Forum Download app Gifts
86.2% Scene of the Crime Detectives / Chapter 25: CHAPTER 24: HBD MAYOR!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 25 online

Chapter 25: CHAPTER 24: HBD MAYOR!

Mary Russell's POV

"I-It's my lola." JD said.

"And? What happened to your grandmother?" I asked. Baka kasi may nangyaring masama sa lola niya and it's a bad news.

"May nangyari ba kay Lola Melicia, JD?" Asked Sof. I bet Melicia is his lola's name.

"Nothing. Nothing bad happened to her. She just... She just need a representative of our family business for the birthday of our mayor back in my province."

"'Yun lang naman pala e, akala ko kung ano nang nangyari kay Lola Melicia." Sof breathe in relief. Mukhang siya 'yung apo sa pag-aalala niya, eh?

I talked. "And she wants you to be the representative, am I right?" That's only my deduction.

"That's the point and I don't want to be. What good is it will happen this coming weekend so I have no reason to be absent in school." He said.

"'Yun naman pala JD e. Ano bang inaalala mo?" Tanong ni Irene.

"I-It's a masquerade party and everyone is required to have a date..." He said. Tsk, 'yun lang naman pala ang problema niya, hayst.

"Ayt, and you have no date? Para saan pang nandito si Irene?" Sof said. Nakakuha naman siya ng isang sampal sa batok mula kay Irene. "Araaaay! Bakit ba kasi ang amazona nitong si Irene?! Ikaw naman kasi JD, naka-torpeng talong mode ka na naman! Tsk halika nga rito, tuturuan kita ng galawang hokage, Ceah samahan mo kami."

Umalis 'yung tatlong boys at lumabas. Naiwan kami rito ni Irene na parehong ngumiti sa gagawing kalokohan na naman ng tatlo. We knew it all along, kalokohan na naman 'yan, ano pa bang aasahan ninyo kay Sof?

We were left here na walang magawa so we focused on talking with each other. Nakuwento na ata namin ang buong nobela ng istorya namin pero wala pa ring JD, Sof at Ceah na bumabalik.

We also recommended each other good stories in wattpad. I said that Haring Delightful's stories are good and she made sure na babasahin niya ang mga story nito balang araw.

We alse opened the TV nang wala na kaming mapagkuwentuhan. We both agreed watching cartoons and guess what? Ang naabutan pa naming cartoon, e 'yung favorite pa naming dalawa, Gravity Falls!

We wasted our time watching that cartoon.

Sofronio's POV

Napadpad kami rito sa garden. Buti nalang at wala ang gardener ngayon. Kabata-bata pa noon, kala mo naman ang tanda na kung umasta, buti talaga at wala. Siguro kasi walang jowa.

Duh, wala akong jowa pero masaya ako, hayst.

If Irene was here, I'm sure she'll tell me na because marami naman akong babae... which is quite true.

Pero seriously, I believe there is no relation between sa pagka-bugnutin ng tao at sa pagkakaroon or hindi ng jowa.

Oh 'di ba, may stats pa akong nalaman. AHAHAHAHA!

Naputol ako sa pag-isip ng kagaguhan nang magsalita si JD. "W-What will we do here?"

"Ikaw naman kasi, torpeng talong ka na naman manong JD." Ceah said.

"Tama! Kaya kailangan mong matutunan ang mga hokage moves ko!" Sigaw ko sa kaniya at sinadya kong malapit iyon sa mukha niya.

"Ho-hokage moves?" Inosenteng tanong ni JD.

Nabaling ang tingin ko kay Ceah na mukhang lito rin. Lumapit siya sa akin at inilayo kay JD bago bumulong sa akin. "Ano na naman ba 'yang hokage moves na sinasabi mo?"

I glimpsed at JD. Sinenyasan ko siya na huwag tumakas. Pinakita ko rin sa kaniya 'yung kamao ko, telling him that he will get some sapak from me kapag umalis siya. "Sabi na nga ba, hindi mo rin 'to alam e!"

"Kaya nga nagtatanong e." Ani Ceah bago kumamot ng ulo.

"Hokage moves, hindi mo alam? Gaano ba kayo ka-outdated?" Ani ko sa kaniya. "Ganito kasi 'yan, mga hokage moves, mga moves na makakapagpa-oo sa isang babae. 'Yun lang 'yun, ganoon kadali."

"Ah, ganoon lang pala 'yun, akala ko naman kung ano." Pumunta kami ni Ceah kay JD na tumitingin sa kaniyang kuko pagkatapos.

