Forum Download app Gifts
20% The Broker Series #1.2: ARME / Chapter 4: CHAPTER 4

CHAPTER 4 - The Broker Series #1.2: ARME - Chapter 4 by Hxnnxhssi full book limited free

Chapter 4: CHAPTER 4

Younis's POV

"Ok na kaya si President?" Bigla akong napatingin sa lalaking kaharap ko. Nandito kami ngayon sa canteen at kahit ayokong kumain dito ay wala rin akong magagawa dahil wala ng time para maghanap ng iba. Sumubo ako ng kanin at tinignan ulit si Kevin na nakatingin sa akin.

"Malay ko!" Tipid kong sagot at sumubo ulit ng pagkain. Bigla kong naalala si Snipe dahil sa nangyari kahapon sa kan'ya.

Bakit duon s'ya pumunta kung may sakit pala s'ya. Buti na lang at nakatambay ako sa rooftop para magpahangin at buti na lang din at naisipan ni Kevin na pumunta duon. Si Kevin ang nagbuhat pababa kay Snipe. 

"Hi can I seat with you? Puno na kasi ang iba!" Tinignan ko ang babae na nakatayo sa harapan namin at may dalang tray na laman ay pagkain n'ya.  Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-4_55499300943231884">www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-4_55499300943231884</a> for visiting.

"Sure!" Sagot ko at umasog ako para makaupo ito sa tabi ko. 

"Thanks!" Nakangiti nitong sabi. Tumango ako bilang respond sa kan'ya. 

"Ikaw ang bago kanina diba?" Sabi ni Kevin kaya napatingin ako sa babaeng katabi ko. Maganda ito at napakaayos n'ya tignan. Mahaba ang buhok n'ya at ang ganda ng mukha n'ya. Kung gan'ya lang ako edi masaya ang buhay ko. 

"Yup! Janice pala!" Masigla nitong sabi at nilahad ang kamay n'ya kay Kevin na agad tinanggap nito para magshakes hand. 

"Kevin!" Pareho sila ng energy. She switch her glance on me and she offer her hand too to me for shakes hands.

"Younis" Tipid kong sabi at binalik ko ang tuon sa pagkain ko. Walang nagsasalita sa amin tatlo at ang naririnig lang namin ay ang ingay na nagmumula sa ibang tao. 

"Nakita n'yo ba si President Snipe?" Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan ni Snipe. 

"Bakit mo naman hinahanap si President?" Tanong ni Kevin. Tinignan ko si Janice para sa isasagot nito. Bigla s'yang ngumiti at namula ang pisnge. Ang mestiza n'ya kasi kaya namumula ito. Napataas ang kilay ko ng tignan n'ya ako. Naguguluhan ako sa babaeng ito. 

"S'ya kasi ang dahilan kung bakit ako pumasok dito!" Kinikilig nitong sagot. Napangiwi kami ni Kevin sa kan'ya. 

"Totoo ba?" Natatawa kong sa tanong. Tinignan ako ni Janice at mabilis na tango ang binigay n'ya sa akin na hindi na aalis ang ngiti n'ya sa mga labi nito.

"Bakit naman s'ya?" Takang tanong ni Kevin. Ang iba ang dahilan dahil sa mga pangarap nila tapos ang isang ito dahil sa Snipe na 'yun.

"Ang pogi n'ya kasi!" Napakamot ako sa ulo ko at dahan dahan na napailing. Nakita 'yun ni Kevin kaya bigla itong natawa. Gwapo talaga si Snipe medyo masama lang ugali.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko para makabalik na ako sa trabaho. Natambakan na ako dahil sa daming binibigay ni Team leader Wendell dahil daw sa project ng binigay ng head ng marketing department ay kailangan namin maging busy.

"Balita ko ikakasal na daw si President." Sabay kaming napatinin ni Janice sa binitawan na salita ni Kevin. Hindi naman na ako nagulat duon. Alam ko naman na sila din ni Julie ang magkakatuluyan pagdating ng panahon. Ok na rin iyun. Mahal naman ni Julie si Snipe.

"Ang pangit naman ng fiance n'ya." Lihim akong napangiti. Maganda rin naman pala lumalabas sa bibig nito.

"Kilala mo ba?" Tanong ni Kevin. Binitawan ko ang hawak kong kutsara.

