Forum Download app Gifts
34.48% Scene of the Crime Detectives / Chapter 10: CHAPTER 9 • PART II: BLOODY ACQUAINTANCE PARTY

Read Scene of the Crime Detectives - Chapter 10 online

Chapter 10: CHAPTER 9 • PART II: BLOODY ACQUAINTANCE PARTY

Chapter 9: Bloody Acquaintance Party (Part II)

Irene Adler's POV

Kinuha ko ang disposable latex gloves sa bulsa ng dress ko. Yes, may bulsa ang dress ko, imagine. Well, rule ko kasing dapat palaging may latex gloves sa bulsa ko para in case of emergency at kailanganin ko ay may madudukot ako kaya pinasadya ko talagang may bulsa ang dress ko.

"Before we formally start the investigation, I just wanna clarify if what the hell are you two doing here?" Baling ni JD sa dalawang estudyanteng nakita namin dito sa likod ng hall. Thanks to JD, my curiosity will be answered.

"Ah – eh, wa-wala." Ani ng babae habang hindi makatitig ng diretso sa mga mata namin.

I think I know what they're doing right here in this time. Kita kong messed up ang dress ng babae at naka-unbutton naman ang butones ng suit ng lalaki. The girl's lipstick is also messed up. Signal of them making a miracle.

"Please come to the principal's office tomorrow with your parents." Ani ng isang SSG officer na nasa likod, pinagsasabihan ang dalawa.

Bago pala pinauwi ang dalawang estudyanteng gumagawa ng himala, tinanong muna namin siya kung anong nangyari dito. Sinabi nilang, they went up here to make love — ugh! That's gross but it's the reality. Then noong nasa kalagitnaan sila ng paghahalikan, nakaapak ang babae ng isang malambot na bagay. They thought it's just a soft part of a land but when they looked at it, it's a corpse. They then began to shout at mas nangibabaw ang tili ng babae.

They also clarified that it's not their work. Una ay nag-doubt ako ngunit nang makakita ako ng circumstancial evidences. They aren't nga. If we will look at the victim, she was stabbed by a sharp edged thing, a knife. Wala akong nakitang dugo sa kamay ng maski sino sa dalawang kamay kaya hindi sila. Kinapkapan rin sila ngunit wala talagang knife na nakita sa kanila. The CAT also searched for the knife around the area but it's negative. That's when JD came and told them to free the two, he already know who's the killer. That fast, yeah, that fast.

Nabaling ang tingin ko kay JD na nakatayo lamang while his back leaning on the wall. Wala ba siyang balak na simulan ang imbestigasyon?

"JD! Ano? Wala lang balak simulan ang imbestigasyon? Ano?!" He just shake his head while giving me a stupid smile.

"Our president didn't give us the signal, plus..." Sinadya niyang pinutol ang kaniyang sinasabi.

Handang-handa na ang lahat saamin dito na magsimulang mag-imbestiga, tapos siya, pachill-chill lang?! I just sighed. Hindi kasi kami pwedeng magsimula nang hindi kami kumpleto and wala pang signal galing sa president, we're group, right? Ano pang silbi ng pagkakaroon ng grupo kung hindi naman sabay-sabay sa gawain?

Hindi na siya nagsalita, bagkus ay dumiretso siya kay Russ. Nagulat naman si Russ nang tawagin siya ni JD. She was focused on eyeing on the dead body of the girl.

"What, JD?" Tanong nito.

"I just have a proposal." Ani JD. Ano na naman kayang binabalak nitong lokong 'to?

"Ano naman 'to? Make sure it's quick, nangangamoy na din ang bangkay kaya dapat nang simulan ang imbestigasyon."

"Okay, fine. Let Sof be the one to handle this case. Let's evaluate his ability – or skills rather, in crime investigation." Ani JD. Napatingin naman sa dako ni JD si Sof. Nagngitian silang pareho.

"You wanna challenge me, huh?" Ngumiti nang nakakaloko si Sof bago tumingin kay Russ. "Please let me, Ms. Prexy. Let me do the honor of working this case by solo."

"Only if everybody approve. Who wanna let Sof do this investigation on his own?" Asked Russ. I raised my hand, same as JD and Ceah. JD has point so why not? "Okay, then. The floor is yours, Sof."

