Forum Download app Gifts
72.41% Scene of the Crime Detectives / Chapter 21: CHAPTER 20: HER FAULT

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 21 online

Chapter 21: CHAPTER 20: HER FAULT

Mary Russell's POV

Immediately after the awarding ceremony ay agad namang kumain ang lahat ng delegates bago sumakay ng eroplano. It is indeed one of the best memories I had, not just because it's my dream place and it's free but it's because of the people I am with.

Maagang lumagrga ang sinasakyan naming eroplano kaya't maaga ring nakarating sa pinas. Tuluyan kaming lumabas ng eroplano dala ang kani-kaniya naming mga bagahe.

"Irene, didiretso ka na ba sa ospital?" Agad na tanong ko.

Tumango siya. "Oo, didiretso na ako sa ospital. I can't waste any time not to be with my brother. He badly needs me."

"Okay."

"Want a ride? Let me take you to the hospital, if you want." Presenta ni Sof.

Irene rejected his offer. "Huwag na, alam kong pagod pa kayo galing sa flight. Matulog muna kayo, alam kong may jet lag pa kayo kaya ipahinga ninyo nalang 'yan."

"Sige." Ani Sof.

"Just make sure na immediately after you visit your brother, get some rest din. Alam kong pagod ka na rin." Ani Ceah, Irene nodded.

"Yeah, tama si Ceah, get some rest. And tell Ivan we're looking forward to meeting him."

"I will."

Irene Adler's POV

Agad akong umalis sa harap nila matapos kong magpaalam sa kanila. Pumara ako ng taxi at agad na sumakay doon.

"Saan po ma'am?" Agad na tanong ni manong driver.

"Sa pinakamalapit na ospital lang ho manong." Agad kong wika sa kaniya.

Nanatili akong nakatulala sa labas ng kotse habang iniisip ang kalagayan ni Ivan. Kung tutuusin nga ay hindi pa malala ang nangyari sa kaniya ngunit ganoon siguro talaga mag-alala ang nakatatandang kapatid sa kanilang kapatid.

Agad akong nagbayad ng taxi fare sa driver bago lumabas ng taxi. It was again the hospital kung saan suki ang SHC.

"Where is the room of Ivan Mycroft De Morgan?" Agad kong tanong sa babaeng nasa front desk.

"Bakit po, kaano-ano ho ba tayo ng pasiyente?"

"Kapatid niya ho ako."

"Ah, okay po. Room 48, pediatrics unit po. Nandoon po siya."

"Salamat."

Agad akong pumasok ng elevator patungo sa second floor kung nasaan ang pediatrics unit. Hinagilap ko naman kung nasaan ang Room 48 at sa wakas ay nahanap ko na rin ito.

Hinawakan ko ang doorknob ng room bago ito pinihit. Bumungad sa aking harapan si Manang Melay. Agad niya akong niyakap, isang yakap na nag-aalala.

"Buti nalang at nandito ka na, Ai." Hindi na ako nakapagsalita pa kaya inilagay ko sa gilid ang aking maleta at dumiretso sa tabi ng aking kapatid.

Kasabay noon ay ang pagpatak ng aking mga luhang kanina pa nagtitimping bumuhos. Walang ano-ano ay may nagsalitang isang pamilyar na boses ng babae sa aking likuran.

"Glad you're back." Ma-awtoridad niyang ani bago ko siya nilingon. You're not mistaken if you thought it was Isabelle De Morgan, my mom. Beside her was my father busy talking with somebody on his phone. Hindi ko siya pinansin at itinuon na lamang ang aking atensyon sa kapatid ko. "Is that the right way of greeting your mother, Irene?"

Kahit labag sa loob ay lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang magkabilang pisngi. Agad naman akong bumalik sa aking dating posisyon kung saan nakatingin ako sa aking kapatid.

"What are you feeling right now, daughter? Siguro nasasaktan ka ngayon... or baka naman na-gui-guilty ka? Mixture of both siguro, right?"

"Not now, mom." Mahinahon ko pa ring ani.

"Why? Is it wrong asking what my daughter feels like right now?"

"What you did wasn't just asking, mom."

"If not, then what it is?"

"No... Nothing. I just thought it wasn't a question." Palusot ko pa. I would like to tell her it's insulting pero ayoko nang lumaki pa ang gulo.

