalulang tignan ang mga taong nakasakay roon.

"So ano na guys, anong first ride natin?" Tanong ni Sof. Nakita ko ang kakaibang awra sa mukha nina JD at Ceah.

"Oh, JD at Ceah, anong nangyari sa mga gwapo ninyong mukha?" Pang-aasar ni Irene.

"I'm just scared of high places." Diretsong ani Ceah. 'Yun lang naman pala e. I looked at JD and raised my brow asking what's wrong with him.

"Same reason." Diretso niyang ani. Napahagalpak naman ng tawa si Sof. Sinamaan siya ng tingin ni JD pero hindi natinag si Sof. Tarantado talaga 'tong isang 'to. Malala na 'to.

"Punyeta! Kalalaki mong tao, takot ka dun? Pero sige, sige, pagbigyan natin sila at dahil takot kayo sa matataas, unahin natin ang Gyro drop!"

"SOFRONIO VELASQUEZ!" Galit na sigaw ni JD. Maaga namang napatakbo si Sof at hinabol naman ito ni JD. Parang mga bata!

---

Nandito na kami sa linya ng ticket booth sa carousel. Dahil nga takot 'yung dalawa sa matataas, dito kami unang pumunta.

"Let's find some other ride. This is too childish!" Maarteng ani JD.

Narinig ko na naman ang halakhak ni Sof na nasa likod ko. "Anong gusto mong unahin natin, JD? Gyro drop o Gyro spin, the choice is yours—"

Naputol na naman ang sasabihin niya ng batukan siya ni JD. Imbes na mag-reklamo ay nagpatuloy ito sa katatawa.

"This one's okay." Pagbabagong-isip nitong bipolar naming kaibigan. Natawa naman ako sa inakto niya. Aarte pa kasi, hayy!

This one's familiar for me. Kung hallyu fan ka, maaaring nakita mo na ang carousel na ito roon. And para sa akin, this place is romantic. Maaaring pambata man, pero may mga pag-iibigang dito nagsisimula.

Nakuha na namin ang ticket kaya dumiretso na kami sa linya ng sasakay. Hindi naman masyadong marami pero kadalasan bata ang sumasampa sa mga kabayo. Buti nalang talaga at walang age limit dito.

Huling sumampa sa huling kabayo si Sof na nasa hulihan. Umandar na ang ride nang makahawak na ang lahat sa hawakan. I saw Irene na busy sa pag-take ng pictures. Nandoon rin sa may likuran ko sina JD, Sof at Ceah na hindi pa rin natatapos sa pagtatalo sa kung anong pinagtatalunan nila.

Natapos ang ride nang hindi ko namamalayan. Itinuloy pa rin ni Sof ang panunukso sa mga kaibigan na kesyo gusto niya raw sumakay sa Gyro drop at Gyro spin, samantalang naroon 'yung dalawang ayaw na ayaw talaga. Loko talaga si Sof!

Nanatili kami sa adventure zone. Sumakay rin kami sa Spanish pirate ship. Litong-lito si Sof nang matapos 'yung ride, kaya ayun, binawian nina JD at Ceah ng pang-uuyam.

Sumakay rin kami sa flume ride. Nanatili ang ngiti sa mga mukha ng mga members ko. Para kaming binalik sa pagkabata namin, kung kailan wala pa kaming iniisip kundi ang maglaro, kung saan wala pa kaming pino-problemang kahit na anong problema, at kung kailan easy pa ang lahat. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko pang maging bata nalang all the time, and I have my own reason of saying that.

Sunod kaming pumunta sa capital ng SoKor, ang Seoul. Dumiretso kami ng Namsan Seoul (N Seoul) Tower. Isa pa ring sikat na tourist destination sa Seoul. Sikat rin itong shooting place ng kdramas like 'My Love from the Star' at 'The Legend of the Blue Sea', two of the most popular korean dramas na napanood ko. E paano, bida si Jeon Ji-Hyun doon sa dalawa, sikat na artista kaya 'yun!

