Forum Download app Gifts
89.65% Scene of the Crime Detectives / Chapter 26: CHAPTER 25 • PART I: YOU'RE THE CULPRIT!

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 26 online

Chapter 26: CHAPTER 25 • PART I: YOU'RE THE CULPRIT!

Irene Adler's POV

"Oh, nandito na pala kayo! Marhay na aga saindo, welcome to Naga City!" Masiglang ani ng babae. Kung una siyang titignan ay mukha siyang masungit ngunit nang ngumiti siya ay naging maaliwalas ang naging mukha niya.

"Lola Melicia—" Naputol ang sasabihin ni JD nang magtanong si Lola Melicia.

"At sino 'tong magandang babaeng nasa tabi mo, Otep?" Naging tanong niya kay JD. Wait, don't tell me ang tinutukoy niyang Otep ay si JD?

"Lola, how many times do I have to tell you not to call me Otep?"

"E 'yun ang gusto kong ipantawag sa 'yo Otep." Panunudyo pa ni Lola Melicia. "Hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino itong magandang dilag na nasa tabi mo."

"I'm not gonna tell you unless you stop calling me Otep." JD said.

A mischievous lola talked. "Hindi rin ako titigil na tawagin kang Otep kung hindi ka titigil sa pag-iingles mo. Wala ka sa America para sabihin ko sa 'yo." Aniya pa habang nakapamewang.

"Ugh, why are you blackmailing me?" Inis na ani pa ni JD.

"Ikaw ang nauna!" Ani pa ng lola niya. Hayst, ganiyan ba talaga sila mag-usap. "Ano? Hindi ka ba talaga titigil sa pagsasalita ng ingles?"

"Fine! Oo na..." That's the first time, I think, na narinig kong magsalita si JD ng tagalog. "As long as you stop calling me Otep. Call me JD instead."

"Kakasabi mo palang na titigil ka na sa pagsasalita ng ingles tapos nagsalita ka na naman!"

"Sorry na, nakalimutan ko. Just stop, okay? Tawagin mo akong JD." Wala man lang paggalang, tsk. Tsaka bakit ba big deal sa kaniya ang pangalan na ipantatawag sa kaniya ng lola niya?

"Ay inda man daw saimo! Iyo na, iyo na, aapudon taka nang JD. Makulugon ka sa payong kaulay!" Bicol na ani Lola Melicia kaya wala akong naintindihan. Bumaling ang tingin niya sa akin. "Ikaw nalang hija ang kausapin ko, ang gulo kausap ng apo ko. Sino ka nga ba, ineng?"

"Ako po si Irene—" Natigil ako nang magsalita siya.

"Ikaw ba Irene, girlfriend ka ba ng apo ko?"

Imbes na ako ang magsalita ay si JD ang nagsalita. "No!" Sigaw niya, pinanlakihan siya ng mata ng lola niya. "I mean hindi. Hindi ko siya girlfriend."

"Ah, hehe, opo hindi po kami magkasintahan. Magkaibigan lang po kami tapos both po kami officers ng iisang club."

"E, hindi ba... o hindi pa?" Napakamot na lamang kami pareho ni JD ng ulo. "O siya, kung hindi pa e ano bang magagawa ko. Pasok na, naghanda ako ng maliit na salo-salo sa pagdating ninyo."

"Siya na lang muna lola siguro ang sasama sa iyo sa loob." May accent na ani JD.

"Bakit naman apo? Hindi ka ba gutom?"

"Kumain palang kami." Aniya pa. "At saka, our business needs me. Kailangan ko na agad masolba ang problema ng kumpanya."

Lumapit siya sa lola niya at niyakap ito sabay halik sa pisngi. "I need to go lola. Dalhin mo nalang siguro si Irene sa room na gagamitin niya."

"Sige apo. Mag-iingat ka." Paalam ni Lola Melicia sa kaniyang apo habang ang huli ay sumakay ng kotse at agad na umalis.

"Oh, ikaw Irene hija, tara na sa loob?" Tanong ni Lola Melicia na nagpatango sa akin.

Pumasok kami sa loob ng mansiyon ng Sayson. Kitang-kita ang yaman ng angkan ng Sayson sa grandiyosong disenyo ng architecture. Grabe, lalo na 'yung chandelier na kumikinang kapag natatamaan ng sinag ng araw.

