Forum Download app Gifts
68.96% Scene of the Crime Detectives / Chapter 20: CHAPTER 19 • PART IV: TRIP TO SOKOR!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 20 online

Chapter 20: CHAPTER 19 • PART IV: TRIP TO SOKOR!

Mary Russell's POV

Nanlaki ang mata ko nang makita si Irene na nakatayo sa harapan ko dala ang dalawang supot ng shopping bag. Naku, lagot ako nito, e paano ba naman kasi, binangga ako nung ungas na lalaking 'yon. Ugh, shit!

"Oh, ba't parang gulat na gulat ka na makita ang beauty ko?" Makulit na tanong niya.

"Ah, e wala. Wala 'to." Kinakabahang aking ani.

"Ano ka ba naman, ako lang 'to oh. Hindi ka pa ba sanay na makita ang beauty ko araw-araw?" Aniya at sinuklian ko naman iyon ng ngiti, an awkward one. "Oh, wala bang pa-welcome diyan?"

"Ah, e..." Ano bang dapat kong sabihin? "Welcome back. Welcome back! Oo, ayun, welcome back!"

"Ano ba namang klaseng welcome 'yan, Russ? Anyways, I chatted Sof and Ceah and they told me na binigay daw nila 'yung shopping bag sa 'yo. Nasaan na, excited na akong sukatin ang mga 'yon, i-judge mo kung maganda ah."

"Ano kasi, Irene..."

"Anong ano kasi?"

"Ah, e..."

"Ah, e? Alam mo, Russ, kanina ka pa mukhang balisa. Ano ba kasing dapat mong sabihin."

Inilabas ko mula sa aking likod ang shopping bag na dala-dala ko kanina. Laman nito ang mga bagong damit na naputikan. "Eto kasi oh."

"Oh anong nangyari diyan?" Mahinahon pa rin niyang tanong. "Bakit ang dumi?"

"Ano kasi... naglalakad ako kanina nang mabangga ako ng isang lalaki. Natumba ako kaya't nahulog ko ang bag na ito. Sorry talaga, Irene. Hayaan mo, agad kong papalitan 'yan bukas. Sorry talaga."

Nakaukit naman sa mukha ni Irene ang isang malaking poker face. Agad niyang hinawakan ang dalawa kong balikat bago siya tumili. "Ahh, is this tadhana?!"

"Anong pinagsasasabi mo, Irene?" Gulong tanong ko.

"Ano, Russ, gwapo ba?"

"Ano? I mean sino ba ang tinutukoy mo?"

"'Yung lalaking bumangga sa 'yo, ano ba?"

"Ah required ba akong sagutin 'yan?"

"Para saan pa ang mga tanong kung hindi sasagutin, hindi ba?"

"There are questions na hindi na kailangan ng tanong, like rhetorical questions—" Agad naman niya akong binara kaya natahimik ako.

"And my question is not one of those questions, kaya sagutin mo na! Gwapo ba?"

"Oo? Pero... bakit mo ba naitanong?"

"Ganiyan kasi 'yung nga nabababasa ko sa wattpad e. 'Yan 'yung mga first encounter ng mga taong destined pala para sa huli. I can't believe it's happening in the real world."

"Hi-hindi ka galit, Irene?"

"Macho ba, Russ?" Pag-iiba niya ng paksa.

"Ah, oo. Macho naman siya. Pero teka lang nga, sagutin mo ako, Irene. Hindi ka galit sa akin?"

"Bakit naman?" Mukhang inosente niyang tanong sabay tingin kunwari sa mga kuko niya.

"I made your fashion trending clothes dirty, remember?" I tried copying her name as I said the phrase 'fashion trending clothes'.

"Oo. Pero is that an acceptable reason for me to get mad at you? Napakababaw na dahilan naman iyon."

"So, hindi ka nga galit?"

"I'm not mad."

"Weh, hindi nga? Hindi ka talaga galit?"

"Oo, bakit ko naman ipagpapalit ang friendship natin for just a piece of cloth? Anyways, that's just a piece of cloth, I can buy something like that or something new again. But can you buy friendship? Hindi ba hindi? You can't buy nor borrow friendship."

"Aw. Ang sweet naman noong declamation piece mo, Irene. I appreciate it!" Ani ko at niyakap muli siya ng isa pa, ngunit ngayon ay mas mahigpit. I'm so grateful having Irene as my bestfriend, I hope what she feel is likewise.