"Just a random thought?" She said. "You know what happened to your brother? Nabundol siya ng kotse, why? Wala kasi siyang kasamang umuwi kasi wala ka, nagpapakasasa sa ibang bansa." Hindi ko nalang siya inintindi. Maybe, it's better to not just speak kasi kapag pinatulan mo pa ito, walang preno na naman ang mga mabibigat na salita ni mom. Masasaktan ka lang. "What happened to your brother was all your fault. Kasalanan mo iyon, kasalanan mo! Kaya go on, just feel the guilt and conscience bilang kapalit sa nagawa mong kasalanan!"

That time, I felt big droplets of tear running down through my cheeks. "Tama na ho ma'am, wala pong kasalanan dito si Ai-" Naputol ang sinasabi ni Manang Melay nang magsalita agad si mom.

"Stop talking, manang! I'm not talking with you, you're not a part of family so don't think as if you are!" Sigaw niya kay Manang Melay. "Ah, ikaw rin pala kasi manang. May kasalanan ka rin pala kasi, dahil kung inalagaan mo ng mabuti si Ivan, e 'di hindi sana siya mabubundol ng sasakyan!"

Hindi na ako nakapagtimpi kaya hinarap ko si mom at nagsalita. "'Yung sisihin mo ako sa pagkakabundol kay Ivan, matatanggap ko pa. Pero kung mandadamay ka rin lang naman ng mga taong wala naman talagang alam sa nangyari, aba'y mali na iyon!"

"At sumasagot ka na ah?" Sigaw ng babaeng nasa harapan ko. Agad naman siyang hinawakan ng lalaking katabi niya.

"If there was a biggesg lesson I learned from going to school, maybe it is to fight for what you think is right. What I did is not pagsasagot sa magulang, pinaglalaban ko lang kung ano 'yung tama!"

"Everybody inside the room, manahimik nga kayo! May kinakausap ang tao, international client pa naman to! Kapag ito talaga hindi ko nakuha, I will sue you all including you, manang!" Mayabang na ani ng aking amang si Icario De Morgan.

"At pinagtatanggol mo pa itong suwail mong anak, Icario?" Nakapamewang na ani mom.

"Hindi ko siya pinagtatanggol! Wala akong pake kung mag-away man kayo diyan all through the night, just let me close the deal with my client! Mahirap bang intindihin iyon, ah?!"

Sa gitna ng diskusyon ng mga magulang ko ay may humawak na malambot na mga palad sa aking kamay. Nilingon ko kung sino siya at nakita ang aking kapatid na inosenteng nakatitig sa akin.

Hindi ko alam ngunit bigla na lamang tumulo ang luha ko. Alam kong masakit na sa kaniya, hindi lang ang mabundol ng kotse pero itong sitwasyon namin. 'Yung palagi nalang siyang nakakarinig ng mga away galing sa mga magulang namin. He's too young for this. He's too young to suffer all of this.

"A-ayos ka na ba, bunso?" Tanong ko sa kaniya. Agad siyang tumango. "May gusto ka bang kainin. Gusto mo bang manood sa youtube?" Umiling siya.

Maingat siyang bumangon upang abutin ang mukha ko. Pinunasan ng kaniyang maliliit na mga palad ang aking mga pisngi. Ugh, I'm too soft for this. Imbes na tumigil sa pag-iyak ay mas lalo pang tumulo ang mga mabibigat kong luha.

Kahit na gising na si Ivan, wala pa ring humpay ang diskusyon ng mga magulang namin. "Please stop." Mahinahon kong ani, ngunit hindi natinag ang dalawa. "I said stop!" Mas malakas kong sigaw.

Dahil sa ginawa kong pagsigaw ay napalingon silang dalawa sa akin. "Sinong nagsabing may karapatan kang sigawan kaming dalawa ng dad mo? Ha?! Hindi ka namin pinalaki para maging walang-respetong bata."

"Kasi masyado na kayong insensitive!" Sigaw ko pa rin. "Gising na si Ivan oh, hindi niyo ba nakikita? Hindi ninyo ba naefe-feel na nasasaktan na ang bata? 'Yung ako masaktan, matitiis ko pa pero 'yung makitang nasasaktan si Ivan... Stop being insensitive please. Kahit para kay Ivan lang oh."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila, instead kinuha ko ang maleta ko at lumapit kay Manang Melay. "Manang, ikaw muna ang bahala kay Ivan. Bibisita ako madalas, I just have to cool down." Niyakap niya ako ng mahigpit.

