Forum Download app Gifts
96.55% Scene of the Crime Detectives / Chapter 28: CHAPTER 27: A DAY IN PROVINCE

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 28 online

Chapter 28: CHAPTER 27: A DAY IN PROVINCE

Irene Adler's POV

Agad rin naman kaming nakauwi sa mansyon ng mga Sayson. Luckily, wala roon 'yung mother and daughter tandem nina Tiya Margie at Baby Joy. Wala ring tao maliban roon sa mga maid na naglilinis ng salas pero amoy na amoy ang niluluto ng kung sino man, ugh kare-kare!

We stayed a bit sa salas habang hinihintay ang aming isa pang miyembro. Agad rin namang nakarating si Ceah after atmost twenty minutes.

"Manang Belat, where is lola?" Naging tanong ni JD sa nagva-vacuum na si Aling Belat.

"Ah, yaon duman sa kusina, nagluluto baga." Sagot naman ni Manang Belat.

"Ano daw sabi, JD?" Curious na tanong ni Russ.

"She's in the kitchen. She's cooking our dinner." Tumayo siya mula sa sofa. "I'll go to her. I think she needs an assistant in cooking."

"I will come too—" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita si Russ.

"No, we'll all come at nang makilala naman namin siya at saka ang bastos naman kung hindi man lang namin i-greet ang may sarili ng bahay kung saan kami tutuloy, 'di ba?"

"Okay then. Follow me." Agad siyang naglakad patungo sa may dining area. May isang kwarto roon na binuksan ni JD. There greeted me the luscious smell of kare-kare.

Nakatayo si Lola Melicia sa harap ng cooking pan habang kumekembot. Mukhang ineenjoy niya ang pagluluto. I also saw her placed the ladle in front of her mouth and started to sing. She's very strict pero ganito pala siya kapag siya lang at ine-enjoy ang kaniyang ginagawa.

Akmang magsasalita na sana si JD upang tawagin ang lola niya nang takpan ni Sof gamit ng kaniyang kamay ang bibig ni JD. Yaks, galing pa nga ata siyang CR e.

"Ako na JD." Agad niyang tinanggal ang kaniyang kamay at pinahid ang palad niya sa kaniyang pantalon. Si JD naman mukhang masuka-sukang hindi ko malaman.

Dahan-dahan si Sof na pumunta sa likuran ng kumakantang matanda. Walang ano-ano pa ay sumigaw ito nang hindi alam ni Lola Melicia. "Lola!"

"Buray ni ina niyang lintian—isay baya ang nangingilag na 'yan—" Natigil siya at tumingin sa likod. "Sof?"

"Yes lola, your dearest Sof." Sof even gave her a warm hug. I believe there's no malice behind that hug, perhaps Lola Melicia is old enough para magustuhan ni Sof. Ugh, what the hell am I thinking? Irene, hindi mo man lang inisip na baka he's just longing for a mother's love... na ten years nang hindi niya nararamdaman.

Mother's love is indeed the greatest love of all.

And luckily, our happy jerk found that kind of love from his bestfriend's grandmother.

"Bakit ka nandito, Sof hijo?" Tanong ni Lola Melicia. "At sino 'yang mga kasama ninyo rito?"

"I am also our family business's representative kasi wala si daddy. Layas ngayon, nasa European Trip."

"Tsk, si Icho talaga, lagalag na sobra sa buhay." Sof shrugged.

Sumingit naman ako at nagsalita. "Ah, Lola Melicia, this is Russ, the president of our club and that man on spectacle is Ceah. Pinagplanuhan naming lima po na mag-overnight dito sa bahay ninyo. Pwede ho ba, Lola Melicia?"

"Naku, oo siyempre naman mga hijo't hija. At saka, sakto nga at marami-rami ang niluluto kong kare-kare, alam kong hindi naman namin 'yan mauubos ng kami lang." She smiled.

"Ah, salamat po ma'am." Pormal na ani Russ.

"Drop the formalities, Russ...?" Tanong ni Lola Melicia na siyang tinanguan ni Russ. "Just Lola Melicia. Parang apo ko na rin naman ang mga kaibigan ng apo kong itong si Otep."

"Lola!" Sigaw ni JD tila hindi talaga nagugustuhan ang tawag sa kaniya ng kaniyang lola.

"Oo na, oo na, JD na. Bakit ba kasi ang big deal sa 'yo ang pangalan na ipantatawag ko sa 'yo? Parang kailan lang ikaw pa nagpupumilit sa akin na tawagin kang Otep." Natawa na lamang kami sa winika ni Lola.

