Forum Download app Gifts
50% The Broker Series #1.2: ARME / Chapter 10: CHAPTER 10

CHAPTER 10 - The Broker Series #1.2: ARME - Chapter 10 by Hxnnxhssi full book limited free

Chapter 10: CHAPTER 10

Younis's Point of view

Maaga akong pumasok sa Arme ngayon, gusto kong matapos agad ang mga gawin ko at para na rin makabawi ako kay Team leader Wendell dahil sa mga stress na binigay ko sa kan'ya.

Naglalakad ako papasok sa Arme. Pansin ko ang mga mata na nakatingin sa akin kaya nagtaka ako kung bakit. Hindi kaya sinabi ni President Snipe ang ginawa kong pagpasok sa office n'ya.

Tama, president Snipe ang tawag ko sa kan'ya. Ang gabing pumasok ako sa office n'ya, duon ko narealize na boss ko pala s'ya at wala na ang dating Snipe at ako na na mayroong pinagsamahan.

Simula ngayon ay ituturing ko na s'ya bilang boss ko. Nagawa ko na iyun kahapon ng ipinatawag n'ya ako sa rooftop para ibigay sa akin ang record na kinukuha ko sa office n'ya.

Hindi ko na kailangan iyun dahil sa marketing department ako naka-assign. Kung ano man ang problema ng accounting department ay labas na ako duon, sila na dapat ang mag-abala para ayusin iyun.

Malaki man o mali ang problema ay hindi ko na papakialaman. Ifofocus ko na lang ang sarili ko sa trabaho.

Naglalakad ako patungo sa elevator.

Naghahanap na rin ako ng bago kong malilipatan. Hindi kami kompotable ni President Snipe na magkasama sa iisang building. Masyado itong masikip para sa aming dalawa.

Pagbukas ng elevator ay bumungad sa akin si President. Nagbow ako sa kan'ya at gumilid, para magbigay ng daan dito. Ibibigay ko sa kan'ya ang respeto na binibigay ng mga ibang tao dito sa kan'ya.

Naglakad ito palabas, pero huminto s'ya sa harapan ko. Ako naman ay naglakad papunta sa loob ng elevator.

Humarap sa akin si President kaya agad kong isinara ang pinto ng elevator. Pagpunta ko sa office ay nagsimula na akong matrabaho.

"Tahimik mo yata ngayon?" tanong sa akin ni Kevin. Ngiti lang ang sinagot ko sa kan'ya. Ilang oras ang lumipas na laptop lang ang kaharap ko. Hanggang sa maabutan ako ng lunch.

"Time out na, baka matunaw na ang laptop mo dahil sa katititig mo," awat sa akin ni Kevin.

"Lunch tayo," aya ni Kevin sa akin. Tinignan ko s'ya at ngumiti.

"Wala akong gana," pagtanggi ko sa kan'ya. Wala akong nararamdamang gutom ngayon.

"Ok," sagot ni Kevin sa akin. Bumalik ako sa ginagawa ko. Busy ako sa pagtatype ng may maramdaman akong presyensya sa likuran ko. Baka si Kevin lang ng iinis.

"Kevin ayoko ngang kumai..." Hindi ko na tuloy ang sasabihin ko na makita ko ang isang lalaki. Tumayo ako bigla sa kinauupuan ko at nagbow sa kan'ya.

Nakikita ko s'yang kasamahan ni President Snipe.

"May naghahanap sayo," sabi n'ya sa akin. Napakunot ang noo ko dahil duon.

"Kung si President po ay pakisabi may kailangan akong tapusin," sagot ko sa kan'ya.

"Ibang tao, hinihintay ka n'ya sa room three hundred dito floor," sabi n'ya pa. Malaki ang katawan n'ya. Malaki lang ng konti kay Snipe.

Tumalikod na s'ya sa akin at nagsimula itong maglakad. Wala naman akong nagawa kung hindi sundin ito. Paglabas ko ng office ay tinuro n'ya ang daan papuntang room three hundred.

Naglakad ako patungo sa dulo nitong floor kung saan matatagpuan ang room three hundred. Papalapit ako ng papalapit duon ay tumingin ako sa lalaking nagpapunta sa akin ay nakasundo ito sa likuran ko.

Bigla akong kinabahan ng makarating ako sa tapat ng pinto. Binuksan ko iyun at tumamba sa akin ang isang babaeng nakatalikod.

Napatalikod ako ng marinig kong sumarado ang pinto. Binalik ko ang tingin sa babae na ngayon ay nakaharap na sa akin.

