Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

250 Crush 4yr

Translator: - -Editor: - -

Kaagad tumahimik si Su Yu, at sinunod ito. Minsan nga naiisip niya kung si Huo Mian ba ay ipinadala sa earth para gawing impyerno ang buhay niya.
Bakit kaya niyang pitikin at paalisin ang ibang mga babae, pero nawawala lahat ng galit niya kapag nasa harap niya ito?
Dinroga ba siya nito? O kaya naman, siguro ginawan siya ng orasyon ng babaeng ito? Hinila ni Huo MIan ang upuan at umupo sa tabi ng kama niya, naghihintay na tanggalin ang thermometer niya.
Pasulyap-sulyap si Su Yu sa kanya...
Nakayuko si Huo Mian, at masipag na sumusulat ng report.
Dinampot ni Su Yu ang kanyang phone, tahimik na binuksan ang kanyang camera, at pinatay ang tunog ng shutter.
"Huo Mian."
"Mhm?" Tumingala si Huo Mian ng hindi nag-iisip.
Palihim niyang kinunan ng litrato ito; madilim sa labas, kaya hindi maganda ang ilaw at medyo malabo ang litrato.
Ngunit, kitang-kita pa rin dito ang kanyang mga magagandang parte.
Hindi maganda ang paningin ni Huo Mian kapag gabi, kaya lagi itong nagsusuot ng itim na

Latest Updates