"That's past, okay lola?" JD said. "Anyways, ipagpatuloy ninyo na po ang ginagawa mo, we'll just fix ourselves. Tawagin mo nalang kami sa kwarto ko and sa kwarto ni Irene para bumaba at kumain."

"O siya sige, nakalimutan ko palang lagyan ng bagoong 'yung kare-kare. Sige na, ayusin ninyo muna ang mga sarili ninyo."

Tumalikod si Lola Melicia sa amin at binuksan ang isang garapon ng bagoong at inilagay ang buong laman nito sa kaniyang niluluto. I'm a bit curious kung masarap ba magluto si Lola, balita ko kasi maliban sa ang mga bicolano ay oragon, magalin rin daw sila magluto.

We went out of the kitchen area. Umakyat kaming lahat sa ikalawang palapag at pumunta kami ni Russ sa kwarto na tinutuluyan ko habang 'yung tatlo ay sa kwarto ni JD.

"Wow, ang ganda naman pala ng kwarto mo rito, Irene. Ginawa nila 'yang mga dekorasyon na 'yan para lang sa 'yo?" Tanong ni Russ.

"I don't think so Russ. Malay naman natin kung 'yung may-ari nitong kwarto e babae at girlish pa masyado kaya punong-puno ng pink wallpaper 'yung kwarto."

"Hmm. Pwede naman. Pero Russ, kamusta naman pakikisama nila sa 'yo dito?"

I rolled my eyes as I remembered the evil mother and daughter tandem. "Mabait naman sa akin si Lola Melicia. Makuwento siya, kwela at alam mo ba, paborito niya si JD? Masaya dito, it's just that mother and daughter tandem na tiya at pinsan ni JD na masama 'yung ugali."

"Bakit? Ano bang ginawa sa 'yo?"

"Ang taray kasi nung Baby Joy, 'yun ngang pinsan ni JD, biruin mo pinag-iinitan ako kasi ako raw 'yung mas pinili ni JD as his date sa party ni Mayor—este ex-Mayor." I said at mas lalo pang nanggigil. "At saka, sa tingin ko lang ha? Mukhang gusto ni Baby Joy si JD. Yaks, pati pinsan pagi-interesan, pokpok yata 'yun."

"Huy! Ikaw Irene, 'wag ka ngang magsasalita ng ganiyan. Masama ang mamintang ha?" Anang wika ni Russ. Tsk, kapag makita mo lang kung paano 'yung tingin ng bruhildang 'yon kay JD. "E 'yung tiya ni JD? Bakit mo naman nasabing pinag-iinitan ka?"

"Wala naman. It's just that kinakampihan niya 'yung anak niya kahit mali naman talaga 'yung anak niya. Tsk, mga walang respeto pa kung makiusap kay Lola Melicia." Sabi ko habang inaasikaso namin ang mga gamit namin at inaayos sa closet.

"Hindi mo naman pinatulan?" Tanong niya pa. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-27-a-day-in-province_42201427463947860">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-27-a-day-in-province_42201427463947860</a> for visiting.

"Alam mo kung akin 'tong bahay, ang tagal ko na atang nasabunutan 'yung mag-inang 'yun pero hindi akin 'to e. Kaya hindi—"

"Hayst, buti naman." She said and breathed in relief.

"Bakit naman ganiyan ang reaksyon mo?"

"Duh, alam naman natin na tarantada ka. Tsk, buti naman at hindi mo pinatulan kahit ganoon sila sa iyo."

"Yeah and alam ko naman ang word na decency. At saka, pamilya sila rito ng may-ari ng bahay, samantalang ako, kaibigan lang ng apo ng may-ari. Mas matimbang pa rin sila kahit papaano." I said. I looked at the drawer and I saw a headphone. I rolled my eyes as I remembered another cousin ni JD. "Isa pa pala 'yung lalaking palaging may headphones sa may leeg, akala mo cool na genius e mas gwapo pa nga si Ceah sa kaniya. Tsk, ano ba pangalan noon? Ah! Oo, Dryx."

"O e ano 'yang Dryx ni JD?"

"Pinsan pa daw. Tsk, kung iniisip mong masama na ang ugali ni JD, hindi noh? Siya pa nga ang pinaka-mabait sa magpipinsan sabi ni Lola Melicia."