"Julie/Julie!" Sabay naming sagot ni Janice. Biglang napunta ang tingin sa akin kaya inayos ko na ang gamit ko.

"Kilala mo si Julie Williams?" Takang tanong ni Janice. Ngumiti ako sa kan'ya at umiling.

"Hindi!" Mabilis kong sagot.

"Paano..."

"Sabi mo kasi pangit kaya pangit na pangalan ang naisip ko!" Sabi ko sabay tayo at sinuot ang string bag ko.

"Una na ako!" Paalam ko pero napahinto ako ng biglang tumayo si Kevin. Tinaasan ko s'ya ng kilay ng harangan n'ya ang dadaanan ko.

"Sabay na tayo!" Masigla nitong sabi. Wala naman akong sinagot sa kan'ya at naglakad na ako palabas ng cafeteria. Ramdam ko ang pag sunod nito sa akin.

"Lalabas daw tayo!" Tinignan ko si Kevin. Pinagsasabi ng lalaking ito.

"Saan naman?" Tanong ko kahit na wala akong idea sa sinabi n'ya.

"We were start promoting the Arme pen starting tomorrow and the other product. Sabi ni Chief Uy kung sino ang pinakamadaming sales magkakaroon ng dinner together with the president!" Natawa ako sa premyo.

"Ano naman mapapala natin kay President?" Natatawa kong tanong kay Kevin. Ilang beses ko ng nakasabay kumain 'yun wala naman akong napala. Masmaganda kung cash na lang nila matuwa pa ako sa kanila.

"Exposure 'yun!" Napakunot ang noo ko sa sagot n'ya.

"Wala kang mapapala duon!" Huminto kami sa tapat ng elevator at hinihintay na bumukas iyun.

"Marami kayang gustong makadinner ang President!" Tinignan ko si Kevin at pinitik ang tenga.

"Hindi ako kasama duon! Nagsasayang lang sila ng oras sa lalak..." Napahinto ko ang sikuhin ako ni Kevin. Hindi naman malakas. Napataas ang kilay ko dahil sa ginawa n'ya. Problema n'ya ba.

Bumukas ang elevator kaya pumasok na ako, pero ramdam ko na hindi sumunod si Kevin.

Pagharap ko sa kan'ya ay nakita kong nakatayo si Snipe. Nagtama ang mata namin kaya umiwas ako.

"Younis!" Tinignan ko si Kevin na tinatawag ako para lumabas ng elevator. Pumasok si Snipe sa loob at pinindot ang 21th floor.

Nagbow ako ng konti sa kan'ya para hindi lang makahalata si Kevin. Ang lalaking ito bakit ayaw n'yang pumasok.

Biglang sumara ang pinto ng elevator at hindi pa nakakapasok si Kevin.

"Bakit 'di s'ya pumasok?" Mahina kong sabi sa sarili ko. Binaling ko ang tingin sa katabi ko na seryoso lang ang mukha. Wala naman bago duon.

"Ok ka na ba?" Tanong ko sa kan'ya. Bigla s'yang tumingin sa akin na walang halong reaction sa mukha nito.

"Don't try to act as we care about each other!" Tumango ako sa kan'ya. Madali naman akong kausap kung iyun ang gusto n'ya walang problema sa akin.

"Okie!" I said in a cusual tone. Hindi ako sanay na kausapin s'ya ng formal kaya s'ya ang mag-adjust.

"Sorry sa pagsampal mo sa akin. Let's just pretend that we're not know each other!" Seryoso kong sabi sa kan'ya at tinignan ko ito. Isang ngiti ang binigay ko sa kan'ya at naghalf bow ako kay Snipe bago ako lumabas ng elevator.

Masmaganda kung wala aking inaalala sa trabaho ko. Madalas kaming magkikita ni Snipe dito dahil sa iisang building lang kami nagtratrabaho. Masmapapadali ang trabaho dito kung hindi ko na s'ya iisipin pa.

Bumalik ako sa office at nagtrabaho na. Wala pa rin dito si Kevin. Pag akyat na rin siguro iyun.

"Ms. Killpack!" Napalingon ako sa tawag ni Team leader.

"Yes po?" Mabilis kong respond.

"Si Kevin and Janice ang ka group mo. Ang location n'yo ay sa south lucia!" Napaisip ako kung saan ang south lucia.

"Ok po!" Sagot ko kahit na hindi ko alam kung nasaan ang south lucia.

