Forum Download app Gifts
27.58% Scene of the Crime Detectives / Chapter 8: CHAPTER 7 • PART II: DRINKS, DRUGS AND DANCE

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 8 online

Chapter 8: CHAPTER 7 • PART II: DRINKS, DRUGS AND DANCE

Chapter 7 • Part II: Drinks, Drugs and Dance

Irene Adler's POV

Sino ba kasi itong lalaking kanina pang tinatapik-tapik ni Russ? Is he the boyfriend of our dear president kaya galit na galit siya na makitang may kasama itong iba? Or maybe one of many important men of her life? Ugh! I hate being curious. Feed my curiosity please!

"Excuse me..." Putol na ani Russ. "Excuse me... Dad?"

Wait, what?! This man whose flirting with some other gals is her father? Naku! Kahit ako rin naman na nasa gan'tong sitwasyon, tiyak magagalit ako kung makita kong ganito si dad!

Sa wakas ay tumingin na ang lalaking nakatalikod kay Russ. Patuloy ko lang hinawakan sa braso si Russ, baka kasi ano pa ang magawa nito sa ama niya. "A-anak?! A-anong ginagawa mo rito? Bawal ka dito ah?!"

"'DI BA I SHOULD BE THE ONE TO ASK YOU SUCH QUESTION?!" Galit na ani Russ. Ramdam ko na bumabaon ang mga mahahaba niyang kuko sa palad niya dahil sa pag-contract ng muscles sa braso niya. "WHAT ARE YOU DOING HERE?!"

"Wait! Mali yata ang iniisip mo anak-" He defended but Russ eventually cut it.

"I'M NOT YET DONE TALKING!" Galit na galit na ani Russ. Nakita ko namang marami na ang taong nagsisitinginan sa amin. "WHY ARE YOU FLIRTING WITH SOME OTHER GIRLS?! UGH! SANA INISIP MO MUNA 'YUNG RELASYON NINYO NI MOM! NAISIP MO RIN BA KUNG AYOS KAYO NGAYON? NAISIP MO BA KUNG ANO ANG MAGIGING CONSEQUENCE NITONG GINAGAWA MO SA PAMILYA NATIN?!"

Dumating naman agad ang kaninang nakaupong sina Ceah at Sof sa lugar naming dalawa ni Russ. "Anong nangyayari dito? Bakit sumisigaw si Russ?"

"Long story ata. Basta ang alam ko lang ay nakita ni Russ ang dad niya na nakikipagharutan sa ibang babae dito sa bar." Halos pabulong na ani ko sa kanila. Mabuti nang hindi na niya marinig ang sinabi ko baka pagkamalan niya pa akong tsismosa.

"Stop making a scene here, Russ. Let's just talk about it when we reach home. Umuwi na tayo." Aniya at hinawakan ang kabilang braso ni Russ. Agad namang itinanggi iyon ni Russ.

"BAKIT, DAD? TAKOT KA NA MALAMAN NG IBANG TAO KUNG GAANO KA KAWALANG-HIYA?!" Ani Russ.

"Russ, I'm your father kaya sumunod ka sa akin!" Ani ng dad ni Russ. "Let's go home, baka nakainom ka lang. Pag-usapan natin ito sa bahay."

"FIRST OF ALL, HINDI AKO UMINOM. I KNOW I'M A MINOR TO DRINK! SECOND, I WON'T GO HOME WITH A STUPID JERK, AND THAT'S YOU! THIRD, DITO NATIN ITO PAG-UUSAPAN! NGAYON, BAKIT KA NANDITO?!" Galit pa ring ani Russ.

"Respect me, Mary Russell! Kahit irespeto mo lang ako bilang ama, kahit hindi na bilang tao."

"RESPECT! THAT'S TOO MUCH BIG WORD TO FIT YOU! GUSTO MO NG RESPECT? BAKIT HINDI MO MUNA NAISIP I-RESPETO ANG PAMILYA NATIN, LALONG-LALO NA SI MOM?! HA?!"

"Let's go home, Russell. Stop this stupid, senseless conversation."