Dumiretso kami sa dining area ng mansion. Kinuha na nga pala ng mga maids nila ang bag at maleta ko at sinabing dadalhin na daw nila iyon sa room na gagamitin ko.

Umupo ako sa isang upuan malapit sa upuan ni Lola Melicia. Bale nasa isang kanto ng mesa nakaupo si Lola Melicia. May mga dumating na ring ibang sa tingin ko ay parte ng pamilya Sayson. Tumingin na lamang ako sa mga ulam na nasa hapag, halos lahat ng ulam ay manok, may sinigang, may adobo, may lechon at kung ano pa.

"Pasensya na hija, kung iyan lamang ang kaya namin. Medyo malayo kasi dito ang pinakamalapit na palengke kaya hindi ako nakapagbili ng sardinas lalo na't ang aga pa, kaya ayun nagluto nalang kami ng nga native na manok na alaga ng pamilya namin." Nanlaki ang mata ko. Sa paanong paraan naging mas masarap ang sardinas kaysa adobo at lechong manok?

"Nay, ano ba? Mas mainam nang ganito ang ulam natin kaysa sardinas." Ani ng isang hindi naman katandaang babae.

"Ah ganoon ba? Ang alam ko kasi sardinas ang kinakain sa Manila. Dito kasi sa amin, sikat ang mga native na manok at baboy. Pasensya na talaga, ineng?" Ewan ko ba kung humihingi siya ng pasensya o nang-iinggit? Hayst, dahil sa narinig ko, parang gusto ko na tuloy makitira dito. "Siya nga pala..." Naputol siya at tinuro ang babaeng nagsalita kanina. "Heto si Margie, kapatid ng ama ni Otep, pwede mo siyang tawaging Tiya Margie."

Itinuro niya naman ang katabi ni Tiya Margie na isang dalaga. "Ayan si Baby Joy, anak ni Margie bale pinsan ni Otep."

"Magandang araw sa inyo." Ani ko sa kanila.

"Ayan namang lalaking katabi ni Baby Joy, si Palito ang ama ni Baby Joy at asawa ni Margie." Ani pa rin ni Lola Melicia.

May humabol ring isang lalaking naka-headphone na halos ka-edad rin lang namin. "I'm here lola." Natungo ang tingin niya sa akin. "Si-sino 'yan?" Aniya pa at idinuro ang kaniyang hintuturo sa akin.

"Siya si Irene..." Ani Lola Melicia habang nilalaro ang kaniyang wine glass. "Siya ang magiging date ni Otep sa birthday ni Mayor."

"What?!" Sabay na ani Baby Joy at nung lalaking kadadating lang. Bakit naman tila gulat na gulat sila?

"All this time I thought ako ang pupunta sa birthday party ni mayor! What's the reason of sudden change, lola?!" Ani noong lalaking kadarating lang.

"Ano ka ba Dryx? Mas may alam ang Kuya Otep mo sa family business natin."

"Alam naman nating lahat na napaka-introvert ni Kuya JD. Paano 'yun makakahanap ng bagong investors kung magsosolo lang 'yun sa party!"

"Wait Dryx, wait lola. All I know ako ang magiging date ni Otep sa birthday ni mayor! Bakit iyang babaeng iyan ang magiging date ni Otep?!" Pagkatapos niyang sumigaw ay agad siyang tumingin ng matalim sa akin. Tsk, huwag mo akong tarayan ate girl, walang magagawa 'yang attitude mo sis. Pasalamat ka bahay ninyo 'to. Hayst, kung hindi, hindi talaga ako magtitimping sabunutan ka.

"Tumahimik ka Baby Joy! Nag-agree na nga si Otep na maging representative ng family business natin kahit labag sa loob niya tapos hindi pa kagustuhan niya ang susundin natin?!"

"Pero—" Naputol ang sinasabi ng dalawa nang pandilatan sila ng mata ni Lola Melicia.

"Wala nang pero pero Baby Joy at Dryx! Dahil si JD ang namamahala sa business natin for now, siya ang masusunod and no other complaints!"

Nanahimik ang dalawa pero kitang-kita sa mga mukha nila ang galit. Lalo na sa mukha ni Baby Joy na kitang-kita ang pagkamuhi sa akin. Hayst, ngayon alam ko na kung bakit hindi dito gusto ni JD.