Tinignan ako ni Sof bago tumingin sa latex gloves ko at ngumiti. Ibinigay ko naman sa kanya ang latex gloves ko. Tsk! Wala kasing dala, e. Alam nang major rule 'yun sa grupo namin.

He immediately went near the corpse after he wore the gloves. Hinawakan niya ang leeg nito bago idineklarang patay na nga ito. Tsk! Kanina pa ata 'yan patay, nag-stick pa siya sa primary rule. Hay naku, Sof, that's an excemption to the primary rule!

"Medyo mainit pa ang katawan. Mukhang bagong patay pa lang siya." Deklara niya, habang nanginginig ang daliring nakahawak sa pulso ng biktima. Si JD, mukhang pinagtatawanan ang kanina pang kabadong si Sof. Sof let his middle finger salute his friend.

Inilibot ko ang tingin ko nang may makita akong isang cellphone. Tinawag ko si Sof habang walang kamalay-malay sina JD, Ceah at Russ sa ginagawa namin. Ngumuso ako habang tinuturo ang cellphone sa gilid ng bangkay. Kinuha niya iyon bago inalis ang plema sa kaniyang lalamunan at nagsalita.

"Ehem-ehem!" Saad ni Sof. Dahil sa ginawa niya ay nabaling ang mata ng tatlo sa kaniya. Ngayon, mas nilakasan niya pa ang kaniyang boses. "May nahanap ako sa crime scene and it was – in my hunch – the phone of the victim. Maaaring may makita tayong ideya dito kung sino ang talagang may sala."

He opened the phone and the phone's screen was enlightened. "Fortunately, walang security screen lock sa phone ng biktima. In this case, mas madaling makahanap ng evidence dito, if ever na meron."

Hindi ko naman napigilan magsalita. "Maybe she left her phone without security lock on purpose."

"Why do you say so, Irene?" Tanong ni Ceah.

"To left some clues." I said. They all nodded after my statement.

Muling naibalik ang tingin ng lahat kay Sof na abalang kinukulikot ang phone ng biktima.Ilang minuto niya pang kinalikot ang phone bago muling nagsalita. "I opened her phone's messages app and I found out that the one she sent her last messages was only a number. The message stated that she can't go to the event due to a family and personal emergency."

He lend us the phone and we started to read the messages.

To: 0907715XXXX

<sent on 2:56 PM>

Hi! Sorry to interrupt you pero hindi kasi ako makakapunta sa event mamaya because of some personal matter and emergency. Tell Principal Jones to find an alternative host for me. At kung maaari, kumuha nalang sa Radio Broadcasting. Thanks!

This is the message and it could be the clue. But who did she sent her last message? It's only a number and we don't know who it is.

Agad namang nagsalita si Sof nang makuha ang phone galing sa aking kamay. "Sino sa inyo ang huling pinadalhan ni Riza ng message na nagsasabing may nangyaring emergency sa pamilya niya? In short, who the hell owns this number, 0907715XXXX?"

Someone raised his hand. It was – I think – a boy, kasi halata sa braso ng nagtaas na estudyante ang sleeve ng suit. And the color of the suit seems familiar.

The crowd lent him a way. I was shocked and startled to see the boy I danced first. It was Luke.

"Ako. Ako ang pinadalhan ng message na 'yan at lalong ako ang may sarili ng number na 'yan."

"Oh! So, it was you Luke?" Ani Sof. Weird ang pagkakasabi niya ng mga salitang ito. May pagka-angas kasi, bagay na wala sa usual Sof.

"What do you mean? Naguguluhan ako." Ninenerbiyos na aniya. Kinalma niya ang kaniyang sarili dahil sa nararamdamang takot.

"Sorry for the misinterpretation, Mr. Luke. It should be this way, it was you... you whom the victim sent her last message before she died." Ani Sof. Nakita kong nakaramdam ng relief ang kanina'y kinakabahang si Luke.

"Ah, ganoon ba? A-ako nga... siguro. Obvious naman hindi ba?" Luke asked. Sof just nodded. "So, ano ang maitutulong ko sa kaso?"