"WELL, STOP DIVERTING THE TOPIC." Ani Russ bago nagpahingang saglit. "DAD, YOU KNOW YOU'RE AN ATTORNEY, RIGHT? YOU GAVE OTHER PEOPLE JUSTICE YET YOU CHOSED GIVING OUR FAMILY A GODDAMN CRIME OF PASSION?! HOW DARE YOU, DAD?! HOW DARE YOU?!"

"Stop! Stop right now, Russell!" Ani ng kaniyang ama. "You know I loved your mother! I loved you also. I loved our family! Hindi ko magagawa ang katarantaduhang ito. It's a misinterpretation!"

"LOVED?! PAST TENSE, RIGHT? MEANING YOU LOVED US BACK THEN BUT NOT NOW!" Humahagulgol na ani Russ. Mukhang wasak na wasak na ang puso ni Russ sa nararamdaman niya ngayon. "MISINTERPRETATION? 'YUNG NAKITA KO PALANG NA NAKIKIPAGHARUTAN KA SA IBANG BABAE, EBIDENSIYA NA 'YUN NA NAGTATAKSIL KA SA PAMILYA NATIN! YOU'RE A VERY GOOD ATTORNEY, RIGHT? WHY DIDN'T YOU PLANNED TO HIDE THE EVIDENCES AGAINST US PARA HINDI NAMIN MALAMAN?"

"Russ, tama na. Baka atakehin ka ng asthma mo." Ani ko. Alam ko na rin kasing hinihika siya kapag nasa intense situation siya.

Bigla naman siyang tumahimik. Humangos siya ng humangos. What?! Bakit ngayon pa siya hinika? Seriously? In this kinda situation?

"Anak, ayos ka lang?" Tanong ng ama niya bago siya hinawakan. Hindi man siya nakakapagsalita, nanlisik ang mata niya sa kaniyang ama, thus telling him to go away.

"Hinihika po siya Mr. Corpuz." Sabi ko sa kaniyang ama.

"Do you know where is her inhaler?" Tanong ng ama niya.

"Ang alam ko po nasa bag niya iyon palagi." Ani ko. Binaling ko ang tingin ko sa nag-aalalang si Ceah. "Ceah, pwede ka bang bumalik sa car. Kunin mo 'yung inhaler niya. Please, dali."

"Sige, sige." Mabilis siyang tumakbo patungo sa labas. Naku, baka anong mangyari kay Russ. Madali namang bumalik si Ceah dala ang bag ni Russ.

"Ikaw na kumuha. Baka may makita pa akong unusual thing sa loob." Tch! Iba din talaga itong si Ceah. Kinuha ko ang pink backpack niya, 'yung gamit niya sa pagpasok sa eskuwela. Hinalungkat ko ang gamit niya, hindi naman naging mahirap ang paghanap ng kaniyang inhaler dahil naroroon lang ito sa maliit na bulsa ng kaniyang bag.

"Ito na ang inhaler mo Russ." Nanghihinang kinuha iyon ni Russ. Tinanggal niya ang takip at sinimulan na ang pagpindot dito. Nang makaluwag luwag ay napagdesisyunan na rin naming idala si Russ sa kotse at hinayaan siyang magpahinga roon.

Nag-presenta naman ang kaniyang amang siya na lang ang magdadala kay Russ pero ayaw nitong si Russ, probably, galit pa siya. Walang nagawa ang ama niya kundi umuwi nalang ng bahay at antayin si Russ na umuwi.

Bumalik ako sa loob ng bar. Bumalik na rin ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa, pati si Dirk at Edward na kaninang nakikitsismis din. Nasaan na nga ba si JD? Ang dami nang nangyari pero patuloy pa rin siyang nakikipagharutan sa kaniyang babae, tch!

Speaking of the furious devil, nagtatakbong bumalik si JD sa kampo namin. Wala namang kahit na anong gusot sa damit niya at ganoon pa rin ang ayos tulad ng dati, pinagloloko ba ako nito? Nakipagharutan siguro siya pero walang gusot ang damit. "I heard about what happened to Russ, is she okay?"

