Forum Download app Gifts
20.68% Scene of the Crime Detectives / Chapter 6: CHAPTER 5: WHO RAPED MY COUZ?

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 6 online

Chapter 6: CHAPTER 5: WHO RAPED MY COUZ?

Chapter 5: Who Raped my Couz?

Mary Russell's POV

Nagulat kaming lahat nang biglang mawalan ng malay si JD. I thought hindi niya nainom ang maling pill, pero bakit nahimatay siya? Is he wrong about the pill having no poison? Mamaya ko na nga lang isipin 'yan!

Dali-dali naming dinala sa pinakamalapit na medical hospital si JD. Dinala namin siya gamit ang kotse ni Sof. Ten minutes later, narating na namin ang hospital kung saan rin in-admit si Sir Alvarado at idineklarang dead on arrival.

Inilapag ang katawan ni JD sa kama at pinalitan ng damit. "Hindi ho kayo pwedeng pumasok sa loob." Ani ng isang nurse na ipinagtabuyan kami sa loob bago pininto ang pinto at hinarangan ng kurtina. Wala ring nagawa ang impluwensiya ng pamilya ni Sof dahil protocol daw iyon ng bawat ospital.

Lahat kami dito sa labas ay nag-aalala habang hinihintay na lumabas ang doktor. Nakita ko naman ang mga nars na labas-masok sa kwarto ni JD. Ilang minuto pa ay lumabas na ang doktora at tinanong namin kung anong nangyari kay JD. "He was poisoned by a poisonous plant called Atropa belladona or commonly called Deadly Nightmare. But don't worry, he's now stable dahil nalapatan na siya ng antidote, buti nalang talaga at naidala niyo siya dito immediately after he took the poisonous plant. Paano nga pala siya naka-take ng nasabing poison. Never mind, pwede na nga pala kayong pumasok, call me when anything happen, aalis na muna ako, mayroon pa akong ibang pasiyente." We all nodded.

"Salamat dok." Sabay-sabay naming ani.

He was poisoned by Deadly Nightmare but not Water Hemlock? Paano nangyari iyon?

"I think the Deadly Nightmare that poisoned JD was picked the same time the Water Hemlock was picked. Buti nalang talaga at may antidote ang Deadly Nightmare kundi baka ano nang nangyari sa kaniya." Ceah said. Ceah has a point. Sinabi niya nga pala kanina na may part ng school garden na poisonous plant ang nakatanim.

Pumasok kami sa room ni JD. Mahimbing siyang natutulog ngayon. It's the first time na nakita kong hindi aburido at inosente ang kaniyang mukha. Tch! Kaya pala mayabang dahil talagang may maipagmamalaki rin pagdating sa mukha.

Bigla namang nag-unat si JD na tila ba isang sanggol na kagigising lang galing sa mahimbing na tulog. Pagkagising na pagkagising niya palang ay agad niyang iniba ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Ugh! Nag-eenjoy pa naman ako tignan ang inosenteng mukha nitong gagong 'to, baka hindi ko na kasi ulit ito makita.

Nag-iba na naman ang ekspresyon ng mukha niya nang makaramdam ng sakit at pagkahilo. Mariin niyang hinawakan ang kaniyang ulo. "Tch! Pa-cool kasi." Mahina pero sapat na para marinig kong sambit ni Irene.

"What?!" Aburidong anitong si JD. Tch! Palibhasa, malapit siya kay JD, kaya narinig siya nito.

"Wala! Sabi ko, magpagaling ka!"

"Tell me, what happened?!" Tanong ni JD at tumingin sa bawat anggulo ng kuwarto niya. "And where am I?"

"Nasa ospital ka, obvious ba?" Ani Sof. "Bigla ka kasing nahilo kanina kaya dinala ka dito."

"Ugh! I hate hospital! I hate all things in and about hospital!" Tch! Lahat naman hate mo 'di ba? Ano pa bang bago? "What happened to me? Make it clear to my confused mind?!"

