Forum Download app Gifts
75.86% Scene of the Crime Detectives / Chapter 22: CHAPTER 21: MEETING AT THE BAR

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 22 online

Chapter 22: CHAPTER 21: MEETING AT THE BAR

Irene Adler's POV

"Walang hahawak sa biktima!" Mariing sigaw ni Sof. It was again the Sof na sumeseryoso kapag nasa gitna ng imbestigasyon. Agad kaming tumungo sa kung saan naroroon ang biktima. "Anyone, call the police! Bouncers, don't let anybody out of this bar unless I say."

Kinapa niya ang kamay ng biktima at hinawakan ang pulso nito. "Wala na siyang pulso." Kinapa niya rin ang likurang bahagi ng tenga ng biktima pero wala na ring pulso. "The victim is dead on the spot."

Kinuha ko naman ang styro cup na lalagyan nung softdrink na ibinuhos sa biktima. It has an unusual smell. "Tignan mo 'to Sof, may kakaiba sa amoy."

Kinuha niya rin naman 'yung cup at inamoy. "Yes, tama ka. It was the container na may lason sa loob kaya nalason 'yung victim. The poison used was 1080, I'm not sure pero the only basis that I have to conclude that this is a 1080 poison is because of it's odor."

"1080? Ano 'yun?"

"A type of poison used in killing pests and insects sa isang farm. Fatal rin when swallowed by a human." He said.

Agad niya ring sinuri ang platito ng mani at chicharon kung may lason pero wala namang naturang lason roon. Sumakatutal, nasa softdrink na laman ng styro cup ang lason.

Agad akong sumunod kay Sof nang pumunta siya sa kampo nung nambugbog na tinatawag na Rick na mukhang gulat na gulat rin sa nangyari.

"Hi-hindi ko pinatay ang biktima." Kinakabahang ani ni Rick.

"Hindi mo nga pinatay gamit ang lason, mapapatay mo naman gamit ang kamao mo." Diretsong ani Sof. "By the way, saan mo banda nakuha itong styro cup?"

"Na-nakalagay lang 'yan diyan sa mesa."

"You mean that table of you and your friends."

"Table of me, my other friends and the victim." Therefore, I conclude na magkasama pala silang dalawa nung biktima sa iisang mesa. Pero bakit tila puno ng galit ang mukha niya nang binubugbog niya 'yung biktima? Baka naman may sama ng loob siya sa biktima and he planned to kill him this night at the exact place where the crime happened.

"Kaninong baso ito?" Tanong ni Sof habang tinuturo ang hawak-hawak niyang baso.

"Sa-sa akin..." Ang lahat ng tao kabilang ang kaniyang mga tropa ay nagulat.

"If this cup is yours, baka naman pinlano mong nilagay dito 'yung lason at ipainom sa kaniya." Sof said just as what I said kanina.

"I did not plan anything. At saka kung nasa akin 'yang basong iyan, baka naman ako ang target talagang lasunin at hindi siya."

"Pwede naman but how can we assure na hindi ikaw ang naglagay ng lason sa cup na ito."

"Check the surveillance camera or ask my friends."

"There is no surveillance camera here so we only got one of the two choices. How can I assure that your friends' testimonies are true and reliable?" Sabat ko.

"Alam nila iyon since sila 'yung kasama ko for the whole time."

Nabaling ang tingin naming dalawa ni Sof sa tatlong lalaking nasa tabi niya. "Kayong tatlo, anong pangalan niyo?" Tanong ko.

"I'm Herck." Sagot nung lalaking naka-black shirt.

"Ako si Heffy." Sagot nung isang lalaking may salamin.

"I'm Zeus, nice to meet you miss." Ani ng isang lalaking may ID.

"Well it's not..." Pagsusungit ko sa kaniya. "Kasi once na nalaman nilang ikaw ang naglagay ng lason sa styro cup, it won't be nice meeting you murderer."

Lahat ng tao maliban sa aming dalawa ni Sof ay nagulat. "W-what? Are you insane?!"

"I'm not because the true insane is you!" Sagot ko pa sa kaniya.

"To-totoo ba 'yang sinasabi ninyo?" Tanong ni Rick.

