Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

140 Gulo 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Director, masyadong mataas ang tingin mo sakin. Hindi naman talaga ito sayang, masaya na ako na nahanap ko na ang lugar ko sa buhay ko. Nakakapagod ang buhay ng mga doktor, madamot ako at ayokong matense katulad nila." Ngumiti ulit si Huo Mian.
Nakahinga ng maluwag si Huo Mian pagkatapos malaman na hindi bumaba ang tingin sa kanya ni Director Wu dahil sa mga sinabi ni Wu Xiaoxue.
Ang ibig sabihin nito, isa siyang patas at makatwirang tao.
"Sige, kung iyan ang iyong desisyon, hindi kita pipilitin. Magreport ka na sa laboratory, simula ngayong araw, hindi ka na magtatrabaho sa OB/GYN department."
"Salamat, Director Wu."
Mas gumaan na ang pakiramdam ni Huo Mian pagkalabas niya ng director's office.
Ngunit, medyo malungkot siya dahil iiwan niya ang head nurse at ang OB/GYN department.
Bago pa makabalik si Huo Mian, nagpadala ng dalawang anunsyo ang director's office.
Una, ang dalawang nurse mula sa OB/GYN department, si Huang Yue at Huo Mian, ay nilabag ang patakaran ng ospital at

Latest Updates