Forum Download app Gifts
100% Scene of the Crime Detectives / Chapter 29: CHAPTER 28: AN OUTSIDE CASE

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 29 online

Chapter 29: CHAPTER 28: AN OUTSIDE CASE

Irene Adler's POV

I woke up from nowhere. Hindi ko alam pero bigla nalang na dumilat ang aking mga mata. Kinuha ko ang aking phone at tinignan kung anong oras na. Sakto, it's now five in the morning.

Bumaba ako ng kama at agad na isinuot ang tsinelas na ibinigay sa amin ni Lola Melicia. I went near the door at dahan-dahan itong binuksan para hindi magising si Russ na himbing na himbing pa rin sa kaniyang pagtulog.

Dumire-diretso ako sa paglalakad nang may narinig akong nag-uusap sa ibaba. Ipinagpaliban ko muna ang pagbaba at nagtago sa isang pader roon. I glimpsed kung sino ang nag-uusap. Sina JD at si Lola Melicia roon sa baba.

"Oh Otep, ba't ang aga mo nagising?" Tanong ni Lola Melicia.

"I don't really know Lola. Nagising lang ako from what so ever reason."

"Buti naman. Sakto naman at nagising ka ng maaga, at nang makapagkain ka na at makainom ka na ng gamot mo." Ani ni Lola Melicia. Huh? Bakit siya iinom ng gamot?

Nawalan ako ng balanse at napa-atras ng hakbang. Hindi ko namalayan at natamaan ko ang closet na lalagyan ng mga sapatos. Naglikha iyon ng malakas na tunog habang nahulog ang halos lahat na sapatos.

"Shit!" I silently cussed.

Yumuko ako at inayos ang mga sapatos. Isa-isa kong nilagay ang mga sapatos sa lalagyan nito. Nang natapos ako at agad na tumayo bago tumalikod sa lalagyan ng sapatos.

Nabigla ako nang paglingon ko ay naroon si JD. Halos magkalapit na ang aming mga mukha. 'Yung parang halos dalawang pulgada nalang at magtatagpo na ang aming mga labi.

"Kanina ka pa nandiyan?" Slang niya pa ring ani JD. Bakit sa bagong gising, parang ang bango naman ata ng hininga niya.

I saw Lola Melicia sa likod ni JD na nakangiti lang. Bakit ba niya suportado ang apo niya? 'Di ba dapat pinipigilan ng mga lola ang mga apo nila sa mga ganitong sitwasyon?

Umatras ako ng kaunti at tumigil nang tumama ulit ang aking binti sa lalagyan ng sapatos. "Ah, hindi. Hi-hindi naman, hehe. Bakit?"

"You heard what we are talking?"

"Ah, e hindi naman. Bakit? Ano ba 'yun?" I smiled... and I lied. Maybe hindi ko muna dapat pangunahan si JD kung may dinaramdam man siya. If he don't want to tell it to the club, I should let him right? Perhaps, it is his life, not mine.

"Good." Lumingon siya kay Lola Melicia na patuloy pa rin ang ngiti sa likod. "Lola, I thought you want to pee?"

"Ay, oo nga pala." Natawa ako sa winika ni Lola Melicia, paano niya makakalimutan ang pag-wiwi niya? Agad siyang bumaba sa baba at pumunta sa banyo. Awkward at walang imik naman kaming naglakad ni JD pababa.

"Wahhhh!" Dinig na dinig na sigaw ng isang matandang babae galing sa kung saan. No wonder it's from Lola Melicia whose inside the CR.

We immediately went to the CR. JD immediately asked her what's wrong. "What happened Lola?"

"Bwisit naman kasi e! Walang tubig, pa'no 'yan? Hayst, bwisit talaga!" Aniya at padabog na nilagay pabalik ang tabo sa balde. Agad siyang naglakad patungo sa salas. Ang cute ni lola, para siyang bata kung umasta. "I'll go to the city water district. I'll go ask kung anong nangyari sa daloy ng tubig. Hayst, palagi nalang nawawalan ng tubig sa lugar natin lately."