"Hindi ko naman iniisip na masama ugali ni JD. Ikaw lang ata Irene." I looked at her as she smiled. Tsk, hindi ba nila napapansin ang coldness ni JD.

Naupo kami sa kama at patuloy na nagkwentuhan hanggang sa may kumatok sa aming pinto. Agad rin naman itong bumukas at sumalubong ang mukha ni Manang Belat na may straight na eyebrow. "Oh, Manang Belat, bababa na po ba kami?"

"Oo. Kakain na ho mga ma'am." She smiled, I owed her my smile too.

Agad kaming tumingin sa salamin ng vanity table upang tignan kung maayos na ang pagmumukha namin. Agad rin naman kaming lumabas after. Nakasalubong namin sina Sof, Ceah at JD na kalalabas lang din galing sa kabilang kwarto.

Agad rin naman kaming pumunta sa dining area and there greeted us Lola Melicia na solong nakaupo sa kaniyang upuan. Nasaan na kaya 'yung pamilya ni Tiya Margie at Tiyo Palito?

Agad kaming naupo sa aming mga upuan. Nandito ako malapit kay Lola Melicia habang si JD ay naroon sa harap ko kaya malapit rin siya kay Lola. Russ is beside me while katabi niya naman si Ceah. Sof is on the opposite side na katabi ni JD.

"Where is Tiya Margie and her family?" JD asked before Lola Melicia initiated the prayer before meal.

"They said sa taas daw sila kakain, sa kwarto nila. Manang Belat brought them the food. Ayos na rin naman perhaps, nandito naman na kayo to eat with me, right?"

"Opo naman po." Sagot naming apat maliban kay JD at napangiti naman si Lola Melicia. Look how precious the smile of aged people, parang wala silang pino-problema sa buhay.

"If they aren't here, then where is Dryx instead?" Tanong ni JD. Ugh, that Dryx, grabe makatingin at ang lala manturo. Tsk, that pa-cool boy.

"Wala. Lumabas siya kanina at hindi man lang nagsabi kung saan pupunta—" Naputol ang sinasabi ni Lola Melicia nang may magsalita.

"Who said I'm not here?" Anang wika ng isang pamilyar na lalaki. Nilingon namin siya habang pinakita niya naman ang kaniyang smirk na hindi niya naman ikinagwapo.

"Good you're here, sit down because we'll start to eat." Ma-awtoridad na ani JD.

"I don't want to eat with some other people I don't know." Kung ayaw mo, e 'di huwag!

Agad tumalikod si Dryx at inilagay ang kaniyang headphone sa tapat ng tainga niya. "Dryx!" Tawag ni JD ngunit patuloy siyang naglakad at hindi pinakinggan ang pinsan niya. "Dryx!" Mas malakas pang ani JD ngunit patuloy sa paglalakad si Dryx. "Ugh! That hard-headed bastard is really getting into my nerves!"

Nakita kong hinawakan ni Lola Melicia ang braso ni JD. "Huwag mo nang i-istress ang sarili mo JD apo. Baka makasama 'yan sa kalagayan mo." My curiosity level again went up. Para saan 'yang last na sinabi ni Lola Melicia?

Hindi na naman nagsalita pa si JD. Lola Melicia then decided to initiate the prayer before meal. After the prayer, we started to eat. Heto na naman ang kadaldalan ni Sof na pati habang kumakain, hindi pa rin matikom ang bunganga sa kadadaldal.

I looked at Lola Melicia who's just busy with eating her foods. "Lola Melicia?" She looked at me. "Sorry po kung ang ingay ni Sof, ganiyan lang po talaga 'yan kapag kasama ang buong barkada."

"Ano ka ba, hija? Wala 'yun. Buti nga at kahit ngayon lang nagkaroon ng ingay ang bahay na ito. Nakaka-buryong rin kaya kapag tahimik ang buong bahay." Ani Lola Melicia habang patuloy pa rin si Sof sa kakahagalpak ng tawa na dinig na dinig talaga sa buong bahay.

Natapos kami ng pagkain at dumating ulit si Manang Belat na may dalang leche flan. Inubos namin iyon bago namin ihatid si Lola Melicia sa kwarto niya kasi inaatake na naman. I volunteered to get her med and water pero JD insisted na siya nalang ang gagawa noon.

It's now eight in the evening at nandito pa rin kami sa salas, nakaupo sa sofa at patuloy na nagkukuwentuhan.