Kilala ang N Seoul Tower bilang landmark attraction. Naging must-visit rin ang attraction dahil nga na-feature sa dalawang sikat na kdramas. Dahil nga medyo madilim na, napakagandang tignan ang nightscapes. Sabi nila, maganda daw tumingin sa nightscapes dito habang nagkakape, ma-try nga kung sakali.

And you know what? Nandito located ang sikat na love locks ng SoKor, the place where people lock their love with each other. Gusto ko ring puntahan iyon! May mga hallyu, hollywood at Filipino artists na naglagay na ng love locks nila! I want to put my own love lock too—I love myself kaya!

"Ang ganda ng lugar, hindi ba?" Biglang wika ng isang babaeng tinig, nang tignan ko iyon, si Irene pala.

"Sobra."

"Amaze na amaze ka sa lugar, Russ ah. Halatang dream destination mo nga ang South Korea."

"Sobra."

"Sobra nalang ba ang sasabihin mo?" Aniya pa at tumawa pagkatapos.

"Sobra." Panunudyo ko pa kaya napahagalpak siya ng tawa. "Hindi pero seryoso, ninanamnam ko lang ang simoy ng hangin. Madali na kaya tayong umuwi, kaya sinusulit ko na."

"Madali na nga tayong umuwi kaya huwag ka nang mag-drama pa diyan. Tara, café tayo!" Hinatak niya ang aking kamay at dumiretso sa isang sikat na café. Nadama ko ring nakasunod na ang tatlo naming boys.

Nagkukuwentuhan ang buong barkada nang matapos uminom ng kape. Napaso pa nga ako nung una kong tikim, bwisit. Ano pang mas nakakabwisit e ang mahal ng binayad ko. Sa pagkakaalam ko, three-hundred pesos ang conversion noon. Diyos ko, para isang tasa ng latté.

"At dahil nga shopaholics kaming dalawa nina Russ..." Wika ni Irene. Ako, shopaholic? Hindi ako informed noon ah. "Pumunta naman tayo sa Myeong-dong!"

"Diyos ko naman, Irene, gabi na oh, hindi ka pa ba nauubusan ng energy?" Masungit na reklamo ni Sof.

"Oo nga naman, Irene. Gumagabi na, mas mabuting umuwi nalang tayo sa hotel." Gatong naman ni Ceah.

"Ano ba naman kayong dalawa?! Sulitin na natin ang bakasyon natin dito sa South Korea, minsan lang 'to oh. At saka, alas-sais pa lang naman, uwi tayo ng alas-otso. Sino G?"

"Tanong tayo kay pressy..." Hamon ni Sof. "Ano pressy, anong desisyon mo?"

Tinignan ako ni Irene mata sa mata, nagpapaawa ata ang gaga. "Sundin natin ang sinabi ni Irene, minsan lang naman 'to kaya sulitin na natin."

"Pero—"

"At saka, maaga pa, wala pa kayang nine. Para naman tayong mga batang may curfew kung uuwi tayo ng napakaaga. Hindi na tayo bata, hindi ba't may tatlo na ditong hindi minor? Saluhin ninyo nalang kami ni Ceah kapag nagka-alanganin, hehe."

"Yehey!" Wika ni Irene at inilabas ang kaniyang ngiting tagumpay.

Ubos na ata ang pera namin sa kaka-bayad lang sa taxi. Pero heto na kami, bahala na kung maubusan ng pera. Nasa harap na namin ang Myeong-dong. Mahahalata mong ito na nga ang Myeong-dong dahil makikita sa paligid ang street foodcarts. Nagkalat din ang mga restaurants sa lugar. Napakarami ring mall, shops and all para nga sa mga shopaholics tulad ni Irene.

"So, anong uunahin natin, guys? Kayo naman ang mag-decide." Sabi ni Irene. "Shall we eat street foods?"

"Akala ko ba kami ang magdedesisyon, Irene?" Reklamo ni Sof.

"Ay, sorry." Nakangiting wika ni Irene at nag-display ng peace sign.

"We just ate cake, right? Let's first stop at the shops, shall we?"

"Bet!" Ani Irene at wala naman kaming nagawa.

