Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

168 Pagkakaayos ng mga Gusot 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Hindi, ayos lang. Matagal na akong nakatira dito kaya sanay na ako. Ayoko ng lumipat sa ibang lugar, dahil pamilyar na rin ako sa mga kapitbahay natin dito. Medyo may pagka-tsismosa lang naman sila pero hindi sila masamang tao. Malaki rin ang naitulong nila sa ating tatlo simula ng mawala ang Uncle Jing nyo. Gusto ko dito. Bisitahin nyo nalang kami nang madalas kapag nagkaroon na kayo ng pamilya ni Zhixin. Kung hindi naman na kayo makakabisita, atleast hindi ako mababagot dito."
Mukhang nagpaubaya na si Yang Meirong…
"Mama..sorry." Napayuko na lang si Huo Mian dahil sa pagkakonsensya.
"Huwag mo ng isipin yun. Hindi kita masisisi sa nangyari noon. Noong mga nakaraang araw, pumunta ako sa templo para magsindi ng insenso at makinig sa sa isang monghe tungkol sa mga Buddhist Scriptures. Hindi ko maintindihan ang mga malalalim na salitang sinasabi nya, pero naintindihan ko ang sinabi nyang 'hangga't nabubuhay ang ang tao dito sa mundo, ang lahat ng bagay ay siklo ng sanhi at bunga'. Ang

Latest Updates