Forum Download app Gifts
100% Witch|Fate (tagalog) / Chapter 11: Hinirang at Babaylan II (ikalawang bahagi)

Read Witch|Fate (tagalog) - Chapter 11 online

Chapter 11: Hinirang at Babaylan II (ikalawang bahagi)

Hapon na noon at maagang pumunta si jess sa bukana ng bayan para antayin si ra ela.

Ilang minuto pa ay dumating na si ra ela kasabay nito ang banggit na

"Seryoso kaba sa ginagawa mong ito hinirang?"

Hindi sumagot si jess dito kinausap si jess ni koro.

Koro: jess kong ako ang tatanungin mo ay sa nakikita ko ay sa kahit anong paraan o sa kahit anong chakra na alam mo ay wala kang pag asang manalo kay ra ela.

Jess: alam ko pero lahat gagawaan ko ng paraan makuha lang ang katapatan ng mga babaylan.

Hindi naman ako magagawang patayin ng babaylan hindi ba!

Koro: oo hindi nga pero ang iniisip ko ay ang mga sinabi mo kagabi bilang pusta ng laban na ito. Alam kong alam mo na hindi ka mananalo sakanya pero bakit ka pumusta ng ganoon bagay kong saan binibigyan mo sya ng kalayaan sa pagiging babaylan nya.

Jess: kaylangan kong sabihin iyon upang may napatunayan sakanya at isa pa nasa sakanya na iyon kong talagang gusto nyang mabuhay nang hindi ginagawa ang misyon nya bilang babaylan.

Koro: mabuti pa at wag mo nalamang ito ituloy base sa nakikita ko marami nang karanasan si ra ela pag dating sa laban alam na alam ko ito dahil ang takda nya ay si netro.

Kilala kong lubos si netro lahat ng nagiging babaylan nya ay sinasanay nya mula pagkabata sadyang nagtatawag ng halimaw si netro para labanan ng babayalan nya.

Lahat gagawin ni netro para lang maslumakas ang babaylan nya kesa sa hinirang.

Alam kong sa kalagayan natin ngayon ikaw jess at si ra ela ay ganto talaga ang gustong mangyare ni netro.

Matapos magsalita ni koro ay walang ka ano anoy tinawag na ni jess si sese sabay banggit na.

Jess: hindi ko babaguhin ang desisyon ko at isa pa ako ang naghamon kaya walang dahilan para umatrras at itigil ang kong ano mang ginusto ko.

Sabagy sigaw kay sese na

Jess: ngayon sese ay ipakita mo sa akin ang sinasabi mong bago mong kakayahan.

Nangmakita naman ni ra ela na inilabas na ni jess si sese ay agad namang itong naghanda sabay banggit kay jess na

Ra ela: hinirang! Kahit papano ay may respeto parin ako sa iyo bilang babaylan mo kaya naman hindi ko gagamitin ang takda ko sa laban natin at gagamitin lang ako ng chakrang alam ko.

Sagot naman ni kess na

Jess: hindi mo ako nirerwspeto sa bagay na iyan kundi minamaliit mo lang ako.

Ra ela: kong ganoon ang dating sa iyo ay wala akong magagawa pero para sa akin ay sa ganoong bagay kita hindi mapupuruhan ng masama.

Sabay bulong naman ni jess na

"Kababaeng tao ay napaka lakas mang lait".

Dito na nagbadya ng pag uumpisa ng laban si jess. Agad nang ipinagalaw ni jess si sese kasabay nito ang pag kilos rin ni ra ela. Habang pasugod si sese ay inilabas nito ang sandata na nakuha kay sallor ang malasibat na may mahabang talim.

Sa puntong ito ay nagsasabayan sa malapitang laban si ra ela at sese kasunod nito ang pag sali at pag tulong ni jess kay sese pero tila kahit mag tulong si sese at jess ay tila sanay na si ra ela sa ganoon at nagagawa nitong makipag sabayan sakanila.

Nang makahanap naman ng pagkakataon si ra ela sa pag sipa ni jess at agad nitong hinawakan ang paa ni jess at agad na ibinalibag si jess at sa ginawang iyon ay napaatras naman si sese.

Tila ikinagulat naman ni jess ang taglay na lakas ni ra ela kaya naman gumagamit si jess ng utakora para sana sa susunod nitong pag atake pero tila napaisip si jess nang makita ang kulay ng chakra na bumabalot kay ra ela.