"Oh, you're here. It took me so long to wait, you two fucking idiots. Tell me, what are we doing here?" JD said. Napaka-mainipin naman nitong talong na 'to.

"Tuturuan nga sabi ng hokage moves. Teka lang, explain ko lang. Ang hokage moves, ganito kasi 'yan, ito 'yung mga bagay na makakapagpa-oo sa isang babae."

"Shut up. It's one of your idiocy, right?"

"Somehow—pero wait, sigurado ka bang gusto mong matutunan 'to?" Tanong ko sa kaniya. Mahina siyang tumango. "Okay, simulan na natin."

"So what's the first thing to do to get the 'yes' of the girl?" Tanong ni talong. Hayst, interesado naman pala siyang matuto, mabuti.

"Hoy Ceah, doon ka nga sa bench!" Utos ko sa kaniya. Tumaas ang kilay niya.

"Huh, anong kinalaman ng bench sa hokage moves mo?"

"Kaya kita dinala dito para mag-act as the girl. Kaya dali na, upo na doon—"

"The fuck?! Bakit ako na naman 'to? Pwede namang ikaw since ikaw nakaisip nito, hindi ba?"

"Ako ang magtuturo sa kaniya, e paano niya matutunan 'yun kung nasa malayo ako?" I said. Hindi pa rin siya nagpaawat. Aha! I've got an idea. "Ililibre kita ng limang plato ng paborito mong graham cake mamaya kapag pumayag ka."

"Sigurado ka ba?"

"Promise." Sabi ko sabay taas ng aking palad.

"Sabagay mayaman ka naman, ma-assure kong hindi ka talkshit 'pag dating sa pera kaya sige na." He said at unti-unting pumunta sa bench.

"Yehey!" Sigaw ko na tila ba isang bata.

I turned my gaze to my student, JD talong. "Tell me, where the heck did you learn this shit?" He asked.

"Kanino pa ba, e 'di sa chickboy kong kapatid."

"I wonder where did that kid get this thing."

"Kanino pa ba, e 'di sa papa naming mas chickboy sa amin—teka nga lang, magtatanong ka nalang ba o tuturuan kita?" JD rolled his eyes pero hindi naman na umangal na tulakin ko na patungo doon sa bench.

"So, what's first?" Walang emosyon pa ring tanong ni JD.

"Ganito. Think of Ceah as the girl, think of him as Irene. 'Di ba nakaupo siya? The only thing I want you to do is to sit beside him 'tsaka mo akbayan."

"Fuck?! Isn't that too much?"

"Mas too much 'yung fuck JD." Sagot ko sa kaniya at humagalpak ng tawa. "Hindi naman siya bastos na as in sexually bastos ah! Aakbayan mo lang and tatanungin mo kung papayag na maging date sa birthday ng mayor ninyo—"

"In the constitution of the Philippines, it is a major offense to touch a girl's body without her permission—"

"Stop that 'constitution' thing. Wala akong pake at saka, kilala ka ng babae na gagawan mo ng hokage moves kaya nah, hindi naman 'yan magrereklamo." Ani ko sa kaniya. "So ano? Tatayo ka nalang diyan? Paghihintayin mo pa ba 'yung chikababe na nakaupo sa bench?"

I saw him rolled his eyes. Napahagalpak ako ng tawa. Pikunin talaga 'tong torpeng talong na 'to, tsk!

Dumiretso siya sa bench na inuupuan ni Ceah habang nagkakamot ng ulo. Hayst, hindi kasi naliligo kaya pati ulo siguro nililibag.

Charot. Mas hygienic pa nga 'yan kaysa sa akin. Araw-araw ata 'yan naliligo, e ako once a week lang. Charot again AHAHAHAHA!

Umupo na siya sa tabi ni Ceah. Inutusan ko si Ceah na tumalikod kay JD, nang una ay umaangal siya pero sumunod rin naman. Para talaga sa ngalan ng pinakamamahal niyang graham cake.

Nandidiri na ako nang akmang aakbay na sana si JD kay Ceah nang hindi niya itinuloy at tumayo. Pinanlakihan ko siya ng mata at para bang pinagsasabihan na umupo pero tinignan niya lamang ako gamit ng kaniyang poker face.

Nanatili siyang nakatingin sa akin ng unti-unti siyang humakbang patalikod. Mukhang alam ko na ang pinaplano ng talong na 'to! Hindi naman ako nagkamali ng makalipas ang limang hakbang palikod ay tumakbo siya sa opposite na direction.

Shit! Sabi ko na nga bang tatakbo 'to paalis e!