"There's no way we'll tell a lie." Sagot ko naman sa kaniya. "Yes, totoo ang lahat ng sinasabi namin. Zeus killed the victim."

"A-ano ba talagang pinagsasasabi mo?! Wala naman kayong basehan sa sinasabi niyong paglagay ko ng lason ah!"

"Anong wala? Meron!" Sagot ni Sof. "It's your ID, man."

"What? Pinaglololoko ninyo ba ako? Who the hell would make an ID as a basis for a crime, huh? At saka, sino ba kayo? Ba't kayo nakikialam dito ha?!"

"We're high school detectives—" Naputol ang sasabihin ni Sof nang magsalita agad itong culprit.

"High school detectives, what?! Mga pulpol na high school detectives?! Ugh, this is driving me insane!" Aniya pa habang kinakayumos ang mukha. "You two, please stop this nonsense, I'm begging you. Tara na guys, let's go out this fucking bar!" Pag-aaya niya sa kaniyang mga tropa.

"So what are you trying to do? Escaping from your sin?" Ani ko.

"'Di ba sabi ko tumigil na kayo! Isa pang pangungulit and I will file a case to you. Do you know that it's grave oral defamation ha? One more and we'll see each other at the court."

"Sana nga nandyan kami kapag hinahatulan ka na. Baka kasi busy kami."

"Ano ba talagang gusto ninyo? Gusto ninyo bang pera, I can give kahit ilan gusto ninyo just stop!"

"We don't want money, we want justice." Seryosong ani Sof. "Shall we go back to the case? Gumagamit ka na ng diversionary tactics para ibahin ang paksa ng pinag-uusapan natin ah."

"Sige nga, kung ako talaga ang naglagay ng lason sa styro cup na hawak-hawak mo, bigyan ninyo ako ng mga rason kung bakit!"

"Okay, challenge accepted!" Sabi ni Sof. " The poison used was 1080. You know what 1080 is? Siyempre you don't know. It is the poisonous preparation of sodium fluoroacetate used as a rodenticide and pesticide."

"Oh tapos? Kung gayon lang naman 'yung explanation mo, e bakit mo ako pinagbibintangan ha? Makaalis na nga lang!" Pagmamaang-maangan ni Zeus. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-21-meeting-at-the-bar_41459077531893380">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-21-meeting-at-the-bar_41459077531893380</a> for visiting.

"And because it is used as a rodenticide and pesticide, malamang ikaw ang pinaka-suspect dito since you work at the famous insecticide and pesticide manufacturer, ang chemi-linx agricultural development inc. as shown on your ID chord." Ang lahat ay nagulat sa naging rebelasyon ni Sof. Maging ang mga tropa niya ay napatingin sa kaniya, tila hindi makapaniwala sa kanilang mga napapakinggan. "Ngayon na nasabi ko na ang mga dapat kong masabi, hindi ka pa ba aamin?"

Ang dating mayabang na Zeus ay napalitan ng kinakabahang Zeus. Tila hindi mapakali at labis na pinagpapawisan. "Oo... Ako nga ang naglagay ng lason na 'yan." Aniya na nagpabigla pa sa nakararami. "Pero hindi si Kit ang balak kong patayin!"

"Yes and that's the point here, Zeus. Sino nga ba ang balak mong patayin?" Sabat ko. Nanatili lang siyang tahimik habang nakayuko. "Is it Rick that you wanna kill?"

Nagkaroon ng kaunting commotion hindi lang sa mga tropa niya kundi pati sa mga taong naririto. "Sumagot ka Zeus." Pananakot pa ni Sof.

"Oo! Si Rick nga ang balak kong patayin, bakit ba kayo nakikialam!"

Nagsalita ang nabigla ring si Rick. "Ba-bakit mo ito nagawa Zeus? Tinuring kitang kaibigan!"

"At nagtanong ka pa kung bakit ko ito nagawa?! Nagawa ko ito dahil sinulot mo ang girlfriend ko! At kahit kailan hindi mo ako tinuring na tunay na kaibigan!"

"Naging girlfriend mo si Max?! Bakit hindi mo ito sinabi!"