"Wow, concerned. Oo, nandoon na siya sa kotse, nakuha naman namin 'yung inhaler kaya natigil na rin ang hika niya."

"What happened exactly?" Tanong nito.

"Such a long story to be told. Ikaw, saan ka ba galing?"

"I came from the second floor, where the office of the manager slash the owner is located. I found out that they have this supplier and is a big drug syndicate. I also heard that they have no permission to run or operatr a business but they have a protector, a senador and the mayor of the city particularly."

"Should I call the police?"

"Now? Yes, you should. Pero huwag kayong magpapahalatang tinawagan natin ng pulis. Tell 'em to make this operation like an undercover operations."

Kinuha ko ang phone sa bulsa at nag-umpisang tawagan ang number ng hotline ng pulis. Hindi ko na ginawang patagalin ang phone call dahil baka may makahalata. Sinabi ko ring kami ang school detectives na pinangangalagaan ni PJ.

Nag-abang kaming apat nina JD, Ceah at Sof sa pinto ng bar. Sinabi ko kasing maghihintay kami sa pinto ng bar at sasalubungin ang mga undercover agent ng mga pulis. Sunod-sunod na pumasok ang tatlong lalaking naka-sibilyan.

"Kayo ba 'yung tumawag sa amin na nag-tip na may nangyayaring iligal dito sa bar na ito?" Tanong ng isa. I think I saw him. He's one of the police officers na nagbabantay sa kuwarto ni Sir Alvarado noong nakaraang linggo. The other police officer is his partner in securing Sir Alvarado's room sa mental hospital. 'Yung isa hindi ko kilala.

"Yes, kami po 'yun." Ani Ceah. We already told him and Sof this. "May nangyayaring illegal drug transactions ho dito sir. Nagpapapasok din sila ng minor dito sa bar na ito and I think na ang iba sa dancer ng bar na ito ay minor din. I heard din po na wala silang permission to run a business, pero matatapang kasi may protektor, si Mayor Isagani Bartolome at isang senador, the senator's name is not clear."

"Tch. Triple crime. Okay then, salamat sa tip. You can now go home at kami na ang bahala dito." Lumabas kami ng bar pero hindi namin sinunod ang utos ng mga pulis na umuwi na sa bahay, bagkus ay pumunta kami sa kotse ni Sof at nag-abang nalang ng kung anong mangyayari sa operasyon ng mga pulis.

"Anong nangyari? Bakit kayo lumabas ng bar?" Salubong na tanong ni Russ.

"The police officers will be the one to handle this case." Ani JD at bumaling kay Russ. "I hate asking this question but are you okay?"

"Nakakapanibago, ah. Charot lang, oo JD ayos lang ako." Alam kong pinipilit ni Russ na ngumiti kahit na masakit pa rin sa kaniya ang mga nangyari kanina.

"Good."

"Hoy kayo pala JD at Sof, bakit kayo uminom kanina? Bawal 'yun ah!" Ani Russ. Maybe she didn't know the reason kung bakit nakakapag-inom na sila ng alcoholic beverages.

"We're in the right ages, Russ. JD and I are both in legal age na para uminom. Eighteen years old na kaya kami. Transferee ka nga pala kaya hindi mo alam."

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang sirena ng mga police car. Nagkaroon din ng komosyon sa loob ng bar. Dinig na dinig sa labas ang tilian ng mga tao sa loob ng bar. Nagkaroon din ng mga tunog ng putok ng baril.

Hindi nagtagal ay dala-dala na ng mga pulis ang lahat ng tao sa loob ng bar sa labas. Nakatalukbong ng kumot ang mga babaeng dancer ng bar. Buti nalang at umuwi na ang daddy ni Russ kundi baka nahuli rin siya ng mga awtoridad.

"We're going outside and ask the police the details. We need details for our narrative report." Sabi ni JD bago lumabas at naglakad patungo sa mga pulis. Aba'y hindi na kami hinintay na lumabas.

Lumabas kaming lahat at sinunod si JD. Mukhang nagulat naman ang mga pulis nang makita kaming lahat. "Ang akala ko umuwi na kayo. Bakit pa kayo nandito?"

"Sorry for not following your command, sir. Hindi po kasi kami makukuntento kung walang malinaw na detalye sa kasong ito. At saka isa pa, kailangan din ho namin ng details for our club's narrative report." Ani ko.

"Sige, sige. Pero immediately after naming sabihin sa inyo ang details ay umuwi na kayo ha? Bata pa kayo at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo."

"Ano po bang kaso - or should I say, mga kaso ang isasampa ninyo sa may-ari ng bar?"

"Marami-raming kaso rin nga ang isasampa sa kanila. Tarantado kasi 'yung may-ari." Ani ng isang pulis at tumingin sa isang bakla. "Una 'yung operating without license, kahit namang sabihin nilang may protektor sila, nilabag pa rin nila ang batas. Pangalawa 'yung paglabag sa violence against women and child act, napag-alaman naming 'yang mga menor de edad na dancer ay binabayadan para makipagtalik sa kanila. Pangatlo ay ang child trafficking, dahil pinipilit ang mga menor de edad na sumayaw sa entablado ng halos hubo't hubad. Isa pa, e 'yung pangungunsinti nila sa mga bata na pumasok sa bar. Tambak na kaso ang kakaharapin ng may-ari kaya alam kong mabubulok ito sa bilangguan."

"E, ano pong mangyayari sa protektor nila? Sino po pala 'yung senador na sinasabi nila?" Tanong ni Sof.

"Kakasuhan din ang mayor ng siyudad na si Isagani Bartolome dahil sa pagpo-protekta sa isang iligal na gawain. Nagmamaktol naman ang may-ari na sabihin ang sinasabi niyang senador na pumo-protekta sa negosyo niya."

"Last question po, ano po ang pangalan ng may-ari ng bar?" Tanong ni Ceah.

"Mother Bubbu Barde ang tawag nila sa may-ari ng bar. Sikat siyang gumagawa ng pornographic videos na mga bata ang sangkot." Sabi ng pulis. "Oh, umuwi na kayo since last answer na namin 'yon. Dumiretso na sa bahay, ah. At huwag nang pumunta kung saan saan."

Nagpaalam na kami sa mga pulis at bumalik sa kotse. Wala nang mga taxing dumadaan kaya si Sof ang napagkasunduang maghahatid sa aming lahat.

Naunang bumaba si JD sa bahay nila. Sunod na stop ang bahay namin. Nagpaalam ako sa kanilang lahat bago pumasok ng bahay.

•••••

Maaga akong pumasok ng eskuwela ngayong martes. Maaga akong pumasok para pumunta sa usual place ko, ang clubroom. Unlike every other students, I'm not looking forward to every discussion that the teachers will discuss, but I'm looking forward to every case that SHC might solve.

Nadatnan kong nakaupo sa sahig ng labas si JD. Palaging umaga si JD, nagtataka nga ako kung bakit siya palaging maaga, e ayaw niyang pumasok or tumapak man lang sa classroom ng section niyang Centaurus. Tsk! Baka gusto niya nga kasi talaga sa SHC, ayaw niya lang sabihin.

"Yow, JD!" Masiglang ani ko. Ni hindi niya man lang ako pinansin at mariing tinuon ang mata sa cellphone niya. "Huy! Wala ka ba talagang respeto? Binati kita tapos hindi mo man lang suklian ang kabaitang ipinakita ko sa 'yo kahit na alam kong suplado ka!"

"Stop nagging. Okay, hello. That's what you want, right? Now, silence pleace." Aniya. Ibinalik ang tuon sa mobile legends na game sa cellphone niya. "Be honest, Irene. Do you like me?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Naramdaman kong umakyat ang dugo ko hindi dahil kinilig ako kundi nanggagalaiti sa mga sinasabi ng mokong na nasa tabi ko. "Asa ka! Kay aga-aga, sinisira mo ang mood ko dahil sa mga sinasabi mo!"

Tumalikod ako sa kaniya at hinugot ko ang aking laptop mula sa laptop bag at binuksan ang isang app na ginagamit ng mga professional hacker - este techie.