"Oh, siya sige. Ita-try ko na 'tong mga natirang damit ah, judge mo kung bagay sa akin 'tong mga 'to." Agad niyang kinuha ang dalawang dress mula sa kaniyang shopping bags. Hinawakan ng kaniyang kaliwang kamay ang isang asul na damit at 'yung kanan naman ay may hawak ng isang kulay pulang damit. "Alin ang mas bagay? Ito o ito?"

"Why don't you try fitting them in first para naman talagang makita natin."

"G! Teka, hintayin mo ako dito ah!"

"Saan naman ako pupunta? Room kaya natin 'to kaya hindi naman ako dito aalis, tangek!"

"Ay, oo nga pala. Hehe. Sige, I'll just wear these."

Joseph Downey's POV

"Update about the death of John Joseph Dy?" I asked them while untying my shoelaces.

"Actually, meron JD. His dead body will be brought back to the Philippines for the burial and cremation. Pupunta na raw itong mga pamilya nito bukas dito para sunduin ang bangkay. I can't imagine how their emotion will be kapag nakita nila ang sinawimpalad na si JJ." Ceah answered. Ceah said that he asked the academic head of our school to stay with us since his event has been done. Luckily, he was approved by the head.

"Good to hear." I responded. "Any other updates? Machiavelli. Update about Machiavelli?"

"Good news JD, wala pa siyang ginagawang kalokohan o kawalang-hiyaan sa ngayon. Mukhang tahimik ang gago. Pero huwag tayong magpaka-kuntento dahil hindi natin alam kung kailan 'yun gagalaw ulit." Sof answered.

"Okay."

"Maiba tayo, JD. Anong ginawa ninyo ni Irene kanina habang wala kami?" Sof asked while jerking his brows.

I tried to be calm. "What do you mean?" I asked innocently.

"Logets naman 'to, anong ginawa ninyo kanina, doon sa Myeong-dong? Nag-date ba kayo? Naghanap ba kayo ng hotel tapos doon gumawa ng mirakulo—" Sof was cut when he was punched on his nape by Ceah.

"Pero seryoso JD, mababa ba ang rate ng hotels dito sa Korea?" They looked at each other and laughed out loud like there's no tomorrow. They even did a high-five, tsk faggots.

"Fuck you two."

"Fuck we all." Sof stated and they both laughed. Tell me, what drug did he take?

I tsk-ed three times. They both really can annoy me. If there are two types of annoying people, that would be Ceah and Sof.

"Pero seryoso..."

"Just ensure that that's a serious one because if it's not, you know what will happen to you both."

"Oo JD, seryoso na 'to." Sof said. I don't know if I should believe to what he's saying right now because he's a jerk, a total jerk. "Nasabi mo na ba kay Irene 'yung nararamdaman mo? 'Yung mga bagay na gusto mo nang sabihin noon pa pero you don't have the courage to tell her? Ano, nasabi mo na?"

"Not yet. I initiated a talk but I think she's uncomfty talking about this topic. Maybe it's not yet the good timing. I'll find some time and I'll tell her, I'm not gonna keep it just to myself."

"Huwag mo nang patatagalin 'yan 'tol, pabigat 'yan sa araw-araw mong paggising."

Irene Adler's POV

Good morning! Hyy, sarap ng tulog ko ah, 'di ko naman alam kung anong rason. Maybe tama lang talaga 'yung sleeping position ko kagabi, kaya tama din 'yung gising ko.

I immediately went to the comfort room at naligo. Hinintay ko rin na magising si Russ, tsk e paano ba naman natulog ng alas-tres na dahil sa kawa-wattpad. I know I'm a wattpad reader too pero kailangan ba ganoong oras talaga matulog?

Wow, galing be talaga sa 'yo 'yan, Irene?

Hindi ako nakapagtimpi kaya ginising ko na ang sleepyhead kong kaibigan. At first, ayaw niya pang magising pero sabi ko na awarding ceremony na ngayong araw kaya dapat hindi siya ma-late dahil aaward-an ng gold medal si Ceah.

Natapos siyang maligo kaya't agad kaming bumaba at pumunta sa cafeteria ng hotel. There greeted us our three boys na lahat ay naka-dekuwatro habang umiinom ng mainit nilang kape. Feel na feel ng mga ungas ah.