"What if mag-bonfire tayo sa labas? Tapos mag-marshmallow na rin? 'Di ba nasa bukid tayo? Ba't hindi natin sulitin ang stay natin dito since uuwi na rin naman tayo bukas? Let's do camping!" Suhestyon ni Sof.

"You know what, I agree to what Sof has said. Sulitin na natin habang nandito pa tayo." Russ stated.

"Pero saan tayo kukuha ng marshmallow?" Tanong ko. Ugh, I'm craving for roasted marshmallow now!

"Wait, I'll try looking at the kitchen if we still have marshmallows." Ani JD bago tumayo at naglakad patungong kitchen.

Ilang saglit lang at bumalik na siya na may dala pang isang buong supot ng malalaking marshmallows. Huhu, yes!  May marshmallows, my love!

Agad kaming lumabas patungo sa gitna ng bukid. It is windy here, and cold as well. We decided to bring our sweaters and sweatshirts para hindi masyadong lamigin. Sakto naman na nadala ko ang sweater ko, 'yung gamit ko pa sa SoKor.

Our boys started to make fire. Pinagtatawanan pa nila si Ceah dahil hindi marunong magsindi ng posporo. Palibhasa, mga anak-mayaman, tsk.

JD and Sof successfully lit the bonfire without Ceah's help. Si Ceah, in order to help, ay naghanap na lamang ng mga kahoy na pwedeng pamalit kapag mauubusan na ng fuel ang bonfire.

We placed ourselves near the fire para hindi kami masyadong mainitan. Our happy jerk then started to talk again. "Guys, kwentuhan tayo. Mga horror story!"

"Nah~! Ayoko niyang iniisip mo Sof ha?" He smirked. "Oy JD, 'di ba hindi ka naniniwala sa ghosts? Ba't di mo pigilan?"

"It's just a story Irene. Perhaps, not all horror story are scary." JD said. Ugh, bakit niya ba sinusuportahan ang kaibigan niya?

"So Irene, dahil ayaw mo I'll start telling my first story." I rolled my eyes. How to unhear what he'll say? "Heto na ha? Isang college student na babae ang mag-isang naninirahan sa isang apartment malapit sa school nila. Her school is believed to be haunted. Pero hindi niya 'yun pinaniniwalaan. Madalas siyang umuwi ng gabi dahil night shift ang klase niya. Isang gabi habang naglalakad siya ay nakarinig siya ng batok ng aso. Nagmadali pa siya lalo sa paglakad."

"At anong nangyari?"

"She realized that there is no dogs that time. Kaya paanong may babatok sa kaniya that time?" I rolled my eyes. Baka naman illusion lang or else. Hayst, nanggigigil ako kay Sof e, tinatakot ako. "Nagmadali pa siya sa paglalakad hanggang makarating siya sa apartment niya. Nang mabuksan niya ang pinto ay nakakita siya ng..."

"Ng ano Sof?" Ani Russ. Hayst, huwag ninyo nang tanungin pa, nakakadagdag ng takot e.

"Ng pusa, kinakain ang tirang pritong tinapa sa mesa." Hayst, akala ko pa naman ay kung ano. Tsk, babatukan ko 'to mamaya si Sof. "That time, nag-ring ang phone niya. The caller ID states that it was her boyfriend. Nag-usap sila at nag-usap hanggang makatulog siya. Umaga na nang dumilat ang kaniyang mata bigla tapos una niyang nakita ang..."

"Oh my gosh, anong nakita niya?" Gulat na tanong ko.

"Sabi na, interesado ka rin Irene e." He shrugged and I darted him a glare, a dealdy one. "Nakita niya 'yung tv niya. Ano ba? Tapos kinuha niya ang phone niya at wala pa ring kahit na sinong nagcha-chat sa kaniya. Dumating ang ilan pang araw ngunit wala pa ring nagcha-chat sa kaniya. The end."

Natahimik kaming apat rito. Naiwang bukas ang bunganga ko. Anong... anong nakakatakot roon?

"Teka nga lang Sof, ano bang nakakatakot roon? Hindi man lang tumayo ang kahit isa kong balahibo dahil wala namang kwenta 'yang kwento mo." Ani Russ. Tsk, sinabi mo pa.

"Hindi ninyo alam nakakatakot roon? Hindi ninyo gets?" Demand ni Sof.

I rolled my eyes. "Ano ngang nakakatakot roon? Ipaintindi mo at hindi ako titigil dito hangga't hindi ko nagegets 'tong isang 'to!"

