Not your preferred language? Here to Choose your language.
King of Gods (Tagalog)

King of Gods (Tagalog) KOG

Author: Fast Food Restaurant

4.61 (626 ratings)

514 Isang Atake Para Makatalo ng Napakahusay na Prodigy 4yr

Translator: LiberReveriePHEditor: LiberReveriePH

Nanlalaki ang mga mata ng mga henyong True Dragon at mayroon silang gulat na ekspresyon sa mga mukha nila.
Ganoon na lang ba natapos ang laban nila Zhao Feng at Tuoba Qi?
Hindi man lang ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye-bloodline o kahit man gumanti sa tagapagmana ng Tuoba family.
Nang hindi umaatake, napasuko agad ni Zhao Feng si Tuoba Qi.
"Sa paghula ng magiging atake ng eye-bloodline ko, balewala lang ang Heavenly Piercing Eye ko sa kaniya."
Huminga ng malalim si Tuoba Qi bago umalis.
Walang punto sa pakikipaglaban kung kaya rin ni Zhao Feng na iwasan ang atake ng Heavenly Piercing Eye.
"Kung ibibilang ang Sacred True Dragon Gathering, dalawa na sa tatlong nangungunang eye-bloodline ang natalo niya."
"Tanging ang Golden Sun family na lamang ang hindi pa natatalo ni Zhao Feng."
"Ang ibig sabihin ba nito, kapag natalo niya ang Three Eyed Saint…?"
Nagsimulang mag-usap-usap ang mga manonood.
Natalo na ni Zhao Feng ang ghost-eyed man sa Sacred True Gathering. Ngayon, natalo naman ni Zhao Feng si Tuoba Qi. Ang naiwan na lamang dito ay ang pinakamalakas na eye-bloodline family.
Mataas ang ekspektasyon ng mga henyong True Dragon.
Hindi pwedeng maisip na maiiwasan ang

Latest Updates