Sabay na dumating si Kevin at Janice. Agad na pumunta sa tabi ko si Kevin.

"Hindi ka napagalitan?" Bungad n'yang tanong sa akin. Malamang ang tinutukoy n'ya ay si Snipe.

"Hindi!" Sagot ko sa kan'ya.

"Ikaw ang kagrupo ko at si Janice. Hanapin mo ang south lucia, mahina ako sa lugar!" Utos ko dito sa kan'ya. Napakunot ang noo ko ng bigla itong tumawa.

"Gosh kayo daw ka group ko. Saan tayo?" Tinaasan ko ng kilay si Kevin bago ako tumingin kay Janice.

"South Lucia!" Sagot ko.

"Ok!" Masigla nitong sabi.

"Alam mo ba kung saan ang south lucia?" Tanong ni Kevin na nagpipigil pa rin ng tawa.

"Yes sa baba lang!" Nanliit ang pangit ko kay Kevin ng tumawa ito. Maski si Janice ay hindi s'ya maintindihan.

"Tumigil ka pepektusan kita!" Banta ko dito at nagsimula ng bumalik sa trabaho ko. Ilang oras ang lumipas ng kalabitin ko si Kevin na seryoso sa ginagawa n'ya.

"Tapos ka na?" Tanong ko sa kan'ya. Umuling ito bilang sagot.

"Why?" Tanong n'ya sa akin.

"Punta kayo sa rooftop pagkatapos n'yo d'yan. Magplaplano tayo para bukas!" Sabi ko at tinuro ang taas. Agad s'yang tumango kaya inayos ko na ang gamit ko para munta duon.

Pagdating ko sa rooftop ay napabuntong hininga ako ng makita ko ang isang monggol sa buhay ko. My ex tsk.

Napatingin s'ya sa akin dahil sa pagdating ko. Nagbow ako sa kan'ya ng konti. Baka sabihin n'ya inaapi ko s'ya sa sarili n'yang kumpanya.

binaba ko ang mga gamit ko sa bench dito at umupo duon. Si Snipe ay nakatalikod sa akin at hindi ko makita ang wala n'yang reaction na mukha.

Hapon na at papalubog na rin ang araw. Napakaganda ng kalangitan golden sky. Kinuha ko ang phone at kinuhanan iyun.

Pagtingin ko ay napangiti ako dahil sa ganda. Kung nandito si Kent siguradong matutuwa iyun dahil sa ganda ng tanawin.

"What are you doing here?" Napaangat ako ng tingin sa may-ari ng malamig na boses na iyun.

"Nothing" sagot ko sa kan'ya at binalik ang tingin ko sa phone ko.

"Tsk" napangisi ako at tinignan ko ulit si Snipe.

"Kailan kasal mo?" Casual kong tanong sa kan'ya. Ang weird ang tanong ko sa kan'ya. Ex boyfriend ko tapos tinatanong ko kung kailan ang kasal.

Humarap ito sa akin at tinignan ako ng seryoso. Wala ng bago duon.

Ngumiti ako sa kan'ya para naman. Tumayo ako at naglakad papunta sa tabi n'ya. Sumandal ako sa barricade at tinignan ang mga nasababa nitong building.

"President ka na, pero tahimik mo pa rin." Sabi ko sa kan'ya. Napatingin ako sa hawak nitong isang pack ng yosi. Gusto n'ya bang mamatay ng maaga.

Inagaw ko ang hawak nitong yosi at hinulog iyun sa building sabay ngiti sa kan'ya.

"Sowi!" Pacute kong sabi sabay seryoso ng mukha. Tinignan n'ya ako ng masama kaya umiwas ako ng tingin.

"Kung bibili ba ako ng stock sayo bebentahan mo ba ako?" Tanong ko. Ang pangarap kong maging C.E.O ay sisimulan ko na dito sa Arme. Tinignan ko muli si Snipe na walang kaimik-imik sa tanong ko. Paano naging president ang isang ito kung walang kwentang kausap.

"Kung ayaw mong magsalita ok. I saw your company selling a stock in Philippine stock market." Sabi ko ulit. Tumungin ako sa malayo at wala talaga akong makukuhang sagot sa kan'ya.

Unti unti ng dumidilim dito akaya napatingin ako sa phone ko kung anong oras na ba at bakit wala pa ang dalawa.

