Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

183 Lasing 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Dahil sa insidenteng ito, wala akong mukhang maihaharap sa inyo para manatili pa dito kahit na payagan ako ng director. Pero, ayoko mailipat sa ibang ospital dahil ang mabait na boss katulad ni Director Wu ay mahirap mahanap. Si Director Wu pa rin ang in charge sa South side, kaya binanggit ko ito sa kanya. Umayaw siya nung una dahil sa tingin niya hindi ko kaya ang stress doon, pero pagkakita sa pagkadeterminado ko, pumayag siya."
"Pero hindi mo ito kailangan gawin sa sarili mo. Kung ayaw mo manatili sa lokasyon na ito, bakit hindi ka nalang magpalipat sa West Side Infertility Clinic? Narinig kong hiring din sila," nirekomenda ni Huang Yue.
Iwinagayway ni Huo Mian ang kanyang mga kamay kaagad, "Noong nagtatrabaho pa ako sa OB/GYN Department, pagod ako, pero ang puso ko ay panatag dahil tumutulong tayo sa pagdadala ng mga bagong silang sa mundong ito araw-araw. Mamamatay nalang ako kaysa magtrabaho sa West Side! Sa tuwing makikita ko ang mga mag-asawa na may problema sa pagkakaroon

Latest Updates