"Dryx, sit! Ngayon na!"

"I'll go up my room! Nawalan na ako ng gana!" Humakbang na siya patalikod nang magsalita ulit si Lola Melicia.

"Huwag mong paghihintayin ang pagkain!" Natigil siya sandali pero hindi siya lumingon bagkus ay inilagay niya ang kaniyang headphone pabalik sa kaniyang tainga at umalis na pataas ng kaniyang kwarto.

"Kumain na ang lahat!" Pasigaw na utos ni Lola Melicia. Nabigla ako kaya napatingin ako sa pagkain ko at nagsimulang kumain. "Feel free to get what food you want Irene." I smiled and nodded.

Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya nang mahagip ng mata ko ang pagtingin sa akin ni Baby Joy. Nakatayo ang table knife niya sa plato niya at nagngingitngit na nakatingin sa akin. Kanina pa 'to ah, kunin ko kaya 'yung mata at ibigay ko sa mas nangangailangan?

Nagpatuloy siya sa pagkain at rinig na rinig ang ginagawang ingay ng utensils niya kapag tumatama sa plato. "Stop what you're doing Baby Joy." Mahinahong ani Lola Melicia.

"Ano na naman bang masamang ginawa ko?!" Walang respetong tanong ni Baby Joy at nag-roll ng mata. Sarap buklatin ng mata niya, kainis!

"Halatang-halata na nagdadabog ka. Kung magdadabog ka man lang, umalis ka nalang sa harap ng pagkain." Striktong sabi ni Lola Melicia. Tumayo naman si Baby Joy sa kaniyang upuan. "Hindi mo pa rin ba mapaniwalaan na si Irene ang piniling date ng pinsan mo?" Bakit ba ganiyan siya umasta? Don't tell me nagseselos siya? Yaks, I say 'ew' to incest.

Tinignan ako ni Baby Joy sa huling pagkakataon bago siya umalis at pumunta sa taas.

Itinigil rin ni Tiya Margie ang pagkain bago nagsalita. "For real, mama? Mas kakampihan mo pa 'yang babaeng 'yan kaysa sa apo mo?" Hayst, ba't ba ako nadadamay?

"Hindi ko siya kinakampihan. Hindi ko lang talaga kasalanan na siya ang mas pinili ni Otep na maging date kaysa sa maldita mong anak." Tumayo na rin si Tiya Margie at umakyat sa taas.

"Palito! Stop eating, umakyat ka rito!" Sigaw pa rin ni Tiya Margie. Padabog ring tinapos ni Tiyo Palito ang pagkain at agad na sumunod sa asawa.

Sa ngayon, kaming dalawa na lamang ni Lola Melicia ang natira sa hapag-kainan. I turned my gaze to her when she started to talked. "Pasensya na Irene if you need to see what you saw."

"Ayos lang po Lola Melicia."

"Ewan ko ba, bakit ganiyan ang mga apo ko. Kaya ang paborito ko talaga si Otep e. Kahit medyo masungit, malambing naman. Hayst, pasensya na, eskandalosa't eskandaloso lang siguro talaga ang angkan namin." She laughed, a fake one.

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain. Agad din kaming natapos at may nagdala pa ng leche flan, na siya ring pinagsaluhan namin.

Now I realized how hard it is to have a family like this. Nah, not just realized, kasi na-realize ko na 'yun a long time ago kasi 'di ba nga I have a family like them too. Hayst talaga.

I thought JD is the worst, but he's not. Base sa sinabi ni Lola Melicia, he's the best grandson she ever had. Kung ako rin ang papipiliin kung sino ang pinaka-mabait sa tatlong magpipinsan, malamang I'll tell y'all na si JD rin.

I chose him not just because I knew him but because I saw how caring he is to his lola. Remember that he hugged and even kissed her before he left?

Inalalayan ko si Lola Melicia sa pagtaas sa kwarto niya. Inatake ata ng high-blood. Tsk, high-blooded na nga nisi-stress pa ng mga apo niya. I also brought her a glass of water at kinuha ko na rin ang maintenance medicine niya.

Lumabas na rin ako ng kwarto niya after ko siyang mapahiga sa kaniyang kama. Nagpalit na rin ako ng damit at agad na humiga sa kama nang makapasok sa kwartong tinutuluyan ko.