Agad siyang umakyat sa taas at pumasok sa kaniyang kwarto. Paglabas niya ay may dala na siyang isang bag. "Oh, paano 'yan? Aalis na muna ako JD apo at Irene hija." Tumingin siya kay JD. "Alagaan mo 'tong si Irene, JD ha? Huwag kang gagawa ng ikasasama ng pangalan ng pamilya natin."

"Yes lola. No need to worry and tell me that. I'm not dumb to do things that will ruin our image." He said. Tsk, ano bang pinagsasasabi nila?

Paglabas ni Lola Melicia sa bahay ay agad naman na lumabas sina Russ, Sof at Ceah na mukhang bangag pa at bagong gising. Buhaghag ang mga buhok at halos hindi maipinta ang kanilang mga mukha.

"Nasaan si Lola Melicia?" Agad na tanong ni Sof bago naghikab ulit.

"Kakaalis lang Sof. Pumunta sa city water district ata 'yun, tatanungin kung anong problema ng daloy ng tubig." I answered.

"E paano 'yan? Saan tayo niyan maliligo? Gusto ko nang mag-sipilyo, feeling ko talaga ang baho ng hininga ko." Ani Russ.

JD talked. "Maybe we'll wait for lola to go back home. For the mean time, let's first eat our breakfast, shall we?"

Agad kaming pumunta roon sa dining area. Before naman kami pumwesto sa dining area ay nagmumog naman kaming lahat. Habang nakaupo ay nagsalita na naman ang loko naming kaibigan. "Hindi ba kapag kumakain ka ng dinner, sa dining area pa rin 'di ba?"

I rolled my eyes. "Malamang, saan sa tingin mo Sof tayo dapat kumain? Sa banyo?" Tumawa siya ng kaunti. "At saka, ano bang point mo?"

"Wala lang, gusto ko lang tanungin. E 'di dapat breakfasting area ang tawag sa kung saan tayo kumakain ng agahan. Sino ba naman nag-isip ng tawag sa area na 'to?" Napailing nalang ako. Malakas na talaga siguro tama nito.

"Siguro Sof kumain ka nalang." Ani ko sa kaniya. Natawa na lamang siya, aish!

Natapos kaming kumain habang naghihintay kay Lola Melicia na dumating. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ito na may mukhang hindi maipinta. "Oh, Lola, kamusta po ang lakad ninyo?"

"May water interruption daw ngayon. Hindi ko kasi napakinggan kanina sa radyo. Hanggang alas-singko pa raw ang interruption."

"Naku, paano 'yan guys?" Tanong ko sa aking mga clubmates.

"Alam niyo mayroong poso diyan. Malinis naman ang tubig diyan, pwede pampaligo pero bawal inumin. Kung gusto ninyo pwede naman roon." Ani Lola Melicia.

Nagsalita si Ceah. "Poso? Ano 'yun?"

Napailing ako. "Kapag pinanganak ka nga naman na nay gintong kutsara sa bibig. Sigurado ka na hindi mo alam ang poso, Ceah?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko naman talaga?" Aniya habang napailing.

"Alam mo Ceah, puntahan nalang natin para malaman mo." Ani Sof at agad na hinila ang aming rich kid na clubmate. Nagpahabol pa siya at sumigaw. "Lola M., sa poso lang ho kami, maliligo lang!"

Napangiti si Lola Melicia. "Sige lang, hijo." Napalingon siya sa amin. "Kayong tatlo, hindi ba kayo susunod?"

Hindi na kami umimik pa at agad na sumunod kina Sof. Nasa unahan namin si JD at siyang sinusundan patungo sa poso. Nang nakarating kami roon ay nakatayo pa rin sina Sof at Ceah roon. Kinawayan nila kami at sumigaw. "Hali na kayo rito! Dali na!"

Dumiretso kami roon at agad na nagtanong si Ceah. "How does it works?" Napailing na lamang akong muli, sure ba siya na hindi niya talaga alam kung paano 'to gumagana? Hindi niya man lang nakita sa kahit na anong programa sa telebisyon?