"You are poisoned by Atropa belladona or Deadly Nightmare. Don't worry, that poisonous plant has an antidote, kaya nga buhay ka pa hanggang ngayon at nakakapangtaray." Panunudyo ni Ceah while JD glared at him.

Bigla namang nag-ring ang phone ko. It was Arjie Abellana, one of that CAT officers na tumulong sa amin sa imbestigasyon kay Sir Alvarado at pagdala kay JD dito sa ospital. "Wait lang guys, ah. I'll just take this call."

Pinindot ko ang accept button ng call log at nagsimulang magsalita. "Hello?"

"Hello. Is this the president of Sherlock Holmes Club? This is Arjie, speaking."

"Yeah. I'm the president of such club. Bakit ka nga ba napatawag?"

"Just want to share kung ano ang nakita namin sa CR ng culprit. We found out that there are traces of roots of Water Hemlock and Deadly Nightmare plants. Meron ding antidote for those who took the Deadly Nightmare. Lahat ng pills, pati na ang mga ininom ng mga biktima at ng suspect, ay may trace ng Deadly Nightmare pero dahil sa antidote niya, hindi siya nadidiretsuhan."

"Saan daw ba galing ang mga lason na nakuha ni Sir Alvarado?" Magulong tanong ko.

"It's from the school. Pinatunayan ng school gardener na may nawawala nga daw na mga nasabing halaman, pati na rin ang isang bote ng antidote. Kaya malamang sa malamang talaga, ang suspek ang kumuha ng mga iyon."

"Sige, salamat ho sa update."

"Sige, welcome. Bye!"

"Bye."

Pagkatapos ng phone call ay pumasok na ako sa kuwarto ni JD. "Guys. Na-imbestigahan na raw 'yung pills na ininom nina JD at Sir Alvarado. Marami pa raw pills na naka-stock sa CR ng suspect. Napatunayan ding lahat ng pills ay may trace ng Deadly Nightmare na nag-cause nga ng dizziness and paleness sa body ni JD."

"For the first time, your deduction about the pills having no poison is wrong." Panunukso ni Irene.

"Humans are capable of doing or making something wrong. Am I a god or likes who can't be wrong by any chance?"

"Tch!" Ani Irene. "Pero tuso rin pala itong si Sir Alvarado, ano?"

Bigla namang pumasok si doktora. Sinabi ni doktora na puwede na daw makalabas ng ospital si JD ngayong araw. Sa sobrang pagmamadali nga niya, agad niyang tinanggal ang dextrose at hinayaang nakabitay doon. Nagpasalamat naman ako kay doktora, bagay na hindi ginawa ni JD.

Nag-alok si Sof na siya na daw ang maghahatid sa aming lahat. I tried to decline pero hindi nagpaawat, e. Unang naihatid si Ceah, sunod si JD, sunod si Irene at ako. Nagpaalam naman ako kay Sof at sinabing mag-ingat.

Sinalubong ako ng mommy ko na naghihintay sa hapag-kainan. Meet Mommy Cheska Corpuz, ang nanay ko. She was the one who named me after Mary Russell, dahil sa kaadikan sa mystery series.

"Oh, 'nak! Musta ang second day ng school? Ayos ba? Wala naman nangyaring masama? Hay naku, nag-aalala ako, akala ko ay kung ano na ang nangyari sa iyo!" Tanong niya habang ipinaghahain ako ng kanin. Nanlaki ako sa huli niyang mga sinabi. This is the reason why I don't wanna tell mom na kasali ako sa isang detective club. She don't want me to get hurt, and by me getting hurt, she might be hurt too. And I don't want her to get hurt. Isa pa, she believed me when I tell her na Sherrinford High is just an ordinary school, she don't know that it's a detective school.

"Ayos lang naman ho mom. Si dad?"

"OT. Marami daw kasi siyang inaasikasong kaso doon sa Regional Trial Court." Aniya. Yep, my father is a prosecutor. "Ah, nak! Kilala mo ba si Jocie Sanggubio?" She always used to divert topics.