Agad akong lumabas habang nagpupunas ng luha. Pumasok ako ng elevator at agad din namang lumabas pagkatapos bumukas ng pinto. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na hotel.

Dito muna siguro ako sa hotel na ito mamamalagi hanggang mainit pa ang sitwasyon sa amin. Sana lang maalagaan ni Manang Melay si Ivan ng mabuti.

Ipinarada ko malapit sa pinto ng aking unit ang aking maleta at agad na pumunta sa kwarto nitong unit. Umupo ako sa kama at agad din namang humiga. Akma nang pipikit ang mga mata ko nang maalala kong galing pa pala ako ng airport at hindi pa nakakapaligo.

Tamad kong itinayo ang aking katawan mula sa malalambot na kama at dumiretso sa banyo. Itinapis ko ang tuwalya sa aking katawan matapos kong maligo. Agad akong lumabas roon at kumuha ng damit mula sa aking mga maleta.

Inilagay ko na rin as well ang mga damit sa cabinet na nakalagay rito. Buti nalang talaga at malaki-laking pera pa ang nakalagay sa bangko ko. I hope lang huwag nilang putulin ang access ko sa bangko ko kundi... lagot wala akong pera. Pero hindi naman siguro nila iyon gagawin, wala naman 'yung pake kung gastahin ko man ang pera nila. Maybe, I just have to lessen my budget for my daily use para maisakto kahit papaano.

Ini-set ko ang alarm ng phone ko to eight o'clock in the evening. Alam kong mahaba-habang tulog pero I think sleep is all I have to do with this spare time.

Nahiga ako sa kama at hindi naman nagtagal ay tuluyan nang pumikit ang aking mga mata.

---

Nagising ako sa rooster sound ng alarm ko. It was eight o'five in the evening, just sakto for my dinner. Sakto nga talaga kasi kumakalam na ang tiyan ko.

Madali akong nagbihis bago pumunta sa labas. Pumara ako ng taxi at agad na pumunta sa pinakamalapit na resto. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-20-her-fault_41459056862363138">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-20-her-fault_41459056862363138</a> for visiting.

Right now, kumakain ako ng chicken fillet sa isang sikat na resto. Nandito ako malapit sa bintana kaya kitang-kita kung gaano ka-ulan sa labas. May bagyo atang paparating, I don't know.

Nang matapos akong kumain sa resto ay pumunta ako sa mall, para makapagpalamig at makabili na rin ng payong, maulan nga kasi. Hindi rin naman ako nagtagal sa mall when something random popped out of my mind.

Agad akong pumara ng taxi pagkababa ko ng second floor ng mall. Naku, ubos ata pera ko dahil lang sa taxi fare.

"Kuya, sa pinakamalapit na bar nga." Wika ko sa mamang tsuper ng taxi.

"Ano po ma'am?"

"Sa bar po, sa pinakamalapit na bar po." Pag-uulit ko ng mga sinabi ko.

"Si-sigurado ka ba, miss?"

"Opo, bakit po?"

"E bawal po kaming magdala ng minor sa kahit na anong bar e."

Ako, minor? Bata pa ba ako tignan? Siguro dahil 'to sa flawless kong mukha na tila hindi tumatanda. Hayst, problema ng mga sobrang maganda.

Dinukot ko sa aking bag ang aking pitaka at inilabas iyon mula roon. Kumg akal niyong babayaran ko siya ng mas malaki ara lang dalhin ako sa bar, nagkakamali kayo. I got my card at pinakita iyon sa kaniya.

"Heto po kuya oh, ID ko. Pinanganak po ako ng 2001 at tapos na birthday ko kaya eighteen na po ako. Kaya bilis po, excited na akong pumasok ng bar."

"Fi-first time mo ring papasok sa bar?"

"Hindi po, hehe. May nangyari kasing kaso sa isang bar noon kaya inimbestigahan namin kaya sumakatutal, second time ko nang makakapasok sa bar ngayon."

"I-imbestiga?" Nagtataka niyang tanong, ako ay tumango. "Kung pangalawang pagkakataon mo palang papasok ngayon sa bar, dapat mag-alala ako pero ba't nung sinabi mong nag-imbestiga ka sa isang bar... ano ka ba talaga, ineng?"