"Gan'to kasi 'yan Ceah, kunin mo itong hawakan..." Ani Sof habang hinahawakan niya ang hawakan. "Dalhin mo paitaas at agad mo ring ibaba." Ginawa ni Sof ang kaniyang sinabi samantalang si Ceah ay manghang-mangha sa nangyaring paglabas ng tubig mula sa poso.

"Oh, ganoon pala 'yun."

"So, ano nang hinihintay natin? Ligo na tayooo!" Ani Sof at agad na hinubad ang kaniyang sando. Tumambad sa aming lahat ang napakaganda niyang katawan na mala-greek god, tsk jock nga kasi! Biruin mo araw-araw nagba-barbel sa club, hindi pa gumanda 'yang katawan niyan? Tsk, pero that biceps are damn alluring.

Agad na sumunod rin si Ceah at agad na tinanggal ang kaniyang salamin at ang kaniyang t-shirt. Saktong-sakto lang katawan ni Ceah at bagay na bagay ito sa skin tone niya na maputi. What I meant of sakto is that hindi masyadong malaki at hindi rin naman masyadong payat ang katawan niya, and yeah, he also has that abs.

Nagulat ako nang sumunod sa paghubad ng kaniyang pang-itaas si JD na nasa tabi ko lamang. Bakit ba ang hot niya 'pag ganoon? Ugh, Irene stop being marupok. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tinignan ulit ang katawan ni JD. Shit, that mesmerizing abs.

Inalis ko ang aking atensyon sa six-pack ni JD at nagsalita. "So anong susuotin namin rito ni Russ?" I looked at these clothes I'm wearing, just a loose tee and a not-that-short kind of shorts. Pareho lang naman kami ni Russ ng suot.

"Just wear what you're wearing right now. That would do." Ani JD na hot na hot sa basa niyang buhok. Shit, ba't ba ang rupok mo Irene?

"Oo nga. Alangan naman mag-swimsuit kayo dito." Ani Sof, actually kung pwede lang, I will. Kaso wala pala akong dala. "'Tsaka baka mabastos pa kayo kung anong susuotin ninyo. Ayos na 'yan, at least hindi masyadong kita ang balat ninyo."

Napatingin ako kay Russ. "So, simulan na natin maligo Russ?"

Agad kong kinuha ang tabo at agad na ibinuhos ang tubig sa aking ulo. Malamig 'yung panahon kaya saktong-sakto 'yung medyo mainit na temperature ng tubig. Na-enjoy ko ang init ng tubig kaya patuloy ako sa pagbuhos ng tubig sa aking katawan, unlimited naman siguro ang supply ng tubig sa poso.

Naglagay ako ng shampoo at agad rin itong binanlawan. Nagsabon na rin ako at ilang beses pang nagbuhos ng tubig. Ni-try ko ring mag-operate ng poso habang tuwang-tuwa si Sof na inuubos ang tubig na pinaghirapan ko. Tsk, gago talaga.

Ilang minuto pa at nakaramdam na ako ng lamig. Pinili kong umupo sa bangko malapit sa poso. Inaaya pa nga ako ni Sof na maligo pa pero sabi ko tapos na ako. Kinuha ko ang kaunting tela ng loose tee ko at agad itong ni-squeeze. Naglabas naman ng tubig ang ginawa kong pag-squeeze.

Tinignan ko ang mga clubmates ko na tuwang-tuwa sa paliligo. Nakita kong pinagtutulungan si Ceah ng dalawang tarantado. Nilalagyan nila ng shampoo si Ceah habang nagbabanlaw habang si Ceah takang-taka kung bakit hindi mawalan ng bula. Nalaman ito ni Ceah at agad na binatuhan si Sof ng putik, agad ring nagbato ng putik si Sof pabalik, at sumama na rin si JD, mga salaulang tarantado.

I saw Russ na naglalakad palapit sa akin. Biniring niya rin ang ibabang parte ng t-shirt niya at agad na umupo sa tabi ko. "Baka matunaw Irene, hinay-hinay sa pagtitig." Aniya, tinignan ko siya ng matalim.