"Ah, 'yung pinsan kong nagahasa? Oo mom. Bakit?"

"Nanganak na siya. Gusto mo, bisitahin natin sa weekend?"

"Ang akala ko dapat sa August pa siya manganganak?"

"Ah. Nanganak ng hindi sa oras dahil sa kaiisip ng kung sino talaga ang nanggahasa sa kaniya."

"Premature baby. Kawawa naman. Sige mom, puntahan natin sa weekend."

"Sige na. Late na, e. Matulog ka na pagkatapos kumain, ah." Tumango ako sa kaniya.

-----

Sa awa ng diyos ay wala namang nangyaring ibang insidente sa loob ng Sherrinford High maliban sa dalawang kaso ngayong first week of the school year 2019-2020.

Ngayong araw ay naghahanda ako para pumunta sa ospital para bisitahin ang first cousin kong si Jocie Sanggubio, na nanganak noong martes. She's my first cousin dahil si Mommy Cheska at ang kaniyang inang si Tita Cherry ay magkapatid.

"Nak! Ready ka na ba? Halika na, baka maabutan pa tayo ng traffic." Ani Mommy Cheska.

"Opo mommy! Pababa na po!"

After waiting for a while, a cab stopped in front of us. Sumakay kami ni mommy sa taxi, dala kasi ni daddy 'yung kotse kaya napilitan kaming mag-commute. "Mom?" I called her.

"Hmm?"

"Anong oras umuwi si dad kagabi?" Tanong ko. Mukha kasing nawawalan na ng oras si dad kay mom. Kung sa akin, ayos lang naman, I understand his situation, being busy and all. Pero kung kay mom, nag-aalala ako sa kaniya kasi baka nagkakalabuan na sila at ayoko namang maging broken ang family ko. Sa sobrang busy nga ni dad, hindi na niya ako nabigyan ng kapatid.

"Hindi siya umuwi nak, e. Marami raw talagang ginagawa sa office." Malungkot na ani mom.

"Ayos ka lang ba, mom?"

"Siyempre naman! Bakit? Mukha ba akong problemado?" She tried to be happy at alam kong para 'yun sa akin. Tumango ako, nanatili na lamang na tahimik at pinagmasdan ang mga lugar na nalalagpasan ng sinasakyan naming taxi.

Thirty minutes after ay narating na namin ang St. Elena's Medical Center, ang ospital kung saan naka-admit ang pinsan ko at kung saan din na-admit si JD last tuesday. We went straight to the front desk ng ospital at tinanong kung anong room number ni Jocie Sanggubio. Sinabi naman ng nurse ang number nito kay mom and after she did that, she looked at me na parang nakita na niya ako dati.

"Are you that girl na kasama nung poging lalaking nalason nung tuesday?" Nagtaka naman si mom sa sinabi niya.

"Ah - ye-yes. A-ako nga 'yun. Bakit?" Awkward kong ani.

"Wala naman. Natandaan ko lang. Just say hi to that poging man for me. Siguro naman gising na siya." Maarteng ani nito.

"Si-sige. I will." Nginitian niya ako bago ako magpaalam.

Dahil sa narinig ni mom na tsismis ng nurse, hindi niya napigilang ma-intriga. "Totoo ba 'yung sinabi ng nurse sa 'yo? Sino 'yung poging boy? Boyfriend mo?"

"Mom!"

"Bakit? Nagtatanong lang naman, ah. Sagutin mo nalang kasi."

"Hindi ko siya boyfriend. At hindi lang kaming dalawa ang pumunta dito sa ospital. May kasama pa kaming tatlo dito. Siguro 'yung si JD lang ang napansin niya dahil talande din 'yung babae."

"Ah~! JD pala ah." Tch! Pinagti-trip-an ba ako ni mom? "Bakit nga pala siya nalason? Totoo bang nalason siya."

