Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

251 Regalo 4yr

Translator: - -Editor: - -

Ang matamis na amoy ng kanyang mga daliri ay tinutukso si Su Yu na halikan ang mga ito.
Pero, alam niya ang palaban na ugali ni Huo Mian at paniguradong puputulin nito ang kamay niya.
Kaya pagkatapos ng kaunting pagpipigil, nakapagdesisyon siyang huwag ng isipin ito…
"Wala ka ng lagnat, malusog ka palang lalaki."
"Syempre, ako pa! Nasa special forces ako ng ilang taon. Masyado mo naman akong minamaliit, hindi ba?"
Hindi na sumagot si Huo Mian, pagkatapos mag-ayos, tumayo na ito para umalis.
"Hoy, hoy, aalis ka na?"
"Bumaba na ang temperatura mo, kaya naman ang kailangan mo nalang ngayon ay matulog."
"Pero ako ay… medyo gutom," sabi ni Su Yu habang hinihimas ang kanyang tiyan.
Naawang tumingin si Huo Mian dito at pagkatapos, pumunta siya sa kusina at nakita na puro seafood nalang ang natira.
"Ang lagnat ay resulta ng lamig sa katawan. Wala ng seafood sa mga susunod na araw, kahit pa seafood congee. Kailangan mo kumain ng hindi mamantika at hindi maaalat na pagkain."
"Pagkatap

Latest Updates