"Hayst, na-ghosting 'yung babae. Kaya nakakatakot AHAHAHAHAHA!" Aniya pa at napahagalpak sa tawa. Abnormal talaga.

Hindi naman kami ni Russ nag-atubiling batukan siya. "Double kill!" Wika ni JD. Isa pa 'to e, tsk.

"Araaaay! Bakit na naman kayo nambatok?" Ani Sof habang hinihimas ang batok niya.

"Gago ka! Akala ko naman seryoso ka sa ikukuwento mo!"

"E nakakatakot namang ma-ghost ha?" Tsk, papatayin ko talaga 'tong tarantadong 'to! "Teka lang, may isa pa akong alam na horror story—"

"Huwag mo nang ituloy dahil kung hindi—"

"Hindi ano?"

"Ah, iniinis mo talaga ako! Basta huwag mo nalang ituloy dahil makakatikim ka talaga sa akin!" I said. Natawa naman siya. "I have better a idea. Let's just roast marshmallows, shall we?"

"Buti pa nga. Wala namang kwenta mga horror story ni Sof e." Russ said.

"Uy, nakakatakot kaya—"

"Hindi!" Sabay naming wika ni Russ. "Kunin nalang natin 'yung mga marshmallows at sticks. Sinong kukuha?"

"Ako nalang—" Naputol ang sinasabi ko nang magsalita si JD.

"Don't mind. I will get it for us."

"Uy, ang sweet naman ng torpeng talong namin! Yoohoo, binata ka na taloooong!" Siraulo... oo siraulo 'yung nagsalita.

Agad na pumunta si JD sa mansion at pagbalik niya naman ay bitbit niya na ang marshmallow at mga sticks. Agad ko iyong kinuha mula sa kamay niya kasi kanina pa kating-kati ang kamay ko na mag-ihaw ng marshmallows.

Nagsimula kaming mag-ihaw ng mallows. Agad kong inilagay ang unang mallow na inihaw ko sa aking bibig. Alam kong mainit pero shit—this is heaven! Ugh, can't resist and can't stop eating this. I could eat this all day!

Inabot kami ng halos ilang oras dahil sa dami ng mallows na nakain namin. Biruin ninyo, naubos naming lima lang ang isang supot na may lamang two hundred and fifty pieces. Yeah, ganiyan kami ka-patay gutom.

Kaniya-kaniya na lamang kaming ginawa habang nagpapalipas ng oras. It is now ten thirty in the evening and it's very cold here. I lingered beside the fire. I know, masyado nang malapit pero it's the best way to keep myself warm.

Wala namang ano-ano, I felt a mantle na nilalagay sa aking likod. I looked at who placed it, it's JD. I smiled to him. "Thanks. That really helped."

He didn't say anything but he smiled. Ugh, again with that seductive smile? Sof then started to talk. "Si JD oh, humo-hokage! Binata na talaga ng talong namin! Pumapag-ibig na!"

Pumulot si JD ng patpat at agad na ibinato iyon kay Sof na agad naman iniwasan ng gago naming member. Patuloy si JD sa pagpulot ng patpat at ibinabato iyon kay Sof. Hindi naman nagtagal ay nakisali na rin si Ceah sa ginagawa ng dalawa. Mga gwapo sana 'tong tatlong 'to, mga isip-bata lang, kawawa mga mapapangasawa nitong mga 'to.

Naku, masi-stress ata ako kapag napangasawa ko na isa diyan.

Charot lang! Naku Irene, huwag ka ngang marupok, nakamamatay.

It's now five minutes past ten o'clock in the evening. Sa ngayon ay umiinom na kami ng hot chocolate. Napaka-sarap ng chocolate ni Lola Melicia! Balita ko gawa raw kasi ito sa native cocoa.

At exactly eleven o'clock, we decided to clean the area. Tinanggal na namin ang apoy sa bonfire bago pumasok sa loob ng mansion. Tulog na ata ang lahat, pati si Lola Melicia na kanina pa tulog after the dinner. We parted ways at pumasok na kami sa loob ng kwarto namin ni Russ.

Nag-decide kami na maghilamos na lamang instead of taking a bath dahil malamig talaga ang hangin sa province. After that, we placed ourselves on the bed. Magkatabi kami ni Russ sa kama at hindi naman nagtagal ay pumikit na ang aming mga mata.

'Twas a good evening for us all. Goodnight!

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C28
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.