"Tao po ata ako, hindi ko din sure, charot." I smiled. "Basta po ihatid mo nalang po ako sa bar, kung nag-aalala ka salamat po pero kaya ko pong i-handle ang sarili ko."

Marahan siyang tumango at agad na pinaandar ang taxi na sinasakyan namin. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa isang bar. "Nandito na tayo, ineng."

"Sige po salamat." Ani ko bago bumaba at nag-abot sa kaniya ng sanlibo. "Keep the change po manong and stay safe, maulan pa naman."

Tumawid ako ng kalsada dahil nasa kabilang side ng kalsada 'yung bar. Masyadong malakas 'yung ulan, paano kaya ako nito makakauwi ng hotel?

Bago pa man ako makapasok ng bar ay agad din naman akong hinarang ng isang bouncer. "Bawal ang bata dito."

Naku! Pati ba naman dito, paghihinalaan akong bata?

"How many times pa ba ako paghihinalaang minor?" Kinuha ko na naman for the second time ang ID ko. "2001 po ako pinanganak kaya eighteen na po ako ngayon. Kaka-birthday ko palang kaya."

Kinuha niya ang ID at sinuri ng mabuti. Nang masuri niya na totoo 'yung ID ay agad niya iyong ibinigay sa akin at nakabusangot na pinapasok sa loob.

For the second time, what greeted me was the colorful dancing lights. May mga tao ring naglalandian sa tabi-tabi. Wala na akong pake roon. Dumiretso ako sa counter at um-order ng cocktail drink.

Habang naghihintay, malikot na naglibot ang mga mata ko. Natigil ang paglibot ng mga mata ko nang may makita akong pamilyar na mukha. Is that Sof?

May dalawang babaeng mga nakasuot ng kay-iikling mga shorts ang nasa dalawang hita niya. Hawak-hawak naman ng dalawa niyang mga kamay ang mga maliliit na baywang ng dalawang pokpok.

For the second time again, a random thought popped out in my mind.

Naglakad ako sa direksyon ni Sof habang nakapamewang. "Hoy, honeybunch!" Ooh, the term of endearment is cringy.

Gulat na lumingon si Sof sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nagulat ba siya dahil tinawag ko siyang honeybunch o nagulat siyang makita ako sa ganitong lugar.

"Irene?" Gulantang pa rin niyang tanong. Hayst, wala pa akong naiinom parang inaatake na ako ng alcohol sa trip ko ngayon ah.

"Oo, ako nga. Your one and only honeybunch." Mataray akong tumingin sa mga babaeng nasa lap niya. "At sino 'tong mga pokpok na 'to?"

"Ba-bakit ka nandito?" Tanong ni Sof sa akin.

"Sagutin mo 'yung tanong ko!" Pasigaw na ani ko. "Sino 'tong mga pokpok na 'to?"

Sa halip na si Sof ang sumagot ay 'yung isang babae ang sumagot. "Bakit? Sino ka ba?"

"Ako lang naman ang girlfriend niya." Ani ko. Can I vomit now? Ano ba kasing naisip mo, Irene?

"Don't mind her, girls. She's just a nonsense."

"At nonsense nalang pala ako sa 'yo ngayon, honeybunch?!"

Agad na binaling ng dalawang babae ang mukha ni Sof. "Ang sabi mo wala kang jowa kaya free ka naming landiin?! Manloloko!" Agad na tumayo 'yung dalawang babae mula sa pagkakaupo at agad na umalis papalayo kay Sof.

Tinignan naman ako ng masama ni Sof. "And what's this Irene?"

"You manwhore! How can you manage to flirt with two girls at a time?"

"None of your business!" Aniya pa habang kumakamot ng buhok. "Bakit ka ba nandito? Paano ka nakapasok?"

"I'm eighteen and it's legal." I said as I imitate how he said it back then.

"At sino ka sa tingin mo para gayahin ang mga linyahan ko?"

"Ako si Irene, your honeybunch! HAHAHAHAHAHA ew."

"Tigilan mo nga ako Irene. Bakit ka nga ba kasi nandito?"

"Ewan. Just a random thought. Napadpad ako rito at naisipan kong i-try."

"Ungas ka ba?" Aniya na ikinagalit ko kaya agad ko siyang binatukan. "Para saan naman iyon?!"

"One more ungas calling and I'll sue you!"