Agad ko naman siyang sinundan. Nahagip ng vision ko na sumusunod na rin si Ceah. Shit! Ano ba 'tong talong na 'to? Kabayo ata 'to o ano. Ba't ang bilis tumakbo?

Idinala kami ng mabibilis na binti ni JD sa loob ng aming clubroom. Binuksan namin ang pinto nito at humangos ng malalim.

Nadatnan namin si JD na nakatayo kaharap ang nakatayo ring si Irene. Hawak-hawak ni talong ang kamay ni Irene. Bakas sa mukha ni Irene ang pagkagulat marahil sa inakto nitong si talong.

Naroon rin sa couch ang kumakain ng chips na si Russ. Hayst, mukha lang siyang nanonood ng teleserye sa ginagawa niya. Masyadong awkward ang bawat position namin. Ang lahat ay tila shocked sa nasasaksihan.

Nagsalita si JD. "I won't let any second pass not until I say the things I was meaning to tell you. Destiny gave me this chance so I'll grab it." Makatang-makata si JD habang sinasabi niya ang mga iyon. Ang lahat sa loob ng clubroom ay nagulat nang lumuhod si JD habang hawak pa rin ang kamay ni Irene. "Ms. Irene Adler De Morgan, can you be my date?"

Namula ako. Kaya naman pala ni JD na yayain si Irene nang sarili niyang diskarte. Hindi niya na pala kailangan ng tulong ko at ng hokage moves ko.

Pero kung ginamit niya 'yung hokage moves ko, malamang hindi na magdadalawang-isip 'yung babae. Pero nah, umayaw si JD kaya may probability pa na umayaw 'yang si Irene.

"Oops! Hindi na torpeng talong si JD!" Panunukso ko pa sa kaniya. Lumingon sa akin si JD at tinignan ako ng matalim. Hayst, masyadong pambihira lang 'yun mangyari, it's a miracle! AHAHAHAHAHA!

"Oh, Irene ano pang hinihintay mo? Sagot na!" Panunukso rin ni Russ kay Irene. Ngunit hindi pa rin nakapag-salita si Irene. Natameme ata or nanibago dahil sa ginawa ni JD?

Alam ninyo pahalata rin ito si Irene e, kung wala siyang nararamdaman kay JD agad niya 'yang ire-reject ng walang pag-aalinlangan at hindi na mag-iisip pa. In denial lang talaga, 'lam kong may pag-asa ka JD kaya ID shipper ako e.

"O-oo na 'yan! O-oo na 'yan!" Ani rin ni Ceah. Nakisabay na rin si Russ at nang naglaon ay nakisabay na rin. "O-oo na 'yan! O-oo na 'yan!"

Nanatiling nakatingin si Irene kay JD at mukhang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Hindi pa rin ata nagsi-sink-in sa kaniya kung anong ginawa ng talong na nasa harap niya.

Ba't ba ganoon ang mga babae? Maniniwala lang ako sa mga ganiyan kapag na-ganiyan na ako. AHAHAHA imposible naman na mangyari 'yun. I know that those whores na nakukuha ko ay ang gusto lang naman sa akin ay pera, I'm not new to that. That's how the world rotate, it's just rotating because of the fuel called money.

'Yung pagbigay ko naman sa kanila ng pera hindi naman 'yun dahil trip ko lang. Consider it as a donation.

Balik tayo sa dalawa. Natigil ang nakakabinging katahimikan sa dalawa nang magsalita si Irene. Sa pagkakaalam ko nanatiling tikom ang bibig ni Irene sa halos dalawang minuto. "Tu-tumayo ka nga diyan." Hindi gumalaw si JD sa kaniyang pwesto.

"Tulog na ata 'yan Irene." Ani ko sa kaniya ngunit agad pa rin akong tinignan ng matalim ni JD. Nakakapanibago talaga, dalawang beses na siyang nag-glare sa akin.

Ibinalik niya ang tingin kay Irene. "I won't stand up until I get your yes."

"Paano kung ayoko?" Panunukso pa ni Irene. Lumungkot ang mukha ni JD.

"I can't accept it. Yes is the only answer to my question."

"Stand up."

"I said I won't stand up until you say your yes."

"Stand up."

"I said I won't—" Natigil si JD nang tumango si Irene. "Does that mean it's a yes?" Tumango ulit si Irene. Tumayo namab si JD at agad na nagsalita. "I won't believe unless your mouth tell it."

"Y-Yes."

"Is it real?"