Napakunot ang noo ko na isang matandang babae ang nakita ko. Bigla akong napabow ng malaman ko kung sino iyun.

"Ma'am," gulat kong sabi. S'ya ang lola ni Snipe kung hindi ako nagkakamali. Matagal na kaming hindi nagkita.

Binigyan n'ya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong ginagawa mo sa Arme?" tanong n'ya agad sa akin.

"Nagtratrabaho po ako," magalang kong sagot. Halos walang nagbago sa mukha n'ya. Nakakatakot pa rin s'yang kaharap at parang kahit anong oras ay magagalit na lang ito ng walang dahilan.

"Umalis ka na," kalmado n'yang sabi, pero ramdam ko ang power sa boses n'ya.

"Sa anong dahilan po?" tanong ko sa kan'ya. Aalis rin naman ako dito kahit na hindi nila sabihin sa akin. Naghahanap lang ako ng malilipatan ko.

"Wag ka ng umasa na babalikan ka ni Snipe," sagot ni Ma'am Esmeralda. Naalala ko na ang pangalan n'ya.

"Hindi ba may kasunduan tayo na iiwan mo si Snipe, kasama sa kasunduan na iyun ang hindi na magpakita sa kan'ya," mataray nitong sabi sa akin.

Taas kilay s'yang nakatingin sa akin, kaya tinignan ko rin s'ya ng diretso.

"Kayo po ang hindi sumunod sa kasunduan," balik kong sabi sa kan'ya.

"Anong ibig mong sabihin?" taka nitong tanong sa akin.

"Nangako po kayo na magiging doctor si Snipe," seryoso kong sagot sa kan'ya. Tama sobrang babaw ng dahilan ko, para iwanan si Snipe.

"Si Snipe ang pumili na maging President s'ya," sabi pa nito.

"Wag mo ng ipilit ang sarili mo kay Snipe..." Naglakad s'ya palapit sa akin at hinawakan ang baba ko para iharap sa kan'ya.

"Kahit kailang hindi kayo bagay," pagpapatuloy n'ya. Umatras ako palayo sa kan'ya.

"Ikakasal na si Snipe, kay Julie kaya tumigil ka na sa ambisyon mo na babalikan ka ni Snipe." Nagbow ako sa kan'ya.

"Aalis po ako ng Arme kung iyan po ang gusto n'yo," sagot ko sa kan'ya. Umayos ako ng tayo at tumingin ulit sa mataray n'yang mukha.

"May kailangan pa po akong tapusin na trabaho," dagdag ko pa. Muli akong nagbow sa kan'ya bago ako tumalikod at lumabas.

Naabutan ko naman duon ang lalaking nagpapunta sa akin dito. Nagbow din ako sa kan'ya. Tama s'ya ang lalaking nung araw na kinausap ako ng lola ni Snipe.

Iniwanan ko sila duon at bumalik sa office para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Sa Winchester company kaya ako mag apply. Pagbabantaan ko lang naman si Rifle, tanggap na ako duon.

Kahapon ko lang na laman na may  building rin pala ang isang iyun.

"Nakita mo ba ang kasama ni President?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Janice.

Bigla itong umupo sa tabi ko. Kasunod naman n'ya si Kevin.

"Ano naman?" tanong ni Kevin. Umupo s'ya sa kabilang gilid ko.

"Baka fiancé n'ya lang iyun," saad ni Kevin. Nabalik ang tingin ko sa laptop ko ng marinig ko iyun.

"Hindi ka sumama sa amin, Younis sana nakita mo kung gaano dumikit ang Julie na 'yun kay President," sabi sa akin ni Janice. Nilingon ko si Janice.

"Wala akong panahon para makita sila," walang gana kong sagot sa kan'ya. Aalis na rin naman ako sa building na ito kaya wala na akong kinalaman sa kanila.

"Okay," Janice replied, confuse. Tumayo si Janice at lumipat sa table n'ya. Pinagpatuloy ko lang ginagawa ko dito. Kung matatapos ako ng maaga ay magkakaroon pa akong time para maghanap ng ibang company.

"Ms. Killpack," tawag sa akin. Tumayo ako ng marinig ko iyun galing kay Team leader Wendell. Naglakad ako palapit sa kan'ya.

Mayroon s'yang inabot na envelope sa akin, taka ko naman iyung kinuha.

"That's the sales report this month, give it to the president, and he need to sign it," utos ni Team leader Wendell. Napatingin ako sa envelope na hawak ko. Bigla akong napakamot sa ulo at gusto kong tumanggi sa utos ni Team leader.