"Pinagsasasabi mo Russ? Tinitignan ko sila kasi nag-eenjoy ako na makita silang nag-eenjoy." I smiled. Naroon pa rin sila na busy sa pagbasa ng isa't-isa.

"Galing sumegue e. Sige na nga, sige na. Okay, hindi na magsasalita." Nagulat kami ng may sumipol sa aming likuran. Nilingon namin ito at nakita ang tatlong lalaki.

"Kamusta mga byutipul?" Tanong ng lalaki sa gitna at napasipol.

Sinenyasan ko si Russ na huwag na lamang intindihin ang sinabi nito. Agad namin silang tinalikuran ngunit muli itong nagsalita. "Uy, magpapakilala lang naman ang tao e. Kamusta kayo?"

Hindi namin sila inintinding muli at agad na tumayo. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ako ng isa sa mga lalaki sa aking braso. Aba, nakakabastos na ha? "Ano ba?! Bitawan mo nga ako." Tinanggal ko ang kaniyang kamay sa pagkakahawak sa braso ko. Naglakad kami pareho ni Russ patungo sa direksyon ng mansyon at palayo sa poso nang harangan nila kami. Hinawakan na naman kaming dalawa ni Russ ng tig-isang mga lalaki.

"Ano ba?! Sinabi kong huwag mo akong hawakan hindi ba?!" Padabog ko ulit iyong tinanggal sa pagkaka-hawak sa akin.

"Nagpapakilala lang kami mga miss. Ang se-sexy niyo kasi." Ani noong lalaking nasa gitna at agad kaming tinignan mula taas hanggang baba. Nakaramdam ako ng inis at agad na nasampal iyong lalaking iyon.

Napahawak siya ng kaniyang panga at napangiwi. "Magpapakilala lang ang tao miss, pero sinampal mo ako? Ngayon, pinilit mo akong gawin ang gusto ko."

Muli nila kaming hinawakan ng may diin to the extent na hindi na kami makagalaw. Wala kaming ibang nagawa kundi ang tumili para humingi ng tulong. "Manahimik nga kayong dalawa!" Ani noong lalaking humahawak kay Russ.

"Saklolo! May mga nambabastos sa amin dito—" Hindi ko natapos ang aking sinasabi nang takpan nila ang bibig namin ni Russ.

Patuloy kami sa paggawa ng paraan para makakalas sa mahigpit na paghawak nila sa amin. Hindi nagtagal ay nakarinig kami ng isang lalaking nagsalita mula sa aming likod.

"Bitawan ninyo sila mga repapips." Nilingon ko ang nagsalita sa likod, si Sof kasama sina Ceah at JD.

"Bakit? Sino ba kayo?"

"Mga kaibigan namin 'yang binabastos ninyo mga pare. Hindi ba kayo naturuan na mali ang mambastos ng babae?"

"Bakit? Ano bang alam ninyo sa ginagawa namin?" Nahinto sandali ang lalaking nagsasalita at napangiti ng malaki. "Nagpapakilala lang kami. Sinampal ako nitong babaeng ito..." Aniya at tinuro ako. "Kaya napilitan kaming gawin ang ginawa namin."

Tinignan ko si Russ. Sinenyasan ko siya at agad naman siyang tumango. Buti nalang at naintindihan niya 'yung sinabi ko. Nagsimula akong magbilang. "Isa... dalawa... tatlo!" Pagkatapos ng tatlo ay agad namin ni Russ na sinipa ang kanilang private part, well I think that's every man's weakness.

Agad naman kaming tumakbo palayo sa mga bastos na iyon habang sinugod sila ng tatlo naming boys, nice a three-versus-three battle, huh? Pinaulanan nila ng suntok 'yung tatlo habang hindi naman sila makagalaw.

Narito ako at chill na pinapanood naabugbog 'yung mga taong nambastos sa amin. Si Russ naman ay kanina pang nag-aalala.

"Ba't 'di ka mapakali Russ, kanina ka pa ha?"

