Not your preferred language? Here to Choose your language.
Hidden Marriage (Tagalog)

Hidden Marriage (Tagalog) HM

Author: JIONG JIONG YOU YAO

4.7 (2,311 ratings)

753 I Would Never Lose You! 4yr

Translator: - -Editor: - -

Chapter 753: Hindi Kita Papakawalan!
Nagulantang si Mo Lingtian. "Damn it! Halimaw ka, Guan Ziyao! Kailangan ba talagang galingan?"
Ginalingan niya talaga at tinaasan ang scores para sanggain si Ning Xi. Kung tama ang pagkakaalala niya, ito ang unang beses na nakakuha siya ng ganito kataas na scores.
Nagdilim ang mukha ni Mo Lingtian nang mapag-isipan niya ang nangyari habang nakatingin sa babaeng may hawak ng baril. Kahit gustong ipares ng mga tao sina Guan Ziyao at Lu Tingxiao, kilala niya sila pareho at alam niyang hanggang magkaibigan lang sila.
Pero hindi siya sigurado ngayong bumalik na si Guan Ziyao.
Ang kinikilos ni Guan Ziyao ngayon ay parang bumabagay sa sinasabing suhestiyon ng lahat...
"Ziyao, ang galing mo!"
"Paano mo nagawa 'yun? Iba ka!"
Namangha ang lahat sa kanyang marksmanship. Tinignan nila si Ning Xi at inaasam na ipapahiya niya ang sarili niya mamaya. Paano naman niya iyon matatalo?
Lumapit si Lu Xinyan sa kanya na parang nanalong tandang, pinapalaki pa ni

Latest Updates