"Yeah. He was poisoned by a poisonous plant called Deadly Nightmare."

"Paano?"

"Nah! It's none of your business. Mabuti pa, bilisan na natin dahil baka naghihintay na si Jocie doon."

"Tch! Ang kuripot naman nito magbigay ng detalye."

Yeah. My mom's 42 years old na but she looks and acts like a 25 years old. Gusto niya raw kasi maging millenial para mapansin siya ni dad at baka masundan pa nila ako. If mangyari 'yun, I would be so much glad.

Narating namin ang room seventy-three, ang room ni Jocie. Nadatnan kong tulog ang ina niyang si Tita Cherry. Naroon rin si Jocie na nakatingin sa bintana sa gilid. Nang mapansin niya na may pumasok, nakita kong pinunasan niya ang kaniyang mata at ngumiti ng pilit sa amin.

"Oh, Russ, Tita Cheska, ano pong ginagawa ninyo rito?" Tanong nito sa amin.

"We just want to visit you and your baby. Kamusta ka na?" Tanong ko sa kaniya at umupo sa katabing monobloc ng kaniyang kama.

"Sana sinabi ninyo nang nakapaghanda kami. Ang dumi pa dito oh." Aniya bago pinulot ang mga orange peelings at inilagay sa empty plastic bag.

"Ayos lang 'yun Jocie. Immune na ako diyan. At saka, huwag ka munang magalaw, baka mabinat ka." Nginitian niya ako bago muling natahimik.

Biglang nag-unat si Tita Cherry sa couch na kinatutulugan niya. Nagulat siya nang makita kaming dalawa ni mommy. Pinunasan niya ang mga natuyong laway sa pisngi niya, mukhang galing sa mahimbing na tulog.

Base sa mukha niya, mukhang puyat at pagod si Tita Cherry sa kababantay ng anak at apo niya. Batang-bata pa si Tita Cherry para maging lola. Maging si Jocie na 19 years old lang ay bata rin para maging ina. Kung hindi sana siya ginahasa ay mukhang maitutuloy niya pa ang pag-aaral niya. Pero kahit naman na ina na siya, makakapag-aral siya. Mayaman ang estado ng pamilya nina Tito Andrew, ang papa ni Jocie.

"Oh, Cheska, Russell, hindi kayo nagsabing bibisita kayo."

"Bakit ate? Bawal ba?" Ani mommy na ngumiti-ngiti pa. Nagbeso siya kay tita bago ako.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Tita Cherry. Bigla namang kumalam ang sikmura ko.

"Hindi pa nga, e." Ani mom. "Tara, bili tayo ate. Iwanan natin ang magpinsan para makapag-usap naman sila. Matagal-tagal na rin simula nang huling magkausap ang magpinsan, e."

Thanks to mommy dahil makakapag-usap kami ng walang ibang tao. I don't know but something is in my mind is pushing me to investigate this **** case. Matapos lumabas nina Tita at Mom ay agad kong tinanong ang aking pinsan. "Jocie, huwag mong mamasamain ang itatanong ko, ah. Pero paano nangyari 'yung panggagahasa sa iyo?"

Nangilid ang luha niya sa kaniyang mga mata. "Totoo ba ang sinabi mo sa mga pulis na wala kang alam sa nangyaring panggagahasa. You know, Jocie, I'm here to hear everything you want to say."

Bigla siyang naluha sa tinanong ko. He wiped it at napasinghot. "Kung may sakit ka pang nararamdaman at hindi mo pa kayang sabihin ang detalye, naiintindihan ko."

"Hindi. Ayos lang naman. At saka mas ayos na rin 'yung may masasabihan ako ng mga bagay na hindi dapat sinasarili. Hindi ko na nga sinabi sa pulis, tapos sa pinsan ko, hindi pa rin? At saka, alam kong mapagkakatiwalaan kita." I smiled at her.

"Sige. Ituloy mo."