"Bakit ko pa sasabihin kung nakuha mo na?! At saka kung sinabi ko ba, may magbabago pa ba? I treated you as my friend but you just betrayed me—"

"I did not! I didn't even know that there's something in between you and Max."

"Kitam, you did not treated me as your friend because if you did, you should have known that there's something between me and Max!"

"I'm sorry I didn't know..." Malumanay na ani Rick.

"That's why I want to kill you!" Agad kinuha ni Zeus ang baso ni Sof at agad na sinunggaban si Rick. Ibinuhos niya ang natitirang softdrinks sa mukha ni Rick.

"Huwag!" Sigaw ni Sof at agad na pumunta sa dako ng dalawa. Kumuha siya ng isang buong bote ng cocktail at agad na ibinasag iyon sa parte ng ulo malapit sa batok ng culprit. Sabay na bumagsak sina Rick at Zeus ngunit ang pagkakaiba ay nangingisay na ang ngayo'y nakahiga sa sahig na si Rick.

Agad akong tumungo malapit sa kanila at lumuhod. "Somebody call the ambulance!" I shouted.

Hinawakan nina Heffy at Herck ang kamay ni Rick habang umiiyak. Kahit nahihirapan ay pinilit magsalita ni Rick. "Hayaan ninyo na ako, maybe it's my time. At saka, I have made mistake too, maybe it's the time to take charge with it."

Patuloy na may lumalabas na bula sa bibig ni Rick. Hindi naman nagtagal ay unti-unti niya nang pinipikit ang kanigang mga mata. "Nasaan na ang ambulansiya?!" Pasigaw ko pang ani.

Hindi naman nagtagal ay narinig na ng lahat ang sirena ng parehong ambulansiya at pulis. May mga pumasok na mga nurse na may dala-dalang dalawang gurney with them. After them, pumasok na rin ang mga police officers kaya agad din naman kaming napatayo ni Sof at pumunta sa dako nila.

"Anong nangyari dito?" Tanong ng isang pulis. Napadalawang titig siya sa aming dalawa ni Sof. "Wait, kayo 'yung mga detectives ni Jones, right?"

"Yes mister. Nice to see you again Chief Investigator Raul Mitrael." I said while emphasizing the word Raul Mitrael. Remember him? He's the one who leads the investigation doon sa hotel na kung saan nasangkot pa ang dad ni Russ. 'Yung pulpol na officer na nagcome-up agad sa conclusion without even looking at other circumstances and analyzing the motives and evidences. Yes, siya 'yun.

"Kayo na naman? By the way, anong ginagawa ninyo rito, mga minor pa kayo ah!"

"Oops, nagkakamali ka Mr. Mitrael. Eighteen na ako since nagkakilala tayo and Irene just celebrated her birthday just last last week."

"So, belated happy birthday?" Awkward na ani Mitrael. "Let's go back to the case, shall we? Ano bang nangyari dito?"

"Kita mo 'yung dalawang nasa stretcher? Nilason sila, they are both dead right now." Aniya habang nakturo ang hintuturo sa mga nurse na dinadala na ngayon patungo sa ambulansiya ang dalawang biktima. "At siya naman na nakahawak sa batok niya, siya 'yung culprit by the way. Forgive me dahil nabasag ko ata batok niya dahil sa lakas ng pagkakahampas ko ng bote ng cocktail sa batok niya. Hehe."

"Bakit mo naman ginawa 'yun?!" Gulat na ani Mitrael.

"It's an emergency kaya niya 'yun ginawa."

"Ah okay. What's the motive?" Tanong niya pa. Trabaho niya 'yun tapos tinatanong niya nalang sa amin. Ano 'to? Su-swelduhan siya tapos kami lang naman nag-trabaho ng trabaho niya.

"Dahil mabait kami, I'll tell you. That culprit named Zeus actually planned to kill Rick but worst came and happened. Nagkaroon ng away between those two victims at pinainom ni Rick si Kit noong softdrink na may lason galing sa hawak ni Sof na styro cup. Umamin si Zeus about what he did at nilabas ang sama ng loob niya, ibinuhos niya 'yung natitirang softdrink kay Rick kaya ayun, namatay rin si Rick." Dapat may komisyon ako sa paggawa ng trabaho niya.

Itinigil niya ang pag-record sa phone niya. "What poison did he use?"