"Maitutulong mo? Makakatulong ka kung... susuko ka na habang maaga pa at aminin mo na'ng ikaw ang responsable sa pagpatay sa biktima." Saad ni Sof. Everyone was shocked by Sof's statement, maging kami. Hindi naman nagbigay ng ekspresyon si JD.

"A-ano bang pinagsasasabi mo? Masyado ka atang pabibo! Wala kang mabisa at malakas na ebidensyang makakapagpatunay na ako ang pumatay sa kaniya. You know that Sherlock Holmes once stated that theorizing before one has data is a capital mistake! Now tell me, what is your evidence?"

"Anong wala? Meron kaya." Itinaas ni Sof ang phone ng biktima bago muling magsalita. "This phone. This phone will lend you your way to the jail." Mahinahon lamang ang pakakasabi nito kay Luke. "It was sent minutes before the oath-taking ceremony started, and oh! Kahit na hindi mo alam na hindi siya makakapunta ay nakahanda ka pa rin! Dapat kung gagawa ka ng setup, siguruhin mong hindi halata ah, yet I'm so proud pa rin of what you've done!"

"Mabilis lang akong maghanda kaya ayun, nakahanda agad ako! At saka I'm prepared kasi ang akala ko ay kasali ako sa oath-taking ceremony dahil member ako ng Radio Broadcasting team na kasali rin for sure sa oath-taking, but the emergency happened nga, kaya ako ang ipinatawag."

"Once and for all, kilala natin si Riza na handang i-sacrifice ang lahat para sa kaniyang acads at sa kaniyang beloved club, right? Kaya bakit siya aabsent kung kailan oath-taking na and she was the one to be announced as leader SANA."

"Pe-pero –"

"Second and for all, people who should know your number are those who are close to you... or siyempre you yourself. Kaya why would the victim remember her rival's number?"

"Hindi ba pwedeng kabisado niya pa? At saka, may pinagsamahan naman kami kahit papaano, a!"

"Yes, oo, meron nga kayong pinagsamahan, but that's past, right? Naging bestfriends forever kayo hanggang sumali kayo sa Radio Broad, right? That was way back when you are both freshmen, right? And then, na-discover ang galing ni Riza kaya isinali siya sa mga competitions at naipanalo niya iyon halos lahat at doon nagsimula ang inggit mo sa kaniya. That's the story right?"

Luke remained silent, thus pushing his so-called 'innocence' away from him. I can't believe him, I can't believe he can do such brutal crime.

"At saka, kung alam niya nga ang number mo, bakit wala ang number mo sa contact list niya? Huh?" Hindi ba pwedeng kinamumuhian talaga ni Riza si Luke? Well, kung oo. Why would Riza owe a favor to her ex-bestfriend turned into her rival.

JD added some points make Luke admit the crime. "And basing on how the message was delivered. Her last message is completely different than of those messages which are truly sent by her. Notice how she message his colleagues and family, she sent it with the universal language — English. There's no signs of using Filipino words from her colleagues and family's convo with her."

"Ah – eh –" Halos hindi nakapagsalita si Luke dahil sa sobrang gulat. His actions and gestures na ang tumutulak sa kaniya na isa siyang kriminal.

"Alam mo Luke kung ano ang dapat mong gawin? Umamin ka na sa ginawa mong krimen at sabihin sa amin, sa CAT at sa lahat ng tao dito kung bakit mo ginawa ang brutal na pagpatay kay Riza?" Napatingin ang halos lahat ng tao sa kaniya, kay Luke.

"I... didn't mean to kill her. Nadala lang ako ng inggit."

"Ganoon ba kapag kinaiinggitan mo ang isang tao? Kailangang patayin? Mukhang hindi ko nabalitaan ang ganoong ideya..."

"He pushed me... he pushed me to kill her. Ginalit niya ako! Mas pinamukha niya pa sa aking mas magaling siya! Sinumbat niya sa akin ang lahat! Hindi ko talaga sinasadya!"

Yumuko siya at umiyak. Nakikita ko ang tulo ng mga luha niya galing sa mapupungay niyang mata. Hindi ko alam kung bakit awa ang nararamdaman ko sa kaniya at hindi galit. He felt so innocent.