"Ah... Team leader, wala na po bang ibang kayong mauutusa..."

"Halos isang buwan ka palang dito, pero akala mo masmataas pa ang position mo kay Team leader," sabat ni Carol. Napapoker face ako ng makita ko ang mukha n'ya.

"Team leader, this my report," sipsip n'yang sabi kay Team leader with ngiting aso sa mukha n'ya.

"Okay," taas kilay kong sabi kay Carol. Humarap ako kay Team leader at nagbow. Isang pamatay na irap ang binigay ko kay Carol bago ako umalis sa loob ng office.

"Hindi talaga mauubusan ng asungot sa paligid," inis kong sabi. Inis kong pinindot ang button ng elevator. Wag s'yang magpapasin sa akin, dahil alam ko ang secret n'yang medyo malupit. Hindi ko alam nasaksihan ko pa.

Pumasok ako sa elevator habang yakap-yakap ang envelope na binigay sa akin ni Team leader. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-10_55509995143363104">www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-10_55509995143363104</a> for visiting.

Sana ay last na naming pagkikita ni Snipe ito. Sana bukas may kumuha na sa akin pagkatapos kong magsend ng resumé sa limang company. Hindi man ganito kalaking company ay pwede na rin.

Pagpunta ko sa eighteenth floor kung nasaan ang President office. Napahinga ako ng malalim ng lumabas ako ng elevator. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa office n'ya.

Napansin kong wala duon ang Secretary ni President Snipe. Kinakabahan ako ng mapunta ako sa tapat ng pinto ni President. Lumingon ako sa likod ko kung mayroon bang tao.

Wala, ako lang ang nandito sa labas. Nilapit ko ang tenga kung mayroon bang nag-uusap sa loob or may ingay. Kasama daw ni President, si Julie malamang na mag-uusap sila sa loob.

Wala akong naririnig na kahit ano. Malamang ay walang tao duon. Dalawang mahinang katok ang ginawa ko bago ko pihitin ang doorknob, para buksan.

Kung wala man dito si President ay ilalagay ko na lang sa table n'ya. Baka nasameeting or kung nasaan mang lupa s'ya naroroom, dahil wala rin naman ang secretary n'ya sa table nuon.

Pagbukas ko ng pinto ay muntik ko ng mabitawan ang hawak ko ng makita si Snipe at Julie na naghahalikan. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Hawak ni Snipe ang mukha ni Julie habang hinahalikan n'ya si Julie. Nakalagay naman sa leeg ni Snipe ang dalawang kamay ni Julie.

Nagtama ang mata namin ni President, kaya napaiwas ako ng tingin. Binaling ko na lang sa baba at nagbow sa kanila. Napakagat labi ako habang nakayuko sa kanila.

Sinungaling ko naman kung hindi ko sasabihin na hindi ako nasaktan na makita silang ganito. Kahit ang totoo ay tanggap ko ng ikakasal na talaga sila.

"What are you doing here?" iritang tanong ni Julie. Umayos ako ng tayo. Mabigat at nahihirapan akong huminga dahil sa mga nakita ko.

Parang may nakabara sa lalamunan ko at maski konting boses ay walang lumalabas.

Tinignan ko sila na nakaharap na sa akin. Muli akong nagbow sa kanila at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Not now, not here Younis.

Nakatingin sa akin si Snipe at bakas pa sa labi nito ang red lipstick ni Julie sa labi n'ya.

"Bakit pinapayagan mo s'yang pumasok dito?" tanong ni Julie kay Snipe. Tumingin ako kay Snipe, pero hindi rin nagtagal. Naglakad ako palapit sa table ni Snipe.

"Pinapabigay po ni Team leader Wendell," sabi ko. Inilipag ko ang envelope sa table n'ya. Muli akong nagbow sa kanila at naglakad na ako paalis sa office ni Snipe.

Feeling ko hindi ko na kayang manatili pa sa lugar na iyun. Nagmamadali akong umalis sa floor na iyun at sumakay ako sa elevator. Napayuko ako ng may naramdaman akong tumulo sa mga mata ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko dahil ayokong may makakita sa akin na umiiyak.

Akala ko kasi ok na ang lahat. Akala ko kaya ko na s'yang makita sa iba, pero parang walang nagbabago sa sakit simula nung una.

Bago ako lumabas ng elevator ay inayos ko muna ang sarili ko. Ayokong makita nila na ganito ako lalo na't wala naman silang alam.