"Siguro alam mo na rin ang 1080." Maangas na ani Sof.

"Hindi e, ano ba 'yun?" Pulpol talaga.

"Do your own research." Sabat ko.

"Okay, sorry masyado na akong abala sa inyo." Aniya pa. Hindi naman masyado, sobra kaya, sobra! "By the way, pwede bang makuha 'yang styro cup na 'yan for analysis?"

"Go, you can, by the way that's your job kaya why would I keep it?" Ani Sof at ibinigay sa pulpol na pulis 'yung styro cup.

"Gabi na, umuwi na kayo baka abutin pa kayo ng madaling araw dito, masama pa naman ang panahon. At saka, lunes bukas hindi ba? Baka mamaya niyan mapuyat kayo't hindi makapasok sa eskuwela." Ani Mitrael. Ito lang siguro ang nasabi niyang maayos ngayong gabi.

"Okay sir." Ani naming dalawa ni Sof. Agad akong tumakbo doon sa counter at kinuha ang payong ko bago lumabas. Sumilong na rin sa payong ko si Sof.

"Oh ano Sof, uuwi ka na ba?" Tanong ko sa kaniya habang mataas na hawak ang payong. Tsk, matangkad kasi 'tong si Sof kainis.

"Malamang uuwi na, may pasok kaya bukas. Bangag ka ba, Irene? Hindi naman masyadong marami ang nainom mo ah." Aniya pa. Akma ko siyang babatukan nang hinarang niya ang kamay ko. "Oy! Ano na naman 'yan? Nababasa ako oh, at saka wala naman akong sinabing ungas ah, bakit mambabatok?!"

"Ugh, ikaw talaga Sof! Kung anong ikinatahimik ni JD, 'yun namang ikinadaldal mo susmiyo!"

"Ayt, ikaw ah! Si JD na naman ang nasa isip! Uy, si Irene pumapag-ibig." Hay, nandito na naman ang mapang-asar masarap batukang si Sof. Natural na ata sa kaniya maging annoying.

"Tigilan mo nga ako! Gumamit lang naman ako ng comparison para ma-realize mong ang ingay mo!"

"Seryoso Irene..." Aniya. Alam ninyo bang hindi ako naniniwala kapag sinasabi niya 'yan? Hindi rin kasi kapani-paniwala. "May nararamdaman ka ba kay JD? Kahit noon pa?"

Nanahimik ako. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo Sof?" Ani ko at tumawa ng awkward. "Tignan mo oh, nababasa na tayo."

"Nababasa na tayo o ayaw mo lang talagang matanong tungkol diyan? Pwede namang sabihing, 'ayaw kong tatanungin mo ako ng ganiyan' kaysa maging in denial, 'di ba?"

"Hindi naman sa ayaw kong tatanungin mo ako ng ganiyan pero... it's just uncomfortable sa side ko."

"Okay." Aniya pa. "So, tara na sa kotse? Hahatid na kita sa inyo."

"Huwag na. I'll just commute."

"Huwag na, para ka namang iba sa akin. Dali na."

"Sige na nga pero sa isang kondisyon." Ani ko sa kaniya.

"Ay wow, ikaw na nga magpapahatid, ikaw pa may kondisyon. Lakas mo po ma'am, I salute you."

"Shemps. Seryoso, kapag ba sumakay ako sa sasakyan mo, hindi mo na ako kukulitin kung anong real score between me and JD?"

Napaisip siya sabay napakamot sa kaniyang baba at sa kaniyang ulo. "Okay, sige. At saka ayoko rin namang pabayaan kang mag-commute lalo na ngayon gabi baka akong mangyari sa iyo kaya I'll try my best not to ask."

"Good."

"Warning, I'll try my best lang. Hindi ko ma-aassure. Hehe."

"Hayst, bahala ka nga."

---

I'm now here inside the car of Sof. Katabi ko siya, nasa side passenger's seat. Lumiko siya sa isang lane then I realized hindi pala ako nakatira ngayon sa bahay namin. Hehe.

"Ayt wrong lane, Sof."

"Ha?! Hindi ba ito 'yung papunta sa inyo?" Aniya pa habang napakamot. "Huwag nang maglakwatsa Irene ah, kailangan ka ni Ivan 'di ba?"