Ang mala kulay kahel na chakra ay bago sa patingin ni jess dahil base sa alam ni jess ang kulay ng utakora ay kulay lila samantalang and oramata naman ay kulay asul at berde naman ang sa pusora chakra.

Habang laman ng isipan ni kess ang pag iisip sa chakra ni ra ela ay bila namang umatake si sese kay ra ela kahit hindi ito inuutusan o kinokontrol ni jess.

Dahil sa pag atake ni sese ay agad na nakaiwas si ra ela at lumayo sa kinaroroonan ni sese at jess at matapos naman makalayo ni ra ela kay sese dahil si jess ang malapit kay sese ay si jess naman ang inataki ni sese.

Nakaiwas naman si jess pero kita ang gulat sa itsura nito. Samantala halata naman kay sese na hindi alam ang ginagawa dahil matapos umataki kay jess ay nag tanong pa ito na

"Ayos kalang ba jess?"

Gulat na nakatitig naman si jess dito. Lumayo si jess kay sese dahil akala nito ay kinontrol ni ra ela si sese kaya agad na tanong ni jess kay koro na

Jess: koro may alam kaba sa nangyayare?

Koro: hindi ako sigurado jess! Sa nakikita ko ay sacoral ang chakrang gamit ni ra ela kaya naman nasa ilalim parin ng oramata mo si sese.

Sya nga pala jess sa ikinilos ni sese ay hindi kopa nabanggit sa iyo na minsan ay nag iiba na talaga ang kinikilos nya.

Pansin ko iyon noong kaming dalawa ang magkasama kahapon para mag ipon ng bangkay.

Tila nawawala minsan sa katinuan si sese sa tingin ko ay may ipekto na sakanya ang mga inilagay mong spirito ng mga demonyo.

Pero sa mga sinabing iyon ni koro ay tila hindi manlang nag alala si jess at mas inisip nito na matalo si ra ela kaya banggit nito na.

Jess: hindi ko na muna iintindihin iyan.

Matapos banggitin iyon ni jess ay agad nitong kinontrol si sese at gamit ang utakora inutusan nito si sese na gamitin ang mga itinatagong bagong kapangyarihan.

Dahil sa sinabi ni koro na tila nawawala sa katinuan si sese ay nag pasya si jess na sumanid nalang kay sese gamit ang utakora katulad ng ginawa nila noon sa laban nilankay sallos.

Sa loob ng katawan ni sese ay dama ni jess ang bigat sa loob nito at tila hirap sa pag kontrol nito.

Agad naman nang umatake si sese dito sinabayan ni ra ela ito. Sa pag lalaban ng dalawa ay inilabas ni sese ang isang pakpak at sa kaliwang kamay nito ang isang bolang crystal.

Nalilito naman si koro kong si jess ba ang komokontrol o gumagamit kay sese o si sese lang ito.

Pero ang totoo ay hindi si jess ang gumagamit sa katawan ni sese kahit pa naka sanib sya dito at hindi alam ni jess na nakikipag laban na si sese.

Si jess ang binabalot ng bigat na nadarama sa loob ni sese.

Samantala sa pag kakaalam ni koro ay si jess na itong nakikipag laban.

Hindi naman agad na napansin ni koro na tila si sese na ang lamang sa laban nila ni ra ela tila nakakailang sunod na tama itog si sese at sya namang hindi mabawian ni ra ela.

Dito nasabi ni koro na kong hindi gagamit ng kapangyarihan si ra ela ay tuliyan syang matatalo ni sese.

Tanda ni koro na tanging sacoral chakra lang ang ginagamit nito ni ra ela kita naman sa lakas nya nang ibalandra nito si jess at kita rin sa liksi na ipinamamalas nito. Pero tila baliwala ang mga abilidad ni ito ni ra ela kay sese.

Ikinatataka ni koro kong paanong nasasabayan ng maagi ni sese itong si ra ela at sa pag mamasid ni koro ay dito nya napansin ang bolang crystal na hawak ni sese nakikita ni koro na tila doon nababasa ni sese ang gagawin ni ra ela nakikita na ni sese ang mga sunod na gagawin ni ra ela hanggang sa naalala ni koro ang kakayahan ni ipos ngayon naiintindihan na ni koro na ang bolang crystal na iyon ay hango sa kapangyarihan ni ipos ngunit hindi pa nalalaman ni koro ang gamit ng pakpak ni sese dahil bukod sa hindi nya alam kong kanino sa mga demonyo iyon ay hindi pa kasi ito ginagamit ni sese.

Parehong may pakpak si malphas at Machocias kaya naman hindi alam ni koro kong kanino ang ginagamit na iyon ni sese.