Hindi naglaon ay dumating na rin si Russ. Kasama niya ang dalawa pang mokong na sina Ceah at Sof, masaya silang nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. "Yiee! Nagmumuni-muni ang dalawa sa labas ng clubroom." Listening at the voice, ang tarantadong si Sof ang nagsalita.

"Hindi kami nagmumuni-muni. Kitam naman na nakatalikod ako sa kaniya, diba? Kasi napakawalang-kuwentang kausap ng 'sang 'to!"

"Talking as if she's worth of my attention, huh." Maikling ani JD in monotone. Imbes na magalit ay pinigilan ko nalang ang galit ko. Pinilit kong ngumiti at hindi nalang pinansin ang mga taong nasa paligid ko. Jusko! Ang mga mabubuting kagrupo ko lang dito ay sina Russ at Ceah, tsk!

"Tama na ang war. Pumasok nalang tayo sa clubroom." Ani Russ. Inilapag niya ang mga gamit niya sa sahig st kinuha sa bulsa ang susi. Kinalikot niya ang susi sa lock at binuksan ang pinto. Hayst! Sana marunong nalang akong mag-lockpick para hindi ko nalang nakasama ang isang mokong sa labas ng room.

Sinadya kong magpahuli ng pasok para masabayan si Russ. "Russ, ayos ka lang ba?"

"Ano ka ba, Irene. Ayos lang ako. Don't mind me."

"Sure?"

"Yeah."

"Sorry to ask this pero anong naging reaksyon ng mom mo sa nangyari?" Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-7-%E2%80%A2-part-ii-drinks-drugs-and-dance_40764876062254219">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-7-%E2%80%A2-part-ii-drinks-drugs-and-dance_40764876062254219</a> for visiting.

"I didn't tell mom. Ayokong masira ang pamilya ko. Ayokong masira ang relasyon nina mom and dad. Ayoko nga ring masira ang relasyon namin ni dad, pero sinira niya na, ano pa bang magagawa ko." I rubbed and caressed her back.

"Sige. Pero if I were you, hindi ko patatagaling hindi sabihin sa mom ko 'yun. Habang tumatagal ang isang kasalanan, mas mabigat ito kung tanggapin ng pinagtaksilan. Ito'y opinyon ko lang naman, Russ."

"Oo, Irene. Salamat." Aniya at ngumiti sa akin.

Lumabas naman bigla ang ulo ni Sof sa pinto ng clubroom. Tch! Loko-loko talaga. Ano? Sisirain na naman niya ang sinira na niyang araw ko? "Pasok na kayong dalawa! Ano pa bang ginagawa niyo diyan sa labas?"

"Pakealam mo ba?" Sarkastikong ani ko.

"Nagtatanong ng maayos, sasagutin ng pa-savage. Tse! Hindi tayo bati, Irene." Aniya at umaktong nagmamaktol na bata.

"Whatever!" Inirapan ko pa siya bago tumingin kay Russ. "Pasok na tayo, Russ? Sinisira ng mokong na 'to ang kalahati sa nasirang araw ko, e."

"Bakit ba Irene ang bait-bait mo kina Russ at Ceah, tapos sa 'ming dalawa nina JD, hindi? Is it because we're only in the third section?" Parang nagmamakaawang tutang ani Sof.

"Hindi ito about the section." Ani ko. "Bakit? Mabait ba kayo sa akin? Sina Russ at Ceah kasi, mabait sa akin. Kayo, ano? Mga nadimunyu kayo sa buhay ko."

"'Yun naman pala, e. Sof, be kind to her kasi para maging kind din siya sa 'yo." Ani Russ na ngumit-ngiti pa.

"Ganoon po ba 'yun?" Tangina Sof! Para siyang tanga sa ginagawa niyang pagpapabebe. Siguro talaga type ako nito o si Russ kaya nagkakaganito. "Sige. I'll be kind to her if I can."

"Anong 'if I can'?!" Nanlilisik ang mata ko kay Sof.

"Mali 'yung sinabi ko. I'll be kind to her always."

"Good boy!" Ani Russ kay Sof. Mukhang tanga talaga 'tong si Sof as always.