Busy si Irene sa pag-tingin ng mga dresses na kema-mahal sa presyo. Sabagay, mayaman 'yang babaeng 'yan. Kada kuha niya ng damit, bigay agad sa tatlong lalaking kanina pa ang reklamo. Tila naman bingi itong si Irene na walang naririnig.

Natapos ang pamimili ni Irene. Guess what? Pumasok kaming halos walang dala tapos ngayon may tig-iisang shopping bags na kaming dala. Dahilan naman ni Irene, dapat daw makiuso kami sa trends at korean fashion ang trend ngayon. Naiintindihan ko siya pero kailangan pa bang sa Korea mismo siya bibili ng fashion trends na mga damit? Mayroon naman niyan sa Pilipinas, 'di ba?

"Guys, CR lang ako. Kanina pa ako ihing-ihi." Ani Sof at ibinigay ang bag na dala kay JD bago kumaripas ng takbo.

"Ako rin." Ani Ceah at ibinigay kay JD ang sukbit na bag. Napatingin naman ako kay Ceah at sine-senyasan niya ako na umalis roon. Nang una ay hindi ko naintindihan pero nang naglaon ay na-gets ko naman ito.

"May titignan lang ako sa loob, guys." Paalam ko sa dalawa.

"Huh, may titignan ka? Bakit hindi mo na tinignan kanina nung nasa loob pa tayo?" Curious na tanong ni Irene.

"Ah, e nakalimutan ko. Sige, alis na ako." Ani ko bago biglang tumakbo mula roon, dala pa rin ang shopping bags na pinamili ni Irene. Dumiretso ako sa loob at nang makapasok na ako roon, tinignan ko silang dalawa sa labas. Ilang sandali pa ay naglakad na silang dalawa paalis ng lugar.

Hayst, anong gagawin ko ngayon... nang mag-isa?

Napagdesisyunan kong maglakad-lakad sa labas. Malamig na ang panahon kaya napahawak ako ng mahigpit sa aking sweatshirt. Huminto ako sa isang food cart at nagtanong sa tindera kung magkano ang tinitinda niyang pagkain.

Walang ano-ano naman ay nakarinig ako ng ingay galing sa mga tao sa aking paligid. Nadatnan ko ang isang lalaking hinahabol ng mga pulis. Mabilis na binabagtas ng lalaking naka-hoodie ang lansangan ng Myeong-dong. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-18-%E2%80%A2-part-iii-trip-to-sokor!_40810709017228607">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-18-%E2%80%A2-part-iii-trip-to-sokor!_40810709017228607</a> for visiting.

Wala namang ano-ano ay naramdaman ko ang pagtama ng aking katawan sa kaniyang katawan. Dahil sa labis na impact ay nahulog ko ang bag na hawak ko at natumba sa sahig.

"Ano ba naman 'yan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Galit na wika ko sa kaniya.

"Tumitingin ako, sadyang tanga ka lang at hindi tumitingin sa mga taong nakakasalubong mo!"

"Sino ka ba? Bakit ka hinahabol ng awtoridad?!" Tanong ko habang pinapagpagan ang shopping bag na dala ko. Naku! Lagot ako nito kay Irene!

"Hayst, ang daming tanong! Close ba tayo, pero mamaya ko nalang sasagutin ang mga tanong mo, baka makita ako ng pulis." Aniya bago ako tuluyang itinayo at dinala sa isang lugar na madilim. Tinakpan niya ang aking bibig kaya't hindi ako makapagsalita upang humingi ng tulong. Patuloy kong inaalis ang sarili ko sa kaniya ngunit masyado siyang malakas. "Huwag ka ngang maingay!"

'Di huwag! E paano nga ako lilikha ng ingay kung nakatakip 'tong kamay niya sa bunganga ko? Bobo din 'to ah.

Nahagip ng mga mata ko ang mga awtoridad na sumusunod sa kaniya. Kita sa mga mukha nila ang pagkalito kung saan napadpad ang sinusundan nila. Nang tuluyan nang makaalis ang mga awtoridad ay agad naman niyang tinanggal ang kaniyang kamay na nakatakip sa aking bibig.