"Sino ba naman ang hindi mapapakali kung may nakita kang nagbubugbugan sa harap mo?" Tinignan niya ako habang ako ay chill pa rin. "Okay, ikaw siguro pero ako—"

"Shush, Russ. Hayaan mo sila, 'yan ang matatamo nila sa pambabastos sa atin." Tinignan ko ulit ang rambol at tuwang-tuwa na nakikita na nasasaktan 'yung mga bastos na loko. Tsk, I even wonder kung ano nang nangyayari sa tatlo naming kulokoy pero I know they can do it.

"Hoy! Anong nangyayari dito?!" Pasigaw na ani ng isang babae. Nilingon namin siya at napagtanto na si Lola Melicia pala ito, may dala siyang maraming tuwalya sa kaniyang kamay. Agad siyang lumapit sa mga lalaking nagra-rambulan at muling sumigaw. "Hoy! Ang sabi ko magsitigil kayooo!"

Parang dragon si Lola Melicia, kakatakot hehe.

Agad naman na tumayo ang tatlo naming boys habang tumayong nakayuko 'yung tatlong manyak. Tinignan ko 'yung tatlo naming clubmate na lalaki, kaniya-kaniya sila, may tama rin sa mukha. Hayst, sana pinigilan ko nalang pala sila nang hindi na sila nagkapasa pa.

Tumingin ako sa dako ng grupo ng mga manyak. Ang dami nilang pasa at kitang-kita ang bakas ng bawat suntok na ibinigay sa kanila. Tsk, bagay na 'yun sa kanila, mga manyak!

"Anong nangyayari dito?" Tanong ulit ni Lola Melicia na nasa tabi na namin. Ibinigay ni Lola Melicia sa amin ang mga tuwalyang dala niya na siyang pinamigay ko sa bawat isa sa club namin.

"Pasensiya na po, kapitana." Ani noong lalaking nasa gitna. Ha? Kapitana?

"Hindi kita sinabihan na humingi ng dispensa! Ang sabi ko anong ginagawa ninyo?"

"Nagrarambol po."

"'Yun ang tamang sagot! E bakit naman kayo nagrarambulan?" Tanong ulit ni Lola Melicia sa tatlong manyak.

"E sila ang nauna kapitana e. Hindi naman dahil apo ng kapitana ng barangay ang isa diyan e hindi na kami lalaban sa kanila."

"At bakit ninyo naman kasi pinangunahan ang rambol JD?" JD just smirked. Instead of him answering Lola Melicia's question, Sof answered her.

"E Lola M., paanong hindi namin paatulan 'yang mga tarantadong 'yan e bastusin ba naman 'tong mga kaibigan naming babae. Makapagsalita akala mo mga inosente mga manyak naman. E kahit tanungin mo pa sila Russ at Irene." Depensa ni Sof.

Bumaling ang tingin ni Lola Melicia sa aming dalawa ni Russ. At dahil best actress ang lola ninyong si ako, pinalitan ko ang awra ng mukha ko at nagmakaawa gamit lang ang mukha ko.

"Oo lola. Minolestya nila kaming dalawa ni Russ." Ani ko at tila nagpunas pa ng luha. Tsk, pamukha natin sa mga manyak na 'to na hindi nila ako kaya. "Hinawakan nila kami sa iba't-ibang parte ng katawan namin ng wala ang anumang permiso namin."

"Totoo ba itong mga sinasabi ni Irene?" Tanong ni Lola Melicia sa tatlong manyak na kaharap namin.

"Hi-hindi po kapitana. Nagpapakilala lang naman kami. Wala na kaming ibang ginawa pa sa kanila." At nagsinungaling pa po sila. Kainis.

Tinignan ko si Russ at pinanlakihan ng mga mata, tila sinasabing suportahan mo naman ako sa pinagsasasabi ko. Mukhang nakuha niya naman iyon at nagsimulang magsalita. "Sinungaling!" Nagulat ako nang sumigaw si Russ. "Sinungaling kayong tatlo. Nakita ng dalawang mga mata ko ang pangma-manyak ninyo. Mga walang-puso, mga manyak!" Mukhang totoong-totoo ang mga sinasabi niya.