Pumasok kami sa loob ng clubroom at agad na kinuha ang logbook kung saan nakalagay ang lahat ng mga narrative reports ng lahat ng kasong nahawakan namin. Hindi ko na natatandaan ang lahat ng detalye pero buti nalang may club member kaming mala-sd card ang utak.

"Ceah?" Tinignan ko ang lalaking nakasalamin na busy sa paglalaro ng sudoku.

"Hm?"

"Busy ka ba?"

"Hindi naman, bakit?"

"I just wanna ask you the details doon sa nangyari sa bar kahapon, nakalimutan ko e. Natandaan mo naman 'di ba?"

"Yeah. All the details. Concise and clear." Tumayo siya at pumunta sa conference table kung nasaan ako nakaupo.

Dahan-dahan niyang sinasabi ang lahat ng detalye habang sinusulat ko naman ang sinasabi niya. Busy ako sa pagsulat nang may marinig akong isang katok mula sa pintong kahoy ng clubroom namin. It's Jeremias Conde, siya 'yung kumonsulta sa amin kahapon.

Kinausap niya si Russ at nakita kong itinuro niya kaming dalawa ni Ceah na nasa conference table. Lumapit naman ang naturang lalaki sa aming kinauupuan.

"Ano po bang nangyari sa mga kaibigan ko?" Panimulang tanong niya.

"Nalaman naming lulong sila sa alak at sa droga. Natunton namin sila sa isang bar na pwedeng magpapasok ng menor de edad kaya madali lang silang nakakapasok doon."

"Hinuli po ba sila ng mga pulis, ate?"

"Nope. Wala pa sila sa legal age of criminal liability kaya hindi sila makukulong. Idinala lang sila sa City Social Welfare and Development o CSWD. Tinawagan na rin daw ang lahat ng magulang ng lahat na menor de edad na sangkot sa kasong ito."

"Sige po, salamat po at nalinawan na ako kung saan pumupunta ang mga kaibigan ko. Salamat po ulit!" Aniya at ngumiti sa akin. Nagpaalam rin siya sa iba pang club member bago lumabas ng pinto.

Makaraan ang ilang minuto pagkatapos lumabas si Jeremias, nagkagulo naman ang lahat ng estudyante sa labas. Dahil sa kuryosidad, lumabas kami at baka may nangyari na namang krimen o insidente sa loob ng paaralan.

Sinunod namin ang lahat ng estudyanteng nagsisitakbuhan. Tinignan ko ang wrist watch ko, recess na pala. Sinunod namin ng sinunod ang lahat ng estudyante nang dalhin kami ng mga paa namin sa bulletin board.

Nakalagay ang bulletin board sa tatlong lugar. Isa sa main building, sa senior high school building at isa sa club building.

Ang bulletin board na napuntahan namin ay ang sa club building. Mahirap matignan ang bulletin board dahil sa kumpol na nagsisiksikan dito. May patay ba o bangkay dito? Wala naman akong naaamoy na masangsang na amoy dito, ah.

Nakipagsiksikan ako sa kumpol ng tao dito. Nadatnan ko ang isang poster at isang piraso ng bond paper na nakalagay sa bulletin board.

Wait, what? Acquaintance Party? Na naman? Tch! Noon kasing nangyaring acquaintance party ng nakaraang taon lang, maraming insidente ang nangyari. Ganoon din ang nangyari sa acquaintance party ng bawat taon. Minsan pa ngang tinatawag itong 'Bloody Acquaintance Party'. Naku! Baka ngayon din. Pero why do I have to worry? I should be excited, dagdag case na naman ito sa logbook namin.

Nag-aalangan akong sumali pero nakita ko ang isang bond paper na nakapaskil rin sa bulletin board. Kasabay din daw ng acquaintance party ang oath-taking ng members at officers ng bawat club. Naroroon ang Sherlock Holmes Club sa apat-napu't limang club na nakalista dito. All members and officers are required to attend, shit!

Okay, wala na rin naman akong magagawa. I just have to get ready to the Bloody Acquaintance Party.

•••••

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C8
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.