Not your preferred language? Here to Choose your language.
Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog)

Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) BTNHH

Author: Ye Fei Ye

4.58 (1,468 ratings)

544 Labintatlong taon kitang minahal (15) 4yr

Translator: - -Editor: DarkGem

Pagkatapos niyang magsalita, napatingin siya sa nakabukas na pintuan at nakita niya ang namumutlang mukha ni Qiao Anhao na nakatayo lang sa labas. Agad niyang itinikom ang kanyang bibig at hindi niya maialis ang kanyang tingin dito. 
"Lu Jinnian, ipagdasal mo nalang na walang masamang mangyari sa nanay ko. Dahil kapag may nangyari sakanya, siguradong lagot ka sa akin!"
Medyo kinabahan si Qiao Anhao nang makatapat niya na si Xu Jiamu. Malinaw na si Lu Jinnian ang nanakit dito pero pakiramdam niya ay siya may gawa ng lahat. Nagalala siyang nagsalita, "Brother Jiamu."
Binagalan ni Xu Jiamu ang kanyang lakad nang marinig niya ang boses ni Qiao Anhao, pero hindi siya huminto at nilagpasan niya lang ito.
Dali daling hinabol ni Qiao Anhao si Jiamu at hinatak ang manggas ng damit nito. "Brother Jiamu, wag ka namang magalit…"
Masyadong mabilis maglakad si Xu Jiamu. Hindi siya nagsasalita at halatang galit na galit pa rin ang kanyang itsura. May gusto sana siyang sabihin kay Qiao Anhao pero sa mga oras na ito, wala siya sa mood para magsalita. Bandang huli, para tumigil ang kanyang kaibigan, tumungo nalang siya at inalis ang kamay nito na nakahawak sakanyang manggas. Dumiretso siya s

Latest Updates