"Nasaan kaya sila?" Mahina kong bulong sa sarili ko. Tinignan ko ang katabi ko na ngayon ay may tinitignan sa phone n'ya.

Napako ang tingin ko sa mukha n'ya na halos iyun parin at walang pinagbago five years ago. Kissable lips, pointed nose and attractive and emotionless eyes. Na kahit anong titig mo ay wala kang makikita kung hindi ang mapang-akit n'yang mata.

"Stop staring on me!" Malamig nitong sabi kaya napa iwas ako. Shems 'di ko namalayan iyun ah.

"You told in awhile that just pretend we aren't know each other, but you talk to me casually like a normal employee to the building, you standing on." Kinilabutan ako sa tono ng boses n'ya dahil sa lamig nito. Napaatras ako ng humakbang s'ya palapit sa akin at seryosong nakatitig sa akin ng diretso.

Hindi ako makatingin sa kan'ya dahil naiilang na ako sa titig nito.

"Ok, sorry" Naiilang kong sabi at aalis na dapat duon ng hawakan n'ya ang braso ko at isinandal sa barricade na naghaharang dito sa rooftop.

Nagulat ako ng bigla n'yang hinarang ang dalawa nitong kamay sa pagitan ko. Lalo akong na ilang dahil sa tingin n'ya sa akin na halos konti lang ang pagitan ng mukha namin.

"What are you doing?" Nauutal kong tanong sa kan'ya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kong umuusad ang mukha n'ya palapit sa akin.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako na parang naging tuod na ako dito. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

"Wag mong isipin na magkakaayos pa tayo. Hindi na ako baba para lang makasama ka. Isa kang pagkakamali sa buhay ko." Tinignan ko si Snipe sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang magiging reaction ko sa sinabi n'ya.

"Mataas ka nga kesa sa akin, ito lang masasabi ko sayo. Wala akong pakialam kung gaano ka kataas. Hintayin mo ako para itulak ka pababa." Napangisi ako dahil sa sinabi ko. Tinulak ko s'ya para lumayo sa akin.

"Hindi ko rin alam kung bakit naging parte ka ng buhay ko." Dagdag ko pa at sinamaan s'ya ng tingin. Nakita ko itong ngumisi kaya isang pekeng tawa ang binigay ko.

"Wala akong paki kung president ka dito, pektusan pa kita!" Inis kong sabi. Kinuha ko ang gamit ko at inis na umalis duon.

"Akala mo kung sino." Padabog kong isinara ang pinto at sumakay sa elevator.

Pasabugin ko pa building n'ya para wala na s'yang pinagyayabang. Tama lang pala ba iniwan ko ang bwisit at monggol na lalaking 'yun.

Pagbaba ko sa ground floor ay agad akong lumabas sa building. Modern at maganda itong building baka gusto n'yang ako ang negative ng S.W.O.T, W and T.

Dapat kabahan kasa akin dahil minsan nasaloob ako at lumalabas din ako ng kumpanya mo Snipe. I will be his weakness and threat, kaya umayos s'ya.

Tinignan ko ang taas nitong building kung makikita ko ba ang kutong lupa na iyun, pero masyadong mataas kaya hindi ko maaninag.

Bumalik ako sa paglalakad ko at naisip ang dalawa kong kasamahan na bakit hindi sila pumunta sa rooftop kanina. Kainis sila tapos nainis pa ako ng president dito.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may maramdaman akong may matang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang bag ko at dahan dahan na naglakad na parang wala akong nararamdaman.

Baka holdapin kaya ako o what. Shems wala akong pera dito. Mukha ba akong mayaman 'di naman ah. Huminto ako sa paglalakad at huminga ng malalim. Mabilis akong humarap para tignan kung sino iyun, pero napakunot ang noo ko ng wala naman akong nakita.

Baka stress ko lang kay Snipe ito kaya kung ano-ano na ang nararamdaman ko. Sumakay ako ng bus para umuwi na at kailangan ko pang-isip at pagplanuhan ang gagawin namin para bukas.

Kung mananalo kami duon ay makakasabay namin na mag dinner si Snipe.

"Guguluhin ko buhay mo." Bulong ko sa sarili ko at lihim na nakangiti dahil baka makita ako ng mga kasabay kong pasahero ay may saltik na ako.

Must satisfy the market with a great strategy of marketer.

