Not your preferred language? Here to Choose your language.

/ Teen / The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going)

The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going) Book The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going) Book Original

The Gangsters are Secret Agents?! || Tagalog (On-Going) TGASA?!

Teen 2 Chapters 3.0K Views

Author: softiecloudsie

Not enough ratings

About Table of Contents

Synopsis

"King!" sigaw ko matapos niyang iharang ang kanyang sarili sa balang tatama dapat sa akin, agad ko siyang hinila at nagtago kami sa likod ng kotse.

"King! Wag kang pipikit okay?! Stay with me please!" pagmamakaawa ko sa kanya, apat na bala ang naputok sa kaniya, dalawa sa braso at dalawa sa magkabilaang hita. Sa hitsura niya ngayon ay hindi ko alam kung aabot pa siya.

Hinubad ko ang longsleeve kong damit at agad hinati sa apat, ayos lang na wala akong pang-itaas, naka sports bra naman kasi ako, mas mahalaga ang buhay ni Dwayne kaysa sa damit ko. Matapos kong mahati ang tela ay agad ko itong itinali ng mahigpit sa kanyang braso at hita na natamaan ng bala. Kinuha ko muli ang baril ko at nagsimulang barilin ang ba pang kalaban. Agad kong pinindot ang earpiece ko pagkatapos.

"Are you guys okay?" pangangamusta ko sa mga kaibigan ko.

"Agent Dawn! Anong nangyari? I saw that you were about to get shot! Hindi agad kita nabalaan dahil maraming nagsulputan sa likod ko!" hinihingal na pahayag ni Romina.

"It's okay Agent Reese, I'm fine, but King is here and was shot four times, he risked his life for me" sabi ko rito, narinig ko naman ang pagsinghap mga kaibigan ko. Pati sila ay hindi makapaniwala na nandito ang gang ni Dwayne, hindi na sila nakasagot pa dahil alam kong abala sila sa pakikipaglaban.

"Agent Trevor, Agent Trevor are you there?" tanong ko sa earpiece ko na nakakonekta sa buong Agents na kasama ko.

"Yes, Agent Dawn I'm here" sagot nito.

"I need reinforcements right now here at the basement! Send it ASAP! I need a group to cover me and a medical!" sigaw ko rito, dahil baka hindi niya ako marinig dahil sa putukan ng baril.

"Copy Agent Dawn"

Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin ang pinapadala ko, agad ko namang sinenyasan ang isa sa mga medical team na pumunta sa kinaroroonan ko. Nakita naman nila kami at agad na pinuntahan.

"King, stay with me okay? Please stay with me, anjan na ang medical team, maaalis na rin ang bala jan sa katawan mo okay?" pagkausap ko dito habang tinatapik-tapik upang hindi siya tuluyang makatulog.

"Uno" pagtawag pansin nito sa akin, tiningnan ko namang siya ng nagtatanong, hindi ko namalayan na nag-uunahan na ang mga luha ko sa paglabas. This is not me, I never cried.

"Always remember that I love you okay? No matter what" sabi nito kaya agad naman akong tumango ng paulit-ulit. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang lakas niya ng bigla niyang hinila ang batok ko at mapusok na hinalikan, I responded with his kisses, after all hindi ko alam kung makikita ko pa ang taong pinakamamahal ko.

Naputol ang aming ginagawa ng dumating na ang medical team sa kinaroroonan namin at binuhat na si Dwayne papunta sa van kung saan siya gagamutin.

Now, it's my time to collect some debts.

Agad kong pinalitan ang magazine ng baril ko na paubos na at humarap sa mga kalaban

They will pay for what they did to you Dwayne, ipaghihiganti kita.

Tags

Popular tags for the story

  1. Tita_Montilla
    Tita_Montilla Contributed 1
  2. dumbell190
    dumbell190 Contributed 1
  3. Avatar
    (Vacant)

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

You May Also Like

Write a review Reading Status: C0
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews