Not your preferred language? Here to Choose your language.
Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) PSL

Author: Jiong Jiong You Yao

4.66 (867 ratings)

579 Hindi matakasan ang pagpapakilala sa magulang 4yr

Translator: - -Editor: - -

Ito man ay isang maliit na pagbabago lamang, natuwa pa rin siya dahil sa pangyayari na ito.
Sa magulong mundo ng unang buhay niya, naligaw siya sa landas at hindi tinanggap ng lahat ang mga ginawa niya noon. Parang isa siyang walang kwentang lokarit na sumusuhol para sa ibang mga tao. Napakapangit ng karanasan niya noon.
Noon, wala siyang magawa kundi lakarin ang landas kung saan man siya dadalhin ng kapalaran pero ngayon, iba na ang nararamdaman niya.
Siguro...
Hindi naman pala nakakatakot na nanatili ako sa tabi ni Si Ye Han...
"Miss Wan Wan, gawin mo yung pinangako mo sa amin ha!" nagalak ang lahat kay Ye Wan Wan.
Pagkatapos ay may nagyaya, "Tara inom tayo, bilang selebrasyon na rin!"
"Hahaha, sige ba! Ngayong gabi, iinom tayo hanggang sa ma-lasing!"
Dali-daling pinuntahan ni Bulol si Ye Wan Wan at nag-imbita: "Ggg-guro… ssama… ka sa amin… uminom…"
Nagtanong si Ye Wan Wan, "Iinom kayo?"
Biglang nanahimik ang lahat ng marinig nila ang usapan nila Bulok at Ye Wan Wan, nawala rin bigla ang kasiyahan nila.
Matapos ang tatlong segundo, may ilang mga matitipunong lalaki ang humila kay Bulol sa gilid at sinabi, "Sinong nagsabi na iinom kami?! 'Wag kang magsalita ng

Latest Updates