Nasatrabaho ako kaya dapat labas ang mga ganitong nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas ng elevator. Naglakad ako papuntang office namin na wala sa sarili.

"Ahh!" daing ko ng tumama ang ulo ko sa isang bagay. Pagtingin ko duon ay nakaharang si Carol sa dadaanan ko. Tinaasan n'ya ako ng kilay at masama ang tingin sa akin.

Tumingin ako sa table ni Team leader, pero wala ito duon.

"Sorry!" sabi ko, kahit na alam kong sinandya n'ya iyun. Umiwas ako sa kan'ya at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

"Tsk," sabi nito. Bigla n'yang hinarang ang paa n'ya sa dadaanan ko. Hindi ko agad iyun napansin kaya nadapa ako sa sahig.

"Ahh!" Napayukom ang kamao ko at sinamaan ng tingin si Carol.

"Ano ka ba Carol?!" sita ni Janice kay Carol. Tinulungan akong tumayo ni Kevin, pero ang tingin ko kay Carol ay gusto na s'yang ihiwalay ang kaluluwa n'ya sa katawan nito.

"Bagay lang iyan sa mga pabida," mapang-inis nitong sabi. Tinasan n'ya ako ng kilay.

"Ano bang ginagawa ni Younis?" tanong ni Kevin sa kan'ya.

"Ang tanga n'yo naman at hindi n'yo alam ang ginawa ng kaibigan n'yo sa accounting department, at pati si Team leader Harold ay nanganganib na mawalan ng tabaho," mahaba nitong paliwanag. Bakas sa boses n'ya ang pagkainis sa akin.

"Wala ako sa mood pala makipag-away sayo," walang gana kong sabi. Bigla itong natawa ng mahina.

"Kung ayaw mo ng gulo, wag kang mang gugulo," sagot nito sa akin. Tumalikod ako sa kan'ya. Ayokong pagtuonan ng pansin ang kaartihan n'ya.

"Bitch!" Napatigil ako sa pwesto ko at humarap kay Carol.

"What did you say?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kan'ya. Mayabang itong naglakad palapit sa akin, tinignan ko s'ya sa mata.

"Bitch!" pag-uulit n'ya. Tumango ako sa kan'ya.

"Maayos naman pala 'yang tenga mo," mapang-inis n'yang sabi.

"You wanna hear something?" sobrang hina kong sabi sa kan'ya na ako lang ang nakakarinig. Sinandya ko iyun para inisin s'ya. Tutal hindi naman ako ang nasimula ng lahat eh.

Kumunot ang noo nito, kaya napangaisi ako.

"Anong sabi mo?" inis n'yang tanong.

"Ang sabi ko, bakit mo pinapatulan ang mayroon ng asawa?" malakas kong sabi sa kan'ya. Nanlaki ang mata n'ya sa sinabi ko.

Biglang nagkaroon ng bulungan sa loob ng office.

"Anong sinasabi mo?" kinakabahan n'yang tanong sa akin.

"Kaya pala galit na galit ka sa akin dahil sa ayaw mong mawalan ng trabaho si Mr. Shin dahil may relasyon kayo while he's a married man," sagot ko sa kan'ya. Humakbang ako ng isang hakbang para lalong lumapit sa nakakatawa n'yang mukha.

"Hindi lang naman ako ang pumapasok sa accounting department, hindi ba ikaw rin?" nakangisi kong tanong sa kan'ya. Lalong nataranta ang pagmumukha n'ya sa sinabi ko.

"Hindi ba may boyfriend ka?" sabi ng isa naming kasamahan dito sa office.

Nakita ko ang paglunok ni Carol at mukhang takot na ito.

"Paano ko na laman?" Nagsmirked ako sa kan'ya.

"Ako pa, pabida ako eh," sagot ko sa kan'ya.

"Now, fight me. I know what happened last last night in the cold and dark room in one of the accounting office," pagpapatuloy ko. Wala itong masabi sa akin kay nginisihan ko na lang s'ya.

Tinalikuran ko ito at umupo sa table ko. Wala sana akong balak na ibunyag ang ganung nakakahiyang bagay, pero binantaan ko na s'ya na wala ako sa mood.

"At bagay lang na matanggal s'ya sa accounting department, hindi s'ya bagay sa accounting department," sabi ko. Humarap ako kay Carol na mukhang lutang.