Nakauwi na ako sa bahay. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Kent na may kausap sa phone. Bigla akong napangiti dahil makita ko ang monggol na parang kinikilig.

"Landi" Natatawa kong sabi sa kan'ya. Mukhang nagulat s'ya sa pagsulpot ko na agad n'yang binaba ang phone nito.

"Sino 'yun?" Tanong ko at umupo sa sofa. Sumasakit na likod dahil sa trabaho ko.

"Wala" Sagot n'ya kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Babae iyun noh." Biro ko kay Kent. Sinamaan n'ya ako ng tingin at naglakad palapit sa akin.

"Hindi ka pa ba aalis sa Arme?" Tanong n'ya. Nalipat ang tingin ko kay Kent sabay iling.

"Hindi ako ang mag-aajust para kay Snipe. Tinanggap nila ako sila ang mag-adjust. Narealized ko ngayon na mali pala s'ya para sa akin kaya tama lang na nawala kami sa buhay ng isa't isa." Paliwanag ko ko kay Kent sabay ngiti.

"Wag ka ng mag-alala sa akin kaya ko sarili ko." Dagdag ko pa.

"Wala naman nag-aalala sayo." Natatawa nitong saad kaya nakatikim ito ng hampas sa braso.

"Pektusan kita eh." Banta ko sa kan'ya. Isinandal ko ang ulo sa sofa at pumikit. Sobrang nakakapagod ang araw na ito.

"Gusto ko ng matulog." Paalam ko attumayo na para pumunta sa kwarto.

Snipe's POV

Isang malakas na pagsara ng pinto ang narinig ko at napangisi ako ng makita ang inis na mukha ni Younis. Binalik ko ang tingin sa madilim na langit.

Ilang oras akong tumambay sa rooftop bago ako bumaba sa building. Wala ng mga tao dito dahil sa gabi na. Mag-isa lang ako na naglalakad ng makaramdam akong kakaibang presensya. Agad akong huminto at nagmasid sa paligid. Naningkit ang paningin ko ng may isang lalaking nakatingin sa akin na nagmumula sa labas nitong building.

"Hey!" Sigaw ko at naglakad palapit sa kan'ya. Bigla itong tumakbo kaya mabilis akong tumakbo palabas ng building para habulin iyun.

Paglabas ko ay wala na ito. Hinahabol ko ang hininga ko dahil sa hingal. Napatingin ako sa paligid kung bakit walang nag-iikot dito pag ganito ng oras na security. Niluwagan ko ang nectie sa leeg ko at pumasok ulit sa building.

Napakatahimik ng lugar. Pumunta ako sa office ko. May isa akong kwarto kadikit lang ng office ko kaya pwede akong dito mag stay. Umupo ako sa swivel chair at iniisip ko kung sino ang lalaking iyun.

Bigla kong naalala lahat ng nangyari sa akin at sa EmerArt shop ko limang taon na ang nakakalipas.

Kinuha ko ang laptop para may tignan na tao. Pagsearch ko sa pangalan ni Emerson ay walang lumabas kahit ano. Wala na akong balita sa lalaking iyun simula ng matalo ko ito sa presintation at hindi ko alam kung nasaan na s'ya.

Sinara ko ang laptop at pinatong ko ang dalawa kong siko sa table.

"I love you" Napatingin ako sa ingay na nagmula sa love pen. Kukuhanin ko dapat iyun ng biglang tumunog ang phone. Pagtingin ko sa phone ay pangalan ni Julie ang lumabas.

"Hello, mahal!" masigla nitong bungad sa akin. Napasandal ako sa inuupuan kong swivel chair at napahawak sa ulo ko.

"Yes?" sagot ko sa kan'ya.

"Namimiss na kita," Napahinga ako ng malalim. Ayoko ang mga ganitong usapan dahil wala akong panahon para sa mga ganitong usapan. Hindi ako nagsalita pabalik dahil wala rin naman akong sasabihin sa kan'ya.

"Oo na tatahimik na ako, alam ko naman na miss mo rin ako, pero 'di mo na kailangan sumagot," dagdag pa n'ya.

"Inaalagaan mo ba sarili mo?" tanong naman nito.

"Of course," agad kong sagot. Napahikab ako dahil na rin sa pagod ko ngayong araw.

"Oh my gosh! nagpapakapagod kayata ng husto dyan sa trabaho mo,"

"I'm fine, Julie. I just need to rest right now it's already dark here," sabi ko sa kan'ya.