"December 3, 2018, 9:30 PM. Lunes noon, naglalakad ako noon patungo sa bahay galing sa OJT, sa call center iyon, knowing na I'm an IT student. May nagtakip ng panyong may kakaibang amoy sa akin. Nahilo ako kaya madali niya lang akong nalagay sa tricycle at pinaandar iyon. Pinilit kong mukhaan ang mukha niya pero nakatakip siya ng face mask. Dinala niya ako sa liblib na lugar, bukid ata 'yun. Doon na niya sinimulan ang pangbababoy niya sa akin..." Nagsimula na siyang humikbi at lumuha. "Masakit kaya pinilit kong lumaban pero malakas siya at hindi paawat. Nang matapos siya sa purpose niya, dinala niya ako sa tricycle at iniwang walang malay sa harap ng pinto."

"Hayop lang at halang ang bituka ang may kayang gumawa niyan! Fuck that man, hindi man lang ma-kontrol ang tawag ng laman!" Paglalahad ko sa aking damdamin. "Ah, Jocie. Sa tingin mo, sino ang pwedeng may gawa niyan sa 'yo?" Tanong ko.

"Sa totoo lang Russ? May apat akong suspect..." And here goes my suspect list. "First, si Jak Añonuevo. Twenty-two years old siya at isa siyang tambay na nanliligaw sa akin. Hindi ko siya pinapansin hindi dahil mahirap lang siya kundi hindi ko lang talaga siya type. Second, Simon Ibarrafuente, twenty years old. Isa siya sa pinakamasigasig kong suitor. Anak siya ng business partner ni papa. Third is Roberto Dela Rosa, siya ay kuwarenta-y-dos aniyos ata. Alam kong matanda siya pero nakikita ko sa tingin niyang may pagnanasa siya sa akin kaya madalas ko siyang iniiwasan. Last, Edilberto Añoso Jr. Twenty five years old na siya. Isa siya sa officemate ko sa OJT ko sa call center, regular siya sa call center. Nagtapat siya sa akin ng kaniyang pagtingin last last week."

"Saan nakatira o saan ko makikita ang mga sinasabi mong supect?" Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-5-who-raped-my-couz_40764811100872340">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-5-who-raped-my-couz_40764811100872340</a> for visiting.

"Si Jak, doon sa TODA doon sa amin. Palagi siyang nakatambay doon. Si Simon, nasa kabilang subdivision lang, Blk. 4, Lot 7. Si Roberto, nagtatrabaho doon sa karinderya sa street namin. Si Edil, sa office, day shift ata siya ngayon. Ay - teka, teka, teka! Bakit mo ba tinatanong?"

"Ah, wala. Tinatanong ko lang." Ani ko, "Ano nga pala ang blood type mo at ng anak mo?"

"Ako, AB. 'Yung anak ko, tignan mo 'tong certificate of birth niya. Baka nandiyan 'yung blood type." Ibinigay niya sa akin ang envelope. Kinuha ko ang birth certificate ng pamangkin ko at tumambad ang; blood type: A. "Alam mo Russ, you're acting weird."

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito sina Tita Cherry at Mommy Cheska. Inilapag nito ang mga pagkain. Natakam ako sa sarap ng amoy. "Oh, kumain na tayo."

Ugh! Kumakalam pa ang tiyan ko pero kinakalam rin ng utak ko ang sarili ko na hanapin kung sino ang nanggahasa sa pinsan ko. "Mom, tita, Jocie, alis muna ako. May pupuntahan lang ako."

"Kumain ka muna."

"Huwag na po busog pa po pala ako, hehe." Sabi ko kahit na alam kong hindi pa naman, huhu. Actually, I went to the hospital to visit my cousin, finding the rapist isn't on my purpose.

Dumiretso ako sa subdivision nina Jocie. Hindi na ako pumasok dahil nasa labas rin naman ang TODA. Nakita ko ang isang lalaking nagsisigarilyo sa labas. Nilapitan ko 'to at tinanong. "Kilala mo ba si Jak Añonuevo?"