"Dapat sa hospital s'ya nagtrabaho dahil sa husay n'yang magdoctor ng mga records," dagdag ko sa kan'ya. Tumalikod ako sa kan'ya para ipagpatuloy ang ginagawa ko. Isang smirked lang ang ginagawa ko bago ako magfocus sa trabaho.

Snipe's Point of view

My phone ringing while my eye busy reading the document on my office table. I answered the phone call, not even looking who's the caller. It's either my friends or my family.

"I'm in down!" Tinignan ko kung sino iyun at nakita ko ang pangalan ni Julie. Ngayon nga pala ang uwi n'ya.

Nakalimutan ko dahil naging busy ako sa trabaho. Tumayo ako sa mula sa kinauupuan ko.

"I'll be there, wait a sec," sagot ko sa kan'ya. Lumabas ako ng office para sunduin si Julie. Alam kong galit s'ya sa akin dahil sa hindi ko s'ya nasundo sa airport.

Ayoko lang sayangin ang oras ko sa pagpunta duon. Sumakay ako ng elevator. Pag lagpas ko sa sixth floor ay bigla kong naalala si Younis.

Kahapon at kaninang umaga ay parang hindi n'ya ako kilala. Naging normal employee ko na lang s'ya dahil sa inaacting n'ya.

Naguguluhan ako sa kan'ya. Ginagawa n'ya ba iyun para inisin ako o gusto na lang n'ya talagang baguhin ang lahat. Hindi ako sanay na ganun s'ya sa akin.

Pagdating ko sa  ground floor ay nakita ko agad si Julie na kasama si David. Agad n'ya akong nakita dahil mukhang inaabangan n'ya naman ako.

Naglakad ako palapit sa kan'ya. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Pagharap ko sa kan'ya ay wala itong sinabi. Ilang buwan din kaming hindi nagkita ni Julie.

"Hindi ba sabi ko sayo sunduin mo ako," inis n'ya sabi sa akin. Seryoso ko s'yang tinignan. Napabuntong hininga na lang ako sa inaasta n'ya.

"Wala akong panahon makipagtalo," walang emotion kong sabi sa kan'ya. Tumalikod na ako para bumalik sa office. Kung alam ko lang na gan'yan lang ang ibubungad n'ya sa akin ay hindi na ako bumaba pa.

"Babe!" sigaw ni Julie. Patuloy lang ako sa paglalakad ko papuntang elevator. Bigla s'yang yumakap sa braso ko, pero seryoso pa rin akong naglalakad.

"Bakit ka ba gan'yan?" tanong ni Julie sa akin. Pareho kaming sumakay sa elevator.

"I'm busy at my work," malamig kong sagot sa kan'ya. Tumingin ako ng diretso at hinihintay na lang na makaratong kami sa eighteenth floor.

"Lagi ka namang busy, pagtatawagan ka busy ka rin," pagmamaktol nito. Lumabas ako mag-isa sa elevator at naunang maglakad.

"Sana pala hindi na ako umuwi!" sigaw n'ya. Napahinto ako dahil sa ingay at napapikit. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag s'yang patulan dahil alam kung baka maoffend lang s'ya sa mga sasabihin ko.

Pumasok ako sa loob ng office. Dire-diretso ako sa pag-upo at papel agad ang hinarap ko.

"Narinig mo ba ako Snipe?" inis na tanong ni Julie. Hindi ko s'ya pinansin at binasa ko ang nasaharapan ko.

Biglang kinuha ni Julie iyun at pinunit. Napapikit ako sa inis, napahigpit ang hawak sa ballpen na halos mabali na.

"Dapat hindi na ako umuwi, kung gan'yan ka lang din!" Tinignan ko si Julie ng seryoso.

"Sino bang may sabi umuwi ka? Hindi ba ikaw lang naman," seryoso kong sabi sa kan'ya. Bigla itong natahimik at tinignan ako.

"Baka nagkakagan'yan ka dahil nandyan na ulit s'ya," sabi ni Julie. Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya.

"Bakit wala kang masabi? Totoo naman hindi ba?" tanong n'ya. Seryoso lang akong makatingin sa kan'ya at walang masabi. Alam ko ang tinutukoy n'ya ay si Younis.

Alam ko na rin kung sino ang nag-sabi sa kan'ya ng bagay na iyun.

"Employee ko lang s'ya dito," sagot ko. Biglang tumawa si Julie, pilit na tawa.

"Sa tingin mo ba maniniwala ako?" tanong n'ya sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

"Wala akong paki kung maniwala ka man o hindi," sagot ko sa kan'ya.

"Wala ka naman talagang paki sa akin," sabi n'ya. Natigilan ako saglit.