Muli akong nagsalita. "Totoo po iyon lola. Kahit hanapan ninyo pa ang mga braso namin ng fingerprint nila—"

"Hindi na kailangan Irene. Naniniwala ako sa inyo, at saka nasangkot na ang tatlong ito sa napaka-raming mga kaso ng pangbabastos sa babae, ang ipinagtataka ko lang ay bakit pinapayagan silang makapag-piyansa?" Aniya at bumaling ang kaniyang tingin sa tatlong mga manyak. "Kayong tatlo, sumama na kayo sa akin patungo sa baranggay at mag-uusap tayo. Kayo namang lima ay umuwi na ng mansyon."

Lahat kami ay sumunod sa utos ni Lola Melicia. Ipinantapal ng tatlo naming boys ang tuwalya sa naggagandahan nilang katawan kasi kanina pa raw sila nilalamig. Ako naman ay natuyo na ang suot kong damit dahil sa tagal na hindi nakapalit. Baka magkasakit ako nito e.

Naramdaman ko ang pagsiko ni Russ na nasa tabi ko lang habang naglalakad. Nilingon ko siya. "Ayos ba acting ko Irene?" Ngumiti ako at tumango. "Akala mo ikaw lang ang best actress sa atin e, huwag ka president ako ng drama club sa Hillington High nung grade ten days ko." Natawa kaming pareho.

Binaling ko ang tingin kay JD. "Hoy JD, ba't hindi mo man lang sinabi na ang akala naming ordinaryong mamamayan na si Lola Melicia e kapitana pala ng baranggay ninyo."

"You did not asked, so why would I tell you. Perhaps, halos buong araw kang kasama ni lola ko, I thought she told you about her job as the chairperson of this of this baranggay."

Napairap nalang ako at naglakad na lamang. Ugh, same old JD na napaka-pilosopo pa rin po ang kausap ko, oo, huwag na kayong magtaka.

Nandito na kami ngayon sa mansyon at nakapagpalit na ng damit. Hindi naman nagtagal ay dumating na ang oras na dapat kami ay umalis na patungo ng Maynila dahil bukas ay may pasok na.

"Oh, ingat kayo sa biyahe ha? Huwag piliting magmaneho kung talagang antok na JD at Sof hijo ha?" Bilin ni Lola Melicia.

"Opo lola." Ani Sof habang naglalakad pababa sa hagdan dala ang bagahe niya.

Hindi na kami nagtagal pa roon sa mansion ni lola dahil padapit-hapon na at baka anong oras na kami makauwi, kailangan pa naming bumawi ng tulog dahil halos wala rin kaming naging tulog dito sa Naga City.

'Twas a good memory to be with those person I wanted to be with while I'm doing my own memories. Sila 'yun ang SHC malamang. They were the bestest of the bestest person I knew and I'm lucky to meet them.

Mary Russell's POV

Nagising ako sa ingay ng alarm sa phone ko. Shit! Alas siyete na pala! Nagdali-dali akong naghugas ng mukha at agad na nagsuot ng uniform. After noon ay nagpaligo ako ng halos isang buong garapon ng pabango dahil hindi nga ako naligo, hindi ba? Tsk, kung hindi naman kasi ako nagising ng late, e 'di sana nakapagligo pa ako 'di ba?

About sa pag-uwi namin galing Bicol, inihatid kami ni JD sa kaniya-kaniya naming mga bahay, maliban kay Irene na nagpaiwan sa may terminal kasi susunduin nalang daw siya ng driver niya. Medyo nag-alangan ako noon kasi mag-isa siya sa terminal nang alas-dose ng umaga ngunit nawala rin ang pag-aalala ko sa sexy-tary (self-proclaimed sexy-tary) namin dahil in-update niya naman ako nang agad siyang nakauwi.

Agad kong ni-lock ang pinto ng bahay dahil wala naman na sina Mom at Dad, nauna na ata sa trabaho si Dad sa isang law office, samantalang si Mom, I really don't know kung saan siya pumunta. Successful kong nai-lock ang pinto ng bahay nang may maalala akong naiwan ko. Ah shit! 'Yung ID ko, hindi ako makakapasok nang wala 'yun.