Um-order kami ng almusal bago tuluyang tumabi sa kanilang tatlo. I looked at Ceah, nakasuot siya ng modern barong tagalog. Siguro dahil iyon sa siya ay isang delegate at lalong-lalo na dahil makakatanggap siya ng medalya.

Pagkatapos ng kainan, agad namang dumiretso ang lahat sa venue ng event, 'yun pa ring pinangyarihan ng murder kay John Joseph Dy. Bagaman may nangyaring karumal-dumal na krimen, ang sabi ng Korea Sports Committee na ito 'yung venue na in-aprubahan ng komite kaya no choice ang lahat.

Nandito na kaming apat na miyembro ng SHC sa audience area. For now, Ceah is preparing behind the backstage.

Hindi naman nagtagal ay nagsimula na ang awarding ceremony. Nagsimula naman agad ang awarding from least to most important event.

As for now, Philippines has three golds, five silvers and two bronzes, and is ranking first on the temporary rank of the overall champion. Nagpatuloy ang awarding ngunit walang bandera ng Pilipinas ang iwinawagayway sa bawat event. Mukhang wala nang pag-asang mag-comeback ang Pilipinas, hyy.

"Let's now move on to the next event. The memory competition." The emcee said. "Starting from our bronze medalist,

Ryuki Takazaki of Japan!"

Umakyat naman si Takazaki sa itaas ng stage kasama ang kaniyang coach at sinabitan ng medalya. Humarap siya sa audience area nang naka-poker face. Hindi ba siya masaya sa nakuha niyang award? Of all the contestant, buti pa nga siya at naka-bronze. Hayst, kung ako 'yun masaya na ako diyan.

"Moving onto the silver medalist! Ladies and gents, Mr. Kim Minseok of South Korea!" Tsk, grabe 'yung intro, palibhasa koreano din 'yung emcee, bias!

South Korea's crowd and other delegates gave Minseok a big round of applause. May mga banner pa silang dala, mukhang pinaghandaan ang awarding tsk.

"And now, for the gold medal! Prepare your voice and your hands as we welcome our gold medalist, Ceasar Del Fuego from the Philippines."

Nagsipalakpakan ang mga tao na nasa Philippine's place. Mas malakas at mas masigabo ang palakpakan na nakuha ni Ceah. Siyempre, isa ako doon sa pumalakpak e. Hindi ako magpapatalo noh?

I looked at the temporary rank of the overall champion. South Korea is leading with seven golds, thirteen silver and twelve bronze medals. However, Philippines is on the second spot having seven golds, ten silve and eleven bronzes. Naks, kaunting kembot nalang 'yan at matatalo na natin ang South Korea. G guys, G!

Nagpatuloy ang awarding at medyo lumalamang pa rin ang SoKor. Hayst, paano namin makukuha ang great comeback ng Pilipinas kung ganito ang nangyayari?

May biglang nag-vibrate sa aking bulsa. It was my phone. I got my phone and looked what's wrong with it. Ugh, it's just my messenger app, there's someone chatting me. I don't know who.

Hindi ko nalang pinansin kung sino ang nag-chat na iyon sa akin. Inilagay ko iyon sa bulsa ko dahil nage-enjoy pa ako habang pinapanood ang awarding.

Ilang saglit pa ay nag-vibrate na naman itong aking phone. Kinuha ko ito at tinignan kung sinong nag-chat. The account ID said that it was just Melly Moraño, our housemaid.

---

5:20PM

Melly: Ai?

5:22PM

Melly: Ai, kailangan mo nang umuwi.

Irene: Bakit po Manang Melay?

Melly is typing...

Melly: Si Ivan kasi.

5:23PM

Irene: Bakit manang? Anong nangyari kay Ivan?

Melly is typing...

Melly: Ano kasi e.

Irene: Anong ano kasi, manang? Pinapakaba mo naman ako e.

Melly is typing...

Melly: Si Ivan... nasa ospital.

---

Ano?! Si Ivan nasa ospital?!

Nanghina ako sa aking nalaman. Ang musmos kong kapatid nasa ospital? Kahit nanghihina ay nagpatuloy ako sa pakikipag-chat kay Manang Melay. Napag-alaman kong ang dahilan niyon ay dahil siya ay nahagip ng isang kotse.

Mag-isa kasing naglalakad pauwi noon si Ivan nang mahagip siya ng isang pulang kotse. Feeling ko tuloy ako ang may kasalanan, kung naroon ako e 'di sabay kaming naglalakad at baka natulak ko pa siya papunta sa gilid upang hindi siya mahagip. Sana ako nalang ang nahagip at hindi siya, sana ako nalang!