The room's motif is girlish. I wonder kung kanino 'to? Hindi naman kasi pwedeng they made it girlish just for me noh? Sino naman ako para paghandaan nila ng ganoon?

In less than an hour, sumuko na sa pagkurap ng mata ko at agad itong ipinikit. Natulog ako ng mahimbing.

---

Nagising ako dahil sa alarm sa phone ko. Sino ang naglagay dito ng alarm? I got shocked to see myself at the middle of the bed at may kumot pa. Sino ang naglagay nito sa akin?

Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Tumungo ako sa bintana at tinignan ang labas. Nakita ko ang araw na nadali nang lumubog. It's very pleasant to see those green trees and all. Palibhasa nasa gitna kami ng palayan. 

Inayos ko ang sarili ko at agad na lumabas. Naabutan ko si Lola Melicia na may kausap na mga katulong. Tinapos niya ang pakikipag-usap doon at agad na kinausap ako. "Oh Irene nandiyan ka na pala. Kamusta ang naging tulog mo?"

"Ayos naman po."

"Salamat nga pala sa pag-asikaso mo sa akin kanina."

"Wala po 'yun, Lola Melicia."

Agad naman niyang tinawag ang isang katulong. "Belat!" May tumungong isang katulong sa kaniya. "Huwag ka nang mag-abala pa na mamalengke ngayon. Ako ang mamamalengke ngayon, kasama ko itong si Irene, para naman malibot ko sa centro."

"Noted po, madam." Ani noong si Manang Belat bago umalis.

"Irene hija, aalis tayo, mamamalengke tayo, ayos lang ba sa 'yo?"

"Oo naman po." I said and smiled.

Hindi ko naman inasahan na agad-agad pala kaming aalis para mamalengke. Sumakay kami sa puting van na pagmamay-ari nina Lola Melicia at agad rin naman itong umalis.

Umabot ng halos isang oras ang biyahe hanggang makarating kami sa centro ng Naga. We entered a market, at agad kaming sinalubong ng nag-iingayang mga tao.

Naglakad kami sa wet market area at naririnig ko na may nagsisigawan. Tinawag ako ng isang ale at may sinabi siya. "Ate, sira ka diyan, sira ka diyan!"

What?! Tinatawag niya ba akong sira?! Sino ba siya para tawagin akong ganiyan?!

"Ano pong sinabi mo ale?" I asked in assurance.

"Ang sabi ko, sira ka diyan!" Mas lalo pa akong nainis dahil inulit niya pa ang kaniyang inusal.

May humawak sa aking braso, si Lola Melicia. "Kalma Irene hija. Ang sinabi niya kung gusto mong bumili ng isda. Ang isda kasi sa Naga ay sira." I nodded. I asked sorry to the ale kasi hindi ko naman alam na ang ibig sabihin ng sira ay isda pala.

Nagdiretso kami sa paglalakad. Bumili siya ng mga kung ano-ano pang mga bagay sa loob ng market. Medyo mabaho sa market pero ayos na rin para daw makatipid si Lola Melicia. Sanaol nalang Lola Melicia, kahit kasi mayaman siya hindi siya magastos na tao.

Dumiretso rin kami sa loob ng mall. We ate cakes and drank coffee sa starbucks. Hayst, magastos rin pala 'to si Lola Melicia. Dumiretso kami after sa isang patahian sa loob ng mall. Kukunin daw namin ang mga damit na gagamitin namin mamaya for the party.

After we did get those particular clothes na gagamitin namin ni JD ay dumiretso kami sa spa. Matagal na daw kasi siyang walang spa at para na rin sa akin para gorgeous daw ako mamaya para sa party. Hayst, sabi ko hindi na naman kailangan pero ang kulit ni Lola Melicia. Kaya ayun pumayag na rin ako, after all, lahat naman siguro trip ang magpa-spa.

Na-relax ang buong body ko hanggang sa makatulog ako dahil sa spa na iyon. As of now, nandito na kami sa loob ng puting van ng Sayson at nagbabiyahe na pauwi ng mansion nila. There surprised me the maldita mother and daughter tandem nina Tiya Margie at Baby Joy. That Baby Joy of course darted a deadly glare to me. Tsk, wala akong karapatan sa bahay na 'to pero isa pang glare, gagawa ako ng eskandalo. Don't dare me.