Samantala natigil naman sa pag iisip si koro nang tumigil mag laban si sese at ra ela tila lubusang napuruhan itong si ra ela at tila handa nang kainin ang sinabing hindi gagamit ng takda.

Pero baka pa nito gamitin si netro ay tila kita sa itsura at kinikilos nito na para ba itong na aakit kay sese at pilit lamang pinipigilan ang sarili.

Napansin naman agad ni koro ay hawak sa kanang kamay ni sese na isang bulaklak na tila may nakapulupot na ahas.

Nang makita ang ahas ay naalala nito ang pambabang ahas ni lamia.

Dito na naisip ni koro na isa isa nang ginagamit ni sese ang mga kakayahang nakukuha nya sa mga demonyo.

Maging sa mga oras na iyon ay hindi alam ni koro kong sa paanong paraan iyon na gagawa ni sese ang gamitin ang kapangyarihan ng mga spirito sa loob nya.

Samantala bago naman tuluyang mahulog sa pang aakit itong si ra ela ay gumamit na ito ng taboo kong saan mapapalayo nya si sese nag labas ng taboo si ra ela at agad itong sumabog.

Napatalon paatras si sese sa ginawang iyon ni ra ela.

Samantala makapal na alikabok namang ang bumalot panandalian sa pinaglalabanan ni sese at ra ela dahil sa pag sabog.

Matapos mawala ang alikabok ay dito na nila nalita si ra ela na hawak ang bukas na na libro na si netro.

Dito mukhang binaliwala na nito ang sinabing hindi gagamit ng takda.

Sa puntong iyon gumamit muli ng taboo si ra ela ngunit hindi na para kay sese kundi para na sa katawan ni jess na nakaupo at nakasanib kay sese.

Hindi naman na nag alala si koro dito dahil alam nyang si sese ang bahala sakanila pero mukhang mali ang inakala ni koro.

Dito tumira si ra ela galing sa taboo ng kuryente patama kay jess at dito nakatayo lamang si sese at walang ginagawa kaya namang natamaan sila jess at koro dahilan para tumilapon ang dalawa.

Tila nagulat din si ra ela dahil inaasahan nito ang pag dipensang gagawin ni sese.

Dahil sa tirang iyon ay bumalik na sa katawan ang kaluluwa ni jess na dating nasa katawan ni sese.

Sa pag bangon ni jess ay agad nagreklamo si koro na

Koro: baliw kaba bakit hindi mo dinipensahan ang tirang iyon maaari mong ikamatay iyon jess.

Takang takang tingin naman ni jess kay koro at pag iisip nito kong ano ang sinasabi ni koro dahil simula nang sumanib sya kay sese ay wala pa itong ginagawa na kahit ano at bukod paroon ay sinusubukan palang nyang kontrolin si sese kaya laking taka ni jess sa mga pinagsasabing iyon ni koro.

Samantala habang nag rereklamo si koro kay jess ay napansin ni na muli nanaman naglalaban si sese at ra ela.

Sa nakitang iyon ay agad na tinitigan ni koro si jess at dito nya nakita na walang kahit na ano mang ginagawa si jess kahit ang pag kontrol sa oramata ay hindi ginagawa ni jess.

Dito luminaw kay koro na hindi talagang si jess ang nakikipag laban kanina pa ito ay si sese lang hindi naman ito bago sakanila ni jess dahil nagagawa naman na talagang lumaban ni sese ng mag isa at kahit pa hindi nito utusan ni jess doon palang sa laban sa bayan ng hebe. Pero ang ikinatataka ni koro ay sa tagal na nakahiwalay ang kaluluwa ni jess para lumipat kay sese at hindi pala ito tagumpay na naka sanib ay saan nagtungo si jess o saan ano ang ginagawa nito.

Samantala agad napanuod si jess sa naglalabang si sese at ra ela pansin nito ang mga galos ni ra ela kaya naman napatanong nito kay koro na saan nakuha ni ra ela ang mga pinsala nito.

Agad na sagot ni koro na

Koro: matagal nang naglalaban ang dalawang iyan kaya sa anong dahilan bakit hindi mo ito alam saan ka nag tungo at anong nangyare sa iyo.

Nagulat si jess nang sabihin ni korong matagal nang naglalaban si sese at ra ela dahil simula nang sumanib sya ay hindi pa sya nakikipag laban gamit ang katawan ni sese.

Tangin nasagot nalaman ni jess kay koro ay

"Ewan, hindi ko alam".