"Pwe! Ang sama ng lasa ng kamay mo! Pwe!" Reklamo ko nang malasahan ang kaniyang kamay.

"Bakit mo kasi tinikman?!"

"Kasalanan ko pa ba 'yun?! At saka, sino ka ba? Ba't ka nagsasalita ng tagalog? Ba't ka hinahabol ng awtoridad? Siguro rapist ka noh? Anong balak mo sa akin?"

"Isa-isa lang ang tanong at huwag ka ngang praning. Okay, sasagutin ko na mga tanong mo, Ms. Curiosity. Nagsasalita ako ng tagalog dahil Pilipino ako, tanga. Hinahabol ako ng awtoridad dahil wala ka nang paki roon. Hindi ako rapist at wala akong balak sa 'yo. Duh, I have my girls that are sexier and yummier than you."

"Bakit, natikman mo na ba ako?" Gulong tanong ko. Oops, bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko. Hindi ko napigilan.

"Bakit, pwede ba?"

"Bastos! Manyak ka, manyak!"

"Shout whatever you want. This is a close area, walang makakarinig sa 'yo." Aniya na tila ba kabisadong-kabisado na niya ang mga lansangan dito. Nilingon-lingon niya naman pagkatapos ang paligid. "Okay. Aalis na ako, basta isipin mo wala nalang nangyari. Kalimutan mo nalang na nangyari ito, okay?" Aniya at akmang aalis na sa madilim na lugar na 'yon.

"Teka lang—"

"At saka nga pala..." Aniya bago hinubad ang kaniyang sweater. Dahil roon tumambad ang kaniyang mala-greek warrior na katawan dahil hapit na hapit ang kaniyang suot na sando. "Suotin mo ito, mukhang nilalamig ka."

"Sandali—"

"Kung ito ang ikasasaya't ikatatahimik mo... okay, I'll tell you my name. Dos, I bet masaya ka na." Aniya bago ngumiti at kumindat. Agad naman siyang kumaripas ng takbo nang matapos siyang kumindat. Tila isang binging hindi ata naririnig ang mga pagtawag ko.

Irene Adler's POV

Ilang saglit lang kami nanatiling nakatayo ni JD sa lansangang iyon sa Myeong-dong. Napagod ata si JD na manatiling nakatayo kaya hindi nakapigil mag-ayang maglakad-lakad.

Nanatili kaming tahimik habang binabagtas ang aming daan patungo sa kung saan nang biglang may tumapat at pumigil sa aming isang matandang babaeng may dala-dalang bulaklak.

"We're sorry but we aren't buying flowers." Magalang na ani JD.

Kumuha ng isang piraso ng bulaklak ang matanda at ibinigay ito sa akin. Pinigilan ko siya sa kaniyang ginawa ngunit hindi nagpapigil kaya kinuha ko na lamang ang bulaklak na iyon.

"Kamsahamnida. (Thank you.)" Ani ko sa kaniya. Napatango naman siya at bahagyang ngumiti sa akin bago muling tumingin kay JD.

"Geunyeoneun dangsin-ui yeoja chingu-ibnikka? (Is she your girlfriend?)" Tanong ng matanda kay JD. What? Ano daw? Hindi ko maintindihan, nakakaintindi lang ako ng basic korean e.

Mas lalo pa akong nagulat sa sunod na nangyari. "Ah, e geuleohseubnida. (Ah, e yes, she is.)" Korean na sagot ni JD. How come did he know how to speak korean?

"Geunyeoleul dolbogo geunyeoleul dachigehaji masibsio. (Take care of her and make sure not to hurt her please.)" Wika naman ng matanda. Naks! Para akong nanonood ng live shooting ng kdrama! Pero uhm, JD, you have lot to explain to me.

"Ne yagsoghamnida. (Yes, I promise.)" Tanging sagot ni JD bago umalis ang matanda sa aming harap. Dali-dali ko namang hinawakan ang braso niya at hinatak siya para tumingin sa aking direksyon.

"Hoy, JD, paano ka natuto mag-korean, ha?!"

"Didn't I tell you?"

"Na ano? Kumpletuhin mo!"

