Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

252 Genie 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Bakit?"
"Iniisip ko kasi kung kaya kitang tulungan na mangyari iyon."
"Genie ka ba? Kailangan ko ba kuskusin ang lampara o ang kung ano? Bakit sa tingin mo kaya mong tuparin ang hiling ng mga iba?"
"Huwag mo akong minamaliit, ang apelyido ko ay 'Su' aroganteng sabi ni Su Yu."
Hindi siya nagbubuhat ng bangko. Gamit ang apelyido niya, kaya niyang gawin ang kahit ano sa C City.
"Ikakamatay mo ba kapag hindi ka nagyabang ng kahit isang araw?"
"Ikaw ang unang nagsabi niyan. Ano, dali na, ano ang hiling mo?"
"Kaya mo bang iprinta ang mukha ko sa mga pera?"
"..."
"Kaya mo bang isabit ang litrato ko kasama si Chairman Mao sa Tiananmen Square?"
Walang masabi si Su Yu.
"..."
"Pwede mo bang tanungin ang soccer player na si Aubameyang na ngumiti sakin na kita ang kanyang walong ngipin?"
"..."
"Ano, hindi mo nga matupad ang tatlo kong hiling. Bago ka magbuhat ng bangko, siguraduhin mo muna kung kaya mo." Tinapik ni Huo Mian si Su Yu sa balikat at lumabas ng kwarto.
Seryosong inisip

Latest Updates