Padabog at madalian kong nitanggal ang lock at agad rin itong sinarado nang makuha ang ID. Mabilis akong pumunta sa labas at nag-abang ng taxi, wala kasi 'yung driver namin malamang hinatid si Dad, buti nalang at may nakuha agad akong taxi.

Kinuha ko ang phone ko pagkatapos makapasok sa loob ng taxi at in-open ang camera app. Kinuha ko rin ang hairbrush ko at agad na sinuklay ang aking maiksing buhok sa harap ng kamera.

Nasa kalagitnaan ako ng may mag-pop out na notifications. Ang sabi ay:

One new message request from a non-friend of yours. Click this notice if you want to open the conversation...

Pinindot ko ang notice na iyon at nakita ang isang message na nasa message request ko.

Mariemar Rodriguez is waving at you...

Tinignan ko lamang iyon at agad na sinarado ang aking phone. Sino kaya 'yun. Na-intriga ako lalo at agad na binuksan ulit ang aking phone. Pinindot ko ang conversation na iyon at agad na pinindot ang 'see profile' button doon. Tumambad sa akin ang feed ni Mariemar.

She is a grade ten student from Wayne High School. An athlete as well, particularly in dancesport. Ang sabi dito, she is an avid fan of Sherlock Holmes and is a Detective Conan merchandise collector. She is also—

Natigil ako nang magsalita si manong driver. "Ineng, nandito na tayo sa school."

Tinignan ko siya. Kumuha ako ng isang libo sa aking wallet at agad na ibinigay iyon sa kaniya. "Sa iyo na po ang sukli manong. Pamasko ko na para sa inyo."

Nagtaka ang mukha niya. Paanong hindi 'yun magtataka e isang buwan pa bago ang pasko. Hayst, kahit kailan talaga Russell, palpak ka!

Agad akong tumapak sa gate ng SH at agad na nagtap ng ID. The recorded time-in ko sa araw na ito ay 7:56AM, hayst, makakarating na naman 'to kina Mom kasi naman nagsesend ito ng notice to the guardian of the student tapping here.

Agad akong pumunta sa aming clubroom. I saw them all busy with arranging the documents sa conference table. Una akong nakita ni Sof. "Uy, prexy! Buti naman at nandito ka na. Hayst, si Irene kasi naga-ala-boss na naman. Grabe mang-utos!"

Nakakuha si Sof ng batok galing kay Irene. "Ikaw naman kasi tarantado ka na nga, batugan ka pa! Ano pang silbi ng malaki mong katawan nang dahil sa pagbabarbel mo araw-araw kung sa simpleng pag-ayos ng document ay hindi mo magawa." At patuloy pa po sila sa pag-away.

Dumiretso ako at umupo sa isang conference chair sa harap ng mesa. Hinawakan ko ang isang pile ng application form at tinanong sila. "Arranged na ba 'to from the first one to apply to the last."

"Siyempre prexy, ako ang nag-ayos niyan e." Ani Sof na proud na proud sa kaniyang sinabi.

"Tarantado na nga't batugan, sinungaling pa! Huwag kang maniwala kay Sof, Russ, ako ang nag-ayos niyan. At oo, nakaayos na from the first application 'till the last."

Nabaling ang tingin ko sa aking phone nang bumukas ito at may nagpop-out na notification. Again with this message request? Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang chat ulit noong Mariemar. Nasaan na nga ba ako sa pang-iistalk sa kaniya?

---

7:30AM

Mariemar Rodriguez is waving at you...

8:02AM

Mariemar: Hello po.

You can contact her if you response any response that can be...

Russell: 👍

You can now communicate with each other...

Russell: Anong maipaglilingkod ko sa inyo?

Mariemar is typing...

Mariemar: I have a case to consult with you.

---

So it's a case huh? An outside case to be exact.

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C29
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

Get More Coins

Please switch to the pop-up to complete the payment.

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.