Not your preferred language? Here to Choose your language.
Library of Heaven's Path (Tagalog)

Library of Heaven's Path (Tagalog) LOPH

Author: Heng Sao Tian Ya

4.08 (321 ratings)

721 Ikaw si Zhang shi? 4yr

Translator: LiberReveriePHEditor: LiberReveriePH

Nagtanong ako ng solusyon sa problema ko, bakit ngayon tinatanong mo ako tungkol kay Pavilion Master Teacher Kang?
Ngunit kahit naguguluhan na si Court Chief Wu, dahil sa marahil ay may kinalaman ito sa pagpapagaling ng kaniyang karamdaman, sumagot siya ng walang alinglangan, "Matagal na kaming magkakilala ni Pavilion Master Kang, kaya masasabing pamilyar na kami sa isa't isa."
Sa isang tabi, si Kang Gan naman ay naguguluhan na. Wala siyang ideya sa kung ano ang iniisip ni Zhang shi.
"Dahil sa pamilyar na kayo sa isa't isa, mapapadali lang nito ang lahat!"
Nang may malaking ngiti sa kaniyang mukha, nagpatuloy si Zhang Xuan, "Ang aming Pavilion Master ay isang matuwid at tapat na tao. Bukod pa dun, isa siyang master teacher, kaya maganda ang kaniyang kinabukasan. Ang pinaka importante... ang kaniyang itsura ay higit sa nakakarami."
Habang nagsasalita si Zhang Xuan, lalong naguguluhan si Court Chief Wu. Gulong-gulong nagtanong siya, "Si Pavilion Master Kang ay isang ngang tunay na m

Latest Updates