"Ako 'yon Miss. Bakit? Anong kailangan mo?" And there goes my first suspect.

"Nasaan ka noong December 3, 2018 nang alas nueve-y-media?" Diretsong tanong ko sa kaniya.

"Ano 'to miss? Lokohan? Ang tagal na nun, at saka sino ka ba?"

"Hindi na importante kung sino ako. Ang importante ay kung ano ako. Isa akong detective at isa ka sa mga suspect ng isang kasong hinahawakan ko. Kaya kung ayaw mong makulong, sagutin mo nalang ang tanong ko." Mapanakot kong ani.

"Ba-baka nandito lang ako sa TODA. Ito kasi ang madalas kong tambayan."

"Anong blood type mo?" Ani ko.

"Hindi ko alam miss. Hindi pa naman ako nakakapa-test ng mga ganiyan-" Dahil sa sinabi niya, kinuha ko ang kamay niya at sinugatan ang isang daliri gamit ang kutsilyong nasa bulsa ko. Agad na may dumaloy na dugo roon at inilagay ko ito sa plastic vial. Kumuha ako ng masking tape at ni-label-an iyon ng 'Suspect 1'. "Aray ko naman miss! Bakit mo ginawa iyon? At saka ano bang kaso ang sinasabi mo."

"Wala ka na dun. Ibigay mo sa akin ang cellphone mo. Ilalagay ko ang number ko at kapag tinawagan or tinext-an kita, sumunod ka kundi mamamatay ka nang wala sa oras." Ibinigay naman niya sa akin ang keypad cellphone niya at ti-nype ko doon ang number ko.

"Sus! Gusto mo lang pala ako maging textmate, sana sinabi mo na sa akin nang maaga nang hindi na tayo humantong sa madugong usapan. Ang sakit kasi, e."

Hindi ko inintindi ang mga sinabi niya at sa halip ay dumiretso sa loob ng subdivision nina Jocie. Alam ko naman ang bahay nila kaya kung ano mang karinderya ang malapit sa bahay nila, malamang nandoon ang pangatlong suspek.

"Nasaan ho si Roberto Dela Rosa?" Tanong ko sa isang babaeng young adult.

"Ay, Kuya Bertu, may naghahanap hu sa 'yu." Ani ng isang babaeng server ng pagkain.

"Sino raw?" Ani ng isang lalaking nagpupunas ng kaniyang basang kamay habang papunta sa harap ko.

"Ikaw ho ba si Roberto Dela Rosa?"

"Oo, bakit? Sino ho ba siya?"

"Isa ho akong detective galing sa NBI. Isa ka ho sa suspek ng isa kong hinahawakang kaso. Sagutin mo nalang po ito kung ayaw mo ng gulo. Nasaan ka noong December 3 nang nakaraang taon, mga alas nueve-y-media?" 'Yang unang kong sinabi is a lie. Hehe, para maniwala sila.

"Gabi na kaya siguro nag-aayos ako ng mga gamit dito sa karinderya, bakit?"

"Huwag mo na hong itanong kung bakit. Ano ho ang blood type mo?"

"Sa pagkakaalam ko, B."

"Ito ho ang numero ko kaya kung may nagtext sa 'yong ganiyan na number, ako 'yan. Sundin mo ang sasabihin ko kung ayaw mong makulong." Ibinigay ko sa kaniya ang papel na may numero ko bago nagpaalam at umalis.

Sunod kong pinuntahan ang katabing subdivision para tignan ang pangalawang suspek, si Simon Ibarrafuente. Pumasok ako sa subdivision at hinanap ang bahay ng suspek. Isang malaking bahay ang bahay niya, malamang isa talagang marangyang pamilya ang meron siya. Nag-door bell ako at may lumabas na lalaking nakasando at naka-shorts lamang. Hawak niya ang kaniyang phone na nakasaksak sa nakapasak na headphone sa kaniyang tainga. Agad niya iyong inalis at tinanong ako. "Sino ho sila? Kung si dad ang hanap ninyo, wala ho siya rito."

