Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

129 Kainin kita 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Wala." Iniwas ni Huo Mian ang kanyang ulo habang nanginginig ang boses niya.
Itinaas ni Qin Chu ang braso niya para punasan ang mga luha niya, pero mabillis na ibinaba ni Huo Mian ang braso niya na may IV.
"Huwag mo igalaw ang braso mo, baka magbackflow ang dugo mo."
"Okay." Medyo ngumiti si Qin Chu at hindi na nagsalita pa.
"Oo nga pala, binalik mo na ba sa dati ang oras ng pagtatrabaho ng mga empleyado mo?" Biglang sumagi ito sa utak ni Huo Mian.
"Oo."
"Talaga?" Tanong ni Huo Mian.
"Kung ayaw mo maniwala, ikaw mismo ang tumingin." Inilabas ni Qin Chu ang kanyang phone at ipinakita kay Huo Mian ang live na cctv footage ng kumpanya.
Nakahinga nang maluwag si Huo Mian pagkakita na bumalik na sa normal na pasok ang mga empleyado.
"Dito ka lang sa bahay at magpahinga. Huwag ka pumasok."
"Okay lang ako. Aalis na rin ako pagkatapos nitong IV."
"Hindi, dito ka lang sa bahay," utos ni Huo Mian.
"Edi sasamahan mo ako dito?" Tanong ni Qin Chu.
Medyo nahiya si Huo Mian, kaya hindi

Latest Updates