Tumulo ang aking luha dahil sa sakit na naramdaman. Lumingon si Russ sa akin at tinanong kung okay lang ako. I was stiffened due to what I knew. Nangyari ito at ako ang puno't dulo ng insidenteng ito.

Dahil sa panghihina, nabitawan ko ang aking phone. Kinuha iyon ni Russ at mukhang aksidente niyang nabasa ang convo naming dalawa ni Manang Melay.

"What?! Nasa ospital ang kapatid mo, Irene?" Anang tanong ni Russ. Nanatili akong tulala sa aking kinauupuan.

Napansin kong lumingon sina JD at Sof dahil sa narinig. "Totoo ba ang narinig namin, Russ? Na nasa ospital 'yung kapatid ni Irene?"

"Oo." Tugon niya sa tanong ni Sof, agad naman siyang lumingon sa aking puwesto. "Paano 'yan, Irene? Kailangan mo nang umuwi. Baka ano pang mangyari sa kapatid mo. Gusto mo na bang umuwi?" Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-19-%E2%80%A2-part-iv-trip-to-sokor!_41459039414053441">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-19-%E2%80%A2-part-iv-trip-to-sokor!_41459039414053441</a> for visiting.

Hindi ako umimik sa tanong ni Russ bagkus ay pinahid ng aking kanang kamay ang mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata.

"Gusto mo na bang mauna, Irene?" Tanong ni Sof na mukhang nag-aalala.

"That would be the worst suggestion you could ever suggest, Sof." Lumingon ang dalawa sa nagsalitang si JD. "First of all, you should reserve a ticket for up to one to two week before your departure. Second, don't make decision when you are sad, don't you let yourself driven by your own emotion. Wait until your emotions disappear, it will help you prevent from making impulsive decisions that will make you regret later."

"So, what can you suggest JD? It's an emergency, Ivan needs her big sister right now." Nag-aalalang ani Russ.

"I suggest to just wait until we flew back to the Philippines. It will took three hours but it's better than any other choices, right?"

"Si-siguro nga tama si JD. Ma-maghintay nalang tayo." Mabilis kong response sa sinabi ni JD.

"Sa wakas Irene, nagsalita ka na. Ano, ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Sof.

"Oo, salamat sa pag-aalala pero kaya kong alalahanin ang sarili ko. Huwag na ninyo akong alalahanin."

"Okay." Sabay na wika nina Sof at JD. That time, hinawakan ni Russ ang aking balikat at iniharap ako sa sarili niya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" She asked. I smiled.

"Yes, nabigla lang siguro ako sa nabalitaan ko. Pero wala namang magagawa ang pag-aalala ko sa kalagayan ni Ivan 'di ba? Sigurado akong ayaw rin naman makita ni Ivan na nag-aalala ako sa kaniya." I smiled at her, this time, it's fake. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko sa aking mga mata.

"Sigurado ka ba? Mukhang sa mukha mo maiiyak ka na naman e. Kakasabi mo palang, you're sure Ivan wouldn't want to see you crying."

"Yes, I know. Tinatatagan ko ang sarili ko para sa kaniya." Mapaklang ani ko sa kaniya. "Sige na Russ, naistorbo ko pa ang panonood mo. Sige na, manood ka na ng awardings, sayang ng mga banners."

"Sige."

I smiled at my own. I'm so lucky I have that particular person na maituturing kong bestfriend. And I am gratefully lucky to have JD, Sof and Ceah as my groupmates. I just realized, I'm just so lucky to have them all.

"Russ." Pagtawag ko sa babaeng nakatuon sa unahan ang mga mata.

Agad namang tumingin ang sinasabi kong babae sa akin na nagtataka. "Bakit, Irene—" Hindi natapos ang kaniyang sasabihin nang hilahin ko siya papalapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit.

"Just wanna tell you that you're one of that precious persons I want to treasure."

"Pa-para saan 'yon, Irene?"

"Shh! I'm sure I won't regret choosing you as my bestfriend." Wika ko habang pinipilit na huwag lumuha pa.

"Ano nga ba talaga, Irene?"

"Am I making you uncomfortable?" Ani ko habang unti-unting kumalas sa

"I'm not... I'm just curious. Bakit mo ako niyakap?" Inosenteng tanong niya.

