Not your preferred language? Here to Choose your language.
Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) PSL

Author: Jiong Jiong You Yao

4.66 (867 ratings)

561 Ang assessment ng punong kapitan 4yr

Translator: - -Editor: - -

Umaga na sa competition grounds ng Si family.
Maliban sa ilang mataas na miyembro ng Si family, maagang rin na dumating si Xu Yi na competition grounds.
Sa tuwing mayroon silang Dark Team bodyguard competition, kasama si Xu Yi sa mga hukom pero dahil iniba ang punong kapitan, kasama si Liu Ying at ang ibang mataas na miyembro ng Si family, bilang hukom sa kompetisyon at gayundin si Xu Yi.
Puno ng tao ang competition grounds sa oras na iyon. Maliban sa mga bodyguards na wala dahil may mga misyon sila, ang ibang mga bodyguards ay kasama pa rin doon.
Hindi nagtagal at dumating na rin si Eleven habang kasama niya ang mga miyembro ng Dark Team 1.
Maraming lider at mga tagataguyod ni Liu Ying ay nakakatakot na ngumiti lalo na't nakita nilang katabi ni Eleven si Ye Wan Wan. Kitang-kita ang galit na namumuo sa kanilang mga mata.
"Ha… nababaliw na si Eleven sa kakaisip tungkol sa posisyon niyang punong kapitan. Kumuha pa siya ng babae bilang guro niya sa pagsasanay."
"Kapag nagtagal sa iisang posisyon, malamang, ayaw mong agawin at mawala lamang ito sa iyo, ngunit ang kakayahan niya ay wala, kumpara sa kakayahan ng iba. Pinaka-mahina ang Dark Team 1 kumpara sa ibang mga lider ng ib

Latest Updates