"Ayaw mo ata, e 'di huwag nalang—" Natigil si Irene nang yakapin siya ni JD.

"I want it. Thank you." Nagulat ulit si Irene sa mga nangyayari. I bet she was shocked because of two reasons, first is talong hugged him and second, because talong said thank you, isang pambihirang pangyayari.

Agad namang kumalas si JD sa pagyayakap. "I-I'm sorry. I didn't mean to—"

"I understand." Irene said. I guess she's aware of her rosy, red cheeks right now. Aba'y grabe magpakilig 'tong talong namin ah. "Excuse me, pupunta lang ako ng CR."

Irene Adler's POV

Agad akong tumakbo ng palikuran. May pwersa kong naisara ang pinto at agad na humarap sa salamin ng aming CR.

Gosh! Masyado na pala akong halata, hehe. Hinawakan ko ang pisngi ko, masyado nang mag-iinit, aish. Bakit niya ba kasi 'yon ginawa? Can't take this anymore.

Can't take this anymore, e paano pa kung nandoon na sa birthday party nung mayor na sinasabi niya? Hayst, tama kaya ang naging desisyon ko? How I wish Russ is there para naman may kasama ako.

I went out of the CR after securing na hindi na ako namumula. I have to make myself calm para hindi naman masyadong halata na kinilig ako. Yes, I won't deny, kinilig nga ako.

"Kalmadong-kalmado Irene ah? Parang hindi kinilig kanina lang." Agad na pambungad sa akin ni Sof. Natingin ako kay JD na nanatiling tahimik habang pinaglalaruan ang kaniyang phone.

"Shut up Sof. Kung wala ka namang sasabihing maayos, better shut your mouth up."

"Okay po. Matanong ko lang, anong ginawa mo sa loob ng banyo? Tinanggal mo ba 'yung blush on mo? Kani-kanina lang mapula 'yan ah." Hindi ako nakapagtimpi at binatukan ang lalaking ito. What made me insulted pa is he just laughed after I slapped his nape.

I cleared my throat. "Uhm, ah JD, anong oras nga pala tayo kailangan sa party ng mayor ninyo? At saan tayo magse-stay niyan?"

"Excited na si Irene oh. Nagtatanong na agad kung saan at kailan."

"Hindi ba pwedeng tinatanong ko lang para makapagpaalam kina mom at dad?" Palusot ko pa sa kaniya.

"E paano ka makakapagpaalam, wala ka naman—never mind." Natigil siya sa pagsasalita nang tignan ko siya ng matalim. Kahit kailan talaga matabil ang dila nitong si Sof e. Nadako ang tingin ko kay JD at tinignan ko siya with an asking face.

"The birthday party will be held on Sunday but on Saturday, we need to be there. Lola Melicia needs me because there are errors in our business and my parents are in South Korea right now, so as the only son of the owners, I need to be in charge as long as they are still overseas."

"Okay."

"I'll get you in your house—"

"Ah nope, hindi na. Dito nalang sa tapat ng school ang meeting place natin."

"I insist—" Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-24-hbd-mayor!_42201389094467997">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-24-hbd-mayor!_42201389094467997</a> for visiting.

"I said no. Sabi ko dito nalang sa school ang meeting place 'di ba?"

"Okay, as you say." Ani JD.

Nagsalita naman ang lokong si Sof. "Nakikita ko na ang future mo JD. Alam ko nang under-the-saya ka or magiging house husband ka or battered husband ni Irene." Parehas namin ni JD na tinignan si Sof nang matalim. "Alam ninyo kung nakaka-patay ang glares, kanina pa ako patay dahil sa inyong dalawa pero..."

Natigil siya. "Pero ano?"

"Pero alam kong mas patay na patay kayo sa isa't-isa!" Aniya pa at lumikha ng puso gamit ang mga daliri niya.

"SOFRONIO VELASQUEZ! TARANTADO KA TALAGA!"

---

It was now Saturday at nag-iimpake na ako ng mga gamit na dadalhin ko for the birthday party ng mayor sa Naga City. Naghanda ako ng aking gamit na pang-tatlong araw na para  hindi ako ma-short sa gagamitin baka sakaling ma-extend. We don't know baka lang naman... pero hindi ko ine-expect ha?!

Masyado akong defensive. Hayst talaga.

Pumunta na ako sa harap ng gate ng school namin. About my unit nga pala sa hotel na 'yon, I advanced my payment para sa unit na 'yon ng halos dalawang linggo para hindi na nila maibigay sa ibang customer kasi I have necessary things, documents and gadgets there. They secured it naman and I know they will, kaya perfect five star ratings ang nakuha nila galing sa isang sikat na website na nagho-hotel reviews.

