Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

254 Ampao 4yr

Translator: - -Editor: - -

"Hindi ako ganun kalapit kay Su Yu para tumanggap ng nagkakahalaga ng maraming milyon."
Nagsasabi lang naman ng totoo si Huo Mian. Kung bibigyan siya ni Su Yu ng isang gatas o cookies ay kaagad niya itong tatanggapin. Ngunit, binigyan siya nito ng kotseng nagkakahalaga ng mahigit 10 million yuan. Hindi siya tatanggap ng isang bagay na hindi niya pinagtrabuhan. Bakit naman?
"Hangal ka ba? Ang pagiging mapagbigay ni Young Master Su ay nagpapakita na may gusto siya sayo. Kunin mo ang oportunidad na ito para makaangat. Kapag naikama ka na niya, mas mahal ang mga regalong matatanggap mo. Alam mo ba kung gaano karaming babae dito sa ospital ang pinapangarap ito?"
"Wala akong pakialam sa iniisip ng iba, at ayokong gawin yan. Una, may boyfriend ako at wala akong gagawin na kahit ano para traydurin siya. Pangalawa, walang mangyayari sa aming dalawa ni Su Yu. Seryoso kong iniisip na dapat sa simula palang ay tinatapos na ito, at ayoko ng may kumalat na chismis. Kapag nalaman ito ng director,

Latest Updates