"It's my way of saying thank you and I'm happy having you as one of those precious people in my life."

"Tigil-tigilan mo nga ako, Irene." Wika niya. "Pinapaiyak mo ako e. Ugh, warning panget ako umiyak!" Maya-maya pa ay nakita ko siyang pimahid ang mga luha na tumutulo galing sa kaniyang mga mata. "Sabi sa 'yo e, panget ako umiyak!"

"Yieee, kayo ah! Baka may affair na kayong dalawa ah! Bawal 'yan!"

"Magkaibigan kami, and iyon lang ang affair namin ni Irene. At saka, pareho kaya kaming straight, kaya walang talo-talo noh?!" Wika ni Russ, agad naman akong tumango bilang senyales ng pagsang-ayon. "At saka, kayo ngang dalawa ni JD palaging magkasama baka kasi kayo 'yung tunay na may affair!"

"Fuck?" Sabay nilang ani. I smiled looking at their expressions.

"Huwag dito, check in kayo sa hotel!" Agarang response ni Russ. What?! Russ, kung ano-ano na 'tong nalalaman mo... dahil 'yan sa wattpad e.

"Sus, ako pa pupuntirayin mo Russ e! Ikaw Irene ha, tumigil ka sa ka-tomboyan mo. Huwag mong nilalandi si Russ ah! Hindi ko kayo support, mas ID shipper pa rin ako!" Pinanlisikan ko naman siya ng mata.

Heto na naman si Russ na walang kaalam-alam sa mundo. "Anong ID ang pinagsasasabi mo Sof?"

"Ah 'yun ba? 'Yun 'yung ship name nila. From the root word ng pangalan ni Manong JD at Irene. 'I' from Irene and 'D' from JD."

"Ah, ganoon ba? Kayo pala ni JD ang may affair, Irene. Tigilan ninyo ako, susme!"

Pinanlisikan ko pa lalo si Sof. "Will you just shut your mouth up! Ang ingay-ingay mo, sa sunod na may sabihin ka pang nonsense, tatahiin ko na 'yang bunganga mo!"

In that time, medyo nawala ang kirot na nararamdaman ko dahil sa nangyari kay Ivan. Natuto akong wala namang magbabago sa kalagayan ni Ivan kung patuloy akong mag-aalala, hindi ba?

Nagpatuloy ang awarding ceremony kaya't nagpatuloy rin ako sa pakikinig. Sunod-sunod na ang nakukuhang ginto ng Pilipinas, na lubhang ikinasaya ng lahat ng supporters ng Team Pilipinas.

And at last, i-a-announce na ang third, second at overall champion. Unang in-announce ang third runner up. Wala namang paligoy-ligoy ang host na ibinanggit agad ang third place. "JAPAN!"

Agad na nagsigawan ang lahat ng supporters ng Japan. Umakyat ang head ng Team Japan upang kunin ang tropeyo. Wala namang pinaglapas na oras ang host sa ag-anunsyo ng second place. "The host country, SOUTH KOREA!"

Nagkagulo ang lahat ng supporters ng South Korea. Kagaya ng unang panalo, umakyat din sa stage ang kanilang head. Agad nitong kinuha ang tropeyo at iwinagayway ito sa ere, simbolo na tinatanggap nila ang kampiyonatong kanilang nakuha.

Ito na ang matagal na hinihintay ng lahat, ang pag-anunsyo ng overall champion. Lahat ng tao ay hindi magka-ugaga dahil sa darating na anunsyo. Sinabuyan pa ito ng drum roll na mas nakapagdagdag pa ng thrill at excitement.

"And the overall champion for the 2019 Annual International Competition for Academic Excellent is..." Pabitin na ani ng host. Halos lahat ng tao rito ay nagdadasal upang makamit ang kampiyonato. "PHILIPPINES!"

Nagsigawan ang lahat ng supporters ng Pilipinas dahil sa narinig. Huwag lang sana kaming ma-Colombia diyan ah... pero kami talaga ang panalo!

Nagsitayuan ang lahat ng delegates ng Pilipinas kasama ang head ng sports committee na si Senator Manny Ponqiao. Nakangiting hawak-hawak ng lahat ng delegado ng Pilipinas ang tropeyo. Sulit lahat ng dugo, pawis at luhang ibinuhos nila para sa lompetisyon ito.

Believe it or not, Philippines made a great comeback!

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C20
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.