Sof then started walking slowly to Luke. I'm proud of Sof for being professional, kahit na minsan hindi seryoso. I mean, kahit na nakapatay na ang isang tao, hindi niya ito huhusgahan dahil maraming dahilan o rason kung bakit nakakagawa ng masama ang isang tao. Lalong-lalo na, hindi naman perpekto ang isang tao.

Hindi pa man nakakalapit si Sof kay Luke, itinaas ni Luke ang kaniyang ulo at binigyan kami ng isang ngiti, a creepy one. Nabawi ang lahat ng awa ko sa kaniya dahil sa ipinakitang ekspresiyon ng kaniyang mukha. He took his hand in his pocket. Less than a minute has passed, he then took out his hand with a knife on it. He pointed it to Sof.

"Luke! Huwag mong gawin 'yan! Mas lalo pang madadagdagan ang kasalanan mo sa diyos at sa batas!" Sigaw ni Russ kay Luke. Luke just chuckled.

"I don't care about your fvcking law or your fvcking God! I just want to kill whoever I want to kill!" Umikot siya habang nakatutok pa rin ang kutsilyo kaya hindi nagkamayaw ang mga tao at naalarma. "And you Sofronio, na sobrang pakialamero, ang gusto kong isunod sa hukay!"

Sof didn't bother to give any expression but he's doing gestures na alam ko na ang patutunguhan. Nagsisimula na naman ang maloko niyang mga plano.

I saw him winked at the two CAT officers. Tumango naman ang mga ito. Tumalikod naman si Luke kay Sof. Sof then went to now unaware body of Luke. He held Luke's shoulder for Luke to be aware of what's happening. Nagulat si Luke kaya dali-dali itong tumalikod at sinunggaban si Sof.

JD prohibited us, Russ and I to get involve in the trouble. Pero hindi ko talaga kayang may masaktan na ibang tao kaya tinanggal ko ang kamay ni JD na nakaharang sa akin at nagtungo sa gulo.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Wala naman kasi akong ideya kung paano magpatigil ng nagpupuyos na mga damdamin. Nasa'n na ba kasi ang mga CAT? They must be the one to do what I'm doing now.

"Stop!" Sigaw ko. Hindi pa rin sila nagpaawat. "Stop!" Sigaw ko pa rin. Pero tila wala ata silang narinig dahil patuloy pa silang nag-aaway na parang bata. I don't know what urged me to do such thing. I may be dumb because I'm not sure if they will listen but I do this to help

My attention has just been gotten by Sof's eyes. He lent me a message through his eye, thus telling me to go away. I shaked my head as a sign that I'm not following his instructions.

My mouth suddenly opened when I felt a wound on my shoulder. It was cut by Luke using his knife. Hindi naman masyadong malaki ang sugat pero masakit ito. Napabalik ako sa pwesto nina Russ at JD dahil hinila nila ako. JD then took off his neck tie. He surrounded my wound using his necktie.

"Why did you go there, idiot?!" Galit na may halong pag-aalala na ani JD. Pero mas nag-aalala ako sa kalagayan ni Sof.

Pinaalis ko sa harapan ko si JD upang makita ang kalagayan ni Sof. Sa awa nga ng Diyos ay wala pa naman ito ni isang pasa o sugat. Nakita kong umarangkada patungo kay Sof si Luke. Sof didn't give a damn again.

At nang halos tumama na ang kutsilyo sa katawan ni Sof ay agad niyang dinakma ang kamay ni Luke at saka ito pinaikot. Nanlumo sa sakit si Luke kaya nahulog niya ang kaniyang kutsilyo.

The CAT officers then came and took Luke away from Sof. Nilagyan nila si Luke ng posas at kinaladkad papalayo.

Kahit medyo malayo na si Luke ay maririnig mo pa rin ang mga murmurs niya, kesyo mabuti lang daw na namatay ang victim, kesyo babalik daw siya para patayin kaming lahat, kesyo tatakas daw siya sa hawla at iba pa. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-9-%E2%80%A2-part-ii-bloody-acquaintance-party_40764913643218256">www.webnovel.com/book/scene-of-the-crime-detectives_15185853405326505/chapter-9-%E2%80%A2-part-ii-bloody-acquaintance-party_40764913643218256</a> for visiting.

