Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

136 Pagkagusto sa Isang Tao 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Dahil ang pangarap mo ay mag-aral ng medicine," sabi ni Qin Chu, pinupunto ang bawat salita.
Nagulat si Huo Mian sa kanyang narinig…
Hindi siya makapaniwala na ginugol ni Qin Chu ang pitong taon niya sa pag-aaral ng medicine sa United States para lang tuparin ang pangarap niya.
Ibig sabihin, kahit naghiwalay na sila, ginagawa pa rin niya ang mga bagay na may kinalaman sa kanya.
Ginawa niya ito sa loob ng pitong taon… may pinatunguhan nga ba ito?
Walang masabi si Huo Mian, pero ang mga luha ay nagningning mula sa kanyang mga mata…
Naalala pa niya, noong sila pa, seven years ago, ang paksa ng isa sa kanilang mga klase sa Chinese ay "Makalipas ang Sampung Taong".
Inutusan ng guro na pumunta ang lahat ng estudyante sa podium at isipin kung ano ang magiging propesyon nila makalipas ang sampung taon.
Ang paggawa nito ay nakapagbigay inspirasyon sa mga kabataan para ipagpatuloy ang mga pangarap nila at magpursige sa loob ng sampung taon para makamit ang mga ito.
Ang isang guro sa Un

Latest Updates