"I'm a half-Korean and a half-Filipino. I was born and raised here, particularly in Busan." Sagot niya na nakapagpalaki pa ng mga mata ko. "By the way, my mom is a full Korean while my dad is a full Filipino. My dad met my mom when he worked here in South Korea when he's only a bachelor."

"Ba't hindi mo agad sinabi?!"

"You didn't ask."

"Ugh, JD! Ba't ba ganiyan ka sumagot. Bitin na bitin ah!"

"How do you want me to answer?"

"Lagyan mo naman ng kaunting detalye! Habaan mo ang pagsasalita, ganoon."

"Why do you want me to talk as long as you want? Or you just want to hear my voice a little longer. Why? Is my voice a music to your ear?"

"Ewan ko sa 'yo, JD!"

"I thought you want me to talk a little longer. So I did what you just said."

"Ewan! Kung mang-iinis ka lang naman, e huwag na! Mas mabuti pang manahimik ka nalang diyan!"

"You said I should talk a little longer—"

"Binabawi ko na nga, 'di ba?"

"One more rudeness, I'll call you Meortagonessa version 2.0."

"At mang-aasar ka pa talaga, ha? Kainis, bwisit 'tong kasama ko! Kumain nalang nga tayo!" Inis na sumbat ko at nanguna na sa paglakad patungo sa isang resto dito sa Myeong-dong.

"Annyeonghaseyo! Korean or foreigner?" Tanong ng waitress.

"Foreigner."

"Filipino kayo? Uy, kababayan!"

"Hello po ate..." Ani ko at binasa ang pangalan sa nameplate. "Vienn. Hello po ate Vienn. Ano po ba ang specialty ninyo rito?"

"Pasta ang specialty dito. Heto 'yung menu oh, pumili ka nalang." Wika niya bago ngumiti sa akin. Tinanggap ko naman ang menu at agad itong binuklat.

"Ah, masarap po ba 'yang Aglio e Olio na 'yan, ate?"

"Oo, bestseller nga 'yan e."

"E 'di 'yan nalang po. Wala ho ba 'yang shrimp?" Pabulong na tanong ko.

"Ah, hipon? Wala naman, bakit? Allergic ka ba sa hipon?"

"Oo e. Sige ate, 'yun na 'yung order ko... at pineapple juice ang beverage ko ate. Salamat." Wika ko sa kaniya bago tumingin kay JD. "Ikaw JD, anong order mo?"

"Just water, please."

"Bakit tubig lang? Alam mo bang sikat na resto 'to dito sa Myeong-dong."

"I know that this one's a famous resto here in Myeong-dong. It isn't my first time here, I've been here a lot of time. But I'm just full, I just ate cake, right?"

"Sure ka?"

"Yes, I'm sure."

"Ang sweet ninyo namang couple." Wika ni ate Vienn na nagpagulat sa akin.

"Hindi ho kami couple." Pagtatanggi ko sa kaniya. Sinuklian niya naman iyon ng awkward na ngiti.

"Sorry. I thought couple kayo. Sorry talaga." Aniya pa at parang nahiya sa ginawa niya. "So, recap lang tayo ah. One order of Aglio e Glio, one order of pineapple juice at one glass of water. Anything more or less?"

"Wala na po ate. Salamat."

Nang makaalis na si ate ay agad naman na nagsalita si JD. Bago iyon ay inilapag niya muna ang kaniyang siko sa mesa at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha kong unaware sa sinasabi niya. "Irene."

"Hmm?" Sagot ko at ibinalikwas ang tingin galing sa labas at tumingin sa aking kausap. Hindi ko alam na naroon ang kaniyang mukha kaya muntikan nang dumapo ang aking labi sa kaniya. Buti nalang at muntikan lang.

"M-My bad. I'm sorry. I didn't do it on purpose."

"Ayos lang, JD." Hindi mapakaling sagot ko sa kaniya. "Bakit mo nga pala ako tinawag, JD?"

"Aren't you awkward when you're with me?" Diretsong aniya.

"Awkward? Hindi naman, bakit mo naitanong?"

"Nothing. I just thought of our history. That time when we are just grade seven, remember?"