"Noong nawala s'ya ako iyung pinalit mo, tapos ngayon na bumalik s'ya..." Huminto ito magsalita, kaya napatingin ako sa kan'ya. Nakita kong may luhang tumulo sa mata n'ya.

"Wala na ako," pagpapatuloy n'ya. Nagsunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Julie. Ayokong makakita ng umiiyak.

"Ikakasal na tayo, kaya wag kang mag-alala," seryoso kong sabi ko sa kan'ya. Pinunasan nito ang luha n'ya at tumingin sa mata ko.

"Katawan mo lang ikakasal sa akin," nahihirapan n'yang sabi, dahil sa pag iyak n'ya. I heard her sniffing make me annoyed.

"Pero ang puso mo nasa kan'ya pa rin!" sigaw nito sa akin. Tumayo ako at naglakad palapit sa kan'ya. Hinablot ko ang braso ni Julie.

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha n'ya. Nagdikit ang mga labi namin, nakatingin ako sa mata n'yang may luha pa. Dahan-dahan na pumikit ang mata n'ya.

Naramdaman ko ang kamay ni Julie na sumabit sa batok ko. Sinimulan kong ginalaw ang labi ko.

Bawat pag galaw na binibigay ko ay pinapalitan n'ya. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na si Julie na lang ang napapasin ko at hindi na si Younis.

Palalim ng palalim ang binibigay naming halik sa isa't isa ng may maramdaman akong nakatingin. Dinilat ko ang mata ko bigla akong napahiwalay kay Julie ng makita ko si Younis na nakatayo sa tapat ng pinto.

Nagtama ang tingin namin na agad din n'yang iniwas at bigla itong nagbow sa harapan namin ni Julie. Walang lumalabas ang na boses sa bibig ko.

Nakatingin lang ako kay Younis.

"What are you doing here?" iritang tanong ni Julie kay Younis. Umayos ito ng tingin, kaya nakita ko ang mukha n'ya.

Bakit ganun ang itsura n'ya, may sakit ba s'ya. Feeling ko ay hindi mabuti ang lagay nito dahil sa facial expression n'ya.

Nagbow ulit s'ya sa amin sa hindi ko malaman na dahilan. Ramdam ko ang pagtingin ni Julie sa akin. Pagkatayo nito ay hindi ko inaalis ang tingin sa kan'ya.

Nagtama ang mata namin.

"Bakit pinapayagan mo s'yang pumasok dito?" tanong ni Julie sa akin, pero wala akong sinagot sa kan'ya, kay Younis lang ako nakatingin.

Isang tingin na naman ang binigay sa akin ni Younis, bago ito maglakad papunta sa table ko. Napansin ko rin ang hawak n'yang envelope.

"Pinapabigay po ni Team leader Wendell," sabi n'ya. Ibinababa ni Younis ang envelope sa table ko. Muli s'yang nagbow sa amin bago ito maglakad paalis sa office ko.

Ako lang ba o pansin ko na parang nasasaktan ito sa nakita n'ya. Napatingin ako sa envelope na binaba n'ya.

"Magdinner tayo mamaya," aya ni Julie. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa swivel chair.

"May gagawin ako mamaya," sagot ko sa kan'ya. Bigla na lang ako na wala sa mood.

"Magpahatid ka na kay David pauwi," sabi ko pa. Tumayo ako at naglakad papunta sa room ko dito. Nilock ko ang pinto, dumiretso ako sa comfort room. Tinignan ko ang sarili ko duon.

Nakita ko ang ilang stain ng lipstick ni Julie sa labi ko. Agad kong hinugasan ang labi ko para mawala iyun.

Kaya ko ba talaga na ikasal kay Julie. Tama naman s'ya katawan ko lang ang ikakasal sa kan'ya. Narealize ko na gusto ko lang talagang magpapansin kay Younis.

Baka tama si Rifle, na hindi naman nawala ang pagmamahal ko kay Younis. Baka s'ya pa rin hanggang ngayon.

Napasandal ako pader. Anong gagawin ko, wala akong maisip kung ano ang gagawin ko. Si Younis ang lakas ko s'ya rin ang kahinaan ko.

Nablablangko na naman ako dahil sa kan'ya. Napaupo ako sa floor. Ayokong gamitin si Julie sa lahat, pero parang iyun ang ginagawa ko. Gusto kong makalimutan si Younis ay ginagamit ko na si Julie.