Napasabi naman si koro na.

"Kong ganun sa labang ito ay kanina kapa walang ginagawa at tanging si sese lang ang nakikipag laban".

Nanunuod na lang si jess at koro sa labanan ni sese at ra ela.

Sa panunuod ay natanong ni jess kay koro kong paano nakakalaban si sese ng ganoon at saan nya natutunang lumaban.

Sagot nan ni koro na ang kakayahang makipag laban ni sese ay dahil kay jess din mismo kong anong klase ng pakikipaglaban o anong galaw ni sese sa laban ay sya ring galaw ni jess masasabing isang perpektong kopya lang ni jess si sese sanpagkilos sa laban isa ito sa kakayahan ng oramata.

Ibinalik naman ni koro ang tanong na saan natutunan ni jess lumaban at paano at saan dahil sa pagkakatanda ni koro ay ni minsan ay hindi nag sanay si jess at wala namang nag sanay sakanya.

Sagot ni jess na tila simula nang kinain nya ang tinapay na bigay ni jerry ay hindi lang mga ala ala ang kalakip nito ilang araw matapos noon ay paunti unting nadaramdaman ni jess sa katawan nya na para bang matagal na syang nakikipag laban at tila kusang lumalabas iyon sa katawan nya.

Kong baga sa isang laro ay para bang nangdaya si jess dahil sa tinapay na iyon ay napaka rami nyang natutunan ng madaliaan at walang kahirap hirap.

Pero dapat lang ito dahil kong tutuusin ay maaga nga namang sinimulan ni jess ang paglalakbay kaya dapat lang na kaylanganin ni jess ang mga ganoon bagay bilang panimula dahil sa bata nitong edad.

Sa pag uusap ng dalawa ay hindi nila napansin na tila baliktad na ang sitwasyon ng dalawa tira hirap na hirap na si sese at kitang kita kay ra ela na ibang iba narin ito makikita sa detalye ng mga taboong gamit na ra ela na hindi na ito normal at matataas at malalakas na klase na ng taboo ang ginagamit ni ra ela nagliliwanag narin ang katawan nito.

Nang makita iyon ni jess ay agad itong ginamit ng sabay ang utakora at oramata.

Agad na kinonekta kay sese ang oramata at ginamit ito para sabayan ang gagawin ni jess ngayon dahil sa oramata ay iisa at sabay na sabay ang magiging pagkilos ni jess at sese.

Balak ni jess gumamit ng pusora tulad ng nagawa nya sa laban kay Machocias pero hindi alam ni jess kong anong taboo ang gagamitin tanging apat na taboo lang ang natatandaan nya.

Ang napaka laking taboo na dumurog kay malphas.

Ang taboo na nagpatalsik kay Machocias at ang taboo na tila trap na liwanag na kumalahati sa katawan ni Machocias at ang isa na napaka laki at dama ni jess na lubha iyong delikado.

Hindi alam ni jess kong paano nya nagawang tandaan ang malaking taboo na iyon dahil detalyado iyon at isang beses lamang nya nakita.

Naisip ni jess na hindi si ra ela ang tamang kalaban para alamin ang kakayahan ng taboo na iyon.

Kaya ang ginawa na lamang ni jess at tirahin si ra ela ng taboo na ginamit nya para patalsikin si Machocias.

Dahil iisa ang galaw nila ni sese ay sa magkaibang direksyon ay sabay silang tumitira ni sese.

Pero bigla na lamang kumawala si sese sa pagkakakonekta nito sa oramata ni jess.

Naramdaman ni jess iyon na syang ikinataka nya ng lubos kong papaanong nakaalis si sese sa ilalim ng kapangyarihan nya.

Matapos makawala sa oramata ni jess si sese ay gamit ang pakpak nito ay lumipad at sa uluhan ni ra ela tumira ng isang malakas na pwersa mula sa pakpak katulad ng ginawa ni malphas.

Nang makita ni jess ang ginagawang iyon ni sese ay naisip ni jess na magandang pagkakataon iyon para makalapit kay ra ela.

Habang iniiwasan ni ra ela ang mga tira ni sese mula sa himpapawid ay ginamit ni jess ang utakora para hindi maramdaman ni ra ela si jess na papalapit ito.

Habang papalapitsi jess ay dito nya napapansin na nawala na pala sa katinuan itong si ra ela kaya rin pala kahit napakaraming taboo ang nasa paligid nito ay hindi naman nya ginagamit lahat bukod paroon ay lumiliwanag na ang mata nito patunay na nawala nanga ito sa sarili.