"Sige na tawag na lang ulit ako, bye I love you." Pinatay ko na ang phone at nilapag iyun sa table ko.

Muling nalipat ang tingin ko sa love pen. Inabot ko iyun at tinignan. Ito ang kauna unahan kong gawa na pen. Biglang pumasok sa isip ko kung saan ko ito ginawa at kung sino ang dahilan kung paano ito na buo. 

Ito din ang dahilan kung bakit nawala ang EmerArt sa akin na ilang taon kong pinag-hirapan. Muli kong ibabalik ang EmerArt pag nagkaroon ako ng oras para asikasuhin iyun, pero hindi ko na gagamitin ang salitang Emer para sa bogo kong itatayo. 

Masmalaki at masmaganda ang ipapalit ko duon. Lahat ay babaguhin ko pati ang pangalan, pati na rin ang history kung paano na buo. Lahat nng iyun ay mababago. 

I lean my back on my swivel chair and close my eyes. I spin the pen on my finger start thinking what's the perfect name for my start up pen shop. I need to do a firm idea to assure the shop will succeed in the future. 

I don't wanna stay in traditional business, gusto ko 'yung nakikipag laban sa mga competitors. Nakaramdam ako ng antok habang nasakalagitnaan ako ng pag-iisip. 

"Young master!" Naalimpungatan ako dahil sa ingay na narinig ko. Pagdilat ko ng mata ko ay naramdaman ko ang agad ang pananakit ng likod ko. Napaayos ako ng upo ng makita ko na nasaharapan ko si David. 

Tinignan ko ang paligid ko at sa office pala ako nakatulog. Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang kamay ko at napayuko dahil sa inaantok pa ako. May sinag na ng araw kaya alam kong tahalina. 

"May interview ka po ngayon," rinig kong sabi ni David. kaya agad na napaangat ang tingin ko kay David at napakunot ang noo ko. 

"What do you mean? Where's secretary Cruz?" inis kong tanong kay David. I don't remember that I have an interview today. 

Nalipat ang tingin ko kay secretary Cruz na nakayukong pumasok sa dito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan ito ng diretso. Pumunta sa gilid si David. 

"What he meant about the interview?" malamig kong tanong kay secretary Cruz. Nakayuko lang ito na tila ba natatakot sa akin. 

"You're scheduled, President today is interview with the Affin media President," sagot nito. Napapikit ako sa inis at napaupo. 

"Why you don't tell me early!" inis kong sabi sa kan'ya. 

"Cancel it," dagdag ko pa. Napatingin sa akin si Secretary kaya tinignan ko din ito. 

"But President on the way na po sila," I gave her a neutral face. 

"I don't care even though they are here, cancel it!" I coldly command to her. She gave me a bow and quick turn around then walk towands outside my office. 

Ang aga aga pinapainit nila ang ulo ko. Tinignan ko si David na nakatayo sa isang tabi. 

"Leave me alone!" I said to him pissed. 

"Pinapasabi po ni Madam na sa mansion ka daw po magdinner mamaya," aniya ni David. Tumango na lang ako para matapos ang usapin. 

Naglakad na ito palabas ng office ko kaya pumunta ako sa kwarto ko dito at humiga sa kama at muling pinikit ang mata ko. Tumayo ako ng hindi ko na maramdaman pa ang antok dahil sa maagang pambwibwisit ng tauhan ko sa akin. 

I went to bathroom to take a quick shower at paglabas ko ay ang sinuot ang black suit. Pagkaayos ng saliri ko ay lumabas na ako sa office ko nagsimulang malibot sa bawat department ngayon. 

Natigilan ako ng mapunta ako sa marketing department, Naglakad lang ako saglit sa harapan ng pinto, pero napaatras ako pabalik ng wala akong makitang tao na nanduduon. 

Nasaan ang mga tao dito. Oo nga pala meron silang project para sa target sales for this month. Tama dapat sipagan pa nila lalo. Tumalikod ako duon at maglalakad na sana pabalik sa office ko para ipagpatuloy ang mga kailangan kong pirmahan at approvahan na proposal, but suddenly I stop when I saw Younis with I don't know the names of her co-employee. 

"President Snipe!" A girl greeted me, beside of Younis, on left side. Bigla silang nagbow sa akin maliban kay Younis na tipid na bow ang binigay n'ya sa akin. 

"Ako na lang ang kukuha ng gamit sa loob mauna na kayong bumaba," sabi ni Younis sa mga kasamahan n'ya. I noticed someone staring at me. I pay it attention and I cought the girl, whom greeted me in awhile. 

She has a big smile at me, but I ignore her and switch my glance to the guy looking on Younis. 

"Tulungan na kita," sabi ng lalaki kay Younis. Hindi naman sumagot si Younis at nagsimula ng maglakad. Lumagpas s'ya sa akin at ganun din ang lalaking sumunod sa kan'ya. 

"Hello, President my name is Janice." Tinignan ko ang nilahad n'ya kamay sa harapan ko. Iniba ko ang tingin ko at nilagpasan ito. Naglakad ako papunta sa elevator para bumalik na sa office ko. Ang lalaking kasama ni Younis ay ang sinasabi kaya ni Rifle na may gusto kay Younis?

Why am I asking myself about that. I don't care kung sino pa ang kasama n'ya. Pagkabalik ko sa office ay nagsimula na akong magtrabaho. Ang daming gustong mag-invest sa amin. Ang daming gustong bumili ng stock ng Arme. 

Napangisi ako ng maisip kong doblehen ang presyon ng stock namin. Magpapatawag ako ng meeting about changing the prize of Arme stock. Hindi ito pasasamtala, That's called strategy. Arme is selling fifty thousand stock with the currently prize of two thousand pesos per one stock. 

I'm going to change it in triple prize. Hindi ka uunlad kung masyado mong iniisip ang mga bagay bagay sa paligid ko. The most impontant in the business are the market and net profit. Iyun ang priority, pero pahalagahan ang mga nasalikod nito. 

Habang busy ako sa pag-pirma at pagbabasa sa mga papel na nasaharapan ko ay suddenly rang my phone. I took it not turning my head, My eyes focusing on the papers. I answered the phone call not knowing whose on line. 

This is my personal phone so I expected that my friends or family on the line. 

"Yes?" I said first. 

"Sniper, your grandmather wants to see you this night. Dito ka magdinner ako ang magluluto," sabi ni mama. I stopped doing anything and lean my back on the chair. David told me about that awhile ago.

"I check my schedule Ma," I repond, emotionless. I heard her sigh, she knew that I just don't wanna go with the dinner later. 

"I hope you're not busy, me and you're father wants to see you too," she calmly said. I just nodded.

"Ok ma, I try my best," sabi ko na lang and I hung up the phone ko call. I put it on the table and continued what I am doing. Naiisip ko kung tama ba ang disesyon ko na pinayagan sila mama na tumira kasama si lola Esmeralda. 

Madalas ko silang nakikita na nag-uusap na parang magkasundo na at tanggap na ni lola Esmeralda si Mama, but some of my brain not agree and unsatisfied for what I saw base on thier act. It just seems like an acting to show me that they're fine together, but in all, I'm the root of this show. 

"Si Younis na naman iniisip mo." I stopped thinking when I heard Rifle teased me about Younis. I turn my eyes on him and gave him a deathly glared. 

"Akalain mo buhay ka pa." Binalik ko ang tuon ko sa ginagawa ko, dahil wala akong mapapala sa lalaking ito. Kung hindi ang mga kalokohan na sinasabi n'ya. And bakit ko iisip si Younis, wala na s'yang lugar sa utak ko para isip ko pa s'ya. Sayang lang ang oras ko para sa kan'ya. 

"What do you need?" I asked, seriously while my eyes pointing on the papel. 

"Hinihintay ko lang si Xyra," he answered. Wala akong pakialam sa babaeng gusto ni Rifle, pero si Xyra lang ang babaeng binabatayan n'ya. Si Rifle ang taong hindi titigil hanggang hindi nakukuha ang gusto n'ya kahit buhay pa ang kapalit nito. 

Napatingin ako kay Rifle ng tumunog ang phone nito. Napailing ako ng makita ko ang ngiti nito sa labi. Iba talaga nagagawa ng babae. Lalo na pag ang babae ay ang gusto mo. 

"Sup, Xyra," rinig kong sabi nito. Nakita kong kumunot ang noo nito at napatingin sa akin. 