"Wala pa si Ivan sa bahay ulol. At saka, naglayas ako sa bahay, hindi pala naglayas kasi nakita nila 'yung paglayas ko. Hehe."

"Ano?! E 'di saan ka tumutuloy ngayon?"

"Sa isang hotel."

"Ba't ka ba kasi naglayas?" Aniya pa na nagpatahimik sa akin. "Never mind. Sabagay, ayos lang din naman mag-freshen up. Alam ko rin namang masyadong mainit na sa bahay niyo. You deserve a break."

"Oo nga."

"Tell me the directions and I'll take you there."

Inalalayan ko siya sa mga dirkesyon until we reached the hotel. "So, dito ka na muna sa hotel na 'to? Hanggang kailan mo balak dito?"

"Until I save enough courage to go back our home."

"Okay."

"By the way, Sof! Huwag mo munang sasabihin 'to sa buong SHC ha?"

"Ha? Even Ms. Fuentebella?"

"Even Ms. Fuentebella."

"Bakit ba?"

"I don't want them to worry about me. Ayoko munang isipin nila ako, mag-eexams na lalo." Ani ko sa kaniya. "So, umuwi ka na Sof. Thanks for tonight HAHAHAHA. It was nice making an investigation with you."

"Ang formal naman noon punyeta. Oo na, wala ka naman ngang masyadong ginawa sa imbestigasyon natin e—" Naputol ang sinasabi niya ng batukan ko siya. "Potek, alam ko nang babatukan mo ako e. Oo na nga, may naitulong ka naman kahit kaunti."

"Good boy. Mabilis ka naman palang kausap e." Ani ko habang masayang tinitignan siya na kumakamot ng ulo. "Umuwi ka na kaya Sof. Gabi na oh."

"Okay, uuwi na po. Ikaw, pumasok ka na rin, maulan oh." Aniya pa kaya napatango ako. Tinignan ko lang siyang pumasok sa magara niyang kotse at umalis. Nang masiguro kong wala na siya ay agad din naman akong pumasok sa loob dahil malamig na talaga.

Immediately pagkapasok ko sa loob ng unit ko ay naghilamos ako at nagpalit ng suot. Nakasuot na ako ngayon ng jogging pants at manipis na t-shirt. Umupo ako sa aking kama at padabog na inihiga ang sarili. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na rin ako... nang wala sa tamang posisyon ang katawan.

---

Nagising ako sa rooster alarm ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at sabay na napahikab. Ini-dismiss ko ang alarm at natayo habang nagi-stretching.

Naligo na agad ako at nagbihis ng t-shirt at pantalon muna, bilang wala pa naman sa akin 'yung uniform ko. Agad kong ni-chat si Manang Melay para dalhin 'yung damit at bag ko na pang-eskuwela pero nadala niya na rin pala. I'm so lucky to have Manang Melay as our housemaid. Hindi na nga lang siyang isang housemaid para sa akin, siya na ang itinurinf kong ina. Naaawa na nga ako sa kaniya kapag nadadamay siya sa gulo ng pamilya namin.

I rode a taxi papuntang ospital. Umakyat agad ako ng second floor at binuksan ang room ni Ivan. Luckily, wala pang tao maliban sa kanilang dalawa ni Manang Melay. Tulog pa rin naman si Ivan at ayoko rin siyang gisingin.

"Oh, Ai andyan ka na pala." Ani Manang Melay na napahikab habang niyayakap ako. "Gisingin ko lang si Ivan—"

"Huwag na po Manang Melay. I'll just change clothes and will directly go to school after." Ani ko. "Manang, why not call ate Jasmine para pumalit sa 'yo? Masyado ma nang pagod kaka-bantay kay Ivan e, kitang-kita sa eyebags mo."

"Ay malaki na ba eyebags ko?" Biro niya. "Naku, huwag mo na akong alalahanin. Huwag mo na ring istorbohin si Jasmine, busy rin 'yon sa mga gawaing bahay. At saka, sabi mo ako magbantay kay Ivan, kaya ayan binabantayan ko siya."