"Ang hanap ko ay si Simon Ibarrafuente." Nabigla ang mukha niya nang marinig ang kaniyang pangalan.

"A-ako 'yon."

"Asan ka nung December 3, 2018? 9:30 PM?"

"Lunes 'yan diba?" Aba'y alam na alam niya. "'Yan kasi 'yung tenth monthsary namin nung ex-gf ko na sobra kong minahal. Mga 9:30 PM? Siguro nasa café pa kami nun, nag-date kasi kami ng ex ko. Bakit pala?"

"Taga-NBI ako. Huwag ka nang magtanong ng magtanong. Sumagot ka nalang, anong blood type mo?"

"AB, bakit?"

"Salamat." Umalis na ako sa harap ng bahay nila. Nakita ko namang napakamot ito ng ulo. Nagtataka yata sa mga inaasal ko.

Sunod kong pinuntahan ang office ng call center nina Jocie. Kausap ko na ngayon si Edilberto Añoso Jr. Ipinaliwanag ko na rin sa kaniya 'yung mga sinabi ko sa mga naunang suspek. Nauna ko na ring ibinigay ang numero ko sa kaniya. "Nasaan ka nung nasabing petsa at oras?"

"Nung December kasi, night shift ako. Kaya malamang, nasa office."

"Anong blood type mo?"

"O."

"Sige, salamat."

Bumalik ako sa hospital at pumunta sa doktor na nagsusuri ng blood type at ibinigay ang blood type ng unang suspek. Ang resulta ay A.

Bumalik ako sa room ni Jocie at nagtanong at nagtanong sila kung saan ako pumunta. Gumawa nalang ako ng alibi para hindi nila mahalata na iniimbestigahan ko ang kaso ni Jocie, bagay na hindi kayang gawin ng mga pulis nang walang tulong at kooperasyon ni Jocie.

Ti-next ko ang numero ng una, pangalawa, pang-apat na suspek. Ang sabi ko kasi, pagkaalis na pagkaalis ko palang sa harapan nila, i-text nila 'yung number. Buti sumunod 'yung mga loko.

At 'yun nga. Ti-next ko si Añonuevo, Ibarrafuente, at Añoso na pumunta at mag-antay sa gate ng St. Elena's Medical Center. 'Yung matanda naman, hindi ko na pinapunta.

Agad silang pumunta sa ospital. Sinundo ko sila at idinala sa kuwarto ni Jocie. "Sinu-sino 'yan anak?" Tanong ni mom.

"Ito 'yung mga suspek sa panggagahasa sa pinsan kong si Jocie." At ipinakita ko ang mga mukha ng tatlong loko.

"Apat sila, Russ. Asan si Mang Berto."

"Hindi ko na pinapunta rito. Inosente siya sa kaso. Ang blood type niya is B. If a mother has blood type AB and the father has a blood type B, the child will be 50% AB or 50% B. At dahil type A ang anak mo, hindi siya ang nanggahasa sa iyo. At isa pa, kapani-paniwala rin ang alibi niya at pinatunayan iyon ng iba niya pang kasamahan sa trabaho."

"Ibig sabihin nasa tatlong iyan ang nanggagahasa sa anak ko?" Nanggagalaiti si Tita Cherry habang dinuduro ang tatlo.

"Exactly, tita. And I already know who this rapist is. But let me first make an introduction." Ani ko. "This Jak Añonuevo is type A. Maaaring siya nga dahil kapag nagkaroon siya ng anak sa babaeng type AB, the child will be 50% A and 50% AB. This descent man named Simon Ibarrafuente is type AB. If he and a girl with type AB also produce a child, there's a 25% probability na type A ang anak niya. Itong officemate mong si Edilberto Añoso Jr., ay type O. His child to a type A mother has a 50% probability na A ang blood type nito."

"Nalaman mo na ba talaga kung sino talaga sa kanila ang naggahasa sa akin?" Umiiyak na tanong ni Jocie.

