Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

135 Midnight Snack 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Bakit ka andito sa ospital?" Lumapit si Huo Mian kay Qin Chu, puno ng pagkagulat ang kanyang mukha.
"Midnight snack." Hindi direktang sinagot ni QIn Chu ang tanong ni Huo Mian, sa halip, pinakita niya ang take-out sa kamay niya.
Ngayong nabanggit niya ito, medyo nakaramdam ng gutom si Huo Mian. Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at pinagod ang sarili niya.
"Salamat." Ang pagtanggi ay naging pagtanggap pagkatapos mapag-isipan.
Kaagad ibinigay ni Huo Mian ang kalahati ng takeout kay Huang Yue at napagtanto niya na bumili si Qin Chu ng napakalaking bahagi..
"Salamat, Ate Mian," sabi ni Huang Yue, at pagkatapos, bumulong siya kay Huo Mian, "Mian, sino siya? Ang gwapo niya."
"Kaibigan." Hininaan ni Huo Mian ang boses niya at bumulong pabalik.
"Hindi ako naniniwala. Bakit magdadala ang isang kaibigan ng merienda sa gitna ng gabi? Ha, hindi ko na kayo iistorbohin, bye!" Kinuha ni Huang Yue ang pagkain at naglakad papunta sa opisina.
Sila Qin Chu at Huo Mian nalang ang tangin

Latest Updates