"Oo sinabi ko nga po pero—"

"Walang pero pero Ai, kaya ko namam kaya huwag mo na akong isipin." Aniya pa at ngumiti sa akin. "By the way, nakasabit na sa loob ng CR ang uniform mo at nasa cabinet 'yung mga gamit mo."

"Sige salamat po manang."

Dumiretso ako sa banyo at nagpalit ng damit. Mabilis lang ako roon dahil male-late na ako. Kinuha ko ang bag sa cabinet at dumiretso sa kapatid ko. I kissed him at his forehead, napa-unat naman siya, buti hindi nagising.

I bid farewell to Manang Melay at agad na umalis. Dumiretso ako agad sa eskwelahan at nakita roon 'yung mga clubmates ko.

Immediately after ko naman silang makita ay nagsimula na ang flag ceremony. Ceah was called and was commanded to join the flag leaders in front of each and every students. Siguro dahil iyon sa pagkapanalo niya sa international contests and siyempre, pambato pa ng Asia Team sa dadating na world championships of excellent students.

Words can't explain how proud I am with our memory boy.

Natapos ang flag ceremony at agad rin naman kaming pumunta sa aming clubroom. It was just the half of the day pero believe it or not, ang dami naming kliyente inside the classroom. Even though maliliit na kaso lang ang kailangan nila, hindi nag-atubili ang SHC na tulungan sila.

Paano namin na-reach 'yung ganoong popularity? May nag-video kasi nung patayan sa loob ng sports complex na venue ng competition kasama na ng kila Ceah. It was uploaded to the Sherrinford High page and they were amazed of how we did that. Easy shit.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-aasikaso ng application for consultation ng mga taong kumo-konsulta sa amin nang magsalita si Ceah. " Guys, tawag nga pala ako ni PJ mamaya. Para hindi ko lang makalimutan, ibibigay ko lang sa inyo 'yung copy ng sketch ko ng mukha ni Jervy Haviel, 'yung anak ni Camil Haviel na victim sa missing teacher case."

"Sige Ceah, just put it there at the conference table and we'll take a look at it later kapag natapos na kami." Ani Russ na busy rin sa pagkalikot ng mga dokumento.

"Alright. May tig-iisa pala kayong sketch para hindi na kayo maghiraman." Ceah said and then showed us his charming smile.

"Thank you Ceah." I responded which made him smiled.

Minutes later ay agad rin namang lumabas si Ceah kasi it's the time na raw na ime-meet niya si PJ. Agad rin naman kaming natapos sa pag-asikaso ng mga dokumentong nasa mga mesa namin.

"Hayst, nakakapagod rin palang mag-ayos ng mga ganito." Mahinang sabi ni Russ. "Pero worth it, ang dami na nating mga kasong hahawakan."

"Hindi rin." Nagulat ako sa sinabi ni Sof. Ngayon ay nakasandal ang kaniyang likuran sa upuan na para bang hindi niya na kayang i-balance ang sarili niya. Ang mukha niya rin ay hindi maipinta.

"Oh, e bakit ka nagrereklamo, 'di ba cases are your life?" Ani ko habang ini-imitate ang boses niya na mas lalong nakapag-pairita sa kaniya.

"Oo sinabi ko 'yun pero hindi tulad nung ganito. Gusto ko 'yung maaksyon tulad ng patayan or else." Aniya habang kumakamot ng ulo. "E itong mga kasong 'to puro pang-love story ang laman. 'Yung isa stalker. 'Yung isa, blockmail 'yung problema. Diyos ko, kung ako sila, kaya ko 'yung solbahin nang solo lang. Iistorbohin pa 'yung iba sa mga bagay na dapat sila lang 'yung namomroblema."

"You said kaya mong solbahin 'to ng mag-isa, then you solve this all by yourself." Ani Russ.

"Huwag naman prexy, okay hindi na po magrereklamo." Mukhang tangang ani Sof. Mukha siyang busog na bulldog kapag nagpa-pacute.

Nagawi ang tingin ko sa mga sketch ni Ceah. I wonder kung lahat niya ito ini-sketch or pina-photocopy niya na 'yung iba, but that's all not important. Kumuha ako ng isang sketch then an image of someone popped in my mind. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko...

Kamukha niya si...

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C22
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.