"What happen to Younis?" Ako naman ang napakunot ang noo ng marinig ko ang pangalan ni Younis. Hindi ko inaalis ang tingin kay Rifle na halatang nag-aalala. Ano ba ang nangyayari.

"Hey, ano bang nangyayari?" tanong ni Rifle at bigla itong napatayo sa kinauupuan n'ya. 

"Xyra!" sigaw n'ya sabay tingin sa akin. 

"What happened?" naguguluhan kong tanong kay Rifle, pero umiling ito sa akin. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng bigla itong tumakbo palabas ng office ko. 

Kusang naglakad ang paa ko at sumunod kay Rifle. Employee ko pa rin si Younis at kailangan kong malaman kung anong nangyayari sa kan'ya, lalo na kung sa loob ng building ko iyun na gaganap. 

I went inside the elevator. Nakatingin ako kay Rifle na hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. 

"What is happening, Rifle?" I asked Rifle again. Napatingin ito sa akin.

"I don't know," mabilis n'yang sagot sa akin. Nakatingin ako sa number ng elevator, hanggang sa pababa na kami sa ground floor. Nanliit ang paningin ko ng makita na may taong nagkukumpulan sa center ng ground floor na para bang may pinapanuod ito ng kung ano. 

"What a shitty is happening?" rinig kong sabi ni Rifle. Hindi ko maalis ang tingin sa mga tao na 'yun. Bumukas ang pinto ng elevator. Si Rifle ay nagmadaling pumunta duon at ako ay naglakad patungo duon. 

Pagdating ko duon ay nakita ako ng mga tao at binigyan ako ng space para makita ang nangyayari sa duon. Bumungad sa akin ang duguang braso ni Younis at isang lalaki. 

"Si President Snipe," rinig kong sabi ng isang babae sa galid. 

"What is happening here?" Tanong ko sa babaeng nasagilid ko. Tinignan ko s'ya para malaman ang sagot nito. Umiling ito at biglang yumuko. 

"Hindi po namin alam, President. Naabutan na lang po namin na nagkakagulo 'yung new employee na taka marketing department," sagot n'ya. 

"Mukhang customer 'yung lalaki, bakit n'ya inaaway. Hindi n'ya ba alam pahalagahan ang custumer ng company na pinagtratrabahuhan n'ya," sabi naman ng kasama nitong babae.

"Ang tatapang talaga ng mga baguhan, parang hindi natatakot mawalan ng trabaho." Tinignan ko ang dalawang babae na nag-uusap sa gilid ko. 

"I'm not paying you to give a shit opinion, go back to your work!" I hissed at them. Bigla silang taranta at mabilis na umalis sa gilid ko. 

Binalik ko ang tingin at seryoso kong tinignan si Younis, pero kunot noo itong nakatingin sa lalaking mukhang may gawa ng sugat n'ya sa braso. Ang kaguluhan ang ginagawa nila. Ano sa tingin nila sa Arme na pwedeng nila gawing boxing ring kahit kailang nila gusto. 

Hindi ko pa alam ang nangyari, pero bakit pinatulan ni Younis ang lalaking ito. Ang masamang tingin ni Younis sa lalaki ay nagmumukha s'yang palaban. 

Hindi na ang gaya ng inosente n'yang pagkatao na iiyak na lang sa isang tabi pag maumaapi sa kan'ya. She definitely changed a lot by her attitude, but I don't care  if she's change herself. 

"Holy fuck!" Rinig kong sigaw ni Rifle, kaya lahat ng attention ay napunta sa kan'ya. Mabilis itong lumapit kay Younis at tinignan ang kanang braso nito na nagdudugo.

"Sira ba ang kokote mo? akala mo kahit lalaki ka hindi kita papatulan?!" Younis yelled as she wants to fight that guy. 

"Customer ako dito!" the guy shouted back. I notice his tangled clothe. Gusto kong matawa dahil sa itsura ng lalaking iyun, pero seryoso lang ang pinapakita ko sa kanila. 

"Tara dito ihaharap ko sayo ang boss ko!" matapang na sabi ni Younis at balak na sumugod nito sa lalaki, pero hinarangan ni Rifle para pigilan s'ya. 

"Ano bang gulo ang nangyari?" tanong ni Rifle, pansin ko ang pamumula ng mukha ni Younis na sa tingin ko ay may kakaiba ngang ginawa ang lalaking iyun.

"Hinipuan n'ya kasi si Younis." 


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login