I waited for at least thirty minutes at hindi naman nagtagal ay dumating na si JD dala ang kaniyang magarang kotse. "Wanna ride with my subaru?" I rolled my eyes as he go outside his so-called gorgeous subaru at pinagbuksan ako ng pinto.

As of now, I'm here beside him. I researched about the distance between our city and Naga. I learnt that if this subaru owned by JD has the speed of 40kph, we'll get there in not more than 10 hours.

I prepared myself dahil mahaba-habang biyahe rin 'to. As of now, it's five in the morning. He started the engine and started to drive the car away.

Halos wala kaming imik sa isa't-isa. Nanatili kaming tahimik hanggang humikab ako. "Are you still sleepy?" Alam kong tanong niya 'yun sa akin dahil sino pa ba naman ang tatanungin niya e kami lang dalawa rito.

"Yes, I am."

"Then sleep."

"Are you sure?"

"Of course, better have a sleep then. I can handle driving by my own."

"Alright then." Ani ko at humikab nang muli. Hindi naman nagtagal ay nakaidlip na ako habang natatakpan ang aking mukha ng isang panyo.

---

Nagising ako dahil sa pangyu-yugyog. Nagising ako at nakita ang mukha ni JD. Tinignan ko kung nasaan ang tuwalyang nakatakip sa mukha ko pero naroon na ito sa lap ko. Kinuha ko iyon at pinunasan ang bibig ko. Bakit ba kasi ako naglalaway kapag natutulog?

"Oh, JD nandito na ba tayo?" I said while fixing my position.

"Not yet. It's twelve fifteen and we haven't eaten yet. We're here at a fastfood chain."

Lumabas kami at pumasok sa loob. We decided to take oir meal out of the fastfood chain para naman habang nagda-drive ay kumakain na lamang kami.

Agad din namab akong kumain nang makapasok ako sa loob ng kotse. Agad niya rin 'yong pinaandar.

I saw him glimpsed at me while I'm eating. Ibinalik niya rin naman ang tingin sa kalsada. Ilang sandali pa ay hinayaan niyang hawakan ng kaniyang kaliwang kamay lang ang manibela at ang kanang kamay ay binubuksan ang pagkain na tinake-out namin.

I saw him na nahihirapan sa pag-chop ng manok. Nung una ay hinayaan ko na lamang siya ngunit hindi ako nakapag-tiis na ako nalang ang sumubo sa kaniya. "Ako na." Kinuha ko ang kutsara sa malambot niyang kamay pero hindi niya iyon ibinigay.

"I can eat by myself. Just eat there and don't care about me."

Dahil sa sinabi niya ay hinayaan ko na lamang siyang kumain ng mag-isa. I saw him successfully chopped the chicken and when he was about to put it inside his mouth, it fell. Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-dismaya.

"Sabi na kasing ako na e, ang kulit." Ani ko at kinuha ang kutsara galing sa kamay niya. Hindi naman siya nakapag-react pa. I chopped a piece of chicken and got a piece of the rice at idinala 'yon sa harap ng kaniyang mukha niya. Ugh, his bluish eyes made his face perfect, bakit kasi may pag-atake sa simpleng pag-ganon lang?

Nahinto ako nang may narinig akong bumusina sa likod ng kotse. Isa itong jeep. Huminto kasi si JD nang makita ang isusubo ko sa kaniya. Hayst, bakut niya kasi 'yun ginawa. Mabilisan kong isinubo iyon sa kaniya at agad rin naman siyang gumalaw para makausad ang trapiko.

Minutes later ay agad na bumusina si JD sa isang napakalaking blue-green painted na bahay. I think it is his lola's mansion. May bumukas naman ng blue-green na gate at agad pinapasok ang subaru ni JD sa parking space.

Lumabas kami ni JD sa kotse at agad siyang binati ng mga guard. "Magandang araw Sir JD." Agad itong napalingon sa akin. "Aba, magayunon man ang kaibahan mo, sir!"

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni manong guard pero agad si JD na sumagot sa inusal ng guard. "Well, Kuya Rene, that's called wise choice." Ano bang pinagsasasabi nitong mokong na 'to?

Agad naman may lumabas na isang matandang babaeng may striktong mukha pero maaliwalas na ngiti. She is also filled with different accessories and stuffs. I wonder who she is. "Oh, nandito na pala kayong dalawa. Marhay na aga saindo, welcome to Naga City!"

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.