"Ikaw nga dapat ang batukan ko, alisin ba naman sa akin 'yung dalawa kong chics."

"Punyeta, babaero ka talaga! Halika na nga sa counter at baka matunaw na iyong yelo sa cocktail ko!"

Agad naman kaming pumunta roon at umupo sa harap ng counter. Humigop ako ng kaunting cocktail bago siya hinarap.

"Kuya, isang martini nga." Utos niya sa bartender bago ako nilingon. "About Ivan. Kamusta na siya?"

"Ayun recovering na. Nagpapagaling na naman siya dahil hindi naman masyadong malakas 'yung tama ng bundol sa kaniya. Pero napa-blotter na rin naman 'yung sasakyan and the police is still finding the person responsible for hitting Ivan. Nagtatago e."

"Why not we try to investigate this case?"

"Huwag na. It's more of a mild issue lang naman, I know the police can handle that. Besides, marami rin tayong hinahabol na requirements lalo na exams week ngayon."

"Sabagay, just as what you said, madali lang 'yang case na 'yan than the case na hinahawakan natin. Hayst, do you still remember the missing teacher case?"

"Ah 'yung Haviel ba 'yun, bakit?"

"Ceah has already sketched the face of his son, 'yung pumunta sa gate ng school na galing abroad daw. Ibibigay niya raw at ipapakita sa pasukan, sa lunes."

"Ah ganoon ba, okay."

Nabago ang tuon naming dalawa nang may magkainitang dalawang mga customer. Kinuwelyuhan ng isang lalaki ang isang lalaki at itinapon ito ng napakalakas. Agad na nagsikalasan ang mga customers na muntik nang matamaan doon.

Agad akong pinatabi ni Sof upang hindi na matamaan. I grabbed the cocktail at agad 'yung inubos ko. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Sof.

"Inubos 'yung cocktail, I think?"

"Sa gitna ng isang away nakuha mo pang uminom?"

"E sayang. Mahal pa naman 'yun kaya inubos ko na. Hehe."

Itinuon ulit namin ang aming mga mata sa maaksyong away na nangyayari sa loob ng bar. Agad na sinugod ng lalaking nagtapon nung isang lalaki 'yung lalaking itinapon niya at agad na kinuwelyuhan. Agad niya itong binayo ng napakalalaking mga suntok mula sa mga kamao niya.

What surprised me is no one dared to stop them, even Sof, even me. Takot ako, duh?

"Ano Sof, hindi mo sila aawatin?"

"Hayaan mo sila. May naaamoy akong kaso e. Matagal-tagal na akong hindi nakakahawak ng kaso."

"Ano?! Kaso pa rin ba ang nasa utak mo? Nasasaktan na 'yung tao oh!"

"Hayaan mo nga sila."

Hindi na ako umimik but I silently cussed. How can he be that chill kung may nakikita siyang grupo ng kalalakihang nambubugbog ng isang lalaking kapayat-payat?

The man who threw another man talked. "Look what have you done! Nasira ang party namin ng mga barkada ko! Dahil diyan sa carelessness mo, natapon 'yung mga pagkain!"

"Hi-hindi ko talaga sinasadya, Rick. Hindi ko sinasadya." Sagot naman nung lalaking punong-puno na ng dugo ang mga mukha dahil sa pambubugbog nitong Rick.

"Hindi mo sinasadya? Ano pa bang magagawa ng 'hindi mo sinasadya' e natapon na lahat!" Aniya at ngumiti ng maangas. "Alam mo may konteksto rin naman ako ng sayang e."

Agad siyang kumuha ng isang dangkal na mani at ipinasok ito sa bibig ng lalaking nakahiga sa sahig. "'Yan! 'Yan 'yung mga sinayang mong pera ko!" Kumuha siya ulit ng napakaraming chicharon at agad na ipinasok sa bibig ng nakakaawang lalaki. "'Yan pa!" Kinuha niya naman ang isang maliit na disposable cap na may laman na softdrinks at ibinuhos ito sa bibig ng lalaki. "'Yan pa! Baka uhaw ka na."

Nagulat ang lahat ng mga tao sa mga sumunod na nangyari. Namula ang mga mata ng lalaking nakahiga sa sahig at agad na nangisay. May mga bula ring lumabas mula sa bibig niya. Isa lang ang ibig sabihin nito.

He was poisoned!

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.