Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

141 Paglipat 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Tama ka."
"Ayoko, gusto ko siya makita. Kailangan ako mismo ang magtanong sa kanya!" Pagpupumilit ni Wu Xiaoxue, ayaw niya kasing sumuko.
Sa huli, kailangan pa siya buhatin ni Ning Zhiyuan palayo sa director's office. Masyado ring nakakahiya ang eksenang ginagawa niya.
Pagkakuha nila Huo Mian at Huang Yue ng mga gamit nila at paalis na, ang mga katrabaho nila mula sa OB/GYN department ay nagkumpulan sa may pintuan para magpaalam sa kanila. Tahimik na hinila ni Department Chief Wang ang manggas ni Huo Mian, "Good job kagabi, perpekto ang pagkakasagawa sa surgery."
"Salamat, Chief Wang," ngumiti si Huo Mian.
"Kung may oras ka, gusto kita ilibre ng hapunan para mapag-usapan natin ito ng mas detalyado."
"Um…" Nagulat si Huo Mian, si Chief Wang, ay kilala para sa kanyang kamangha-manghang kakayahan sa pag-oopera, at ngayon niyaya siya nito maghapunan para pag-usapan ang mga paraan ng pag-oopera."
"Huo Mian, dito ka lang muna. Pagkatapos kumalma ng insidenteng ito, tatanungin ko ulit

Latest Updates