Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

248 Pagbibigay Respeto 4yr

Translator: - -Editor: - -

Si Qin Chu ang nagmaneho at dumating silang dalawa sa ospital sa loob ng 5 minuto.
Dahil walang kailangan na sayanging oras, kaagad siyang nagpalit at nagsuot ng surgical gown at pumasok sa operating room.
Sobrang tuwang-tuwa ang chief surgeon dahil nakita niya si Huo Mian. Sinabi niya, "Huo Mian, sa wakas, andito ka na."
"Ibigay mo ito sa akin." Kinuha ni Huo Mian ang scalpel at nakinig sa pagpapaliwanag ng doktor tungkol sa sitwasyon ng pasyente habang siya ay nagbabasa ng chart nito.
Mas lalong mahirap ang sitwasyon ni Wu Xiaoxue kaysa sa buntis na pasyenteng sinagip ni Huo Mian dati.
Malapit na manganak ang babaeng ito, kaya pwede ng isagawa ang C-section kaagad, pero ang anak ni Wu Xiaoxue ay hindi tataas sa apat na buwan.
Kung pipilitin nilang ilabas ang bata, hindi nila masasalba ito. Pero kung hindi naman nila gagawin ito, mas lalong magiging kumplikado ang operasyon dahil ang dami nilang kailangan na gamiting gamot sa buong proseso.
"Anong kailangan nating gawin. Tumawa

Latest Updates