Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

150 Pangingikil 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Stupida, ayusin mo ang pananalita mo. Hindi ka namin kikikilan, ang hinihingi lang namin ay panagutan mo ito. Hindi mo ba alam na isa itong medical malpractice? Hindi lang ikaw ang responsable dito, responsibilidad din ito ng ospital. Kumonsulta na rin kami sa abogado."
"Ha, sino kaya ang nagturo sa inyo." Sa isang tingin lang ni Huo Mian, masasabi niyang walang alam ang mga ito sa sitwasyon. Ang pasyente at ang anak nito ay nagiging maayos na ang kalagayan, pero bakit nandito sila at gumagawa ng eksena. Siguradong may nagbigay sa kanila ng ideyang gawin ito.
Kagaya ng inaasahan, pagkatapos magtanong ni Huo Mian, ay biglang nagbago ang expression ng mukha ng lider ng grupo, ang sinasabing kapatid daw pasyente.
"Anong sinasabi mong " may nagturo"? Hindi ganoon yun. Sumama ang pakiramdam ng kapatid ko, kaya gusto kong makausap ang surgeon niya tungkol dito, pero wala ni isa sa mga doktor sa OB/GYN department ang umako sa pagsagawa ng surgery. Pero sa wakas, sinabi nila na ang babaeng

Latest Updates