Not your preferred language? Here to Choose your language.
Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog)

Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) GDBBM

Author: North Night

4.52 (1,016 ratings)

1539 Lason sa Academy (2) 3yr

Translator: - -Editor: - -

Nahahati sa apat na faculty ang Cloudy Brook Academy. Iyon ay ang spirit power, Ring Spirit, Healer at Innate Gift pareho sa kategorya ng Battle of Deities Grand Meet. Bukod sa content ng bawat faculty, mayroon ding combined content na ginagawa ng lahat ng disipulo.
Lahat ng faculty ay may pare-parehong uniporme tanging ang tag sa kanilang dibdib lang ang nag-iiba.
Sa Innate Gift faculty napunta si Jun Wu Xie at ang bilang ng mga disipulong naroon ay kaunti lang. Sila ang may pinaka-kumplikadong uri ng mga disipulo. Sa faculty na ito ay nahahati sila sa magkakaibang lahi kung saan sila ay tuturuan base sa kung saang lahi sila nagmula.
At pagdating kay Jun Wu Xiie...
Nag-iiba ang pangyayari.
"Panginoon, anong gagawin natin kay Jun Wu? Saan po natin siya ilalagay?" Tanong ni Tian Ze habang nakatayo sa opisina ng matanda. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
Ang ibang mga kabataan ay nahati-hati na ayon sa kanilang lahing pinagmulan at nagsisimula nang turuan. Tanging si Jun Wu Xie na lang ang natitira.
Si Jun Wu Xie ay nagmula sa "Spirit Mastery Race", ang nag-iisang tao na mula sa Spirit Mastery Race sa Middle Realm. Hindi alam ng Cloudy Brook Academy kung ano ang espesyal na

Latest Updates