"Just like what I said, I have a hypothesis kanina pa, and when I interviewed them. Na-prove ang suspetya ko." Pagpuputol ko. "The one who raped you is no other than this 22 year-old tambay na palaging naroon sa TODA. Jak Añonuevo."

"Anong pakulo ito ha, miss? Hindi ako ang nanggahasa sa kaniya. Huwag kayong maniwala diyan sa babaeng 'yan. Sige, anong rason mo na magdidiin na ako talaga ang nanggahasa sa kaniya, huh?"

"Ang nang-rape sa kaniya ay marunong mag-drive ng tricycle. Since nasa TODA ka palagi, hindi malayong matutunan mo kung paano magmaneho nun. This spoiled brat na anak ng business partner ni Tito Andrew ay halatang hindi marunong. Mayaman 'to kaya hindi malayong ang unang matutunan nito ay magmaneho ng kotse. Itong si Edilberto, tama ang sinabi niyang alibi. Nakita ko ang logbook nila sa office, he timed in at 7:00 PM and timed out at 6:00 AM, proving his innocence."

"Hindi! Dahil lang ba diyan sa mga rason mo, maniniwala na sila?"

"Marahil ako na tao ay may kapasidad na magsinungaling ngunit ang DNA Test ay hindi. Nakakuha ako ng strand ng buhok mo ng hindi mo namamalayan, Jak. Maging si Simon na nagkamot kanina ay nalagasan ng buhok, bumalik ako sa bahay nila at kinuha ang strands na 'yon. Si Edilberto, hindi na kailangan dahil suportado na siya ng ebidensyang nagsasabing inosente siya at 'yun ay ang logbook." Inilabas ko ang dalawang envelope. "Itong papel na ito ay naglalaman ng DNA Faternity test ng dalawa sa inyo sa anak ni Jocie. Kay Simon Ibarrafuente, negative ang lumabas, 0.001% lang. At sayo Jak Añonuevo, 99.9978%, positive. Kaya ano? Hindi mo pa talaga aaminin na ikaw talaga ang may gawa nun kay Jocie?"

"Oo na! Aamin na ako. Ako nga ang gumahasa kay Jocie."

"Walang hiya kang hayop ka! Niyurakan mo ang pagkatao ng anak ko! Mabulok ka sa kulungang hayop ka!" Nanggagaliting ani ni Tita Cherry na pinipigilan naman ni Mommy Cheska.

"Bakit mo nagawa ito Jak?" Lumuluhang ani ni Jocie. "Bakit mo nagawa ang kahayupang iyon? Pinagkatiwalaan kita!"

"Natatakot lang ako na baka mapunta ka sa iba. Mamamatay ako kapag nangyari iyon." Lumuhod siya habang unti-unti nang humihikbi. "Patawarin mo ako Jocie. Patawarin mo ako. Nagawa ko lang iyon dahil mahal na mahal kita!"

"Should I call the police now?" Tanong ni mom habang hawak ang kaniyang phone.

"No." Nagulat ako sa sunod na sinabi ni Jocie. "Huwag ninyo siyang ipakulong."

"Bakit, Jocie?"

"Ayokong lumaki ang anak kong makitang nasa kulungan ang tatay niya. Ayoko maging tampulan ng tukso ang anak ko dahil sa katarantaduhan ng kaniyang ama. Hindi ko siya ipapakulong as long as maibibigay niya ang pangangailangan ng anak ko." Nagulat ako sa narinig ko. Pero bakit ba dapat akong magulat? Knowing Jocie na super bait, hindi na dapat ako magulat.

Nagkasundo ang dalawang kampo na magbibigay ng five thousand pesos each month si Jak para sa maintenance ng gatas ng anak nilang dalawa ni Jocie. Pumayag naman ang kampo ni Jak at sinabing magpapakapagod sa trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang anak niya.

At last! The case was closed!

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C6
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.