Not your preferred language? Here to Choose your language.
Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) PSL

Author: Jiong Jiong You Yao

4.66 (867 ratings)

574 Kinakaya kaya ni 9th master? 4yr

Translator: - -Editor: - -

Sa oras na ito, tuliro na nakatayo ang lahat ng bodyguards at ayaw nilang gumawa ng kahit anong ingay, kahit ang simpleng hinga ay ayaw nilang gawin.
May isang tao na nasa ilalim na ring ay napalunok ng malakas "gu lu."
Ah… anong… anong nangyayari…?
Para siyang pinakawalan na mabagsik na aso; walang nakakaalam kung anong nangyari...
*Smash——*
Nasira na rin ang pang-anim na poste pagkatapos ng 20 minutos.
Umiikot ang utak ni Yuan Sheng. Nawala na ang kanyang malay tao dahil bugbog sarado siya kay Ye Wan Wan at binalot siya ng takot nang mapanood niya ang isang malupit na nilalang ang naglalakad patungo sa kanya. Mabilis siyang gumapang palayo sa nilalang na iyon.
Paano ito nangyari...
Paano ito nangyari?!
Demonyo ang babaeng ito - kahit anong atake ang gawin niya, alam niya ang bawat galaw na gagawin ni Yuan Sheng bago niya pa gawin ito. Nakakatakot pa ay ang bilis niyang gumalaw - hindi niya binigyan ng panahon si Yuan Sheng na isipin ang susunod niyang atake dahil sa sobrang bilis ni Ye Wan Wan.
Akala ko ba marunong lang siyang dumepensa at hindi niya kayang umatake, kung ibabase lang sa laban namin ni Eleven kanina? Paano...
"Ah——" *Pow!*
Kalahati pa lam

Latest Updates