Ilang oras akong nakatunganga sa loob ng comfort room at nag-iisip kung ano ba dapat ang gawin ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay lumabas na ako duon. Bumalik ako sa office ko at wala na si Julie. Pinatay ko ang phone ko dahil gusto kong mapag-isa ngayon.

Umakyat ako ng rooftop para duon magpalipas ng oras. Pagbukas ko ng pinto ay napakunot ang noo ko ng makita ang lalaking kasama ni Younis.

Mayroong babaeng nakahiga sa couch, hindi ko alam kung sino iyun. Lalong akong napunot ang noo ng balak halikan ng lalaki ang babaeng nakahiga.

Napako ang tingin ko sa isang string ba na nakalagay sa sahig.

"Ehem!" ubo ko. Isinuot ko ang isa kong kamay sa isang bulsa. Biglang napatingin sa akin ang lalaki.

"President," gulat n'yang tawag sa akin. Tumayo ito at nagbow. Tinignan ko ang name tag n'ya.

"Kevin hindi ba oras ng trabaho ngayon?" tanong ko sa kan'ya. Yumuko ito sa akin.

"Sorry po," sabi n'ya. Balak n'yang hawakan si Younis.

"Wait," pigil ko sa kan'ya. Naglakad ako palapit duon. Nakita ko si Younis na natutulog sa couch.

"Gigisingin ko..."

"Ako na ang gigising sa kan'ya, kakausapin ko rin si Ms. Killpack," putol ko kat Kevin.

"Bumalik ka na sa trabaho mo," seryoso kong utos sa kan'ya. Nag-aalangan pa itong umalis, pero wala rin s'yang nagawa. Nagbow muna s'ya sa akin bago ito umalis.

Pagkaalis n'ya ay hinarap ko si Younis. Napatingin ako sa mata n'ya na namamaga pa at namumula nitong ilong. Umiyak ba s'ya dito.

Hinubad ko ang coat ko at kinumot sa kan'ya. Umupo ako sa sahig habang nakahiga ito sa couch. Pagabi na at malakas ang hangin dito.

Tinignan ko si Younis na mahimbing na natutulog.

"Bakit mo ba ako iniwan?" tanong ko sa natutulog na si Younis. Tinitigan ako ang mukha n'ya.

"Hmmm..." Napayakap s'ya sa sarili n'ya dahil sa lamig dito sa rooftop. Inayos ko ang coat ko sa kan'ya.

Napatingin ako sa labi n'ya. Iniwas ko ang tingin at napatalikod ng kinabahan ako bigla sa kan'ya. Bumuntong hininga na pang ako. Tinignan ko ang langit na unti-unti ng nagdidilim.

Hindi ko mapigilan na tumingin kay Younis. Ang inosente ng mukha n'ya. Nangako kami dati na sabay kaming aakyat sa taas, pero pareho kaming umiba ng daan.

Muli akong napatingin sa pink na labi n'ya. Humarap ako kay Younis, nakapikit ito at halatang malalim ang pagkakatulog n'ya.

Sa dami-daming matutulugan bakit dito pa s'ya na tulog. Malamig dito at alam ko naman mahina s'ya duon. Napalunok ako na parang may magnet na naglalapit sa akin kay Younis.

Nakatitig ako kay Younis at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa mukha n'ya. Isang smack kiss ang binigay ko sa kan'ya.

Tinignan ko kung nagising ba ito, pero napangisi ako ng nakapikit pa rin s'ya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at inayos ang coat ko sa kan'ya.

"Maging mabait ka na lang, para mahanap mo ang para sayo," sabi ko sa tulog na si Younis. Kung kami sa isa't isa walang mangyayari na ganito.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko ang inosente n'yang mukha. Inilagay ko ang isa kong kamay sa bulsa bago ako maglakad papasok sa loob.

Pagkasarado ko ng pinto ay natigilan ako ng may maramdaman akong kakaiba. Nilibot ko ang paningin ko kung mayroon bang tao sa paligid.

Nang wala akong makita ay dahan dahan akong naglakad paalis sa rooftop. Sumakay ako ng elevator para pumunta sa eighteenth floor, sa office ko.

Bumalik ako sa ginagawa ko kanina. Kinuha ko ang envelope na binigay ni Younis kanina at tinignan ko yun.

Record ng sales ngayon, pinirmahan ko na iyun at ibibigay sa accounting department para mairecord na nila.

Hindi pa tapos ang investigation sa accounting department at ngayon ay kasalukuyang nakahold si Mr. Shin sa trabaho n'ya dahil sa pag-iimbistiga sa kan'ya.