My co-club members immediately took me to the hospital. They were too worried about me, ang sabi ko nga, e huwag na nila akong dalhin sa ospital. Kaunting sugat lang naman ito at saka, malayo sa bituka.

Hindi rin naman sila nagpaawat na dalhin ako sa ospital. Baka daw kasi ma-impeksyon pa, so para safe, dinala pa rin nila ako sa ospital. Hay naku! Mukhang suki na ang grupo namin sa ospital ah. Yumayaman ang ospital dahil sa amin, e.

My wound was now surrounded by bandages. Pagkatapos gamutin ang sugat ko, I then decided to go home. Gabi na rin at baka mabungangaan na naman ako ni Mama. Tch!

Inihatid ako ni Sof gamit ang kaniyang kotse, my clubmates went to the police station to gather data daw e. Gusto ko nga ring pumunta pero pinagtulakan nila akong umuwi nalang sa bahay at magpagaling.

As usual, kinulit na kinulit na naman niya ako. Bakit daw ako pumunta doon at inawat silang dalawa nina Luke? Siguro daw mayroon akong gusto sa kaniya, kesyo aminin ko na daw. I just stayed not talking any words kasi wala talaga ako sa mood para makipagkulitan sa kaniya.

"Weird." Aniya. Napatingin ako sa rear view mirror ng sasakyan niya. "Kung sino ka man na masamang espiritung dumaloy sa kaibigan ko, umalis ka!"

Inirapan ko siya. "Baliw. We're not friends either."

"Oops! Saket nun, Ms. De Morgan ah!" Aniya at humawak pa sa kaniyang dibdib na parang sobrang nasasaktan. "Pero ayos lang. At least bumalik na ang suplada at madaldal na savage na Irene Adler De Morgan."

I glared at him. "Would you stop calling me on my whole name?"

"Okay." Aniya. Napansin kong hininto niya ang paghawak sa manibela at naramdaman ko ring huminto na ang sasakyan niya.

"Is my house approaching?"

"Nah! We are all here." Aniya bago binuksan ang bintana na nasa driver's seat. After looking outside, tinignan niya ako using his rear view mirror, his face was so worried.

"Anong problema?" Instead of answering me, inilipat niya ang harap ng kaniyang mukha sa labas ng bintana.

I then heard murmurs galing sa magagaling kong ama at ina. They're fighting again. They're quarreling again, but what's new? Ano pa ba namang bago, Irene? Gabi-gabi naman nilang ginagawa iyon. E, halos daily routine na nga nila 'yan.

I just smirked to the noise I'm hearing right now. Nothing to be sad of naman e, kaya bakit pa ako iiyak o magmumukmok sa isang sulok para lang sa nag-aaway kong magulang at the first place?

Pinauwi ko na si Sof. At first, ayaw niya pa daw umuwi, samahan daw niya ako. Sabi ko naman, huwag na, baka ano pang isipin nina Mama at Papa at mas lalo pang umigting ang galit noon. Pumayag naman siya at sinabihan na lamang akong mag-ingat.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Dumire-diretso ako sa stairs at umakyat patungong kuwarto. Ni 'ha', ni 'ho', ni 'putanginang hayop ka, may sugat ka at nandiyan ka na pala', wala. Ano pa bang inaasahan ko sa kanila. Wala silang binati sa akin at nagpatuloy na lamang sa pag-aaway.

Nakita ko sa isang sulok ng isang kuwarto ang kapatid ko, si Ivan, nagmumukmok siya roon habang tinatakpan ng kaniyang dalawang kamay ang kaniyang mga tainga. Hindi ko maiwasang malungkot hindi dahil sa patuloy pa rin sa pag-aaway ang aking magulang kundi dahil sa nasisilayan kong malungkot na mukha ng aking kapatid.

Nilapitan ko siya, umupo sa harap niya at tinanong kung okay lang siya. Sagot niya naman ay isang minutong katahimikan. He then pointed his index finger to my bandaged wound. I shook my head.

