Not your preferred language? Here to Choose your language.
Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog)

Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) GDBBM

Author: North Night

4.52 (1,016 ratings)

1540 Lason sa Academy (3) 3yr

Translator: - -Editor: - -

"Waning Moon Chambers?!"
"Panginoon! Nagbibiro ka lang, hindi ba?" Naguguluhan si Tian Ze sa nangyayari.
[Ang papuntahin si Jun Wu sa Waning Moon Chambers, ibig sabihin noon ay...ang taong iyon ang magtuturo sa kaniya?]
Umangat ang isang kilay ng matandang lalaki. "Ano? Tingin mo ba ay hindi iyon tama?"
Hindi na maipinta ang mukha ni Tian Ze sa mga oras na iyon. [Hindi tama? Malamang hindi talaga iyon tama!]
[Ang taong iyon ang kinatatakutan ng Cloudy Brook Academy! Kung hahayaan nila si Jun Wu sa kamay nito...walang magandang mangyayari! Hindi nagpapakita ang Panginoon ng pagpabor kay Jun Wu pero tila gusto niya atang mamatay ang batang ito!]
"Pero ang ugali ng taong iyon..." Nag-aalala na si Tian Ze. Nararamdaman niyang mabait na bata si Jun Wu. Hindi ito madaldal at kalmado lang lagi. Kung alam niya lang kung paano turuan ang bata ay kinuha na sana niya iyon. Napakamasunurin nito at mabait, bakit nagmamatigas ngayon ang kaniyang Panginoon?!
Ikinumpas ng matandang lalaki ang kaniyang kamay para paalisin na si Tian Ze. "Huwag kang masyadong mag-alala, sa buong Cloudy Brook Academy, tanging siya lang ang may kakayahang turuan si Jun Wu. Sundin mo na lang ang utos ko at ipada

Latest Updates