"Ayun ba, oo naman." Awkward na sagot ko. Okay, nagsinungaling ba ako nang sinabi kong hindi ako awkward sa kaniya?

"We became close all of a sudden but that closeness was ruined when I said something that I think I shouldn't have." He said. He's not that chatty so I can't believe that he can tell a story with his limited words.

"You were just kidding that time, right?"

"I wasn't. I'm sincere about how I feel to you, even though we're just a teen that time. But I respect your decision." Aniya pa at ngumiti ng mapait. "It's funny how destiny plays, it's funny how he or she managed to put us in one situation that we can never get rid of. And that's being a member of our club."

"It was just a puppy love, JD." Wala na akong maisip na sabihin kay JD. Mukhang marami siyang baon ngayon. Siguro 'yun 'yung mga bagay na nais niya sabihin pero hindi niya mailabas sa kaniyang sarili.

"So you call it puppy love, do you? But what if I tell you that my feelings for you that time is sincere? Will you call it puppy love again?"

"So saan hahantong 'tong usapang ito, JD? Ano ba kasi 'to, trying to bring up this topic and remembering every single thing that we have done on that certain time?"

"It's not just bringing up and remembering, the term's reminiscing."

Nanatili akong tahimik sa aking kinauupuan. Wala akong masabi. Bakit tila ayaw ko nang balikan ang mga nakaraan naming iyon? Pero bakit heto siya, pilit na binabalikan iyon? Para ipakita sa akin kung ano ang sinayang ko?

Wala na akong masabi kaya laking pasalamat ko nang dumating na ang aming order. Agad naman iyon ni-serve ng isang waitress, hindi 'yung waitress na nakausap namin kanina.

"Shall we eat—I mean shall I eat?" Awkward pa ring tanong ko sa kaniya.

"Go on." Tipid niyang wika.

Kinuha ko ang aking tinidor at agad na itinuhog ang pasta noodles sa aking tinidor. Agad ko iyong isinubo ng dahan-dahan dahil ayoko namang magmukhang masiba sa harap ni JD.

"Wait." Pigil ni JD sa aking ginagawa. Kumuha siya ng tissue galing sa tray at agad na ipinampunas iyon sa aking mga labi. Nag-init ang mukha ko at feeling ko nga ay namumula na ito. Naku, paano na 'to. "Just some sort of dirt."

"Ah, e... salamat. Hehe."

Nays, Irene! Pinahiya mo na ang sarili mo sa harap niya. Hayst, pero bakit ba big deal iyon sa akin? Siya lang naman 'yun ah! Bakit ba ako nagkakaganito? Wahh! Anong mali sa 'yo, Irene?!

Agad kong tinapos ang aking pagkain at naglapag pa ng tip para kay ate Vienn. Kumuha kami ni JD ng taxi ng makalabas kami ng resto at tahimik na dumiretso ng aming hotel.

"Ah, salamat sa gabing 'to, JD."

"I wad going to say something like that but... still, thank you. A-and, say my thank to Russ also, tell her I enjoyed. I'll also tell Sof and Ceah that you enjoyed."

"Ano 'to, may kontratahang nangyayari?" Biro ko pero hindi pa rin natinag ang poker face niyang mukha. "So... ano na?"

"Ah, yes, sorry if I brought up the topic a little while ago. I hate myself for making you uncomfty. So... shall you go to your unit? It's getting darker here."

"Ikaw rin. So, paano? Alis na ako." Ani ko sa kaniya. "'Yung tungkol kanina, huwag mo nang intindihin 'yun. That's nothing."

I lied. That's more than anything.

"Go." He said and I replied a smile.

I went inside the elevator and smiled until the door perfectly closed.

Pinindot ko ang doorbell ng unit at hinintay na may bumukas nito. Ilang sandali pa ay bumakas na nga ito at tumambad sa akin ang mukha ni Russ.

"Russ!" I shouted at mukhang gulat na gulat naman siya na makita ako. Pero kahit na ganoon ang reaksyon niya, niyakap ko pa rin siya. "Oh, ba't parang gulat na gulat ka na makita ang beauty ko?"

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C19
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.