Tumayo na lamang ako sa kinauupuan ko at tumungo sa cabinet ng aking kapatid. Kinuha ko ang headphone niya at ikinabit iyon sa cellphone niya. In-adjust ko ang volume ng kanta na pinili ko at inilagay iyon sa tainga niya. Inalalayan ko siya sa kaniyang kama at inantay na makatulog.

Nang makatulog na ang aking munting kapatid ay tinanggal ko ang headphone sa kaniyang tainga. Maingat kong isinara ang pinto ng kaniyang silid at dumiretso sa aking kuwarto.

Agad akong nagpalit ng damit at tinanggal ang make-up sa mukha ko at dumiretso sa aking kama. Hindi ko namalayan ang oras at unti-unti nang pumipikit ang mata ko. Inisip kong sana hindi na ako magising pa bukas para hindi ko na marinig ang halos araw-araw na bangayan ng aking magulang pero sumagi din sa isip ko na kung mawawala ako ay wala nang mag-aaruga sa kapatid kong hindi man lang pinaglalaanan ng oras at panahon ng aming mga magulang.

Patuloy nang pumikit ang aking mata at inianggulo ang aking katawan sa posisyong kumportable ako.

-----

Ceasar's POV

I went directly to our clubroom and as usual, I won't attend my monday class. Nahinto ako nang makita ang clubroom namin na sarado pa. Hay naku! Excited pa naman ako to play sudoku now.

Umupo na lamang ako sa baluster at hinintay ang aking mga kasama lalong-lalo na si Russ na siyang may dala ng susi. Hindi naman nagtagal ay dumating na sila at agad namang binuksan ang pinto.

Kinuha ko agad sa locker ko ang sudoku game book at ang lapis ko. Agad kong sinimulan ang paglalaro nito.

Nakaka-limampung sudoku puzzles na ang nasagutan ko nang mahagip ng peripheral view ko ang club adviser's desk. Noong isang araw ko pa siyang hindi nakikita. I think, last ko siyang nakita noong biyernes habang nagtuturo siya sa Grade 10. I even didn't get a chance to see her at the acquaintance party nga e.

"Guys?" Sabi ko sa mga clubmates ko. Agad naman silang tumingin sa akin at nagtaas ng kilay. "Do you know what Ms. Fuentebella's up to? Hindi ba kayo nagtatakang hindi siya nagpapakita sa atin these days?"

"Oo nga no? Napansin ko rin 'yan. Ano kayang ginagawa nun?" Nagtatakang ani Sof.

"Why find her?" Ani ng isang lalaking boses. Tinignan ko kung saan galing ang boses na iyon, it's JD. "It's better if she's not here. No commanding officer-like adviser who will get into my nerve."

"Grabe ka JD, aren't you worried about her?" Ani Irene. Nahagip naman ng mata ko si Russ. She seems so quiet that it seems so weird.

"No. Why would I?" Mariin at diretsong sagot ni JD kay Irene. Inirapan lamang siya nito.

Bumalik na lamang ang lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa. I just focused to my fifty-first sudoku puzzle for the day.

"Guys?" Pagtawag na naman ni Russ. I raised my eyebrow. "May nag-send kasi sa akin ng friend request. And that person I was talking was creepy and mysterious. Ang pangalan niya is Machia Velli."

The name is so weird. I mean may kilala akong ganiyan ang pangalan but that person's now dead. "I have a suggestion, Russ. Why won't you accept his or her request? Wala namang masamang i-try no? Wala naman sigurong problema sa 'yo diba Russ?" A minute of silence has surrounded the clubroom.

"O-okay." Ani Russ at pinindot ang screen ng kaniyang phone. A minute after, nagsalita ulit siya. "That mysterious person has just sent a video. Should I open the file?"

Nabuhayan ang loob ng aking mga clubmates at lumapit kay Russ. "Open it. Baka sakaling kaso iyon, and I'm starving for it." Ani Sof. Russ gave us a reassuring look. We all nodded to her.

Binuksan niya ang file at inilapag ang kaniyang phone na pa-landscape sa isang table. The video was loading and nagulat kami sa aming natunghayan. Ms. Fuentebella's now in a danger!

[ABANGAN]


next chapter
Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.