Si Younis ang dahilan ng lahat kung bakit na bunyag ang ginagawa ng mga accounting department. Dahil sa walang nakakapigil sa kan'ya sa gusto n'ya ay natuklasan n'ya iyun.

Matagal ko ng pansin ang mga bagay na iyun, pero kailangan ko lang ng matibay na ibindensya para mapatunayan. Malaki ang natulong ni Younis dahil sa ginawa n'ya.

Hindi man katanggap-tanggap ang pagpasok n'ya sa accounting department ay may dahilan naman ito dahil sa natuklasan n'ya.

Kaya ba s'ya nagpaturo kay Rifle mag bukas ng pinto gamit ang pin. Matagal na namin ginagawa ni Rifle iyun. Ako ang nagturo kay Rifle ng lahat ng iyun. Pinagpatuloy ko ang pagpirma ko sa mga papel ng maalala ko ang naramdaman ko sa rooftop.

Kinuha ko ang phone ko na kanina pa nakapatay. Tinawagan ko si Younis para pauwiin na s'ya. Mag gagabi na at ayokong maabutan pa s'ya ng gabi dito.

Bigla n'ya iyung pinatay kaya mukhang nagising na si Younis. Ilalapag ko sana ang phone ko sa table ng bigla akong napatayo.

Hindi ako papatayan ni Younis ng ganun kabilis. Tumakbo ako palabas ng office at nagmamadaling pumasok sa loob ng elevator.

Bawat pagpapalit ng numero dito sa loob ng elevator at tinitignan ko. Muli kong tinawagan si Younis, pero hindi na n'ya ito sinasagot. Bigla akong kinabahan.

Hindi kaya mayroon pang tao sa rooftop bukod sa aking dalawa ni Younis.

"Shit!" I cursed ng iling ulit ko ng sinusubukan na tawagan si Younis. Ang bagal naman ng elevator na 'to.

Hindi pa nabubuksan ng tuluyan ang elevator ay lumabas na ako. Napakunot ang noo ko ng may isang anino akong nakita. Nakatago s'ya sa pader, pero kita ko ang anino nito. Nagtago rin ako sa kabilang side nuon.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Younis, pero ayaw n'ya talagang sagutin. Sumilip ako sa pader kung saan ako nagtatago ay wala na duon ang anino. Lumabas ako para tignan, pero walang tao ang nanduon.

Naglakad ako papuntang pinto ng may nakita akong tumakbo sa peripheral vision ko. Agad kong nilingon iyun at napakunot ang noo ko.

May isang papaliko dito twenty fifth floor bago ang rooftop. Naglakad ako papalapit duon para tignan kung sino ba ang tao na iyun.

Kung employee s'ya dito ay ano ang ginawa n'ya dito. Lahat ng room na nadadaanan ko ay sinisilip ko. Dito na ka lagay lahat ng mga inventory ng company kaya walang masyadong tao ang pumupunta, unless kung may kukuhanin.

Pagdating ko duon ay wala naman kahit anong ang nanduon sa pinakadulo ng floor na ito. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at chineck ko ng mabuti ang lahat.

Tumalikod na ako para puntahan si Younis. Tumigil ako ng makarinig ako ng isang kaluskos. Dahan dahan akong lumingon kung saan ko napansin ang ingay.

Nanliit ang paningin ko ng makita kong gumalaw iyun. Bigla akong napapikit sa gulat ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyun at tumalikod, baka hangin lang iyun.

Nakita ko ang pangalan ni Mama kaya sinagot ko na.

"Ma," bungad ko dito. Naglakad na ako palabas. Napangisi ako ng makita ko ang isang reflection ng isang lalaki na nagmula sa kwarto iyun. Naka black shirt and cap ito.

"Nandito si Julie," sabi ni mama sa kabilang linya, pero ang mata ko ay nasa salamin.

"Mayroon akong tatapusin ngayon ma," sagot ko sa kan'ya. Nagtatago lang ito duon at mukhang hindi lalabas hanggang nandito.

"Hindi ba pwedeng bukas iyan?" mahinahon na sagot tanong ni Mama. Nagpatuloy ako sa paglalakad para hindi makahalata ang lalaki.

"Magkikita naman kami ni Julie, sige na Ma may gagawin pa ako," seryoso kong sagot at binaba ko na ang phone. Naglakad ako papuntang elevator para bumaba sa office.

Ang lalaking iyun ay s'ya rin ang lalaking nakikita ko na nagmamasid tuwing gabi dito sa Arme.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login