Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

145 Dalamhati 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Ako… sa tingin ko nasa may Rainbow Bridge ako." Halos mabiyak ang boses ni Zhu Lingling. Masasabi ni Huo Mian - na hindi lang sobrang lungkot nito, lasing din ito at hindi makapagsalita ng maayos.
"Diyan ka lang, pupuntahan kita ngayon," ibinaba ni Huo Mian ang phone at tumalon. Kinuha niya ang jacket niya sa sabitan sa may sala.
"Anong problema?" Napansin ni Qin Chu ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"May nangyari kay Lingling, titingnan ko ang kalagayan niya."
"Ipagmamaneho kita."
"Hindi, ayos lang…" alam ni Huo Mian na pagod mula sa trabaho si Qin Chu kaya ayaw niya itong abalahin at plano niyang sumakay nalang sa taxi.
Ngunit bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, nagsuot na si Qin Chu ng jacket, kinuha ang susi ng kotse at lumabas na ng pinto.
Maasahan talaga siya…
Wala masyadong trapik ng mga oras na yun, at mabilis magmaneho si Qin Chu kaya inabot lang sila ng limampung minuto para makarating sa Rainbow Bridge.
May nakita siyang pamilyar na anino sa may tulay mula s

Latest Updates