Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

178 Paghingi ng Awa 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Sige po sir."
Tumango ang lalaking nasa likod ni Qin Chu at tsaka inilabas ang makapal na mga dokumento sa lamesa na galing sa briefcase nito, "Si Ms. Huo Mian, ang asawa ng client ko, ay itinulak mo sa harapan ng ospital kaya ito nagkaroon ng injury sa ulo.."
"Gasgas lang naman iyon, kaya huwag nyo na akong sisihin. Napasuri na rin niya ito sa ospital at wala namang mali sa kanya. Kahit ang mga pulis ay alam yan," mabilis na paliwanag ng lalaki.
Nagpatuloy si Mr. Song, "Patapusin mo muna ako. Wala namang sinabi ang mga pulis tungkol dito, pero ang kliyente ko ay kumuha ng malaking halagang insurance para kay Huo Mian noong nakaraang buwan, at ang insurance na ito ay nakadepende sa iba't ibang parteng ng katawan niya. Limampung milyon ang insurance sa ulo ni Huo Mian, kaya ang ibig sabihin nito kapag nasugatan si Huo Mian ng dahil sa tao o natural na insidente, magbabayad pa rin ang insurance company para dito."
"Edi pagbayarin ninyo ang insurance company." Nagsimula mag-alala ang

Latest Updates