Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

244 Pakitang-gilas 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Hindi ko alam. Sino ba naman kasi ang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap… pero sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ko na magkakasama kami ni Qin Chu ulit, at matutuwa sa simpleng buhay namin ngayon. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa hinaharap, at kung ano ang haharapin namin. Kaya lang namin humakbang ng paisa-isa."
"Sige, edi hindi ka na mag-iisip ng mga walang katuturang bagay."
"Ikaw, kamusta ka na? Nakapagmove-on ka na ba sa hiwalayan niyo?"
"May bago na naman akong karelasyon, yay!" Nagmamalaking inanunsyo ni Zhu Lingling.
"Sige, ikaw na panalo."
"Hindi mo pa ba naririnig ang kasabihan? 'Ang pinakamagandang paraan para makamove-on sa isang relasyon ay isang bagong relasyon'."
"So sino ang bago mong lalaki?" Iniisip ni Huo Mian na dahil flight attendant ang trabaho ni Lingling, maraming tao ang maaakit o kung ano man sa uniporme niya, kaya magiging mahigpit ang karelasyon niya sa trabaho niya.
Idagdag pa rito, maganda ang mga featuresni Zhu Lingling kaya naman, madam

Latest Updates