Hindi naman maisip ni jess kon papaano ito nagawa ni sese kay ra ela. Basta ang alam ni jess ay malupit na magkalaban ngayon si sese at ra ela na tila seryoso at laban para sa buhay ang ginagawa ng dalawa.

Hindi naman mahuli ng kapangyarihan si sese ni ra ela dahil nga sa wala ito sa kaayusan ay hindi ito makalaban ng maayos at kahit ano na lamang ang ginagamit na kapangyarihan tuloy tuloy din ang pagbulong nito ni ra ela para sa mga inkantasyon nito.

Samantala tagumpay naman si jess na nakalapit kay ra ela ngunit hindi nya alam ang gagawin ngayon nasa harap na mismo sya ni ra ela totoong hindi pinag isipan ni jess ang pag lapit nya kay ra ela.

Kaya ang nagawa na lang ni jess ay imbis na saktan ito ay niyakap na lamang nya si ra ela.

Pero dahil sa pag yakap na iyon ni jess ay hindi na naka iwas si ra ela sa umaataking si sese at tila nawala rin sa isipan ni jess si sese na umaatake kay ra ela.

Kaya naman natamaan silang dalawa ni sese parehong natanggap ni jess at ra ela ang tira ni sese dahilan para sabay na bumaon sa lupa ang dalawa.

Nang bumaon sa lupa ay oportunidad naman ito ni sese para tumira ng sunod sunod kaya doble doble tira pa ang natanggap ng dalawa habang papatuloy na bumabaon sa lupa dahil sa tirang nanggagaling kay sese ikinagulat ito ni koro at kapag hindi tumigil si sese ay ikamamatay na iyon ni jess kaya hindi narin nag isip si koro at gumamit na ng kapangyarihan nagkaroon ng artipisyal na katawan si koro at agad na tinalon si sese at hinawakan ito sa leeg at isinamang pabulisok na pag bagsak sa lupa.

Matapos ng ginawang iyon ni koro ay dito habang nakabaon din sa lupa ah nakita ni koro na wala nang malay si sese at lalo itong ikina alala ni koro dahil baka wala na si jess.

Magmamadali na sanang pupuntahan ni koro ang kinaroroonang basagbasag na lupa nila jess at ra ela nang biglang pumutok ang napaka lakas na pagsabog na nagmula mismo sa kinaroroonan ni jess at ra ela.

Matapos ng pag sabog at nakita ni koro ang lumulutang na si ra ela na mas lalaong nawawala na sa katinuan at mas galit na galit.

Taglay narin nito ang mas malalakas pang taboo at ibang pang malalakas na uri ng kapangyarihan na kapwa nakalutang sa gilid nito.

Dito naisip ni koro na napakasama ng nangyayaring iyon dahil sa lakas na nilalabas ngayon ni ra ela ay di malayong mapansin sila ng kahit na sino sa mga prinsipe.

Pero bago pa gumawa ng sunod na hakbang itong si ra ela ay ipinahinto na ni netro ang oras kong saan tanging si netro at koro lang ang nakakagalaw.

Kasabay ng paghinto ng oras ang nagsalitang boses ni netro at sinabi nito na.

"Aminado akong hindi ko naturuan si sarah gamitin ang kapangyarihan ko ng tama.

Kaya naman kahit pa napaka hina muna koro ay hindi ko parin lubos maisip kong papano mo naaaruga ng maayos ang mga hinirang na nahahawakan mo".

Tanging sagot laman ni koro na

"Patahimikin at ibalik mo sa kaayusan ang babaylan mo. Dahil sa si ra ela ang natitirang nakatayo at may lakas pa sa laban nilang ito ay kinukonsidera ko itong pagkapanalo sa panig nyo. Kahit pa walang kamalayan si jess at ra ela ay hindi ako mandaraya para sa kagustuhan ni jess kahit tungkol pa ito sa misyon nya bilang hinirang ang usapan ay usapan.

Hindi na sumagot si netro at kasabay ng pag balik sa oras ng lahat ang syang pagkawala ng malay ni ra ela. Inabangan namang ni koro ang tumilapong katawan ni jess dahil sa pag sabog upang salubin ito.


CREATORS' THOUGHTS
namme namme

Check out the upcoming updates of witch fate on my Instagram.

Follow me to see the official witch fate art design.

@19namme

next chapter
Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C11
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login
Report inappropriate content
error Tip

Get More Coins

Please switch to the pop-up to complete the payment.

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.