Lola Melicia told me that I should go to the room I'm using para makapag-handa na para sa party. It is now four-thirty in the evening, at alas-sais kami kailangan sa venue ng party.

About JD, I still don't have any updates kung nasaan na siya. Dahil nga four-thirty na, nagdali-dali ako na maligo, nagbihis at umupo sa harap ng vanity table. I looked at my gorgeous face, bakit ba kahit walang make-up ang ganda ko?

Due to my overflowing beauty, nag-decide ako to just put on a little bit of foundation. Wala namang nagbago sa mukha ko, it was just that shiny glitters na dala ng foundation na nagpakintab ng face ko.

Humalungkat ako sa drawer ng make-up and accessory table na nasa harap ko kung meron sila nung pamlantsa ng buhok. I want to curl my hair just a little.

Fortunately, I found one. Nagmadali akong kinulot ang buhok ko. Buti nalang talaga at may expertise ako pagdating sa mga ganito. I decided to bun my hair sa likod at nagtira ng kaunting strand ng buhok sa unahan na siya ngang kinulot ko.

After these makeovers, look how gorgeous this woman after me. Oops, ako nga pala 'yun. Nakaharap lang pala ako sa salamin, hehe. Binuklat ko ang accessories dito sa jewelry box, ang daming mga kwintas at kung ano-ano pa.

I got one gold necklace at kinagat ito to assure na totoo nga 'yun. Fuck! Totoo nga! Are they sure na papagamitin nila itong mga ito sa akin? Mahihiya pa sana ako kaso oops, nandito na sa leeg ko, ano pa ba?

May narinig akong katok mula sa pintuan ng kwartong ito. Pagkatapos niyon ay may agad rin namang bumukas nitong isang katulong. "Ma'am Irene, pinapatawag ka na po ni Madam Melicia."

I smiled and answered. "Sige, susunod ako."

I grabbed my phone at tinignan ko kung anong oras na. It is now six in the evening. Look how long it took me to fix myself just for this birthday party. Inilagay ko itong cellphone sa aking pouch bag at tumayo mula sa aking kinauupuan. Inayos ko pa itong gown ko at full-confidence na hinawakan ang doorknob bago iyon inikot at binuksan ang pinto.

Dahil nandito ako sa taas, kinakailangang bababa muna ako sa hagdan. Nagmukha tuloy akong magde-debut nito.

I started to step sa isang parte ng hagdan. I managed to step into it gorgeously and gracefully. Inartehan ko pa para lalong mainggit si Baby Joy na nasa baba. I also saw Lola Melicia na katabi si JD na nakahanda na rin.

Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa ibaba. Inalalayan pa ako ni JD para hindi ako matapilok due to seven inches heels. I saw Baby Joy glared but I'm sorry to tell y'all na hindi ko siya mapapatulan ngayon, I have to look decent in front of them. And I don't have time to make patol to her.

"You look... gorgeous, Irene." Wika ni JD na nagsilbing instrumento para tignan ko siya.

"Ha?" Ani ko at hinawi ang natitirang strand ng buhok ko patungo sa likod ng tainga ko.

"I said you look gorgeous." JD repeated. Bakit ka ba kasi ganiyan magpakilig JD?

"Ang akala ko wala kang blush on, e bakit ka namumula ngayon hija?" Sabat naman ni Lola Melicia, I bet si Sof talaga ang apo nito e. I went near her, I held her hand.

"Thank you Lola Melicia for today. I really enjoyed being with you at the market."

"Walang anuman hija, it's my precious na ilibot ang magiging asawa ng mahal kong apo in the near future—"

"Lola!"

"Bakit? Hindi pa ba halata na may gusto ka kay Irene?"

"Lola!" Ulit na ani JD. Napansin kong nainis si Baby Joy sa kung saan man at agad na umakyat pataas. Aish, ang kulit talaga ni Lola Melicia. "By the way, aalis na po kami lola. Baka po kasi ma-late pa kami."

"O siya sige. Kayong dalawa ha? Just enjoy the night and may you have good evenings." Ani Lola Melicia at ibinigay ang huling mga halik at yakap sa aming dalawa bago kami lumabas ng mansion.

Agad rin naman kaming pumasok sa kotse ni JD at agad na umalis. While inside the car ay agad na tinanong ako ni JD. "What did you do while I'm out?"

"Anong ibig mong sabihin? At saka nga pala ang sabi sa akin ni Lola Melicia, kapag hindi ka tumigil sa kaiingles mo, isusumbong kita sa kaniya."

"I know you won't do that. And of course you need evidence for her to believe you—"

"Stop what you're talking right now. I'm the techie of our group right? Why won't I use the mini-recorder I personally made?" I held the kwintas at pinakita ito sa kaniya. Wala naman akong nilagay dito pero tinatakot ko lang siya kasi rinding-rindi na rin akong marinig ang pag-i-ingles niya.

"Ugh, bakit mo ba kasi sinusunod ang mga inuutos niya?" Slang pa rin na ani JD.

"Kasi ang sabi niya kapag daw hindi ka tumigil sa kaiingles, I'll call you Otep." I said while he facepalmed. "By the way, just wanna tell you na your voice is cute when talking in tagalog."

I saw him blushed. So 'yun, nakabawi na po ako. Nasaan na ba 'yung kilig scoreboard namin? Nah, that's only imaginary, of course, we don't have such scoreboard.

Hindi na kami nag-imikan pa at nagpatuloy na lamang siya sa pag-drive ng kotse. Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa mansion ng mayor ng Naga. It was filled and surrounded by colorful lights at ang dami ring mga taong nakasuot ng formal attires.

There are also tons of guards around the area. 'Yung iba ay nasa entrance area na kumukuha ng invitations ng mga bisita.

"Where are your invitations?" Asked the guard. Bakit 'are'? Teka lang, wala namang naibigay sa akin si JD o si Lola Melicia na invitation e.

"Here it is." Ani JD at binigay ang invitations from nowhere.

"A delegate from? Anong kumpanya kayo galing?"

"A delegate from the Sayson's family business. I am Joseph Downey Sayson, an heir of Sayson and this is my date."

"Before you enter, pumili na lamang kayong dalawa ng masks ninyo." Inilahad niya ang kamay niya sa table kung nasaan nakalagay ang mga masks."

Walang pakundangang pinili ni JD ang isang black mask na nasa unahan at nilagay iyon sa kaniyang mukha. Ako naman ay pumili ng pink na mask na sa tingin ko ay babagay sa pink na gown ko.

Immediately after naming pumasok ay agad na nakita ni JD ang mayor nila. Agad niya itong kinausap. "Good evening, Mr. Mayor. I am JD Sayson from Sayson's Parfuma Esencia..." And he talked as much as he want. I looked at the mayor, why is he in wheelchair?

Iniikot ko ang tingin sa buong lugar. Napakaganda ng pagkakagawa ng buong istraktura. Grabe 'yung grandiyosong disenyo ng mansyon. If that chandelier inside the mansion of Sayson is big, this mayor's chandelier is much more bigger. I wonder kung anong pwedeng mangyari kung mahulugan ako niyan.

Sana hindi naman mangyari 'yon.

Pinagpatuloy ko ang pag-ikot ng aking mata. Natigilan ako nang may nakita akong isang pamilyar na mga mukha. Natatakpan sila ng mga maskara pero malakas ang loob kong sila talaga 'yun. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-25-%E2%80%A2-part-i-you&apos;re-the-culprit!_42201400637193229">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-25-%E2%80%A2-part-i-you&apos;re-the-culprit!_42201400637193229</a> for visiting.

Natapos si JD na kausapin ang mayor kaya agad ko siyang niyaya. "JD punta tayo doon." Turo ko sa pwesto ng pamilyar na mga mukha na nakita ko. "I just wanna know who they are."

We immediately went to their positions. Habang lumalapit ay mas pinapalakas nito ang loob ko na sila nga 'yun. Nakatalikod ang babae sa akin nang makarating ako malapit sa kanila. I held her shoulder at pinilit itong humarap sa akin. "Russ?!" Gulat na ani namin ni JD.

Dahil sa lakas ng pagkakasabi namin ni JD ay humarap rin sa amin ang dalawa niyang kasama na kanina ay magkausap. "Sof?! Ceah?!"

Sabay-sabay naming tinanggal ang aming mga maskara. That is the time I assured that they are our clubmates. "Bakit kayo nandito guys?" Tanong ko sa kanilang tatlo.

"That's also the question here, why are you two here too?" Balik na tanong ni Russ.

