Not your preferred language? Here to Choose your language.
King of Gods (Tagalog)

King of Gods (Tagalog) KOG

Author: Fast Food Restaurant

4.61 (626 ratings)

1182 Pagnakaw sa mga Tail Feathers 3yr

Translator: LiberReveriePHEditor: LiberReveriePH

Nakakaakit na mga liwanag na bawat kulay ang bumalot sa tatlong mga lugar na pinaglalabanan. Ang tatlong mga grupo ay pumuwersa sa harapan nang magkakasabay at nakipaglaban sa mga Phoenix-Tailed Birds. Sa pag-aasam ng malaking kayamanang nasa harapan nila, sumabog ang potensyal ng bawat isa. Gaya nito, mayroong isang malaking bilang ng mga Quasi-Gods sa mga grupo. Sila ay napakatalentado, kaya't ang pagtaas ng kanilang lakas ang namumukodtangi.
"Atake! Ang pugad ng phoenix ay nasa harapan na natin!"
"May nakikita akong mga Golden Essence Fruits, Sky Lotus Dark Green Grass…"
Ang mga Divine Senses ng mga pangunahing umaatake ay marahang pumasok sa pugad ng phoenix at nakakita sila ng napakaraming mga cultivation resources na halos ikabaliw nila.
Si Zhao Feng ay nasa pinakalikuran ng grupo. Wala siyang problema sa pagharap sa mga mas mahihinang Phoenix-Tailed Birds.
Kumpara sa mga nasa harapan, walang kahit anong panganib para sa mga taong nasa likod ng grupo, subalit silang mga nasa

Latest Updates