Not your preferred language? Here to Choose your language.
Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog)

Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog) BTNHH

Author: Ye Fei Ye

4.58 (1,468 ratings)

545 Labintatlong taon kitang minahal (16) 4yr

Translator: - -Editor: DarkGem

Sa pagkakataong ito, isang salita lang ang sinagot ni Lu Jinnian. Walang paligoy ligoy at pagaalinlangan siyang sumagot ng "Oo."
Umaasa si Qiao Anhao na itatanggi ni Lu Jinnian ang mga pagdududa niya. Kung sasabihin nito sakanya na hindi ito ang gumawa ng lahat, handa siyang paniwalaan ito at balewalain ang mga narinig niya kay Xu Jiamu kanina. Kung itatanggi lang ni Lu Jinnian ang akusasyon, magpapanggap siyang walang alam kahit na magkalat pa sa mga balita na sinabotahe nito ang Xu Enterprise. Pero, hindi, dahil sa tatlong beses siyang nagtanong, tatlong beses din itong umamin. Higit sa lahat, nanatili pa itong kalmado na para bang pinapalabas nito na tama lang ang mga ginawa nito.
Alam niya na may nanabotahe sa Xu Enterprise, pero kahit kailan hindi niya naisip na si maaring si Lu Jinnian ang taong 'yun.
Wala siya masyadong alam tungkol sa pagkatao ni Lu Jinnian, bukod sa hindi ito tunay na anak ng mga Xu na kahit kailan ay hindi matatanggap ng pamilya. Lumaki ito kasama lang ang nanay nito habang kinamumuhian nina Xu Wanli at Han Ruchu. 
Kahit na anak din naman ito ng mga Xu, hindi niya alam ang dahilan kung bakit hindi ito pwedeng maging parte ng Xu Enterprise. Sa pagkak

Latest Updates