"It's the birthday party of the mayor that I said we will attend to." JD answered.

"'Yan nga ang pinag-uusapan namin ni Ceah before kayo lumutang diyan. One of our deductions told us na nandito rin kayo since sa Naga nga ginanap at iisa lang naman ang mayor ng Naga hindi ba?" Sof explained.

"E paano kayo rito napadpad? This is only exclusive for company or business representatives or delegates." Wika ni JD.

Natawa si Sof na inusal ng kaibigan. "Hulaan ko kaya ka nagsasalita sa Filipino ngayon e dahil kay Lola Melicia?" Hindi sumagot si JD kaya mas lalong natawa si Sof. "I'm the representative for the Velasquez's first business since akin rin naman iyon mapapapadpad kaya nandito ako. Si Russ ang inaya kong maging date, alangan naman 'yung iba kong babae hindi ba?"

"E ikaw Ceah?"

"I'm also the representative for Del Fuego's family business knowing na ako lang rin naman ang anak nina mom and dad. 'Yung date ko pinsan ko, ewan ko kung saan naglagalag."

"E 'di ayos pala para kung may mangyari man na kung ano, nandito ang buong SHC!" Cheerful na ani Sof. Hayst, utak na naman nito nasa paglutas na naman ng kaso.

Agad naman na may nagsalita sa unahan. "Good evening ladies and gents, please take a sit because the program will start." We decided to sit in one table, kami nang anim kasama ang pinsan ni Ceah na kadarating lang. "To formally start the program, may I call the birthday celebrant, the beloved mayor of Naga City, Mr. Arnulfo Talinhaga."

Agad na inabutan ng mic ng MC ang celebrant. Hindi kasi ito makatayo kasi nga naroon sa wheelchair, ewan ko kung anong nangyari sa kaniya. "Good evening sa ating lahat. Siguro ay nagtataka kayong lahat kung bakit ako nasa wheelchair? Nahulog kasi ang mayor ninyo sa hagdan..." Tumawa ang nga nanonood, ako naman walang pake.

I looked at their stairs. It was just I think ten numbers of elevated platforms. How could that be na mapilayan siya for that kind of reason. Something is off here.

By looking at the stairs, something got my attention. It was a watch, I think, na kumikintab kapag tinatamaan ng ilaw. Kanino kaya iyon?

Nawaksi ako sa aking iniisip nang akalain kong may nakatingin sa likod ko. I looked at where the person looking at me is and it is in the right side of the mansion. There's nothing strange there but I have this urge to know what's in there, I want to know what's there talaga.

I was about to stand nang tignan ko ang mga tao. They are all focused on listening to their dear mayor. Dahil doon ay nahiya ako at hindi na naisipan pang tignan ang kung anong mayroon doon.

Ibinalik ko ang sarili sa pakikinig kay Mayor Talinhaga. "Salamat sa lahat ng dumalo at sana ma-enjoy ninyo ang gabing ito." Natapos ang mayor at sinabing pupunta lang siya sa CR at ang lahat naman ay nagsimula nang kumain. Halatang ayaw niyang magsalita in public, mukhang dinali-dali niya ang pagsasalita. E bakit niya pa pinili maging pulitiko kung ayaw niya noon?

Natigil sa pagkain at nabigla ang lahat sa narinig.

"WAAAAHHHHHHHH!" Sigaw iyon ng isang lalaki galing sa kapitbahay.

Naalarma kaming lima at nagtinginan. I knew it, kapag talaga nagsama-sama kami ay may masamang mangyayari. We then decided to go out at tinignan kung anong mayroon sa kabilang bahay.

The house where I think the shout we heard came from is locked. Wala rin kaming mga materyales para ma-lockpick sana ni JD ang knob ng main door ng house so we got no other solutions in mind kundi ang itulak na lamang ang pinto.

We were all shocked to see what's inside the room when we reached the second floor. It was a man in suit stabbed many times on his right chest.

JD talked. "He is Mr. Erickson Aragon, the owner slash president of Aragon Banks Inc. He was believed to be murdered and the form of murder is stab wounds." Humarap si JD sa buong SHC. "This crime is our task. And the task is to find who the culprit is."

[ABANGAN]

*this one's a long chapter, sana naenjoy ninyo, huhu. luvlots pa reeen❤*


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C26
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.